Difficulties

63 6 0
                                    

What are difficulties?

As defined by the internet dictionary, it is something that is hard to deal, accomplish, or understand.

Sabi sa akin ng nanay ko, may phase daw ako sa babyhood ko na gustong gusto ko abutin ang paa ko at gamitin ito para i-touch ang noo ko, pero dahil maliit pa ako nun, hindi ko siya magawa. Nakita ng tatay ko na hirap na hirap akong abutin ang noo ko gamit ang paa ko kaya tinulungan niya ko. Imbis na matuwa ako, iniyakan ko daw siya. Kahit nagawa ko siya, hindi pa din ako naging masaya kasi masakit.

Nung gradeschool ako, to be specific, mga Grade Four, may P.E. kami at kailangan namin mag jumprope as many times as we can. Pero dahil nga mataba ako that time at hindi naman ako pinalaki na naglalaro masyado sa labas, hindi ako marunong. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko at pinagalitan pa ako ng teacher ko kasi ang laki ko daw na bulas pero jump rope lang, hindi ko makaya? Dahil dito, hiniram ko araw-araw ang jumprope ng kaklase ko at tinuklas ko kung paano tumalon ng tuloy-tuloy, naging determinado akong matuto paano mag jumprope. Fortunately, nagawa ko siya, tuwang-tuwa ako na nakaya ko na magjumprope!

These are some of the difficulties I have encountered so far. Eto yung mga points na gustung gusto ko na mag give up kasi feeling ko failure naman ang hahantungan.

Hindi laging pasarap ang buhay, lagi itong may difficulties. Kumbaga sa mga games, bawat level ay may boss battle.

Sa una, magiging mahirap kasi wala kang ka-alam alam kung paano ka maglalaro o paano ka mananalo. You may even fail multiple times before you realize na... "Ahh, alam ko na. Ganito lang pala siya."

Kaya kung may pinagdadaanan ka mang difficulties or difficulty ngayon, always remember...

Ayos lang yan!

Trial and error lang yan, don't be afraid to make mistakes or fail. The failures and difficulties we acquire shape us into what we are now, the better version of us.

Set your mind to reach the goal, magiging worth it kahit mahirap ang dadaanan. :)

Ayos lang yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon