The Last Intruder (Legend of...

Par kimsyzygy

35.1K 1.7K 124

Legend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the gi... Plus

--
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Epilogue
Series/ Book Two
Intruded Trails (Van Doren Series #1)

Chapter Forty

555 29 3
Par kimsyzygy

Tower of Death

Mabilis kong hinawakan ang mukha niya para maisandal ang noo ko sa kanya. Hinihingal kaming dalawa habang sabik na nakatitig sa isa't isa.

All this time, it was him. I still couldn't believe it. Hindi na ako magtataka kung bakit mas marami ang nalalaman niya kay sa sakin. Kasi siya.. sa harap ko ngayon ang tagapagmana.

Pero iba ang nasa isipan ko ngayon na nakayakap ako sa kanya. He's not the heir, not a prince, not a Ravensiel, not whatever he is.

Ang alam ko lang ay siya ang lalaking minamahal ko. I don't care anymore. Parang gusto ko nalang pumayag sa gusto niya na takasan ang lahat.

"I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorry, baby." paulit-ulit niyang bulong sakin. Pinikit niya ang mga mata niya at umiiling-iling sa harapan ko na tila sobra na siyang nasasaktan.

"I did what I have to do. I don't want to loose you. Hindi ko kayayanin, Theana.. Hindi.."

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga pisngi niya. Ramdam ko ang pagtigas ng bagang niya roon. Nanginginig rin ang mga mapupulang labi niya.

"You're so selfish, Laurent.." I muttered between my sobs. "So selfish.."

Narinig ko ang pagsinghap niya. Umiling lang siya sa mga kataga ko. He held the back of my head to close our distance.

Akala ko huhulihin niya ang mga labi ko pero dumapo lang ang halik niya sa gilid na labi ko.

"For you.. my love," bulong niya habang hinahalikan ang pisngi ko.

"I will be."

Napapikit nalang ako at dinama nalang siya.

Kumapit ako sa balikat niya at nanatili sa loob ng braso niya. I burried my self on his neck. Pinatakan ko rin siya ng maliliit na halik roon.

Ito nalang ang magagawa ko.. ang pakiramdaman siya. Wala na sa akin ang susi.. wala na akong silbi pa rito.

"Nikholaus," rinig kong mariin na tawag sa kanya.

Hindi niya iyon pinansin na tila walang narinig. Patuloy lang siya sa paghalik sa iba't ibang parte ng mukha ko.

"Hayaan mo muna sila, Lavislous!" napapaos na sigaw ng reyna. Wala nang may nagsalita pagkatapos ng sigaw niya.

Dahan-dahan kong inalayo ang sarili ko kay Laurent. Bahagya ko siyang itinulak pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sakin. He snuggled his head on my shoulder.

"Laurent.." pumiyok ang boses ko. "Let go.."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang sabihin ko iyon.

"Mahihirapan lang tayo kapag.. kapag mananatili pa tayong ganito. Please.. let go, now." Hindi ko na alam kung paano ko nakayanang sambitin ang mga salita ito.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko para pigilan ang pagtulak papalayo sa kanya at niligay ito sa gilid ko. Nakakulong na ako sa hawak niya. Hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa lakas ng pagkayakap niya sakin.

"Laurent, please.. just go!" Kumawala ang sigaw ko sa kanya. Gusto ko nang bitawan niya ako. I'm tired and exhausted. Natuyo na ang mga luha ko sa sobrang iyak.

Nakakapagod.. nakakapagod ang mundong ito. Paano nga ba ako ulit nakapunta rito?

Hindi siya gumalaw. Nanatiling tila bato siya na nakapulupot sakin. I can't even feel his breathing anymore.

"Go--"

"Take a deep breath, Theana Khione." mahina niyang sambit sakin. Kumunot ang noo ko sa biglang usal niya.

"W-What?"

Naramdaman ko ang mga kamay niyang gumapang paikot sa mga binti ko.

"Stop forcing me to go and take a deep breath, baby." malumay niyang sambit na ikinalito ko.

Sinunod ko siya at huminga ng malamin. I felt him kissed the side of my head. "Now, hang on tight."

Bago ko pa malaman ang ginagawa niya ay may malakas na pagsabog ang yumanig sa silid.

Nagsimulang magsigawan ang mga hari't reyna sa loob at dumilim ang buong paligid. Kahit ang mga kawal ay mabilis tumakbo para tingnan ang nangyari.

"Traydor!!"

"Anong ibig sabihin nito?!"

"Daniel!"

Nangingibabaw ang malakas na sigaw ng hari. "Traydor ka pa rin hanggang ngayon, Daniel!!"

"Ngayon na!" napaigtad sakin ang pamiyar na boses. Si Haring Daniel.

Akmang lilingon na ako sa direksyon nilang lahat nang mabilis na umangat ang katawan ko sa ere.

Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nalula ako sa hanging mabilis na dumadapya sa mukha ko at sa malakas na tunog ng lipad ng pakpak.

"Hindi!!"

Samu't saring mga sigawan pa ang naririnig ko hanggang sa unti-unti iyong naglaho papalayo.

Natulala ako sa bilis ng mga pangyayari. Parang kakapusin ako ng hininga. Ramdam ko pa rin ang mainit na mga braso ni Laurent na nakahawak sa akin habang ako ay nanatiling hindi makapaniwala.

"Breathe, baby." he chuckled. "I'm not letting you go."

Mahina akong humarap sa kalawakan.

Sobrang taas na namin mula sa palasyo. Sa lahat. Kahit sa mga ulap. Naaanig ko ang ganda ng kaharian ng Axiom rito. Mula sa mataas na palasyo hanggang malalawak na lupain at pamayanan.

"T-This is impossible.."

Napapalibutan kami ng mga bituin. Kahit saan ako tumingin ay may iba't ibang kulay na butuin at nahuhulog na mga maliliit na bulalakaw. Nangniningning ang buong langit.

We are surrounded by stars.

Halos mapaluha ako dahil sa mga nakikita ko. Ilang segundo pa ay may gumuhit sa kalangitan na pulang ilaw, kagaya ng sa kagabi.

Napatingin ako sa nilalang na may kagagawan nito at ang nakahawak sakin ngayon.

I thought I would caught him staring at the stars but instead, he's staring at me.

May maliit na ngiti ng pagkamangha sa mga labi niya. Tila nakalimutan na namin ng tuluyan ang mga nangyari.

"Millions of stars in the sky, but I chose to look at your eyes." he muttered out loud.

Kumawala ang isang luha mula sa mata ko nang sabihin niya iyon. Paano ko iiwan ang lalaking ito?

Sumiwalay ang hindi inaasahang ngiti sa labi ko. Nawala na parang iglap ang mga nararamdaman ko kanina. Ang sakit, takot at pagkahina ay nakalimutan ko na. Para akong nabunutan ng tinik.

Dumako ang tingin sa likuran niya. Pakpak. Itim na mga pakpak na tila sa mga anghel. Sobrang lakas ang hampas nito sa hangin at hinahawi papalayo ang mga ulap. Namamayagpag ang tunog ng mga ito dahil sa paglipad.

Sumagi sa isipan ko ang litratong pinakita sakin noon ni Chloris. Kagayang-kagaya niya ang mga iyon.

Napakaganda niya. Ravensiel.

"You're beautiful, Laurent." mahina kong sambit habang nakatulala sa kanya.

Lumapad lang ang ngiti niya sa sinabi ko bago yumuko ng bahagya para halikan ang tungki ng ilong ko.

Naramdaman ko ang paglipad niya pababa.

Doon ko napagtantong lumabas kami mula sa malaking bintana nang silid kung nasaan kami kanina. Si Haring Daniel ang may gawa ng pagsabog para makalipad siya paalis.

"My father is wise. Alam kong ginagawa niya lang ang tungkulin niya, ganun rin ang iba. But I can't stand them anymore." he explained.

"I'm being selfish now, baby. Just say the words and I'll fly you away in a blink.." panigurado niya.

Mabilis akong umiling para pigilan siya. "At iiwan mong masisira ang mundong ito?"

"You can't be like this just because of me. Handa ka na, Laurent.. alam kong handa ka na bago pa ako dumating." mahina kong sambit. "Mawawala ako--"

"I can make you stay perm--"

"I don't want it."

Natahimik siya. Bumukas ang pagkasawi sa mukha niya.

"Theana, you are making this really hard.."

"Hindi. We, both made this hard. We fell inlove, Laurent." mahinahon na sambit ko sa kanya. "You didn't even tell me it was you.."

Umiling ako. "If I knew, I could have--"

"What? Stay away from me?" pagputol niya sakin.

Suminghap ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko siya magawang titigan.

Nagtigas ang bagang niya. "Then fuck the fucking crown." matigas niyang sambit.

"Laurent.." dismiyadong sambit ko.

Halos mapahilot ako sa sintido ko dahil sa pagiging makasarili niya.

"Mawawalan ng saysay ang pagpunta ko rito.."

"I can't be selfish. Alam mo ba si Meyin? May hinihintay siya, Laurent. For a long time, she's waiting for your kind to come back. To see her love again before it's too late for her.." nanginginig ang mga labi kong sambitin iyon.

"At si Dalia.. Enoch at Arawn. Hahayaan mo nalang ba silang gamitin? They were your friends, your campanions. The whole school, Laurent.." nahihirapan kong usal.

I was hoping. Hoping he would listen to me.

Tumapak siya sa isang mataas na burol at marahang binaba ako bago mabilis na tumalikod mula sakin.

Nagsarado ang itim niyang mga pakpak sa likod niya. Ni hindi niya ako tinignan.

Mahina siyang naglakad papalayo sakin. He run his hands roughly through his hair out of frustration. Ayaw niyang makita ko iyon.

"At higit sa lahat, si Chloris at Nephelae, that was their last chance because they both waited long enough. And Epione--"

Marahas siyang humarap sakin. "She fucking died, Theana!"

Natigilan ako sa sigaw niya. Ito ang unang beses na sumigaw siya sa harapan ko.

Umiiling siyang lumapit sakin. "And so can you.." hirap niyang usal.

Mahina akong umiling sa kanya at pagod siyang tinitigan.

"I'm not her. And she died for nothing if I won't do what I was meant to. Masisira ang mundong ito, Laurent. Please, understand.."

Mariin siyang napapikit at umiling. Marahas na pinalandas muli ang kamay niya sa buhok niya.

"I already had a deal with Selera. Astraea is their's."

Napasinghap ako sa sinabi niya hindi makapaniwalang tinitigan siya. "I already gave it up." walang emosyon niyang sambit.

Dahan-dahang lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang nakayuko niyang ulo at tinitigan siya.

"But I didn't yet. Nandito pa ako para sa korona. I'm still here, Laurent." I caressed his face.

"Be the heir you were born to be, for me."

Nanatili kaming nagtitigan. His face was numb and stoic while was pleading.

"You are going to leave me." he assured. His voice was cold.

Umawang ang bibig ko. "I wanted to stay but.." Napalunok ako. "I have a family, Laurent. Hindi ko nalang sila basta iiwan." I carefully muttered.

"Please.." I pleaded.

Sumiwalay ang kabiguan at sakit sa mga mata niya. He look away from me.

"Then you left me no choice,"

Walang emosyon siyang bumaling sakin na ikinabahala ko. "After this, after the prophecy, I will take away your memories from this world.. your memories of me."

Mahinang napabitaw ako sa mukha niya habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa kanya.

"No.."

"I will only be a pain in your life. If you are going back, I wouldn't let myself be a heartache and a bother to you.."

Bakit.. bakit niya ginagawa sakin ito?

Naglakad siya pasulong mula sakin. Bumukas muli ang malalaking pakpak niya at binaybay ng ere. Binulsa niya ang dalawang nakayukom niyang kamao.

He stared at me without any emotion. "Don't worry. It's as if I never existed." he wasn't bothered by his words.

Nanghihina ko siyang tinitigan. Ang buong akala ko ay tapos na akong masaktan. His words sent daggers to me.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"You can't do that to me.. I love you.." halos bulong ko nang lumabas iyon.

Natigilan siya sa kinatatayuan niya. His wings lowered. Iniwas niya ang tingin niya sakin at pumikit ng mariin.

"You can't, Laurent.." iling ko sa kanya.

"Fuck!" malakas na mura niya at tuluyang nagmulat. Nanghina ako nang makita ang luhang lumabas mula roon.

Bago ko pa siya malapitan ay mabilis siyang lumipad pataas.

"Tower of death." walang emosyon niyang sambit bago tumalikod at malakas na lumipad papalayo sakin.

Kinapos ako ng hininga nang tuluyan na siyang nawala ang mga pakpak niya sa dilim ng kalangitan.

Napahawak ako ng mariin sa dibdib ko. Iniwan niya ako rito na nasasaktan sa mga salitang iniwan niya ng ganun kadali.

"Theana!"

Napalingon ako isang bahagi ng burol.

Kumunot ang noo ko nang makita si Haring Daniel na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Nagulat ako nang makita si Vaia na nakasunod sa kanya. Matagal nang hindi ko siya nakikita.

"Sa wakas, akala ko tuluyan ka ng inilipad ni Laurent papalayo." hinihingal na saad ng hari.

"Sinabi niya ba sayo?" sunod na tanong niya.

Naguguluhan ko siyang tinitigan. "Ano?"

"Ang silid."

Napaisip ako at napagtanto ang sinabi ni Laurent bago siya lumipad. "Tower of D-Death.." mahinang saad ko.

Lumiwanag naman ang mukha nilang dalawa na tila may napagtanto.

"Of course," saad ni Vaia bago tumitig sakin. "Bakit hindi ko naisip iyon?"

Mas lalo akong nalito.

"Yes," saad ng hari. "Ano mang nilalang ang pumasok sa tore na iyon ay mamamatay. Maliban nalang kung.. hindi siya nilalang sa mundong ito."

"That's why it was you.." usal ni Vaia.

"Ikaw lang ang tanging makakapasok roon." seryosong saad ng hari.

Napaisip ako sa sinabi nila at mahinang umiling.

"Pero wala na sakin ang susi." saad ko.

Ngumisi ng nakakaloko ang hari at may kinuha sa loob ng damit niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang kwintas na hawak-hawak na niya.

"Lavislous had a small grip." nakangising saad niya.

Humalakhak siya.

"Mukhang babalik tayo sa sentro ng limang kaharian."

***

3 chapters to go then epilogue!!

To the stars and back 💫

-kimsyzygy

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.9K 474 53
"I'm Eris, and you must start to remember my name from now on." - Skyla [ 𝙏𝙃𝙀 𝘽𝙍𝘼𝙕𝙀𝙉 𝙇𝘼𝘿𝙔 ] Having a two personality is not what you cal...
179K 2.3K 80
Isang estranghero puno ng misteryo ang bumago sa kanyang buhay. Matatanggap kaya niya kung sino ba talaga siya o iisiping siya'y pinaglalaroan lamang...
63.7K 3.1K 37
Ang lahat ng mga tagapagmana ng apat na bayan ay nararapat pumasok at mag-aral sa akademyang ginawa para sa kanila. Sinasanay sila doon upang makont...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...