CHAPTER 6

46 18 51
                                    

C H A P T E R  6


Mukhang patay na nga talaga ako.

Hindi sila mapagkakatiwalaan. Mapanganib ang mga katulad nila.

Napain nila ako at ako ngayon ay bihag na nila.

Hindi makapaniwala na bumalin ako kay Jaichin. Niloko niya ako.

"Ano ang ibig mo sabihin na siya ay nakulong, Jaichin?" Bumalik ang tingin ko sa kaninang lalaki na sa pagkakatanda ko ay tinawag ni Jaichin na Master, Mahol.

I think this man is on his mid- thirtees age. He looked so puzzled and confused while he is examining me.

"Sinabi ng babaeng ito na hindi ito ang mundo niya. Ang sinabi niya ay nanggaling siya sa Rancho Sierra at ano nga ba 'yung isa?" bumalin sa akin si Jaichin habang iniisip ang tamang pangalan ng pinanggalingan ko.

"Earth," maikling pahayag ko.

"Sa palagay ko, Pinuno, nakulong siya sa ating mundo. Maari ho ba ‘yon?"

"Totoo nga ba ang tinuran niya, binibini?" Pagsusuri sa akin ng lalaki.

Master, Mahol. Ang pinuno ng mga rebeldeng naririto.

"Hindi ka nanggaling sa kaharian ng Mallius o sa kaharian ng Zorah upang kami ay tiktikan?" Nilapitan niya pa ako at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

Guh! Kapansin- pansin naman ang pagkakaiba ng kasuotan ko sa kanila. Imposibleng isipin pa nila na kabilang ako sa kanila.

Hinawakan niya ang suot ko na jacket. Tila ito ay kanyang napansin. Hinipo niya ito at pinisil- pisil.

"Ang kasuotan mo. Makapal at malambot. Kakaiba ang tela. Pa paano ka nakarating sa lupain ng Zorah?"

"Hindi ako nagmula sa anumang lupain na nabanggit niyo. Katulad ho ng sinabi ko ‘kay Jaichin, nanggaling ho ako sa Rancho Sierra at isang mahiwagang itim na kabayo ang nagdala sa akin dito."

Bago ko ipinaliwanag kung pa- paano ako napadpad sa kanilang mundo ay minabuti niya't sinigurado na pribado sa aming tatlo ni Jaichin lang ang pag-uusap.

Pormal siya na nagpakilala bilang pangalawa sa mga pinuno sa nasasakupan niya. Ipinaalam ‘din niya na siya ang nagtuturo sa kanyang nasasakupan kung paano mabuhay ng malayo sa pamamahala ng Reyna Bethel; at kaya nga tinatawag silang rebelde, dahil hindi sila nagpapa- sakop sa kaharian ng Zorah. -

Pagkatapos niya magpakilala sa akin ay binigyan niya ako ng pagkakataon na mag-kwento.

Sinabi ko naman sa kanya ang buong kwento.

"Sa palagay ko ay hindi naman aksidente na napadpad ka rito, mortal. Pero iniisip ko ‘din na baka aksidente lang na napadpad ka dito," saad niya.

Bahagyang naguluhan ako sa sinasabi niya.

Kung hindi aksidente ay bakit naman ako dadalhin dito ng itim na kabayo? Ano ang rason nito?

"Totoo ang sinabi ni Jaichin. Wala ng natitirang nilalang sa amin ang may kakayahan gumawa ng salamangka, ngunit hindi ko rin naman mai- aalis ang posibilidad na baka nga may natira pa," dagdag pahayag ni Master, Mahol.

Sinuri niya akong mabuti. May bahid ng pagtataka ang laman ng mga tingin niya.

"Subalit sa anong kadahilanan na ikaw ay dinala rito ng kabayong iyon? Isa kalang ordinaryo dalaga, wala akong nakikita na rason para dalhin ka dito ng kabayong sinasabi mo."

"Hindi naman mahalaga sa akin kung bakit at sa anong dahilan na dinala ako dito ng kabayo na iyon. Kailangan ko ho ng tulong, ng paraan kung paano ako makakabalik sa aking pinagmulan. Kailangan ho ako ng pamilya ko," himutok ko.

Chambermaid Chevalier: Ezra Castillio (Slow update)Where stories live. Discover now