Prologue

19 1 0
                                    

“Rox,naayos mo na ba yung gamit mo?” rinig kong tanong sakin ng kapatid kong si Rochelle.

“Yeah.”

Tumango sya sakin saka lumabas. “Roshean!” rinig kong sigaw nya pagkalabas ng kwarto ko. Ang ingay talaga ng babaeng yon kahit kelan.

Narinig kong nag ring yung phone ko sa sidetable kaya agad ko yung kinuha at sinagot.

“Ye?” sagot ko.

“Rox,nasan ka na?” tanong ni Rhys sa kabilang linya.

“Nasa bahay pa ako,hinahantay ko si Roshean.” tamad na sagot ko.

“All right,nandito na ako sa Cafe na sinabi ko itext mo ako kapag parating na kayo ha, bye.” namatay ang tawag at agad akong lumabas.

“Roshean,pack up your things. Ang kupad mo.” napa irap ako. Apaka kupad naman kasing kikilos. Ang bagal pang maligo.

“Can you please stop calling my name?nakakarindi ang iingay.” reklamo pa nya.

Hindi ko na sya pinansin at lumabas na.

Pupunta kami sa Probinsya sa Castollina sa mansion ng Lolo ko. Lilipat nadin kasi ako don dahil si Lolo nadaw ang bahala sa pag aaral ko. Samantalang etong si Roshean ay sa Tito ko. Si Rochell ay mananatiling nandito dahil walang magbabantay sa mansion dahil wala naman sila Mom at Dad nasa Paris sila at may pinagka abalahan samantalang nagpaiwan naman kami.

I have my Elder sister whose named Rochelle. Sunod ako at ang bunso ay si Roshean. Yes,minsan hindi kami nagkakasundo because of our different traits.

Nakasakay na kami sa Van habang hinihintay na lang si Roshean na sobrang bagal kumilos.

“Mag iingat kayo ah di nako makakasabay sa paghatid dahil maglilinis pa ako ng bahay.” ngumiti sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Okay.” ngumiti na lang din ako.

Nakita ko namang pababa na si Roshean. Agad akong napa irap. Napaka kupad.

“Roshean mag iingat kayo don ah, tawagan nyo ako kapag may problema.” hinalikan din nya sa pisngi si Roshean at ganon din ang ginawa nito. Nasa Van narin sya katabi ko.

“Wag mo akong tabihan,dun ka sa harap or dyan sa likod.” seryosong sabi ko.

Di na sya umangal at pumunta na lang sa harap.

“Bye sisters ingat kayo,I love you.” nakangiting sabi nya.

“Bye.” sabi ko na lang at isinara na nya.

“Kyna called me Rox,kukunin ko muna sa kanya yung hiniram nyang Headphone.” sabi nya.

“Dideretso na tayo Shean, bumili ka na lang ng bago.” duh?ginamit ng iba tapos gagamitin pa nya?bruh?

“But—” angil nya.

“No more buts,bumili ka na lang ng bago. Don't tell me wala ka nang pera?” I smirk.

“Oh c'mmon I have my money, I'm just appreciating the things I have. Besides bigay yon sakin ni Rhys mygod.” napa irap na lang ako.

“So?ede kunin mo, kumuha ka ng sasakyan mo.” wag na sana syang makipagtalo dahil talagang iiwan ko sya.

“Whatever Rox.” hindi ko na sya pinansin at nanahimik na lang.

Agad kong kinuha ang Phone sa bag ko at agad na tinawagan si Rhys.

“Rox—”

“We're on our way.”sabi ko nalang at ibinaba na ang Phone.

Huminto kami sa sinabing lugar ni Rhys at agad naman namin syang nakita doon.

One of these Jerks (Blacklist Series 1)Where stories live. Discover now