24. Win

3.9K 376 88
                                    

|| Kid ||

Kusang dumulas ang dalawang lubid sa magkabilang kamay ko nang makitang tagumpay na nakalabas si Eivel.

Mabigat ang paghinga ko at walang tigil ang pagtulo ng mga pawis ko sa katawan. Pakiramdam ko ay hindi ko na magagalaw pa ang mga kamay ko dahil sa sobrang pagmanhid nila.

Tapos na rin sa wakas. . . nanalo ako. . .

"K-Kid-ya!"

Mabilis akong tinalunan ni Potchi sa pisngi at agad itong niyakap. "Kid-ya! You're so amazing-ya!" halos maiyak niyang sambit.

Mabilis na kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Eyo! Syempre, ako pa!"

Hindi namin mapigilang magsaya ni Potchi dahil sa pagkapanalo naming dalawa. Pero mabilis na naglaho ang ngiti ko sa labi nang napunta ang tingin ko sa mami sa harapan.

Seryoso siyang nakatingin sa 'ming dalawa na halata at bakas sa mukha na hindi masaya sa pagkapanalo namin. 

"E-Eyo, anong tinitingin-tingin mo riyan. Natapos ko na ang challenge, nanalo kami," seryoso kong sambit.

Walang gana siyang pumalakpak sa sinabi ko. "Oo, natapos mo nga ang challenge. . ."

"Pero hindi ibig sabihin n'on ay nanalo na kayo."

Natigilan ako sa narinig. Kapwa ko ay bakas din sa mukha ng gina pig na kasama ko ang pagtataka.

"H-Ha? Anong sinasabi mo-"

"Ang ibig kong sabihin, hindi pa natatapos ang challenge."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nagsipatayan ang mga apoy sa mga malalaking kandila na nakadikit sa pader at nanatili lamang nakabukas ang dalawa na malapit sa TV.

"The real challenge, starts now."

Namilog ang mga mata ko nang nagbago ang nasa TV. Hindi lamang si Eivel ang nakikita ko kung hindi pati na rin si Sage. . .

Pero ang pinakakinabigla ko ay ang paglabas din ng mga pamilyar na mukha sa TV. Si Violet, Kenji, Ced, at pati na rin ang cowts nila. . .

Nasa iba't ibang parte sila ng lugar na ito at walang kaalam-alam na nakikita ko sila ngayon.

"Kaya kayo pinaghiwa-hiwalay na magkakagrupo dahil kakailanganin ng isang team ng tatlong susi," pangunguna ng bangkay na nasa harapan namin.

"Kailangan ang tatlong susi na 'yon para ma-challenge ninyo ang Game General."

Kumunot ang noo ko. "Pero nanalo na 'ko! Akin ang susi!" giit ko.

Natatawang napailing ang mami na kaharap ko. Napaatras ako nang tapunan niya 'ko ng seryosong tingin.

"Kagaya ng sinabi ko no'ng pagpasok niyo,"

"Your life, your choice. . . but your teammates' lives, are also your choice." 

Mabigat ang tensyon sa silid. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. . .

Hindi ko kasi naintindihan. . .

"Kaya-eh. . ." Natigilan sa pagpapaliwanag ang mami nang mapagtanto niya kung bakit gano'n ang naging reaksyon ko.

"Bwisit!"

"SA'YO NAKASALALAY ANG BUHAY NG MGA KASAMA MO, NAIINTINDIHAN MO NA BA?!"

Nahinto ako ng ilang segundo bago unti-unting tumango. Dahilan ng paghawak ng mami sa noo niya na para bang problemadong-problemado na sa 'kin.

"Sinabi mo na nakasalalay sa 'kin ang mga buhay ng mga kasama ko. . . pero sina Violet, hindi ko naman sila kasama," naguguluhang sambit ko.

Natigilan sa paghawak sa noo niya ang mami. Muling bumigat ang pakiramdam ko nang magtama ang mga tingin namin.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon