Gumuhong Pag-iibigan

3 1 0
                                    

Gumuhong Pag-iibigan
by warriorMulan16

Nakaupo ako't aking tinatanaw
ang lugar kung saan kita unang  nasilayan.
Lugar na saksi ng matatamis nating ngitian.
Lugar kung saan unang nagtagpo ang ating mga mata
at walang mintis na ako'y nabighani sayong ganda.
Ang lugar na nagpapaalala
nang simula ng ating istorya.

Ang kwentong puno ng ligaya't saya
sa tuwing kapiling natin ang isa't-isa.
Masayang sinasalubong ang umaga
sapagkat alam kong naririyan ka.

Masaya akong sasalubingin
at sabay tayong magpapatianod sa bugso ng hangin.
Wala pangamba kung saan man tayo nito liparin;
sapagkat mahalaga'y ika'y aking kapiling.

Sayong mga ngiti palang ay buo na aking araw.
Isama po ang masaya nating kwentuhan at kulitan.
Mga sandaling pumapawi sa aking kalungkutan;
ang mga sandaling ninanais kong muling maranasan.

Sapagkat, landas mong tinatahak ay iba na—
lumakad ka ng mag-isa
at ako'y naiwang nagdurusa.

Lumuha habang ika'y tinatanaw
na unti-unting maglaho sa aking balintataw.
Ni minsa'y hindi ito sumagi sa aking isipan—
na ika'y aking pagmamasdan
na humahakbang papalayo sa ating tagpuan.

Namalayan ko nalang na unti-unti ng nanlalamig ang iyong pagmamahal.
Hanggang sayong napagpasyahan
na ako'y lisanin ng biglaan.
Dahil mga paratang na walang katotohanan;
mga paninirang walang saysay
na naging dahilan ng pagguho ng ating pagmamahalan.

Ako nama'y iyong pakinggan...
Isang pagkakataon ang muli mong ialay
upang patunayan ko sayo na mali ang kanilang mga paratang.
Sapagkat ikaw lang babaeng minamahal
at sayo lang iaalay ang pag-ibig kong dalisay.

Kaya't pakiusap, Mahal...
Muli nating ibalik ang init ng pagmamahal;
muli mong abutin ang aking kamay
at ating pagpatuloy ang naudlot nating pag-iibigan.

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now