No Strings Attached

By Coutpotaytou

31.4K 1K 161

GxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021 More

No Strings Attached
Note
NSA: 1
NSA: 2
NSA: 3
NSA: 4
NSA: 5
NSA: 6
NSA: 7
NSA: 8
NSA: 9
NSA: 10
NSA: 11
NSA: 12
NSA: 13
NSA: 14
NSA: 15
NSA: 16
NSA: 17
NSA: 18
NSA: 19
NSA: 20
NSA: 21
NSA: 22
NSA: 24
NSA: 25
NSA: 26
NSA: 27
NSA: 28
NSA: 29
NSA: 30
NSA: 31
NSA: 32
NSA: 33
NSA: 34
NSA: 35
NSA: 36
Epilogue
Note

NSA: 23

387 18 0
By Coutpotaytou

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mag-birthday ang mama ni Lilith. Pumunta siya kinabukasan sa apartment namin at sinubukan ulit magpaliwanag. Hindi na rin mainit ang ulo ko no'n kaya nagkaintindihan kami at nagkaayos.

Wala namang nag-o-open ng topic tungkol sa muntikan na naming paghahalikan ni Cat. Kung iyon man nga talaga ang mangyayari sana. She's straight so I'm not really sure. I must be imagining things.

Pagkapasok ko sa elevator ay magsasara na sana pero may kamay na pumigil do'n at pumasok si Cat sa loob.

"Top floor?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah." Sagot niya at tinuon ang tingin sa mga hawak niyang folder.

Parang sobrang tagal naman namin sa elevator at hindi ako mapakali. Ngayon lang ako nakaramdam ng gan'to ka-awkward na atmosphere kasama si Cat.

"Galit ka ba sa'kin?" Maya-maya'y tanong ko.

"What? No!" Sagot niya at tumingin lang sa'kin saglit saka nag-iwas ng tingin.

Sumandal naman ako sa gilid at tumingin sa kaniya. "Bakit mo 'ko iniiwasan?"

"Hindi kita iniiwasan, Iniko." Sagot niya. Hindi man lang niya magawang tumingin sa'kin, 'yan ba ang hindi umiiwas?

"Dahil ba 'to sa nang--" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil bumukas ang elevator at may ibang mga pumasok. Dumaan pa kami sa ilang floor at nang kami na lang dalawa ang maiiwan ulit ay sumabay na siyang lumabas.

Bago sumara ang elevator ay humarap siya sa'kin saka ngumiti. "Busy lang ako, Iniko. I'm not mad or anything, see you at home!"

Great! Hindi nga talaga siya umiiwas.

**

"Hi, babes!" Masayang bati sa'kin ni Yvo pagkapasok ko sa conference hall at ipinaghila pa ako ng upuan malapit sa kaniya.

"Hi." Sagot ko naman at umupo doon.

"What's with this emergency meeting this time?" Tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba, babes?" Takang tanong niya.

"Ang alin?" Naguguluhang tanong ko.

"Nakalimutan mo nga talaga." Natatawang sabi niya.

"Just say it! So what kung nakalimutan ko? The fuck." Galit na sabi ko.

"Chill, babes. 'Di ka talaga mabiro, magpaplano tayo ng surprise birthday party para kay Boss." Masayang sabi niya.

Oh, great!

Tumayo naman ako para umalis na pero pinigilan ako ni Yvo. "Saan ka pupunta? Malapit na magsimula."

"I'm really not into birthday parties, so good luck with the surprise." Bored na sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa'kin. Sakto naman na pumasok si Cat.

"Hello, everyone! I'm glad that everyone came." Sabi niya at tumutok naman ang mga mata niya sa'kin.

"She's--"

"About to stay. Discuss the plan." Sabi ko at umupo na ulit. Naramdaman ko naman na nakatingin sa'kin si Yvo pero 'di ko na siya pinansin.

"I thought--"

"Shh! I'm listening." I said dismissively.

Nagsimula naman silang magsipag-suggest ng theme ng party.

"How about 70's?" Sabi ng isang may edad na lalaki.

"Nah, that's so lame." Sabi naman ng isang babae nasa mid 30's.

"A cocktail party! Stress tayong lahat at magiging masaya uminom ngayon." Excited naman na sabi ng lalaki malapit sa unahan. "May kilala akong magaling na mixologist!"

"How about a black and white themed party? It's classy, bagay maging party ng mga boss!" Sabi ni Yvo.

Are you fucking kidding me?

Napatayo naman ako. "Nope! That's boring and the surprise party will happen tonight. I suggest a pool party. Swimwear are everywhere, there's alcohol, we can relax and it's fun. Ako nang bahala sa place." Sabi ko. Tahimik naman silang lahat na nakatingin sa'kin.

"I agree." Sabi ni Honey. Unti-unti naman akong umupo at nginitian siya then mouthed 'Thanks.'.

Sumang-ayon din naman ang iba pa naming mga kasama. "It's settled then. Mr. Torres, contact your mixologist and pick two from our colleagues. You'll be in charge of our drinks." Sabi ni Cat at nag-thumbs up naman ang tinawag niyang Mr. Torres. "I'll be in charge with the food. Yvo, Honeylette and Iniko will go with me."

"The rest will go to the place Iniko was talking about and do the magic. See you tonight!" Sabi niya kaya naman naglabasan na ang ilan sa mga pumunta sa meeting. Kaya pala puro head ng department ang nandito saka mga tao na close kay Rin dahil balak nila siyang i-surprise.

Binigay ko naman ang address ng resort na tinutukoy ko sa mga naka-assign para sa pag-aayos ng lugar na 'yon.

"Mamayang lunch tayo bibili ng mga pagkain, okay? Ikaw naman Honey, ikaw ang bahalang mag-update sa'min ng whereabouts ni Rin after lunch. Put our party in her schedule tonight." Sabi ni Cat.

Tumango naman si Honey. "Mauuna na ako, ha? Baka hinahanap na ako no'n." Sabi niya. Sumang-ayon naman si Cat kaya umalis na siya.

"Let's get back to work! Mamayang lunch, ha? Don't forget." Sabi niya at nauna nang lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Yvo.

"Not into birthday parties pala, ha." Nang-aasar na sabi niya.

Inirapan ko naman siya saka siya iniwan do'n. Bwisit na 'yon, nakuha pa akong asarin.

What am I even doing? Magiging awkward lang naman kami kapag tinanong ko siya, hindi naman kami nag-kiss. And for fuck's sake, I have a girlfriend! Stupid. Stupid me.

Nagpaka-busy na lang ako sa work para kalimutan ang mga problema ko. Busy ako sa pag-review ng mga i-pro-propose kong business sa board para bukas nang may tumawag sa'kin. Nang alisin ko ang tingin sa papeles na binabasa ko ay nakita ko si Honey.

"Yes?" Sabi ko at binalik ulit ang tingin sa binabasa ko.

"Lunch na, Iniko." Nahihiyang sabi niya.

"Tatapusin ko lang 'to then sabay na tayo mag-lunch." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"U-Uhm... I would love that pero hinahanap na tayo ni Hecate." Sabi niya.

Saka ko naman naalala ang tungkol sa surprise party. Pagtingin ko sa relo ko ay 15 minutes late na ako. Napatampal na lang ako sa noo ko. "Oh, shit! Tara na! Nawala sa loob ko." Sabi ko at nagmamadaling inayos ang gamit ko.

Hinatak ko na siya papunta sa elevator pero nakita namin si Rin na papunta rin do'n kaya naman lumiko kami at pumunta na lang sa hagdan. Bumaba kami ng isang floor saka pumunta sa tapat ng elevator. Base sa number sa taas ay mukhang sa office niya siya mag-lu-lunch.

Nang magkaroon ng available na elevator ay sumakay na kami do'n at pumunta sa ground floor. Hinila ko ulit si Honey patakbo sa lobby kung saan naghihintay si Cat at Yvo.

Nakasimangot naman siyang nakatingin sa'min at nang mapadako naman ang mata niya sa baba ay parang tumalim ang tingin niya kaya naman napatingin din ako do'n saka ko lang napansin na hawak ko pala ang kamay ni Honeylette.

Parang wala lang na binitawan ko naman 'yon at patay malisyang tumingin sa ibang direksyon. "Nakalimutan mo siguro na aalis tayo ngayong lunch, babes." Sabi ni Yvo at inakbayan pa ako kaya naman siniko ko siya ng mahina sa tagiliran para mabitawan niya 'ko.

"I didn't, I was kinda busy." Sagot ko.

"Mamaya na kayo magdaldalan, umalis na tayo at after lunch ay kailangan na agad bumalik ni Honeylette." Masungit na sabi ni Cat.

Tumahimik naman kami at pumunta na sa labas kung saan naghihintay ang company car na gagamitin namin.

Pagkahatid sa'min sa mall ay dumiretso kami sa grocery station at kumuha ng dalawang push cart.

"Iniko/Babes." Sabay na tawag sa'kin ni Yvo at Honey.

"Hmm?"

"Tayong dalawa na lang bumili ng mga chips." Sabay na sabi ulit nilang dalawa. Tumingin naman sila ng masama sa isa't isa.

"Kayong dalawa na lang ang kumuha ng mga chips, kami na bahala sa meat ni Cat." Sabi ko naman. Bagsak ang balikat na sumang-ayon naman silang dalawa at naglakad na papunta na sa mga chips. Sinundan ko naman si Cat na papunta sa meat section.

"Iniiwasan mo ba ako?" Pagbasag ko sa katahimikan habang kumukuha kami ng mga BBQ na pwedeng iihaw mamaya.

"No."

"Bakit ang distant mo? Dahil ba sa--"

"Iniisip ko lang ang surprise party para kay Rin, hindi kita iniiwasan." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

"Are you sure?" Paninigurado ko.

"I am, now help me with our task. Malapit na matapos lunch break natin." Sabi niya at tumingin na ulit sa mga meat na nasa harap namin.

"Mag-order na lang kaya tayo? Less hassle pa." Suggest ko naman.

"Less hassle and less effort. Birthday ng pinsan mo, Iniko. Ngayon lang natin siya i-su-surprise kaya gusto kong ma-feel niya na nag-effort talaga tayo." Paliwanag niya.

"Kung ipagluto mo na lang kaya siya ng isang dish na para kang sa kaniya? O kaya ikaw na lang gumawa ng cake niya tapos mag-order na lang tayo para sa ibang pagkain." Suggest ko.

Nag-isip naman siya saglit pero sumang-ayon din siya sa'kin. Hinanap na namin ang dalawa at nakitang nagbabayad na sila ng mga pinamili nilang junk foods, pakiramdam ko ay nagkaro'n ako ng U.T.I. nang dumapo ang tingin ko sa mga 'yon.

Hinintay na lang namin sila sa labas. Nang matapos silang magbayad ay lumapit sila sa'min, bitbit pa rin ang push cart dahil 'di kaya na bubuhatin lang nila ang mga 'yon gamit ang kamay.

"Oh, nasa'n ang mga pinamili niyo?" Takang tanong ni Yvo.

"Wala, napagpasiyahan namin na mag-order na lang." Sabi ko.

"Dalin mo na 'yan sa venue, Yvo. May pupuntahan pa kami nina Cat." Sabi ko at hinawakan na sa sa braso si Cat saka Honey. "Take a cab, thank you!" Pahabol ko pang sabi at tuluyan na namin siyang iniwan do'n kasama ang mga tsitsirya na binili nila.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Cat.

"Bibili ng bikini, duh!" Excited namang sabi ko.

Tumigil naman bigla sa paglalakad si Honey kaya napatigil ako sa paghila sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Mag-wi-withdraw muna ako, Iniko. Hindi na kasi pwede ang card ko." Nahihiyang sabi niya.

"Sinong nagsabing magbabayad ka? Libre ko 'to kaya let's go!" Sabi ko at hinila na ulit sila papunta sa bilihan ng swimsuits.

"Pick anything you like, may 30 minutes pa naman bago mag-end ang lunch break natin." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan muna sila bago nagsimulang humanap ng swimsuit. Who doesn't like free stuff, right?

May nakita naman akong army green na two piece bathing suit. Naisipan ko na ring bilhan si Lilith dahil balak ko siyang i-invite mamaya.

Nakapili na rin silang dalawa ng gusto nila kaya binayaran ko na.

"Ayaw mo ba talagang kumain muna?" Tanong ko kay Honeylette habang naglalakad kami papuntang parking lot. Hindi na kasi siya nakakain.

"Mamaya na lang sa party, kailangan ko rin magpaliit ng t'yan. Baka ma-turn off ang mga makakakita sa baby fats ko." Sabi niya.

"There's nothing to be conscious about, you're beautiful." Sabi ko at nginitian siya.

"Nambola ka pa, sige na. Bye, Iniko, Hecate. See you later sa party." Sabi niya at pumasok na sa car. Lumapit naman ako sa company driver namin. "Manong, balikan niyo po kami pagkahatid niyo kay Honey."

"Sige po, Ma'am. Mauuna na po kami." Sabi niya.

"Sige po, ingat po." Sabi ko at gumilid na.

Kumaway naman sa'min si Honeylette, pagkaalis nila ay bumalik na kami sa loob ng mall.

"Nakapag-decide ka na ba kung ipagluluto mo siya o igagawa mo na lang siya ng cake?" Tanong ko kay Hecate habang naglalakad kami papasok sa supermarket.

"Mag-ba-bake na lang ako and you're gonna help me." Sabi niya at kumuha ulit ng push cart.

Pumunta naman kami sa section ng All About Baking at doon kumuha ng mga kailangan namin.

"Baka masira ko lang ang cake niya." Nag-aalangang sagot ko dahil wala akong talent sa baking.

"Kasama mo naman ako saka magkaibang cake ang gagawin natin kaya kung sakaling pumalpak ang sa'yo, may maihahanda tayo." Sabi niya at kinindatan pa ako.

"At talagang gusto mo lang makita ang baking skills ko, 'no?" Nakapameywang na sabi ko nang tumigil kami dahil kumukuha siya ng baking powder.

"Come on, Iniko. Minsan lang tayo mag-e-effort, birthday naman ng favorite mong pinsan." Sabi niya at nagpatuloy na ulit sa pagtulak ng push cart.

"Yeah, right. Anu-ano ba ang kailangan kong hanapin?" Pag-iiba ko ng usapan dahil hindi naman na ako mananalo.

"Brewed coffee and eggs, please. Thank you." Sagot niya.

"Ano bang cake ang gagawin natin?" Tanong ko ulit habang kumukuha ng eggs.

"Mocha chiffon cake." Excited na sabi niya. "Madali lang 'yon kaya don't worry."

May magagawa pa nga ba ako?




Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 571 8
𝐌𝐄𝐋𝐋𝐈𝐅𝐋𝐔𝐎𝐔𝐒 - ᵍⁱʳˡ ʸᵒᵘ'ʳᵉ ᵗᵉᵃˢⁱⁿᵍ ᵐᵉ!" /𝘮əˈ𝘭𝘪𝘧𝘭𝘰͞𝘰ə𝘴/ 𝘢𝘥𝘫. (𝘰𝘧 𝘢 𝘷...
52.4K 1.1K 23
We've all heard about "Harry Potter " by J.K. Rowling, It's about time we find out the OTHER side of the story. P.S. All corrections are by Gramm...
232K 9.4K 33
What will happen if you end up falling for the child you just took to be one of your children? What will happen if your wishes are granted? Will Rosa...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...