Mageía High: Grimoire of Astr...

By suneowara

1.9M 111K 13.8K

A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And... More

Author's Note
Prologue
ANNOUNCEMENT!!! // REPRINT
Welcome, to world of magic
1. Mageía High
2. Test
3. Duel
4. First Day
5. History
6. Blue moon
7. Black forest
8. Howling woods
9. The Princess of Bernice
10. Summoning
11. New Lead
12. Company
13. Dream
14.5 Zero
15. Start of Adventure
16. Sydros
17. Childhood
18. Departure
19. Kanyes
20. Suicide
21. Who's the boss
22. Secret
23. Border
24. Last Town
25. Against the Disciples
26. Combination
27. Witnessed
28. Rest
29. Second Disciple
30. Witch
31. The greatest
32. The person I look up to
33. Broken
34. Back in time
35. For the second time
36. Festival
37. Wand
37.5 Wish
38. Destined
39. Back
40. Return
41. Descendant
42. Frencide
43. The plan
44. The culprit
45. Stick to the plan
46. The student
47. The future
48. Avenge
49. Trust
50. Believe
51. The greatest witch
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT

14. Fate

31.3K 2K 199
By suneowara

Fate

[Xena]

Unti-unting napaawang ang bibig ko nang makilala ang babaeng nasangga ko. Hindi lamang ako kung hindi siya rin.

"X-Xena?!" hindi makapaniwalang sambit ni Zairah.

Pareho kaming napahakbang paatras nang makilala ang isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito?!" sabay naming tanong ni Zairah.

Kapwa kaming napaismid sa sinabi naming dalawa.

"Pababalikin niyo ba kami sa Academy?!" muli naming sambit pareho.

Natigilan ako sa sinabi niya at pareho kaming natauhan.

"Tumakas din kayo?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"So what? I'm a noble. Kahit anong gawin ko ay pwede," taas noong sagot ng babaeng kaharap ko.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Eh kabadong-kabado nga siya kanina nang makilala niya kami.

"Where are you going Xena?" marahang tanong ni Lei.

Napunta ang tingin ko rito. Kahit na nagdadalawang isip, ay agad ko siyang sinagot, "To Frencide."

"Then why are you with him?" sunod na tanong niya. Tinapunan nito ng masamang tingin si Raze.

Kapwa niya ay napatingin din ako sa kasama ko. Nawala sa isip ko na hindi pala maganda ang samahan nila nina Raze at Zairah.

"Long story," sagot ko na lamang.

"Anyways, let's just pretend that we didn't saw each other," pag-iiba ko.

Walang umangal sa sinabi ko at pare-pareho silang sumang-ayon. Balak na sana naming daanan ang isa't isa nang natigilan bigla si Zairah.

"Nandito ka lang pala Miss. Bumalik na po tayo," sambit ng isang babaeng nakapusod ang buhok sa likod ni Zairah.

May kasama itong mga nakaunipormeng lalaki at isa pang lalaki na nakasibilyan ang suot.

Parang nakakita ng multo si Zairah nang dahan-dahan itong tumalikod. Namumutla ito at napako sa kinatatayuan niya. Tumagal ng ilang segundo bago niya nagawang makapagsalita.

"I-I'm not going back Richel," pagmamatigas ni Zairah sa babaeng tinawag niyang Richel.

Tila nagbago ang ekspresyon ni Richel sa sinabi ng babaeng nasa gilid ko.

"Hindi namin tinanong ang gusto mo Miss Zairah. Kailangan na nating bumalik," walang kaemo-emosyong sagot nito.

Nagsimula nang lapitan ng lalaking nakauniporme si Zairah. Ngunit bago pa silang tuluyang makalapit ay mabilis na humarang si Lei.

"Let her be!"

"Mister Leirus, hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung hahayaan mong isama ka ni Miss Zairah sa walang kwentang bagay," walang ganang sambit ni Richel.

Napaismid si Zairah sa sinabi nito.

"áne-"

"Voúlosé to," pagsingit ng lalaking kasama ni Richel na nakasibilyan.

I was taken aback when he used a spell. I felt his strong pressence in the air. He... is not an ordinary witch.

Hindi na naituloy ni Zairah ang spell na sasabihin niya nang maunahan siya nito. Naging zipper ang bibig ni Zairah at hindi niya ito maibuka.

Pare-pareho kaming nabigla sa spell na ginamit ng lalaking kasama ni Richel. That's an Rank SS spell...

"Do you like it? Isang énas ang kasama ko ngayon." Richel has a proud look on her face—showing a grin. Inilahad niya ang kamay sa kasamang lalaki. "Meet Sir Aferis. Pinasadya ko talagang kunin siya para i-escort ka pabalik ng Bernice, Miss Zairah," pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya.

"elefthérosi," muling sambit ni Aferis, kusang bumukas ulit ang bibig ni Zairah.

"Ngayong alam mo na ang ipinagkaiba ng kakayahan niyo ay wag ka sanang manlaban pa, Miss Zairah. Even though you're a tría, alam nating pareho na wala kang laban sa isang énas," muling sambit ni Richel.

I can see the shame in Zairah's face after being humiliated. Nalipat ang tingin sa amin ni Richel. Pinagmasdan niya kami mula ulo hanggang paa.

"And I also told you to stay away from commoners. Dumi lang ang mapapala mo sa kanila," dagdag niya.

Napaismid si Raze sa narinig at akmang lalapit na sa kanila nang agad ko siyang pinigilan. Walang ekspresyon lang akong nanonood. It's none of our business. Hindi kami nandito para gumawa ng gulo.

Si Zairah lang ang kailangan niya at hindi kami. Wala kaming dahilan para lumaban.

Nanatili lang akong nanood kina Lei at Zairah. Kahit may pinagsamahan kami pa paano ni Lei ay wala akong karapatan na makisali sa kani-kaniya nilang buhay. Kailangan ko lang isipin ang dahilan kung bakit ako nandito.

Balak ko na sanang tumalikod upang lumayo na nang matigilan ako sa nakita ko. Kahit tumutulo ang mga luha sa mga mata ni Zairah ay hindi nawawala ang dedikasyon nito sa mga mata niya.

"I told you, hindi ako babalik! No one's gonna stop me from chasing my dreams!"

I was taken aback by what she said, as if I felt something hit my chest. Unti-unting himigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Kasunod ng pagbigkas niya ay ang paghampas ng malakas na hangin.

I suddenly saw myself when I was a kid.

I was also a dreamer. And my dream... was too far to reach. Pero kahit pinagtatawanan nila ako kapag naririnig ang pangarap ko ay may isang taong naniwala sa akin. That's why I'm here right now.

Nagsimula ng dukutin si Zairah ng mga lalaking kasama ni Richel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kanila.

Maybe meeting Zairah and Lei here was not a coincidence at all.

Maybe... it was fate.

Agad na napunta ang tingin ni Richel at Aferis sa akin. Pinagtaasan ako nito ng kanang kilay nang tuluyan na 'kong nakalapit sa kanila.

"Let them be," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Tinignan ako ni Richel na para bang nandidiri. Hindi man lang ito nag-aksaya ng laway na sagutin ako at tinalikuran lamang ako nito.

Nagsimula na silang maglakad papaalis nang matigilan sila sa sinabi ko.

"Kapag ba natalo ko ang énas na kasama mo gamit ang isang spell ay hahayaan mo sila?"

Nakakunot noong humarap sa akin si Richel at Aferis. Nabigla rin sina Raze at Zairah sa sinabi ko.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Richel. "Nasisiraan ka na ata ng bait. Isa tría nga ay hindi kayang talunin si Aferis. Ikaw pa kayang éxi lang?" natatawang sambit niya.

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at matalim siyang tinignan.

"Kung hindi ka witch ay manahimik ka. Hindi ikaw ang kalalabanin ko."

Bakas ang pagkairita ni Richel sa sinabi ko. Akmang susugurin na sana niya ako nang hawakan ni Aferis ang balikat niya. Imbis na si Richel ang lumapit sa akin ay unti-unting naglakad papunta sa akin si Aferis na may ngisi sa labi.

"Bata, ayokong pumapatol sa mga katulad niyo. Trabaho ko lang naman ito. Wag sanang sumama ang loob mo sa akin," nakangising sambit niya. "Kaya umalis na lang kayo ng kasama mo at mag-aral na lang ng spells ha?"

Natatakpan niya ang sinag ng araw nang mapunta siya sa harapan ko. There's a big gap between our height difference.Walang kaemo-emosyong umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Takot ka bang matalo ng bata?"

Nawala ang ngisi sa labi ni Aferis at napalitan ito ng pagkairita. "Kaya ayoko sa mga batang katulad mo. Makikitid ang utak."

Pinagmasdan ako nito at muling kumurba ang labi sa isang ngisi.

"Sige, tignan natin kung anong klaseng Rank F spell ang gagamitin mo," natatawang sambit niya.

I remained expressionless. Dahan-dahan akong mas lumapit dito habang hindi nawawala ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Parang bumagal ang oras at tumahimik ang paligid matapos humampas ang hangin.

"midén."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hinintay ng mga kasama ko na may mangyari ngunit wala. Walang lumabas na apoy o kahit anong mahika.

Pero sa kabila n'on, unti-unting nawala ang ngisi ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko. I can see the terror in his face when he slowly realized what I've just said.

Hindi isang spell ang binanggit ko.

Bagkus ay isang salita lamang.

Just like what I've said before. Everyone has their own rank. An éxi or six as the lowest, and énas or one as the highest or strongest. Mas maliit na numero ay mas maraming kaalaman pagdating sa mahika.

Ngunit meron pang mas nakatataas sa isang énas o one. At mga énas lang din ang nakakaalam n'on dahil sa oras na banggitin ng isang indibidual ang salitang 'yon ay kusang magiging abo ang katawan nila.

It's a taboo and only those who are in that rank can be able to pronounce it.

We call them midén.

Or zeroes.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
731K 38.5K 35
GIFTED SERIES #3 Hey. Have you heard about the Principal? It is said that she's a little girl with a blonde hair. And she always walks with a cup of...
3.5M 113K 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that...
2.3M 124K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...