Prom

63 5 0
                                    

Dahil magfe-February na, usapang Prom tayo!

I started reading Teen Fiction stories when I was in Grade Five, nawili ako magbasa ng mga ganun kasi High School sila and the authors/writers described the Prom of their characters as very magical and unforgettable.

So, edi ako naman itong gradeschooler na hindi makapag-antay na maging Highschool. Excited ako sa magiging prom namin, gusto ko rin maranasan yung "unforgettable and magical" na prom na sinasabi nila. In short,

Umaasa ako.

At tulad ng mga taong umaasa,

Nabigo ako.

When I reached third year, super excited ako to attend prom to the point na nung sinabi sa amin kung ano ang gagawin namin, hindi ako makapagintay na dumating ang February 11.

Anong sabi ng tatay ko? Wag na lang daw ako umattend ng Prom, maglinis na lang daw ako ng bahay.

Wala pa kasi akong gown and all, tyaka mahal yung fee. So ako, sinabi ko na sa nanay ko na hindi na lang ako pupunta.

"Sayang lang ang oras dun." Sabi ko sa nanay ko.

Pero sinabihan ako ng nanay ko na I should go, binilan niya na ako ng damit secretly kasi gusto niya na maranasan ko na umattend sa mga school events na ganyan kasi hindi siya nakapunta nung highschool siya.

So pagdating ng Prom day, I have a pink gown na parang kamukha nung sinuot ni Julia Montes sa isang teleserye para sa debut scene niya ata dun. All those accessories, makeup, tyaka ahit ng kilay, and etc. na ginawa sa akin.

Fort the first time,

Nagmukha ang tao, naging decente ako tignan.

Napatunayan ko na, babae talaga ako.

Nung pumunta na kami ng bestfriend ko sa venue, ang ganda ng paligid! Talagang magical nga ang prom!

Pero hanggang ngayon, bitter pa din ako sa prom. Why?

So there it was, ang ganda-ganda, talagang pinaghandaan and all. Pero anong ginawa ko nung pagkatapos ng ceremony?

Nagbutas ako ng upuan.

All night, I was there sitting down and admiring every decoration na nilagay sa venue. I even memorized kung ano ang utensils na nandun sa table, pati yung wine bottle na tabi ko.

At first, katabi ko pa yung bestfriend ko, then there goes this classmate of ours na may dala-dalang bouquet and chocolates. Lumuhod siya sa harap niya para ayain sumayaw.

Ang sweet diba?

Ako? Bitter ako. Haha!

Sana pala tao na lang yung upuan, edi sana first and last dance ko siya. Haaaaay.

Sa mga kinakabahan sa proms nila, ayos lang yan!

Make it memorable! 😂 Yan ang mga hindi mo makakalimutan na moments mo sa high school.

Tignan mo ko, bitter pa din ako. Haha.

Ayos lang yan!Where stories live. Discover now