Chapter 4

3 1 0
                                    

Naglalakad kami ngayon dito sa loob ng Mall. Syempre kasama parin yung anim na mongols.

Hindi maiwasang pagtinginan kami na akala mo ay ngayon lang naka kita ng ganyang mukha. Gwapo naman sila pero what the fvck wag naman masyadong makapal ang mukha diba. Lalo na tong si Klyde.

Halos lahat ng babae ay impit na napapatili dahil sa mga kasama ko.
Nakita ko pang isa sa mga nakasalubong namin ay umirap sakin kaya inirapan ko din sya ng makitang tumingin sya sakin.

Tahimik lang akong naglalakad habang ang ibang monggi sa likod ko ay nagtatawanan. Halos lahat ng nakaka salubong namin ay napapatingin sakin mula ulo hanggang paa siguro nagtataka sila kung ano ako ng mga lalaking nasa likod ko.

Alipores po.

“Saan tayo?” tanong ni Akihiro.

“Nagugutom ako.” rinig ko namang sabi ni Seb.

“Kakakain mo palang sa sasakyan basti, gutom ka na naman? hindi pa tayo kakain.” sabi naman ni Kirk.

Napatigil ako.

“Kakain muna ako kung gusto nyong gumala gumala na kayo?” seryosong sabi ko saka nauna.

“Sasama ako sayo Rox.” Nakita kong parang nangusap ang mata ni Seb kaya inirapan ko sya. Nagugutom narin kasi ako. Onti lang ang nakain ko kanina dahil di pa ako sanay sa kanila.

“Saan tayo?” biglang sabi ni Kirk.

“Akala ko ba hindi ka pa kakain?” kunot noong tanong ni Seb kay Kirk. “Manigas ka dyan.”

“Miss?” napatingin ako sa likod ko ng may mangalabit sakin. “Ikaw ba si Roxanne Victoria?” pano nya ko nakilala?

“Yes,why?”

Napatingin naman ako sa lima habang naka kunot ang noo nilang nakatingin sa akin.

“From East West Intergrated School?” tumango ako. Ye?My former School. “Idol pa pic?” naningkit ang mga mata ko sa narinig ko.

“H-ha?” napatingin ulit ako sa mga tao sa likod.

“Idol po kita ikaw po yung team Captain ng Tigers Volleyball team nila diba?” napakunot ang noo.

Ahh.

Tumingin sya sa likod ko. “Kuya papicturan naman po kami oh.” napa awang ang bibig ni Kirk ng ibigay sa kanya yung cellphone.

“Gusto mo bang basagin ko yan?” seryosong sabi pa nito.

Di din nagtagal ay pinicturan din kami ni Kirk.

“Salamat po.” ngumiti sya sakin.

“Ako ang nag picture pero sa kanya nag pasalamat. Psh.” pagmamaktol ni Kirk.

“Taga picture ka na lang ngayon bud.” sabi naman ni Klyde kay Kirk.

“Shut up,Alec.”

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng makaka inan at napag desisyonan na lang namin na Inasal na lang. Suhestyon narin ni Seb dahil unli rice daw dito.

“Bud, sakit na ng tiyan ko.” reklamo ni Klyde kay Kirk.

“Same dude.” pahimas himas pa sya sa sariling tiyan.

Nanatiling tahimik ang iba. Tapos na din akong kumain at hindi ko naman masyadong dinamihan ang pagkain.

Pagtapos kumain ay nag diretso kami sa isang appliances store.

Di parin ako maka move on sa atensyong nakukuha namin. Napa iling na lang ako.

Bakit ba naman kasi nagsisama pa. Kaya ko naman ang sarili ko. Masyado akong binabata ni Lolo. I sighed.

One of these Jerks (Blacklist Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora