Chapter 2

3 1 0
                                    

Nasa hapag kainan kami.  Sakto sa aming walo ang upuan.

Parehas kaming nasa gitnang dulo ni Lolo naka upo samantalang yung anim na monggoloid ay magkaka tapat.

Nahuling dumating si Jared kanina at mukang inis.

Napansin ko ding sya yung nagdabog kanina. Mainitin ang ulo.

“Hija, nasan ang kapatid mong si Elijah?” tanong ni Lolo.

“Tanda?may kapatid syang lalaki?” gulat na tanong ni Kirk.

Anong nakakagulat?

“Nasa bahay Lo, walang magbabantay ng Mansion.” sagot ko. Tumingin ako kay Kirk. “Babae si Elijah.” nag kibit balikat sya.

“Akala ko ay may kapatid kang lalaki, nakakapag taka lang na ikaw ang dito kung ganon.” napataas ang kilay ko sa sinabi ni Klyde.

“What's the matter?kung lalaki ang kapatid ko?” tanong ko.

Tanging ang kubyertos lang ang maririnig sa loob ng dining area at ang usapan namin. Lahat ay nakikinig.

“Wala naman.” kibit balikat nya.

“Ilang taon ka na Rox?” tanong sakin ni Seb.

“18.”napa 'oh' sya.

“Kailan ka nag 18?”tanong pa nya.

“Last month? di ko sure.” sabay nguya.

“May boyfriend ka?” di ko alam kung bakit bigla akong nasamid at napainom ng tubig dahil sa tanong nayon ni Shan.

“Wala.”sagot ko.

“I see.” natahimik kami saglit.

“Ilan kayong magkakapatid?” tanong sakin ni Kirk.

Bakit ba ang dami nilang tanong. Required ba to?

“3.”

“Pang ilan ka?”-Klyde

“Pangalawa.”

“Ano pangalan ng Ate mo?”- Seb

“Rochelle.”

“Eh yung bunso?”-Kirk

“Roshean.”

“Ilang taon?”- Kirk

“16.”

Patuloy ko lang sinasagot ang tanong nilang tatlo habang patuloy din sa pagkain.

“So,anong pinagkaka abalahan mo?” tanong sa akin ni Seb.

“Nothing.”

“Seriously?” tanong na naman nya.

Bahagya akong natawa. “Ofcourse not,hindi naman ako inutil.” nagpunas ako ng labi at deretsong tumingin sa kanya. “Madami akong ginagawa sa buhay.”

“Gaya ng?”ang daldal naman nila.

“Why are you asking? interesado ka?” seryosong tanong ko matapos malunok ang pagkaing nasa bibig.

Sandaling tumahimik at napansin kong natigilan silang lahat habang nakatitig sakin.

“Sungit.” rinig kong bulong kung saan.

“Minsan.” sagot ko.

“Do you play online games?” tanong naman ni Kirk. Di ko alam kung may pinariringgan sya or ano pero iba ang dating sakin ng tanong nya.

“Dati.” inaamin kong minsan na akong naadik sa computer games. Pati narin sa Ps4.

“Anong nilalaro mo?Friv?pink games?” natatawang tanong sakin ni Jared. Himala at nagsalita sya.

One of these Jerks (Blacklist Series 1)Where stories live. Discover now