Chapter 26

3.1K 206 25
                                    

Jennifer

"So what you up to?"

Napapantastikuhan siyang tumingin sa lalaking maangas na nakatayo sa harapan niya ngayon. Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa silid ni Meadow. She's back in school to teach. That's the woman's job. Nagtataka lang talaga siya kung paano ito naging isang Professor.

"Excuse me pero hindi kita kilala." Simple niyang wika rito.

He's athletic and tall.

"I'm Professor Raymond. Call me Mond." Inilahad nito ang kamay sa kanya at dahil hindi siya masungit katulad ni Meadow ay nakipagkamay siya rito.

"Fiona."

"Nice. Your name suits you." Hindi niya napigilang mapaikot ang mga mata total hindi naman siya nito nakikita dahil naka-sunglass siya. Gaya ng sinasabi niya. Lagi siyang nakasuot ng ganun para protektahan ang kanyang mga mata. Pwede kasi siyang sabuyan ng mga kalaban niya. Mas maganda na ang handa lalo't nasa misyon pa rin siya. She need to hunt or track the guy behind those threat.

"Bakit ka nakatayo rito? Waiting for someone? You can tag along if you want. Pupunta ako sa canteen ngayon. Maybe you want a drink or something else?"

Ibang klase rin talaga ito. Kakakilala pa lang nila, ayaw niyang mag-assume pero bakit parang gusto siya nitong maka-date?

"No, Im good here. Thanks. Hinihintay ko lang talaga ang pinsan ko rito. May inaasikaso kasi akong bagong negosyo so I'll be here everyday para sa maramihan pang plano. I need her ideas and opinions."

Napatango tango naman ito. Paniwalang paniwala sa kwento niya.

"Siguro malaki iyong business mong iyan para pagplanuhan ng maigi."

"It is." She lied. She have to.

"Well, who is it?"

Kumunot ang noo niya rito.

"Iyong pinsan mong hinihintay mo rito?"

"Si Meadow."

"Ah." Nakita niyang namula ito pagkarinig sa pangalan ng babaeng masungit na iyon. "Si Miss De Lavego. Sige kung ganun. Mauuna na ako. It was nice meeting you, Fiona."

At nagmamadali na itong umalis. Napapantastikuhan siyang sinundan ito ng tingin. He seems nice but weird. May gusto ito kay sungit? Gusto niyang matawa. Well, goodluck sa damdamin nito dahil sigurado siyang hindi iyon susuklian ng babaeng iyon. Ibabaon lang nito sa hukay ang pag-ibig nitong mapupurnada.

Iiling iling siyang umayos ng tayo only to find out Meadow's standing infront of her. Muntik na niyang mabunot ang kanyang nakatagong baril dahil sa gulat isama pang ang sama sama ng tingin nito sa kanya ngayon. What did she do? Whats wrong with her again?

"You dare look."

Napakunot noo siya rito. Alangan namang hindi niya ito tititigan? Ito lang ba ang may karapatang tumitig?

Imbes na sagutin ito ay kinuha na lang niya ang mga libro nitong dala at nauna ng maglakad papunta sa faculty. Ramdam niya ang malamig nitong tingin sa kanyang likuran at dinig na dinig ang tunog ng heels nito. She's sophisticated, alright.

Nagtuloy tuloy siyang pumasok sa loob hanggang sa may lamesa nito at saka inilapag ang dalang mga libro.

Sumunod naman nitong inilapag ang dalang laptop saka maingat na naupo. Everything about her, the way she speak, her gracefulness, her dark aura, her moves. Its so stupid of her to like it at hindi niya alam kung bakit.

And did she ever mention how hot she is wearing her uniform?

Gusto niyang mapahilamos sa kanyang mukha pero pinigilan niya. Magmumukha siyang tanga kung sakali sa harapan nito. The last time she remembered, she called her 'dirtywoman'.

