16. Giza

4.4K 344 72
                                    

|| Eivel ||

Sumalubong sa amin ang mataong bayan sa gitna ng disyerto. The people are all lively and loud.

May kani-kaniya silang kinakaabalahan dito. Mayroong mga nag-aalok ng mga paninda, may mga nag-eenganyo ng mga turista, at iba pa. The stands are the casual stores in public markets.

Kahit ang taas ng sikat ng araw ay walang nagpatinag at ang tataas pa rin ng energy ng mga tao.

"E-Eyo, ang angas, parang palengke sa 'min," namamanghang sambit ni Kid habang inililibot ang tingin sa paligid.

Kapwa niya ay nililibot din namin ang mga tingin namin sa lugar. Kasama namin ngayon ang grupo nina Violet upang i-challenge ang Game General.

"Ya! Saan naman kaya tayo magsisimula-ya?" biglaang tanong ni Potchi.

Nandito siya ngayon sa balikat ko dahil naupo si Sage sa isang bench. That jerk said that he was sleepy and he'll just take a quick nap.

Tulog na nga siya kanina sa tren tapos kung kailan nandito na kami, matutulog ulit siya? Tsk.

Pare-pareho naming inilibot ang mga tingin namin upang maghanap ng clues. Nanatili lang kami sa pwesto namin nang pare-parehong naagaw ang mga pansin namin.

"Alssariq! Alssariq! (Thief! Thief!)"

Mabilis na napunta ang tingin at atensyon ko sa sumisigaw. May isang grupo ng mga kalalakihan na mukhang guwardiya ang humahabol sa isang lalaki. They took everyone's attention.

"Aibtaead ean altariq! (Get out of the way!)"

It happened too fast. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang mga nangyayari at natauhan na lamang ako nang dumaan sila sa harapan namin. Parang bumagal ang oras nang magtama ang mga tingin namin ng lalaking hinahabol.

Our eyes met for a moment as I'm frozen in my place. Mabilis ang pangyayari at natagpuan ko na lang ang sarili kong hawak-hawak ng lalaki habang may patalim na nakatutok sa leeg ko.

"E-Eivel!" pagtawag ni Kid.

Napalunok ako nang malalim habang hawak-hawak ako ng lalaki. Hindi kaagad ako nakakilos dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. He made me his hostage.

I quickly examined the situation and calmed myself. I just need to relax. Sigurado akong parte ito ng takbo ng laro.

Mukhang mabilis din iyong napagtanto nina Violet dahil mabilis nilang pinigilan si Kid nang akmang susugod ito.

"La taqtarib miniy! (Don't come near me!)" sambit ng lalaking may hawak sa akin.

Napalilibutan kami ng mga guwardiyang humahabol sa kaniya. Hindi nila magawang makalapit dahil ginawa akong hostage ng lalaki.

"La taqtarib miniy wa'illa sa'aqtuluha! (Don't come near me or I will kill her!) "

He kept pointing them his knife while holding me. Kita ko ang pag-ismid ni Kid habang pilit siyang pinipigilan nina Violet na lumapit sa akin.

Unti-unting humakbang paatras ang lalaking may hawak-hawak sa akin habang dala-dala ako.

I gritted my teeth when he started running. Sobrang higpit ng pagkahahawak niya sa akin at hila-hila niya ako sa pagtakbo. I'm not that sporty type of student, I prefer reading books than playing sports. I'm not a fond of running.

Badtrip naman, sa dinami namin bakit pa kasi ako pa 'yong napili niya?

Patuloy kami sa pagtakbo habang hinahabol kami ng grupo ng mga guwardiya.

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon