Script Seventeen: The Dragon's Curse

841 48 15
                                    

Script Seventeen

The Dragon’s Curse

(Denzel)

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Cursed!?” malakas na sigaw ni Tristan.

“Tristan!” sigaw ni Cymone.

“How is that possible?” nakakunot-noong tanong ni Paolo.

Napapikit ako. Noong iminulat ko ang mga mata ko para tumingin sa gawi ni Yumi, kampante lang siyang kumakain ng tsokolate at pinapanuod kami. Takte, bakit nga ba ako pumayag na magpaliwanag sa mga ito?

Siniko ko siya nang mahina. “What?” tanong niya sa akin habang ngumunguya.

“Like, eww, Yumi! I told you not to talk while your mouth is full, especially if it’s full of chocolates!” reklamo ni Tristan.

Agad akong humablot ng panyo para punasan ang dungis sa bibig ni Yumi. May narinig akong sunod-sunod na pag-ubo. Agad kong tiningnan nang matalim ang mga nakangising dragon.

Tumawa nang malakas si Andrew. “Aba naman, Pinuno—”

“Not one word, Wang An Ru,” mariing sabi ko. Muli akong tumingin kay Yumi. “Can’t you help me here?”

“Help you with what?” nagtatakang tanong niya.

Hinimas ko ang noo ko. “Just… just explain it to them,” bulong ko sa kanya. “You know I’m not good at talking.”

Nagkibit-balikat siya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay nginitian niya nang malapad ang bawat isang dragong nakatingin sa kanya at nag-aabang ng sasabihin.

“Where shall I start? Oh, right. We’re cursed!” masiglang sabi niya.

“Yumi! Masaya ka pa sa lagay na ‘yan!?” reklamo ni Tristan.

“Do I look happy? Of course, I’m happy. The chocolates are yummy—”

“Yumi!” sigaw ni Trixie.

“Fine, fine. So how do you want me to explain it? Oh. We’re cursed. And we cast the curse ourseleves,” simpleng sabi niya.

“Dark Arts,” biglang sabi ni Gian.

“Aba, nakikinig ka pala?” gulat na tanong ni Kiko sa kanya dahil kanina pa siya gumuguhit at hindi kami pinapansin.

Tumahimik ang buong silid. Nakaupo kaming trese sa sahig ng pinakamalaking silid-aralan ng aming eskuwelahan. Nagsialisan na ang ibang estudyante dahil may kalaliman na ang gabi. Tanging mga guro na lamang ang natitira sa dahil dito sila namamalagi at nakatira, ngunit naroon sila sa ibang parte ng eskuwelahan at naghahanda para sa isang okasyong gaganapin mamayang hatinggabi.

“It was the Dark Arts,” sabi ni Kenneth. “One of the ancient and forbidden Arts. Don’t you remember? The Dragon’s Curse.”

Nagsitanguan ang mga dragon bukod kay Gian na hindi pa rin kami pinapansin at kay Tristan na blankong nakatingin kay Yumi.

“Dragon’s… excuse me? What’s that?” nagtatakang tanong niya kay Yumi.

“Oh, I almost forgot that you’re another special case,” taimtim na sabi ni Yumi.

Pinagmasdan ko si Tristan. Ayon sa kanya, nag-aral din siya sa eskuwelahang ito, ngunit solo siyang tinuruan ng mga guro niya. Hindi niya gustong matuto ng aming Sining, ngunit batas iyon ng kanyang ama kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Dinadaan niya ang pagrerebelde sa hindi pagpasok sa klase kaya kinailangan siyang bigyan ng espesyal na mga klase para makahabol sa mga dapat niyang matutunan. Iyon ay isa sa mga dahilan kung bakit kahit na nag-aral kami sa iisang eskuwelahan ay hindi namin siya nakasalubong. Ang isang dahilan ay dahil kaming dose ay sinanay nang hiwalay sa ibang estudyante. Ayun nga lang, iyon ang hindi namin maalala. Naipagdugtong-dugtong lamang namin ang mga bagay na ibinahagi ng bawat isa upang mabuo ang konklusyong… umiral kami nang sabay sa iisang lugar at sa magkasabay na panahon.

The Rainbow Saga (Book Three): The Script of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon