#1 Istorya ng isang babae na baguhan sa pag-ibig. Baguhan nga ba? Siguro nga dahil kung hindi ito baguhan ay sana alam na niya ang pasikot sikot na daan ng pag-ibig. Si Alyssa na tahimik at misteryosa. Si Alyssa na mukhang matalino dahil sa suot na salamin. Si Alyssa na makupad pa sa pagong sa larangan ng pag-ibig at higit sa lahat, si Alyssa na nagkagusto kay Adrian ng STEM-13. Alyssa, Alyssa, parating na siya. Alyssa, Alyssa, dumaan siya sa likod mo kanina. Alyssa, Alyssa, sabihin mo na sa kanya. Alyssa, Alyssa, ako na lang kaya? The 7 Feet Chance ( NCISAC #A Short Shot Story)