Chapter 8: Ultimatum

10.9K 566 66
                                    


#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

A/N: Ako'y mawawala ulit. I'll start the update again next Saturday. Busy lamangs  :)

CHAPTER 8: ULTIMATUM

ENYO'S POV

"If you could be one thing in the world, what would you choose to be?"

Nilingon ko ang lalaki pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan. Palubog na ang araw sa harapan namin pero parang hindi niya iniinda iyon. Hindi naman ito ang unang beses na inabutan kami ng gabi rito.

Despite the departing light from the sun ready for its slumber, his eyes remain bright as if not minding the goodbye.

Lumingon siya sa akin, "Ikaw muna."

Malakas na bumuntong-hininga ako. Ako ang nagtanong pero ako rin ang sasagot. "Gusto kong maging langit. We're all sharing the same sky. It's calming to know that. That even if you're far from each other, when you look up you'll know you're not alone. That somewhere in this world the person that you miss terribly will be looking at the same sky too."

He didn't speak for awhile. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang binabasa niya ang lahat-lahat sa akin. Naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi pero pinigilan kong umakto ng kakaiba at kahit mahirap ay sinalubong ko ang mga mata niya.

"I want to be the northern star."

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Anyone who's lost will find their direction because of it. Kahit nasaan ka basta alam mo kung paano siya hanapin, makakabalik ka sa dapat mong puntahan. No one lost will stay without a path if one could just find the northern star."

Dumilat ang mga mata ko pero kaagad ko ring ipinikit ang mga iyon nang masilaw ako ng liwanag na tumatama sa akin. I heard someone moved and after a few moments the light dimmed until it's bearable for me to open my eyes.

Umupo ako at pilit na inaninag ko ang taong nasa tabi ng kama. My eyes took some time to recover and when it did, I saw a man casually sitting beside the bed as if this is his own home.

"What are you doing here?"

"Binabantayan ka."

"Hindi ko kailangan ng bantay."

"Actually you do."

Basta ko na lang hinila palayo sa akin ang kumot na nakabalot sa katawan ko dahilan para mahulog iyon sa kama. Nang makita ko ang suot ko ay nanlaki ang mga mata ko at akmang tatalon ako pababa ng kama para sana kunin ulit ang kumot pero naunahan na ako ng lalaki. He grabbed the blanket and threw it over me. Kung hindi ko pa nasalo iyon ay baka humampas iyon sa mukha ko.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon