Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 2

11.1K 180 2
                                    

***FLASHBACK***

LEILA

PINAUNA NA SIYA ni Sir Levi na maglakad papunta sa left-wing parking lot ng St. Agnes kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

As usual, takot itong may makakita sa kanilang dalawa na magkasama. Ganoon naman ito, e. Sobrang ingat. Siya, natatakot din naman, pero kayang-kaya niyang lumaban kung sakaling may makaalam na sa kanilang relasyon.

Para sa kanya, wala namang mali sa ginagawa nila ni Sir Levi. Ang tanging mali lang ay ang lugar at panahon ng pagmamahalan nila. That's all. Minsan nga, hinihiling niyang sana sa ibang lugar niya na lang nakilala si Sir Levi, hindi sa St. Agnes. Baka sakali pang hindi sila ganito. Ang hirap na gusto niya itong makita palagi, pero hindi niya magawa dahil baka may makahuli sa kanila.

Gustong-gusto niya talaga ang kanyang Chemistry teacher. Mahal niya na nga ito, e.

Sinong babae ba naman kasi ang hindi mahuhulog dito? Bukod sa biniyayaan ng kagwapuhan ang guro ay totoong napakabait nito, matalino, at napaka-gentleman. Bakit nga ba kasi ipinanganak pa ito nang sobrang aga kaysa sa kanya? Pero hindi niya na iniisip iyon. Wala na sa kanya ang edad at kung anong iisipin ng ibang tao.

Crush na niya si Levi noong unang araw niya pa lang bilang transferee student sa St. Agnes. Bagong teacher din si Levi noon. Napansin niya na agad ang guro dahil halos pagkaguluhan ito ng ibang mga ka-eskwela niya. All girls school ang pinapasukan niya, at iilan lamang ang mga lalaking guro kaya naman ganoon na lang ka-big deal ang pagdating ni Levi.

Noong una, wala talaga siyang balak na makipag-kompetensya sa mga kaklase niyang patay na patay sa kagwapuhan ni Sir Levi. Hanggang titig na lamang siya sa guro. Lalo na kapag nagtuturo na ito sa klase nila. Sa isip niya kasi, ano namang laban ng isang transferee na katulad niya? Ni wala nga siyang kakilala sa St. Agnes. Sanay kasi siyang kaparehas palagi ng eskwelahan ang nakababatang pinsan niyang si Vannie, pero ngayon ay nagkahiwalay sila. Kaya ayon, daig niya pa ang may nakahahawang sakit sa pagiging loner.

ISANG HAPON NOON sa library ng St. Agnes. Saglit siyang umalis sa mesa kung saan siya nagre-review para kumuha ng panibagong libro na gagamitin. Nagulat na lang naman siya pagbalik niya nang nakitang nakaupo na sa pwestong iyon si Levi. Takang-taka siya, madami naman kasing bakanteng mesa sa library, pero bakit doon pa talaga ito umupo?

Hinayaan niya na lang. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay mahihimatay na siya sa kakiligan. Lalo na noong bumalik na siya sa pwestong iyon? Diyos ko, amoy na amoy niya ang matapang na pabango ng kanyang guro. Doon niya lang ito nakita nang ganoon kalapit. Mas gwapo pala ito sa malapitan. At nang tumingin ito sa kanya para magpaalam kung pwede silang magtabi? Halos bumilis ang pagtibok ng puso niya. Kitang-kita niya pa ang kulay tsokolate nitong mga mata. Mas lalo niya tuloy itong nagustuhan.

Sa isip-isip niya, hindi naman siguro siya tatabihan ni Sir Levi nang ganoon kung wala itong interes sa kanya. Naniniwala siyang may gusto rin ito sa kanya.

Noong araw na 'yon nag-umpisa ang madalas nilang pag-uusap. Nagkaka-text sila at nagtatawagan sa phone tuwing gabi. Nagkukwentuhan din sila pagkatapos ng klase, 'yon ay kung hindi busy sa paggawa ng lesson plan si Levi.

Sa kada pagdaan ng mga araw ay nararamdaman niyang tumitindi na ang pagkagusto niya sa kanyang Chemistry teacher. Hanggang sa isang araw, bigla niya na lang na-realize na hindi na niya ito kayang mawala sa kanya at hindi na niya ito kayang makitang napaliligiran ng mga ka-eskwela niyang babae.

Ang paniniwala niya pa nga noon ay meant-to-be talaga silang dalawa dahil parehong nag-uumpisa ang mga pangalan nila sa letrang 'L'. Tinawanan lang siya ni Levi nung kinwento niya 'yon.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon