Ang Tunay na Ako

49 0 0
                                    

Ang Tunay na Ako
by warriorMulan16

Sa likod ng mga ngiti
ako'y puno ng pighati.
Mahihinang hikbi
at puno ng pagbabakasakali.

Patuloy akong magpapanggap na masaya.
Kahit puso ko'y puno ng pagdurusa.
Kahit unti-unti na akong nawawalan ng kumpyansa.
Kahit 'di ko na matanaw ang linawag ng pag-asa.

Ito ang tunay na ako
sa likod ng maskarang suot ko.
Ang tunay na ako
ay lumuluha't nais ng sumuko.

Nais kong malaman n'yo
na huwad ang mga ngiting ito.
Sapagkat ang totoo
ay nasasaktan at nahihirapan ako.

Gabi-gabi akong lumuluha
sapagkat dinadalaw ako ng samu't - saring gunita.
Kasiyahan kailan kaya matatamasa?
Kailan kaya makakawala sa rehas ng pagdurusa't pagkabalisa.

Ito ang totoong ako
sa loob ng masalimuot kong mundo.
Pasan ang problema't pagkabigo.
Ngunit patuloy na kikibaka't nakikipagbuno
sa hamon ng mundo.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more.

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now