CHAPTER 4

59 27 61
                                    

C H A P T E R 4


I run as fast as I can. Kung sino- sino ang nakabangga namin sa pamilihan at nakapang- agrabyado pa kami ng ibang mangangalakal dahil sa mga nasagi namin na paninda.

Nagkanda-hulog hulog ang ilan na mga panindang prutas!

Lumingon ako sa mga army officer na patuloy na humahabol sa amin.

"Sa harap ka tumingin! ano ba!"

Nagsalubong ang aking prominente na mga kilay nang sawayin ako ng lalaki na kasama ko. Sandaling tinapunan ko ito ng masamang tingin dahil sa matinding iritasyon.

"Paumanhin ho."

"Sorry ho."

Muling ay nasagi niya ang isang merchant stall. Nagliparan tuloy ang mga beads na ginagamit sa paggawa ng kwintas at palamuti kaya't walang tigil ang aming paghingi ng paumanhin.

"Hoy, mga paninda ko 'yan!"

Pagkatapos ay sinadya pa ng lalaking ito na hilain ang mga panindang tela ng isa pa na nangangalakal. Pinalipad niya ang telang nahila sa direksyon ng mga army officer.

"Bilisan mo!" Muli ay hinila ako ng lalaki na kasama ko at hindi ako binitawan.

Isang sandali ay hinila niya ako sa isang pasilyo. Ilan lang ang taong napadadaan sa pasilyo na ito. Ang magkabilaan na pader ng pasilyo ay hindi sa semento gawa kundi sa mga pinagpatong- patong na bato. Tiyak ko na matitibay.

"Dito, dali!" Minsan pa ay hinila ako ng lalaki papasok sa isang pintuan na gawa sa malapad na kahoy.

Humahangos na napatigil kami sa loob ng bodega na naglalaman ng ilang mga lumang kagamitan.

"Halughugin niyo ang mga pasilyo at mga silid na tinutuluyan ng mga mamamayan!" Nakarinig kami ng mabibigat na yabag at mga nagkakalansing na kagamitan, katulad ng mga sibat mula sa army officer.

"Hindi maaring makalusot sa atin ang mga rebeldeng 'yan!"

"Dito, baka nandito sila!"

"Papasok sila, tago!"

Nagulat ako dahil muli na naman akong hinila ng lalaki papunta sa loob ng isang lumang kabinet na gawa sa matibay na kahoy.

Napaka- dilim nang isinara niya ito. Ang bilis ng kabog ng aking dibdib dulot ng kaba at takot. Idagdag sa kadahilan ng mabilis na tibok ng aking dibdib ay ang pagka- ilang na nararamdaman ko nang mapagtantong hindi ako nag- iisa sa loob ng masikip at makipot na kabinet.

Dunno! My eyes went wide. I felt really tense. Worries eating my calmness. This is too close! - I am too close with someone stranger.

"Shhh." Hindi ako nakapag- pumiglas ng bigla akong kinabig ng lalaki.

Natiim baga ako, mariing napa- pikit 'din nang sumubsob ako sa dibdib ng lalaki.

He hushed me. He put his finger on his lips and warned me. "Huwag kang gagawa ng ingay." Bulong niya sa gilid ng tenga ko.

Naramdaman ko tuloy ang init ng hininga niya sa leeg ko. Pero hindi niya pansin ang tensyon na nararamdaman ko. Pareho namin na pinakinggan ang mga kaluskos sa labas ng apat na sulok ng kabinet na kinukublian namin.

"Chief. Walang tao dito."

"Lumabas na tayo, huwag na tayong mag- sayang ng oras na halughugin ito. Hanapin niyo sa ibang mga silid!"

Nakahinga kami ng maluwag nang kapwa marinig namin ang mga yabag na pa- paalis ng bodega. Pero hindi ko pa 'rin gusto ang posisyon namin na magka- dikit.

Chambermaid Chevalier: Ezra Castillio (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon