Chapter 23

2.9K 204 13
                                    

Jennifer

Kahit papaano ay nakabawi siya sa kanyang puyat at pagod kagabi. Nakatulog siya ng mahimbing. Atlast, tapos na ang kanyang trabaho. Napangiti siya saka nagmulat ng mga mata. It's a new day, new mission.

Dahan dahan siyang bumangon at nag-inat. Ngayon siya aalis sa condo ni Risen. Kailangan lang talaga niya munang ayusin ang condo nito bago siya umalis at nakakahiya. Pumasok siya sa banyo at naligo. Kailangang magising ang kanyang dugo.

Nagtagal siya ng halos isang oras sa banyo bago lumabas na nakatapis at dumiretso sa kanyang bag. Nagulat siya ng mapansin si Meadow na nakaupo sa isang tabi habang may binabasa ito sa isang notebook.

"Shit!" Mahinang mura niya. Kung ganito talaga ang babaeng ito baka madisgrasya ito ng baril niya.

"Matagal kana ba diyan? How did you get in?" Sunod sunod niyang tanong rito.

Seryoso lang siya nitong tinapunan ng tingin bago ilapag ang isang key card sa may bedside table. Oh that, siguro nakalimutan nito iyong ibalik pero hindi niya natatandaang binigay niya ito rito.

Naipilig niya ang kanyang ulo. Did she? Natigil siya ng mapansin itong walang buhay na nakatitig sa kanya. Ngayon niya naramdaman ang pagkailang dahil nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya.

She cleared her throat. "I believe you're in the wrong room."

Ibinaling lang nito ang tingin sa notebook at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"I'm in the right room." Walang ganang sagot nito. Kahit kelan, anlakas talaga ng loob ng babaeng ito.

"Can you get out of the room so I can get dress?"

"Dont flatter yourself." Nagpanting ang tenga niya sa narinig mula dito. "I'm not even looking."

She could see that pero hindi siya sanay na magbihis na may kasama sa isang kwarto. Worst, it was Meadow! The heartless, snob, bitch and cold blooded not so beautiful witch!

Ok fine.

She's beautiful.

Nope, she's gorgeous pero hindi iyon sapat para sabihin nitong 'dont flatter yourself'. Nagkataon lang talagang may dignidad siya. She's not gonna get dress with someone or infront of someone else. Ano siya cheap?

And knowing Meadow, hindi niya ito mapapaalis kaya kumuha na lang siya ng kanyang damit. She's leaving anyway, kailangan pa niyang puntahan si Risen para personal na makausap at mapasalamatan ito.

Ayaw niyang mag-aksaya ng oras at sobrang mahalaga ang bawat segundo sa kanya.

Pumasok siya sa kabilang kwarto dala ang kanyang mga damit at doon nagbihis. Ng makabihis siya ay agad niyang inayos ang mga gamit kung anong nagulo. She even went to the kitchen and checked the whole thing. This whole place needs to be clean and organize bago siya umalis.

Nagsuot siya ng kanyang sunglass bago binitbit ang kanyang bag kung nasaan ang kanyang mga bagong damit at maruruming damit. Ang isa naman ay naglalaman ng kanyang mga baril at kung ano pang kagamitan niyang mahalaga sa kanyang mga misyon.

"Let's go." Aya niya kay Meadow ng prente pa rin itong nakaupo sa isang tabi habang nagbabasa at gaya ng dati. Wala pa rin itong pakialam.

This woman is the woman who flatters herself pero may maipagmamayabang naman talaga ito. She's silent but dangerous. She's an agent, kadalasan ay nababasa niya ang isipan ng isang tao pero pagdating kay Meadow ay pumapalpak siya rito. She was good in hiding her real emotions at alam niyang hindi talaga niya mapapakisamahan ang ganitong klase ng tao.

She was like a star, you could see her, you could almost reach her pero sa reyalidad. Malabo itong mahawakan at malapitan.

Ni hindi nga niya ito makausap ng matino. Hindi niya alam kung saan ito ipinaglihi ni Mrs. De Lavego. Higit pa siguro sa sama ng loob.

Wala siyang imik na naglakad palabas ng condo at hinintay na makalabas si Meadow. Ila-lock na sana niya ang pintuan ng makita niya si Alice Cerdonia na nakatayo malapit sa kanila kasama ang dalawang gwardiya. Nakangiti ito at mukhang hinihintay talaga sila nitong lumabas base sa hawak nitong mga papel. Nasabi niya na kasi sa departamento ang pag-alis niya sa ngayon. Si Alice ang General Manager.

"Hello Miss Hans! Good afternoon!" Bati nito sa kanya.

Ngumiti siya rito ng matamis pero nawala iyon ng makitang nakatitig si Meadow ng masama sa kanya. Ibinaling na lang niya ulit ang kanyang pansin kay Miss Alice.

"Hi, Good afternoon."

"I personally prepared the papers for you Miss Hans. Can they go inside and check if theres any damage?"

"Sure-"

"I could pay for it." Putol sa kanya ni Meadow. Her voice, it was firm and in mono tone. She's really cold.

Masama talaga ang tabas ng dila ng babaeng ito. Ngumiti na lang siya ng alanganin kay Miss Alice.

Nakakahiya!

Tumikhim na lang si Miss Cerdonia para mawala ang hindi magandang awrang nakapalibot sa kanila.

Saka pay for it agad eh alam naman nitong walang dapat bayaran? Advance din ang babaeng ito.

Pumasok sa condo ang dalawang gwardya at tinignan sa loob. Since hindi naman siya ang may ari, kailangan icheck ng mga ito. May pinapangalagahan din kasi ang mga ito at sistemang sinusunod. Kung siya ang may-ari, kahit masira pa niya lahat sa loob. Walang pakialam ang mga ito at papagawa na lang pero dahil sa nakiamot lang siya ng ilang araw. Kailangan pa ring magreport ng mga ito sa may ari kahit hindi kailangan. Mabilis ring nakabalik ang dalawa at si Miss Alice na mismo ang nag-locked doon.

"You can just sign in here, Miss Hans." Tinuro nito ang mga pipirmahan niya bago nito binigay ang folder sa kanya. Binaba muna niya ang backpack na hawak niya at kinuha naman ang ballpen mula rito. Mabilis siyang pumirma sa tatlong pahina ng papel. Hindi na niya iyon binasa. It's just all about her stay and the agreement na wala talaga siyang naging damage sa loob ng condo sa loob ng mga araw na pagtira nila doon for the sake of the owner.

"Thank you." Magiliw niyang pasasalamat rito at ngumiti pa siya ng matamis.

"Thank you Miss Hans. I hope I will see you again."

Sasagot sana siya rito ng magsalita ang antipatika.

"Let's go." Nauna ng maglakad si Meadow kaya napanganga na lang siya sa inasal nito pero tumigil din ito saglit. Hindi naman ito lumingon pero alam niyang masamang tao ito ngayon base sa tindig nito. "Theres no coming back in here." Her voice was full of venom. "I assure you that."

What's wrong with this witch?

___

Merry Christmas❤ It might be a little late but heres the update I promised for this end of month.

'no revision' but still.. I hope you will enjoy.

_KRoss

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now