CHAPTER 11

24 6 42
                                    

CHAPTER 11

"Are you sure to this?" Ilang beses na siniguro ni Master, Mahol kung handa na nga ba ako sa desisyon at plano ko. Ilang beses niya ako na tinanong habang nakatuon ang tingin ko sa papel na naglalaman ng panawagan ng kaharian.

"Sigurado na ako, Master," pinal ko na sagot.

Isinantabi ko ang mga pag-aalinlangan at naging desidido sa desisyon ko.

Ito na iyon. Kusang lumapit na sa akin ang pagkakataon, ano't palalagpasin ko ito?

"Ama, nais ko samahan si Ezra sa loob ng kaharian. Pahintulutan mo ako na samahan siya."

Napuno ako ng gulat sa ipinag-paalam ni Shisha sa kanyang ama. Bumagal ang bawat sandali.

Binalin ko ang atensyon sa kanya.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Shisha? Hindi ka maaring sumama sa akin sa loob ng kaharian." Hindi ko pagsang- ayon sa nais niya.

Hindi 'rin ito nagustuhan ni Master, Mahol. Tumitig si Shisha sa akin. Puno ng kasiguraduhan ang emosyon niya. Ngunit hindi ako pabor sa nais niya mangyari.

Bumalin siyang muli sa kanyang ama at nakiusap.

"Ama, hindi maari na mag-isa si Ezra sa loob ng kaharian. Kaya pahintulutan niyo ho ako na sumama sa kanya."

"Hindi, Shisha," saway ni Master, Mahol sa kanyang anak at mariin itong tinitigan. "Hindi mo alam kung ano ang kapahamakan na naghihintay sa loob ng kaharian, hindi niyo alam kung sino ang mga maaring mapagkatiwalaan," dagdag nito.

"Kaya nga sasama ako ama, dahil ka-kailanganin ako doon ni Ezra. Kakailanganin niya ng makakausap, mapagsasabihan at mapagkakatiwalaan."

"Hindi kita kailangan, Shisha."

Matalim ko na sambit, kahit wala sa kagustuhan ko na masaktan ang damdamin niya. Ayoko lang na mapahamak siya sa oras na pumalpak ang plano ko na pagtatangkang makipag- ugnayan sa reyna, kaya hindi ko nais na sumama siya sa loob ng kaharian.

"Ezra." Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin.

"Higit na kailangan ka ni Hela," saloobin ko.

Mas makakabuti 'rin kasi kung nasa labas siya ng kaharian, mababantayan niya ang anak- anakan niya.

"Ezra. Hindi mo ito kakayanin ng mag-isa. Hayaan mo ako na samahan ka."

"Shisha, kaya ko. Hindi ako papayag sa gusto mo mangyari, kaya tumigil kana," matigas ko na saway sa kanya.

-÷×÷-

"Ang kapahamakan pa mismo ang lumapit sayo," saloobin ni Jaichin habang hawak ang nasirang eroplanong papel.

Hindi kapahamakan ang lumapit sa akin. Ito ang sinasabi na pagkakataon. Tamang panahon para mapalapit sa Reyna.

Naupo ako sa isang malaking tipak ng bato, katabi siya. Niyakap ko ang nakatupi ko na binti at hita.

Buo na ang loob ko. Papasok ako sa kaharian para mag-silbi sa mga kamahalan na nasa loob. Magiging chambermaid ako ng reyna, iyon ang plano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chambermaid Chevalier: Ezra Castillio (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon