Alam niyo ba yong pakiramdam na kailangan mong lumaban pero kailangan mo ring huminto dahil sa pagod? Sakit. One word but many reasons, maraming kahulugan at mahirap. Magkalagnat ka nga lang ay para ka ng lantang sili pano pa kaya kung simula pagkabata ay may sakit kanang dinadala na maaring maging dahilan para hindi mo magawa ang mga bagay na dapat ginagawa ng bata dahil sa may dinaramdam ka. Physically and mentally ay dinaranas na ni Cassiopea. Parang yong pisi na matatag, bago, mahaba at malakas ngunit habang tumatagal ay rumurupok, tumatanda, napuputol at higit sa lahat ay nanghihina. Bente-uno na ang edad niya at parang mawawalan na ng pag-asang maging maayos pa ngunit isang estrangherong lalaki ang nagbigay sa kanya ng lakas upang lumaban pa para sa sarili, sa mga nagmamahal sa kaniya at para sa lalaking naging inspirasyon na niya.
1 part