Hindi ba ito magmemeryenda? Baka uso ang diet dito lalo na sa katawang meron ito.

Naupo siya sa isang tabi, sa arm rest ng sofa at mataman lang na nagmasid. Pumasok ang isang dalagang may dalang folder at mahinang kumatok para maagaw ang atensyon ni Meadow pero hindi ito nag-angat ng tingin. Busy pa rin sa pagtitipa sa laptop nito.

"Ma'am, I'm sorry po. I was late-"

"Late means zero to me, Miss Alonzo."

Napaangat siya sa narinig mula sa mukha ng babae at parang ayaw niyang maniwala ng matitigan ang mukha nito. Its been a long time since but that face haunted her o siguro pwede naman magkamali, right?

Nakita niyang bumagsak ang mga balikat nito at akmang aalis ng pigilan niya. Tumingin ito sa kanyang may malamlam na mga mata. Her heart started pounding in her chest.

"Your name." She asked bago siya tumayo at lumapit rito.

Mukha naman itong nahiya sa kanya. "Hex Alonzo po." Magalang na sagot nito.

"Ok, that's enough." Sulpot ni Meadow sa tabi niya bago kinuha ang folder na hawak ng dalaga. "You can leave." Pagtataboy nito pero pinigilan niya sa braso ang dalaga.

"I need to talk to you."

Tumingin ito kay Meadow na masama ang tingin sa dalaga pero wala siyang pakialam. At mukha ngang natakot ang dalaga dahil pinilit nitong binawi ang braso nito sa kanya.

"Thank you Ma'am." Wika nito sa walang emosyong si Meadow. Hinawakan niya ulit ang braso nito. This time, mas mahigpit na para hindi ito makawala.

"Tell me, your mother isn't Esmeralda Alonzo."

Mukhang nagulat ito sa sinabi niya.

"Kilala mo po ang Mama ko?"

Binitiwan niya ito at mapait na ngumiti bago umiling.

"I dont personally know about your Mom." She lied. "Magkamukha lang kayo kaya hindi mahirap sabihin."

"Sige po." Naglakad na ito paalis pero lumingon ulit sa kanya. "By any chance, Miss. Ano pong pangalan mo?"

"Gusto mong bumagsak, Miss Alonzo?" Mataray na wika ng katabi niya.

Kita niya ang pamumutla nito.

"Jennifer Hans." Pero mas lalong namutla ang mukha nito ng marinig ang pangalan niya at parang natulos na kandila sa kinatatayuan nito.

"B-buhay ka?"

What does she mean na buhay pa siya? Ofcourse she is! Iniisip ba nitong kapag iniwan siya ng Mama nila sa isang kalye ay mamamatay na siya? Mahirap mabuhay oo pero malasakit ng ibang tao ang nagpatuloy sa kanya para lumaban at magbigay ng lakas ng loob. Snow and Risen, Xen and Scarlette, France, Amber and Swan. They're the best.

After all. This woman knew her. Siguro ay kwinento ng Mama nila dito ang pang-iiwan nito sa kanya noon.

"You can leave." Siya na mismo ang nagpapaalis dito. Ayaw muna niyang ungkatin ang nakaraan lalo na't nasa tabi nila ang kulang na lang ay mangangain na ng tao sa sobrang sama at talim ng tingin nito.

Pagkatalikod ni Hex ay agad siyang sinapak ni Meadow sa likod ng kanyang ulo.

What the heck!

"Whats your problem?!" Natigilan siya ng makita ang mas malamig pang titig nito. Walang kabuhay buhay ang mga mata.

"Nobody ever gave you any permission to flirt with my student."

Flirt with whom? With Hex?

She's really unbelievable!

Damn!

___

Bahala kayo diyan . walang revision so kung may mali . pasensyahan na lang and act like nothing is wrong 😂 aayusin ko rin kapag nagka.time ako . salamat . enjoy reading !

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now