ONEK

397 21 19
                                    

ONEK
sweetblues025


Nagtataka ako kung bakit palaging may langaw sa iyong muka
Hindi ko maintindihan, bakit ang kunin ito'y ni hindi mo magawa
Iyon naman pala nunal lamang ang aking nakikita
Nasanay na rin, dahil may kamuka ka naman palang artista


Kapag nagbibiro ka'y ikaw lang ang natatawa
Pinapatulan nalang para ikaw ay hindi mapahiya
Dahil kapag inasar ka ng sobra ikaw ay hindi natutuwa
Maghapon kang tahimik, kami'y nag-aalala ng sobra


Biro mo ma'y patapon, alam kong kaibigan kang totoo
Laging kang nandiyan at sinasakyan ang aming toyo
'San man pumunta ang tropa, go ka lang ng go
Kaya naman kami'y laging nandito para sa iyo


Pasensya na kaibigan, minsan ang biro ko'y brutal
Sipa at suntok huwag mo nang isuma-total
Dahil alam mo namang iyon ay biro lamang
Sana'y pagkakaibiga'y maging pansaman tagal

*************

AN:

For the brother I never had, For my brother in different mother haha ^^,

Enjoy! Libre lait mga tsong!

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon