Huling Sandali (Jhobea)

De jhowanabb

169K 1.9K 441

Maaari pa kayang maibalik ang dating pagsasama ng dalawang taong minsan ng nasaktan ng sobra? Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
A/N
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
ANNOUNCEMENT
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
ANNOUNCEMENT
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
Chapter 68
Chapter 70
LAST CHAPTER
EPILOGUE
NEW STORY

Chapter 69

1.9K 26 15
De jhowanabb

Ella's POV

Nang mabalitaan kong dinukot ni nico si bea ay nagmadali akong tawagan ang team. Nagpatulong na rin ako sa mga kaibigan kong pulis at LTO in case na maisip ni Nico na lumabas ng manila.

Ngayon nga ay tinatahak namin nila jia ang daan patungong hospital kung saan dadalhin sina Jho. Gusto kong umiyak sa galit at lungkot dahil sa sinapit ng dalawa.

Wala naman silang ginagawang masama. Nagmamahalan lang naman sila ngunit bakit ganito ang kapalaran nila.

"Jia ano na daw balita kina jho at bea?" Tanong ni maddie na bumasag sa katahimikan ng nasa loob ng sasakyan ko. Ang mga kasama ko dito ay sina maddie, ponggay, deanna, jia at trey. Yung iba ay sa iba na din naming mga kateam sumakay.

Si Ly at den naman ay sinamahan sina tita lovel para kahit papano ay may umagapay dito.

"Hindi ko pa alam mads. Hindi din kasi sinasagot nila ate ly ang mga telepono nila" sabi ni jia kaya napabuntong hininga ako. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho para makarating agad kami sa hospital.

Wala nang nangahas pang magsalita saamin kaya nagfoucs nalang ako sa pagmamaneho.
Pagkarating namin ng hospital ay nagpark agad ako at tumakbo kami papasok ng hospital.

"Miss, saan po dinala si Jhoana Maraguinot at Bea De leon?" Tanong ni Maddie sa nurse na nasa information desk.

"ICU po ma'am. Diretso niyo lang po yung daan na ito and liko po kayo sa right. Sa pinakadulo yun na po yun" sabi ng nurse. Nagpasalamat kami at tumakbo papunta sa ICU.

Pagkrating namin doon ay naabutan namin ang pamilyang de leon at maraguinot kasama sina Ly.

"Kumusta sila?" Tanong ko pagkalapit namin kina ly. Nagkibit balikat lang si ly kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi pa lumalabas ang dalawang doctor na tumitingin kina jho" mahinang sabi ni den kaya napaupo ako sa tabi niya.

"Sana walang mangyaring masama sakanila" bulong ko at tumango naman sila.

"Ipagdasal nalang natin na sana nga walang mangyaring masama sa dalawa" sabi ni jia kaya tumango kami at pumikit at nag usal ng dasal para sa dalawa.

Lord wag niyo hong pababayaan sina jho at bea. Sobrang dami na pong pinagdaanan ng dalawa wag niyo na ho silang pahirapan pa. Hayaan niyo na ho silang maging masaya.  Amen.

Pagkatapso kong magdasal ay iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kina tita lovel at tita det na kasama ang kanilang mga asawa.

Halata sa mukha nila ang pag alala lalo na ni tita det at tita lovel.

"Si nico nga pala ate ly? Kumusta?" Pagbasag ni trey ng katahimikan.

"Patay na. Hindi na nakaabot ng hospital" sabi ni Ly. Walang nagsalita saamin dahil siguro sa galit.

Kung nasaan ka man Nico, sana matahimik na ang kaluluwa mo.

Tumayo ako at lumapit kina tita lovel.

"Tita" mahian kong sabi sapat na para marinig nila ito. Tumingin sila saakin ni tito john at mabilis akong niyakap.

Niyakap ko lamang siya ng sobrang higpit. Close ko din kasi ng sobra si tita lovel dahil nga nung panahong broken si Jhoana ay lagi ako nitong kasama kaya naman parang pangalawang nanay ko na ito.

"Shhh. Tahan na po tita. Magiging okay lang po si Jhoana at bea. Mga masasamang damo yun eh" biro ko pa at narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni tita. Bumitaw siya sa yakap at nagpunas ng kanyang luha.

Ngumiti ako sakanila at sinamahan silang tumingin sa salamin ng pinto ng ICU. Sobrang focus ng mga doctor at nurses sa kanilang mga ginagawa. Samantalang kaming lahat dito ay naghihintay lamang ng kanilang sasabihin.

Pagkadaan ng ilang minuto ay inaya ko si tita lovel na umupo muna dahil alam kong pagod din ito. Mabuti nalang at pumayag. Si tito elmer at tito john naman ay nagpaalam na bibili ng makakain naming lahat.

Masarap sana sa pakiramdam na may libreng pagkain pero hindi ko magawa dahil sa nangyari sa dalawang taong mahalaga saakin. Saksi ako sa pagmamahalan ng Jhobea. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung isa sakanila ang mawala. Hindi naman sana *cross fingers*.

Hindi naman umalis ang mga teammates namin kahit halata sa kanilang mga mukha ang pagkapagod at antok. Ramdam kong maging sila ay sobrang nag aalala para sa dalawa.

Ilang oras pa kaming naghintay ngunit wala pa rin.
Ipinikit ko muna ang aking mga mata para makapagpahinga kahit papaano ng biglang bumukas ang pinto ng ICU kaya naman nagsitayuan kaming lahat at nagsilapitan sa doctor na lumabas.

"Family of Ms. Maraguinot?" Tanong ng doctor at mabilis na tumaas ng kamay si tita lovel at lumapit dito. Sumama din ako sakanya at inalalayan siya just in case na may sabihin ang doctor.

"A-ako po doc. K-kumusta po ang anak ko?" Tanong ni tita lovel pagkalapit namin. Hinawakan ko ang balikat ni tita na parang pinapakalma.

"Naalis na namin ang mga balang tumama sa katawan niya. Sobrang nahirapan kami sa kondisyon ng anak niyo ma'am dahil ang isang bala ay halos tumama na sa kanyang puso kaya naman nagkaroon siya ng internal bleeding." Bigla namang nanghina si tita lovel dahil sa sinabi ng doctor. Mabuti nalang at nahawakan ko ito.

"Pero ligtas na ho siya doc?" Tanong ni maddie dahil siguro alam niyang walang lakas ng loob si tita para magtanong.

" Hindi ko pa ho masisigurado pero gagawin po namin ang lahat para maging ligtas ang anak ninyo. Sa ngayon po ay okay na siya. Mananatili pa siya sa ICU dahil para masigurado namin na hindi na siya nag iinternal bleeding. Maya maya lang po ay pwede niyo na siyang bisitahin. Excuse me po" sabi ng doctor. Nagpasalamat naman kami at inalalayan si tita lovel maupo.

"Juskoo ang anak ko" nanghihinang sabi ni tita lovel. Inalo ko lang si tita at pinigilan ang umiyak. Lord iligtas niyo po si Jhoana.

Pinainom din namin muna siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma ito.

Di rin nagtagal ay lumabas ang isang doctor na nag asikaso kay bea.

"Sino po dito ang pamilya ni Ms. De Leon?" Tanong ng doctor at lumapit si tita det kasama si tito elmer na kakabalik lang galing sa pagbili ng pagkain. Maging si tita lovel ay tumayo rin upang malaman ang kalagayan ni bea. Sinamahan ko nalamang muli si tita.

"Maraming dugo ang nawala sa biktima dahil sa ilang beses siyang pinukpok sa ulo dahil dito kailangan siyang masalinan ng dugo para mapalitan ng dugo ang mga nawala sakanya. Kung hindi ay ito ang ikakamatay niya. Madami din siyang mga baling buto at fracture sa ulo. Sa ngayon ay under observation siya. Hindi ko pa ho alam kung kailan siya magigising at kung magigising siya ay kailangan ko pa mag run ng tests sakanya para masiguradong walang ibang problema. " Sabi ng doctor na siyAng nagpaiyak saaming lahat dito.

"Pls doc. Do everything to save our daughter." Sabi ni tito elmer na yakap yakap si tita det na umiiyak.
Tumango lang ang doctor at nagpaalam na.
Maya maya lang ay sinabihan kami ng nurse na pwede ng pumasok kaya pinauna na namin sina tita det at tita lovel kasama sng mga asawa nila.

Naiwan kami sa labas na tulala at hindi alam ang sasabihin o gagawin. Napabuntong hininga ako at napasabunot sa aaking buhok. Biglang may tumapik sa balikat ko kaya naman tinignan ko kung simo ito at si jia pala.

" Wag mo na isipin sina jho at bea ate. Magiging okay din naman sila eh." Sabi niya na parsng kinukumbinsi ako na walang mangyayari sa dalawa kaya tumango tango ako.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sabay sabay lumabas ang pamilya de leon at maraguinot na halata sa mga mukha ang pag iyak.

Kami naman ang pumasok at inilabas ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sakit kasi kailangan pang magkaganito ang lahat. Akala namin okay na. Maayos na ang lahat. Ikakasal na sila pero bakit nangyari pa ito?

Lumapit ako sa higaan ni jho at hinawakan ang kamay niya.

"Lumaban ka jho. Wag niyo kaming iwan ni bea" bulong ko at mahinang pinisil ang kamay niya.

Bumaling naman ang atensyon ko kay bea na punong puno ng mga pasa ang mukha. Halos hindi ko na ito makilala. Nag dasal nalang ako at lumabas na ng ICU.


































Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari pagdukot ni Nico kay bea ngunit ganun pa rin. Hindi pa rin nagigising ang dalawa kaya mas lalo kaming nag aalala. Pero sabi ng doctor ay bumubuti na ang kalagayan nila.

Ngayon nga ay inilipat na silang dalawa sa iisang kwarto. Sabi ng mga magulang nila ay ipagsama nalang ang dalawa para daw kung magising ang isa ay mabilis makikita ang isa.

Nakakatuwa na maging ang mga magulang nila ay sobra silang sinusuportahang dalawa. Ngayon nga ay magkakasama kaming team dito sa kwarto. Mabuti nalang at malaki ang kwarto kaya kasya kami. Sina tita det at sina tita lovel ay pinauwi na muna namin para makapagpalit ng damit.

Sa ilang linggong nagdaan halos maging bahay ko na rin ang hospital. Kahit puyat ay hindi ko ito alintana. Nais ko lang makitang gising ang dalawa. Nakaupo ako sa isang upuan malapit kay jhoana. Biglang tinapik ni Den ang balikat ko.

"Magpahinga ka din besh. Baka mamaya maginv okay na ang dalawa tapos ikaw naman itong hindi. Wala kaming balak na bisitahin ka" biro ni den na nagpatawa sa mga kasama namin. Napailing nalang ako at niyakap niya ako.

"Wag kana mag alala. Gigising din yang mga yan. Mga masasamang damo yan eh" biro naman ni Ly na mas nagpatawa saamin.

"Hoy Jhobea! Gumising na kayo! Kailangan talaga ninyong bumawi saaming lahat! Uubusin namin ang savings ninyo!" Sigaw naman ni ponggay at sinangayunan naming lahat.

"Gising na kayo ang babaho na ninyo" biro ni maddie kaya tumawa kami ng pagkalakas lakas.

Halos manigas ako sa aking kinauupuan ng biglang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko dito ay kamay ito ni Jhoana. Tinignan ko ang mukha niya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang gising na siya.

"Jho!" Sigaw ko at tumayo. Nakita din ng iba ang pag gising ni jho kaya naman nagsilapitan din sila.

"Bes!"
"Picasso!"
"Baby jho!"

Yan ang mga sinabi nila at pinagkaguluhan si jho.
"Tatawag lang ako ng doctor para sabihing gising na si jho. Tawagan ko na din si tita lovel" sabi ni jia at tumango lsng ako. Sinamahan naman siya ni miguel sa labas.

"Kumusta ka jho? Anong masakit sa'yo?" Tanong ko habang siya ay nakatingin lang saamin. Halata sa mukha ni jho ang saya na makita kaming nandito malapit sakanya.

"T-tubig" bulong ni jho. Tumingin muna ako kay den kung ppwede at tumango naman siya kaya pinakuha ko si deanna.

Nang bumalik si deanna ay mabilis niya itong binigay kay jho. Tinulungan ko namang makainom itong makaupo st makainom ng maayos. Matapos siyang uminom ay kinuha ni deanna ang baso at inilagay sa gilid.

"Kumusta ka picasso?" Tanong ni maddie. Nag thumbs up si jho dito at bumuntong hininga kami.

"Si bea ? Kumusts si bea?" Nag aalala niyang tanong kaya nagsigilid naman ang mga taong nagtatakip sa higaan ni bea. Nakita naman ito ni jho at halos umiyak sa kalagayan ni bea.

Naka cast na ang kanyang kaliwang paa at kanang kamay at hindi pa rin nagigising.

"B-bei" bulong ni jho kaya niyakap ko ito.

"Shhh jho magiging maayos din si bea." Pagtatahan ko sakanya at hinigpitan ang yakap dito.

Dumating na ang doctor at chineck si jho. Dumating na din sins tita lovel at mabilis na yumakap kay jhoana.

"She's okay na. Pero bawal pang masyadong gumalaw ng sobra dahil baka bumukas ang sugat niya. After ilang days pwede kanang lumabas." Sabi ng doctor kaya sabay sabay kaming napasab ng thank God.

Nagpaalam na ang doctor kaya mabilis na niyakap ni tita lovel si Jho. Maging si tito john din ay sobrang higpit ng yakap kina jho.

"Akala ko mawawala kana samin" umiiyak ns sabi ni tita lovel natawa naman si jho.

"Ma naman! Di pa ako pwedeng mamatay noh! Papakasal pa kami niyan oh" sabi ni jho kaya nagtawanan kami. Napaka landi talaga ng maraguinot na ito.

"Anak thankyou kasi ibinuwis mo ang buhay mo para maligtas ang papa mo" mahinang sabi ni tita lovel. Ngumiti lang si jho at niyakap ng mahigpit si tito john.

"Akala ko pa mawawala ka samin. I'm sorry kung ginawa ko yun. I'm sorry pa, ma." Umiiyak na din si Jho. Sobrang kahinaan din niya ang pamilya. Gaya ni Bea pamilya din ang lakas ni bea.

Nag usap pa ang tatlo at hinayaan lang namin. Maya maya lang ay nagkagulo ang lahat dahil biglang nag flat line si bea.

"Bea!/Ate Bea!"
"Bei! Baby Besh!"
" Love! Bea anak!"

Yan ang narinig sa loob ng kwarto nina jho. Mabilis ding dumating ang doctor at ang mga nurse. Lumabas naman ang iba dahil pinalabas ng doctor. Naiwan akong nasa tabi ni jhoana na umiiyak at isinisigaw ang pangalan ni bea.

Maging ako ay umiiyak na rin dahil sa nangyayari kay bea.

"Ready the crash cart please!" Sigaw ng doctor. Binigay naman ng nurse ang paddles sa doctor at nilagyan ito ng gel.

"Charge to 100!" Sigaw ng doctor at pinaglapit ang paddles

"Charged to 100"

The doctor put the paddles on Bea's chest "Clear!"

Wala pa ring respond si bea kaya mas nag panic kaming lahat. Si jho ay patuloy na sinisigae sng pangalan ni bea habang umiiyak.

"Love pls. Lumaban ka" sabi ni jho habang yakap ni tita lovel. Sina tita det naman ay nasa labas dahil hindi na sila pinapasok ng doctor.

"Charge to 150!" Sigaw muli ng doctor at pinag lapit ang mga paddles.

"Charged to 150"

Gaya ng una ay nilagay ito sa dibdib ni bea ngunit flatline pa rin siya.

Umiling iling na ang doctor kaya mas nagpanic kaming nasa loob.

"No doc isa pa po please!" Pagmamakaawa ni jho sa doctor. Nagkatinginan muna ang mga nurse at tumango ang doctor dito.

"Charge to 200!" Sigaw muli ng doctor at nilagyan pa ng gel ang paddles.

"Charged to 200!" Sigaw ng nurse.

Pumikit ako at nagdasal ng tahimik na sana ay makaligtas si bea.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay ganun pa rin flat line pa rin si bea at itinigil na rin ng doctor ang pagrevive kay bea.

Tuluyan ng umiyak jho at wala akong nagawa kundi ang yakapin din siya.

Lord, bakit ganito? Napakaaga niyo naman pong kunin si bea. Madami pang plano si bea sa buhay pero bakit po? Alam kong may plano ka Lord kung bakit ito nangyari pero sana po bigyan niyo ng lakas si Jho at ang mga naiwan ni Bea.

"Time of death 11:11am"

Continue lendo

Você também vai gostar

762K 13.1K 106
Love means No Rush. No limits. No Conditions. No Age Requirements. No Anything. Just You and the person you love. No Other things can get through to...
67.7K 1.8K 67
Meet Errieah, the girl living in seoul who doesn't felt free , existing and loved by his own parents because of some reason that she didn't even kn...
68K 1K 33
"If it's just a relationship of hardship and mental agony, you should put an end to it."- Liam. "Promise me you won't leave me. Never ever betray me...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...