Si Jessa, isang university student ay umalis sa puder ng mga magulang para mamuhay ng tahimik. Ngunit ito ay hindi naging magandang hakbang dahil ang kaniyang mga magulang ay desididong gawin lahat para ipakasal siya sa taong nais nila nasi Henry. Si Henry ay isa sa mga anak ng may-ari ng pinakamalaging planta ng isang food production company. Layunin niyang panatilihin ang regular na koneksiyon sa kahit sinong konektado sa kanilang kumpaniya. Si Harold ang nakatatandang kapatid ni Henry na siyang namamahala sa pangkalahatang operasiyon sa produksiyon. Siya ay lihim na umiibig sa kanilang kababata na si Alice. Ngunit si Alice ay may pagtingin kay Henry at iyon ay parehong alam ng magkapatid. Ngunit dahil si Alice ay isang pre-school teacher at anak ng mag asawang aktibo sa industriyang edukasiyon at charity, hindi ito binigyang pansin ni Henry. Si Jessa, Henry, Harold, at Alice ay may kaniya-kaniya nais. Sino nga kaya ang magsisimula at kukumpleto ng isang hakbang upang makamit ang kanilang nais?