IPOY

425 19 6
  • Dedicated kay Hiro (yung biscuit)
                                    

IPOY
sweetblues025

Malayo ka palang alam naming ika'y paparating na
Paano ba naman, ang boses mo'y dumadagundong pa
Kumakanta ng mga love song na makaluma
At ako nama'y sumasabay-sabay pa


Madalas ka man nilang hindi maintindihan
Dahil ang boses mo ay hindi magawang hinaan
Nandito pa rin kami kapag iyong kailangan
Kahit hindi sabihin kami'y ginagawa mong sumbungan


Kapag may problema puwede kang lapitan
Dahil ikaw ay Hero na para na ring kapitan
Kahit na minsan ikaw ay magaling sa laitan
Alam naman naming, lagi kang nandiyan

***************

kamusta na tsong? Sana'y iyong magustuhan ang aking nakayanan, na walang ibang laman kundi puro ka-corny-han

^____^

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon