Pagtatapos

52 1 0
                                    

Pagtatapos
Written by: warrior Mulan16

Sa mga magtatapos ngayong taong ito
buong galak na binabati ko kayo.
Sa sipag at tiyaga n'yo
kayo'y hinahangaan ko.

Ako sa inyo'y sumasaludo.
Sapagkat di lingid sa kaalaman ko
ang hirap na dinanas n'yo,
ang mga luha at pawis na inyong tinuyo.

Nararapat kayong salubungin ng masigabong palakpakan,
Sapagkat di biro ang inyong pinagdaanan.
K to 12 na programa kayo ang kauna unahan,
mga estudyanteng tila pinag eksperimentuhan.

Nagpatuloy kayo kahit hindi ito lubusang nawatasan.
Kayo'y bumagtas ng panibagong daan;
daan na malayo sa inyong kinamulatan;
Ang daan na may tatlong patutunguhan.

Magulo man ang isip ngunit kayo'y nagpatuloy
Nagpatianod sa tubig na dumadaloy
Hinayaan ng sariling muling sumibol
Sa di pangkaraniwang dimensyon

Matapos ang dalawang taon ng paglalakbay sekondarya'y
Tuluyan nyo ng iniwan
at tinahak ang huling yugto ng pag-aaral
Nang walang pagsisisi't pag-aalinlangan

Ngunit sa kalagitnaan ng inyong paglalakbay
isang dagok muli ang lumatay
kaya't panibagong sistema ang lumitaw
na nagresulta sa kalituhan at pagkaligaw

Sa pagkakataong ito ay teknolohiya ang nangibabaw
Hindi maikakaila na lahat ay nahirapan
sapagkat kayo muling naging dayuhan
dito sa panibagong sistema ng pagpapanday ng kaalaman

Ang iba sa inyo'y isipan ng huminto
dahil sa hirap ay na nais ng sumuko
ngunit kanilang napagtanto
na sayang ang puyat at pagod na kanilang binuno

kaya't sila ay nagpatuloy
tinanggap ang panibagong hamon
Muling tumayo't bumangon
para sa kanilang misyon

Kaya't ito na kayo...
masayang nakangiti sa harap ko
Suot ang itim na togang pangarap n'yo
bitbit ang diploma ng inaasam niyo

Binabati ko kayo sa inyong tagumpay
nawa'y gabayan kayo ng Maykapal
sa inyong paglalakbay
sa  panibagong pahina ng inyong buhay

Wakas

Kindly visit my yt channel
warriorMulan16 for more spoken word poetry 😊...

Thank you 😊❤️

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now