ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

Par lythe_btst

614K 19.3K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... Plus

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

46

11.6K 325 73
Par lythe_btst

Nag da-drive ako ngayon papuntang palasyo nang may mapansin ako sa likod ko.

Kumuha ako ng mag babantay sa akin at sigurado akong nakasakay sila sa dalawag kotse at nakasunod lamang sa akin pero nagtaka ako nang hindi kona sila matanaw sa likod ko. Nasaan na ang mga 'yon?

Binilisan ko na lamang ang pa da-drive ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Para bang may nakasunod.

May nakita na akong isang kulay pulang kotse sa likod ko at nag taka na lamang ako nang matanaw na babae ang driver nito.

Sino 'yon?

"F*ck!"

Agad akong napamura nang paputukan n'ya ako ng baril. Tinadtad n'ya ng bala ang sasakyan ko kaya napa yuko ako at mas binilisan pa ang pag dadrive.

Sino ba ang baliw na 'yon? Ano't sinusundan niya ako? Ni hindi ko s'ya kilala.

S'ya din yata ang dahilan kung bakit bigla na lamang nag laho ang mga body guard ko.

Patuloy s'ya sa pag papaputok ng baril kaya naman nilabas ko din ang akin at agad ipinutok sa kan'ya mula sa bintana pero syempre alam kong hindi s'ya natamaan.

Hays, punyeta naman 'to.

"Ugh! f*ck!"

Muli akong napamura nang bungguin na n'ya ako kaya mas kailangan kopang ayusin ang pag kontrol ko. Baka kasi mamaya bumangga pa ako gawa n'ya.

"Sino kabang baliw ka!"

Muli n'ya akong binunggo kaya halos mauntog ako sa kung saan at napilitan din akong ipreno ang sasakyan ko upang harapin s'ya.

Ngayon ay malalaman ko na kung sino ba ang babaeng ito. Ano ba ang problema n'ya at sino ba s'ya para ganituhin ako?!

Mabilis akong bumaba at ganoon din s'ya. Agad din naming tinutukan ng baril ang isa't-isa.

Hindi kahabaan ang buhok niya, may kulay brown siyang mata, mahaba ang pilik mata n'ya, matangos ang ilong, at maganda din ang labi. Pero hindi s'ya sobrang puti. At may isa akong nasisiguro, ito ay kamukha n'ya si Aisler.

"Sino kaba? Bakit mo'ko sinusundan?" inis kong panimula.

Seryoso lamang ang mukha nito at kita kong marunong at magaling din s'ya makipag laban dahil sa awra ng mukha n'ya at sa katamtamang payat ng katawan n'ya. She also has small sword tattoo at her hand na sumisimbolo sa pagiging palaban n'ya.

"Nag aagaw buhay ang kapatid ko ngayon dahil sa'yo! Isa kalang estudyante kaya ang kapal ng mukha mong gawin 'yon sa isang hari! At isa pa, paano mo nagawang maka-apak sa palasyo kung isa kalang estudyante?" may diin sa pag uusap nito at may halo pang galit habang nakapanatiling nakatutok ang baril niya sa akin.

Naitaas ko tuloy ang isa kong kilay. Sino ba ang tinutukoy n'ya? 'Wag n'yang sabihin na si Aisler ang tinutukoy n'ya? Sa bagay, obvious naman.

Ow, wait...S'ya ba si Allison?

Mukhang s'ya nga.

"That's not my fault. He ruined my life kaya sisirain kodin 'yung kanya." sambit ko at naramdaman ko ang pag hawak niya ng madiin sa baril n'ya.

"You don't have the right to ruin his life! He's a king, and you're just a student! I can kill you right now if I want to." usap pa n'ya at marahan naman akong napangisi,

"I can buy you right now, woman. Be careful with your words, I'm not just a student." I said.

"You can't even afford what I'm wearing kaya tigil-tigilan mo ang walang sense mong sinasabi!"

"Your clothes are cheap. 'Wag ka masyadong mag malaki dahil wala pa sa kalahati ng buhay ko ang mayroon ka." tanong ko na mas ikinaseryoso ng mukha n'ya.

Sigurado naman ako na mas nadagdagan ang inis na nararamdaman n'ya kaya nginitian ko s'ya upang dagdagan pa.

Pero pansin kong may pag dududa na din sa mukha n'ya. Okay lang 'yan, malalaman din naman n'ya ang tungkol sa'kin.

Pero gustong-gusto ko talaga na ipinag mamayabang ang posisyon ko lalo na sa mga taong mahilig mag mataas sa harap ko, hehe. Satisfying kasi ang reaction nila.

"That car is not yours, right? Dahil sa kapatid ko 'yan. Regalo ko sa kan'ya 'yan kaya bakit nasayo? Ninakaw mo?" pag iiba naman n'ya.

Agad ko din s'yang tinaasan ng kilay. Ano ba sa tingin n'ya ang gagawin ko sa basurang 'to?

"Itong basurang 'to ba ang tinutukoy mo?"

Mas nainis ang mukha niya, "Who the hell are you? Sino kaba? Bakit kung umasta ka ay parang kayang-kaya mo ang lahat?" tanong na n'ya.

"Ikaw? Sino ka?" balik kong tanong.

"Tsk, I can't believe this. How can a student talk to me like this? Are you what? Lexus' girlfriend? Are you his girlfriend that's why you're being brave?"

Peke akong napangiti at agad din s'yang sineryosohan ng tingin.

"Manahimik kana. Bakit kaba nakasunod? Ano bang problema mo?" pagseseryoso ko at ibinaba ang baril ko pero s'ya ay nakatutok pa din ang baril sa'kin.

"I'm Allison, at kapatid ako ng hari na muntik mona mapatay!"

"Ay, buhay pa?" may pang aasar sa tono ko.

Ewan koba, nakakatamad na makipag away kaya bahala s'ya kung anong gusto niyang gawin. Pagod na ako kaya isisingit konalang s'ya sa schedule ko at sasakyan nalang ang mga sinasabi n'ya.

"Ano? Anong problema?" muli kong tanong.

"I don't know who you are and I also don't care about that. But if something bad happen to my brother, I swear I will kill you! I will kill you, woman! And I can kill you. " pag babanta n'ya.

"Wow, nakakatakot ka naman. Pero sige, bahala ka. 'Yon lang ba problema mo?" walang gana kong tanong na mas ikinagalit yata n'ya.

Ayan na, ramdam kona na may gagawin s'yang masama.

"Sino kaba talagang babae ka?!"

Hindi ako sumagot sa tanong n'ya.

"Sagutin mo'ko! Sino ka?!" galit nito

"I'm Blythe, and I'm your brother's obsession." pang aasar ko at agad naman akong napaiwas nang iputok niya ang baril n'ya dahil sa inis. "Bwisit ka!"

Pinaputukan ko din siya pero agad itong napaiwas.

Lintek! Nakalimutan kong mala Lexus ang galawan n'ya 'tulad ng sabi nito. Hindi ko naman inasahan na dito kami mag tatagpo o magkakakilala.

Habang pinapuputukan n'ya ako ng baril ay mabilis akong umiiwas dito ngunit palapit din ako nang palapit sa kan'ya.

Tumakbo ako at mabilis umakyat sa kotse n'ya na medyo ikinagulat nito. Tumalon ako dito at agad s'yang sinipa nang malakas palayo.

Tumalsik ang baril na hawak n'ya kaya agad ko s'yang nilapitan at agad sinuntok ang mukha n'ya.

At 'tulad ng inaasahan ko, alam kong papalag s'ya.

Ako naman ang nasipa n'ya palayo at mabilis akong nilapitan nito upang suntukin ang mukha ko.

Isinandal n'ya ako sa kotse at pinag susuntok ang mukha ko.

Lumalabas na din ang dugo sa ilong ko at ramdam kona ang pasa sa mukha ko. Ramdam ko na ang mainit na dugo mula sa ilong ko pababa sa labi ko at tumutulo na din sa sahig.

Habang abala s'ya sa pag suntok sa mukha ko ay agad kong hinigit ang buhok n'ya nang makakuha ako ng pagkakataon.

"Ah! F*ck!" mura nito at sinakal ako.

Hindi ko kasi s'ya masipa dahil masyado s'yang nakadikit sa akin.

Ang bwisit na 'to! S'ya pa yata ang tatapos sa'kin.

"Bitawan mo 'ko!" inis ko't agad kinurot ang leeg n'ya na ininda n'ya kaya nakawala ako sa pagkakasakal n'ya. Nagawa kona din s'yang sipain palayo.

Binawi kopa ang hininga ko at halos maubo-ubo pa.

Hays! Bwisit!

Muli s'yang lumapit sa akin at agad naman akong sinabunutan kaya binawian ko nalang din.

Ayaw talaga n'ya akong tantanan. Grabe naman s'ya makipag kaibigan, ang sakit sa anit.

Pero ang pangit tignan ng ginagawa namin! Ang ayoko sa lahat ay makipag sabunutan dahil bukod sa ang dugyot tignan ay nasisira din ang kuko ko.

"Bitawan mo'ko!" inis ko pero mas dumiin pa ang pagkakasabunot n'ya kaya ganoon din ako.

Hayop! Hindi ba namamanhid ang ulo ng bwisit na 'to? Ang tatag masyado.

"Hindi ba kayo nahihiya? Mukha kayong tanga." rinig naming usap ng isang boses lalaki.

Teka, si Lexus ba 'yon?

Tumingin kami sa kan'ya at natanaw naman namin na nakasandal s'ya sa kotse n'ya habang naka pamulsa at pinapanood kaming dalawa ni Allison.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Allison habang hawak pa ang buhok ng isa't-isa. Nailayo tuloy namin ang mga sarili namin sa isa't-isa dahil sa naramdamang hiya

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Allison?" seryosong tanong ni Lexus.

Huminga nang malalim ito at nag bigay galang kay Lexus bago ito mag salita, "That woman tried to kill the king of all, king Lexus." usap ng gaga at medyo hinihingal pa.

"And you tried to kill the queen of all, Allison." kalmadong usap ni Lexus na ipinag taka din naman nito.

Tsk, inunahan naman n'ya ako. Bakit naman kasi n'ya sinabi ang tungkol sa akin? Kailan pa s'ya nag desisyon nang hindi ako tinatanong?

Pero si Allison ay gulat na gulat. Hindi tuloy s'ya makapag salita.

"Wait, what? A queen of all? What the f*ck do you mean?" hindi nito makapaniwalang tanong.

"You tried to kill the queen of all, Allison! At wala kanang ipinagkaiba sa kan'ya dahil sa ginawa mo." inis ni Lexus.

Ayan, tameme tuloy siya.

"You're a queen of all?"

Tinaasan ko lang s'ya ng isang kilay.

Natawa naman ito at hindi makapaniwala. Nagawa pa n'yang tignan ang buo kong katawan at husgahan gamit ang mga mata n'ya.

"You're a queen but you don't know how to dress properly?"

Tanga ba s'ya? Wala naman kasi s'yang alam. Tsaka sino ba may sabing sa palasyo ako lumaki? Edi sana kung sa palasyo ako lumaki ay hindi ako ganito. Edi sana 'di ako pala away at may maayos din akong pananalita at pananamit.

"And you are what?" inis kong tanong pero 'di s'ya nakasagot.

Pa usap-usap pa kasi s'ya wala naman s'yang posisyong pinang hahawakan. Tadyakan ko ulo n'ya e. Si Aisler lang naman kasi ang ipinag mamalaki at pinanghahawakan niya.

"I don't care who you are! Hindi ako mag bibigay galang sa'yo! And can you please give me the key of that car because I need that!"

Naitaas ko nanaman ang kilay ko, "Ayoko! This trash is mine kaya umalis kana!" inis ko naman.

Hindi s'ya maka palag ngayon dahil sa nalaman n'ya. Tanggal tuloy ang tapang n'ya.

Aware naman siguro s'ya na madami akong puwedeng gawin sa kan'ya na hindi n'ya puwedeng gawin sa'kin, 'di ba?

Puwedeng-puwede ko siya ipatapon sa Death Game, ipalamon sa hayop, torture-in, ikulong, at gawing alipin ko. Wait, ano pa ba?

"Lucy, just give her the key," utos ni Lexus pero 'di ko ito sinunod.

"Ayoko! 'Di ko 'to ibabalik kaya umalis kana!"

"No! Hindi ako aalis hanggat hindi ko nababawi iyan!"

"Manahimik kanga! Sa akin na ang basurang 'to kaya tigil-tigilan mo'ko!" huli kong sinabi at agad na sumakay sa kotse kaya wala naman itong nagawa pa. Nginitian kopa s'ya bago mag paandar nang mabilis.

Kawawa naman s'ya. Mahal din ito ah. Pero ano bang pakaelam ko sa bagay na 'to? Pag mamay-ari ni Aisler 'to at sabi n'ya importante din sa kan'ya kaya mas ginanahan akong sirain 'to.

Pinunasan ko muna ang dugo mula sa ilong ko gamit ang tela ng suot ko at mas binilisan na ang pag da-drive.

Sumakit din ang leeg at pisnge ko dahil sa babaeng 'yon! Bwisit!

Habang nag da-drive naman ay may phone na bigla nalang nag ring kaya nagtaka ako at hinanap ko ito at nakita ko naman na nasa baba.

Kanino 'to?

Kinuha ko 'yon at medyo nag taka. Wala naman kasi akong dalang phone.

Wait, tumatawag si Khairo.

Ay, cellphone yata 'to ni Aisler. Baka naiwan n'ya since sasakyan n'ya itong gamit ko. Obvious din naman na phone n'ya 'to dahil mukha ko ang wallpaper n'ya.

Magaling s'ya pumili ng letrato, ang ganda ko dito.

Grabe talaga ang pagiging obsessed n'ya sa akin, nakakatakot s'ya mag mahal.

By the way, sinagot kona itong tawag ni Khairo at agad naman siyang nag salita,

"Bro! Okay kalang? Hindi mo naman sinabing demonyo ang babaeng 'yon. I thought she's innocent. Nasaan ka? Anong ginawa n'ya sa'yo? She almost kill me! Hindi ko—"

agad kong pinutol ang linya at inopen ang phone ni Aisler habang ako ay nag da-drive. Wala naman kasi akong pake sa sinasabi ni Khairo dahil wala naman itong kwenta. Mabuti at walang password ang phone na 'to kaya mas napadali sa akin ang lahat.

Tinignan ko sa Messages kung sinong kinakausap ng lalaking 'yon.

In-open ko ang chat ni Aisler at Thaddeus. Nang mabuksan ay napansin kong matagal na ang huli nilang pag uusap sa chat. Ang tagal na nito ah.

Thaddeus: He can't kill her.
Aisler: I told him to kill her without mercy pero hindi n'ya ginagawa.
Thaddeus: Stop pretending, Aisler. I know you like her.
Aisler: I like who?
Thaddeus: You want that b*tch!
Aisler: You mean Blythe?
Thaddeus: Yeah.
Aisler: Well, yeah. But I don't know why I wanna kill her. I want her to disappear but I like her.
Thaddeus: Maybe that's a threat.
Aisler: She's cool.
Thaddeus: Agree.
Aisler: I ask Lexus to kill her pero hindi pa din n'ya ginagawa.
Thaddeus: Maybe he has other plan?
Aisler: No! hindi puwede. Kung may iba s'yang plano para na din n'ya tayong trinaydor.

Ayan na ang huli nilang conversation na nakapag pakunot ng noo ko.

Ibinulsa ko muna ang phone na 'to at mamaya na ako mangangalkal dahil nag da-drive pa'ko.

Mas binilisan kona dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa isang 'to.

Pa kalma-kalma lang ako dito pero may kaba na sa dibdib ko dahil sa nabasa ko.

***

Dumeretso ako sa palasyo at agad bumaba ng kotse. Pagkababa ko ay agad kong napansin ang mga maids dito na palihim na pinag nanasaan ang sasakyang dala ko.

Mukha bang maganda 'to? Gusto nila sa kanila na? Kung puwede kolang 'to ibigay sa kanila ay ginawa kona, kaso hindi puwede. Baka madamay pa sila.

"Mr. Duavez, paki tapon ang sasakyan na'to. Pasabugin mo at kunan mo ng letrato, okay?" utos ko at ibinato ang susi sa kan'ya.

Agad naman itong nag bigay galang, "Masusunod, kamahalan."

Pumasok na ako sa loob at agad nag bigay galang sa aking mga magulang.

Agad may pag aalala sa mga mukha nila nang makakita ng ilang pasa sa mukha ko at natuyong dugo sa ilong ko.

"Lucy, anong nangyari sa'yo? Sino ang gumawa nito?"

Lumapit si Mom sa'kin at tinignan ang mukha ko, habang si Dad naman ay inuutusan ang isa sa mga maid na tawagin ang mga Doctor ko.

"Ayos lang po ako, hindi naman po masakit." sabi ko upang hindi ito mag alala nang sobra.

Pero wala naman sila dapat ipag alala dahil pasa at natuyong dugo lang naman ito.

"Lucy, sinong gumawa nito?" may inis sa tono ni Dad nang mag tanong ito.

Hindi ko puwedeng sabihin kung sino dahil sigurado akong ipapa good job n'ya ito. Kawawa naman si Allison kapag nangyari 'yon  : (

"Dad, I can handle this. Just let me rest, I'm so tired." saad ko at napa buntong hininga naman ang mga ito.

"Tapos na ba ang misyon mo? Kaya ba gusto mona mag pahinga?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako sumagot, "Hindi ko po alam,"

Kahit kasi ako ay hindi alam kung tapos nanga ba. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa talaga at may kailangan pa akong linisin.

"Mom, I'm sorry, but can I just sleep?" saad ko at tumango naman ito.

"Mag papadala ako ng mga doctors and maids sa kwarto mo, okay? To make sure that you'll be fine."

Tumango na lamang ako at hinalikan ang pisnge nila bago ako umakyat papunta sa taas.

Agad kong isinara ang pintuan at agad din kinuha ang phone ni Aisler sa bulsa ko.

Tinignan kopa ang Messages at hinanap ang conversation nila ni Lexus dito.

Kanina pa kasi ako excited mag basa kaya nag mamadali din ako.

Mukhang may bago nanamang traydor sa buhay ko ah, ang saya naman.

At ayon, dali-dali kong binuksan at binasa ang conversation ni Lexus at Aisler. Ang huli nilang pag uusap ay nitong mga nakaraan-raang buwan lamang.

Aisler: Send me a picture of her, now!

Lexus: [Lexus sent a photo.]

Hell, no! Ang letratong ito ay noong inalala ko lahat ng nangyari sa Bloody Game.

Sa letratong ito ay nakahiga ako, nakapikit ang mata, at tila nananaginip.

Hindi ko inasahan 'to. Bakit may ganito silang pag-uusap? Masyado namang exciting ito.

Aisler: You can kill her now, just do it.

Lexus: Okay, just wait.

Aisler: Tsk, I don't know why I kinda feel sad but, I don't care. I just like her when I see her, but I don't care if I don't.

Lexus: I'm done.

Aisler: Okay, good.

Natulala ako sa nabasa ko. Hindi ko ma gets. Ano ba namang conversation mayroon sila?

So ibig sabihin, all this time ay pati si Lexus naka panig kay Aisler?

Ano ba namang plot twist sa buhay ko 'to! Grabe ang saya-saya dahil puro traydor ang nakapalibot sa akin.

Mapapamura ka nalang talaga at matatawa na hindi malaman.

So, all this time pinag tutulungan talaga nila ako? Ganoon ba ako kalakas para pag tulungan nila? Nakaka touch naman.

They all fucking betrayed me.

Edi 'di totoong mahal ako ni Lexus? Ganoon ba? Ibig sabihin habang mag kasama kami ay pinaplano n'ya na patayin ako?

Mas mataas ang posisyon n'ya kay Aisler pero 'di n'ya magawang labagin ang utos nito?

Nakakalito, sobra akong nalilito. Ang daming tanong sa utak ko. E kung kay Aisler panig si Lexus bakit pa ako dinala ni Khairo kay Aisler?

Ang gulo nila nakakainis! Ang hirap isipin. Paano ba 'to?

Ni hindi na ako makaramdam ng kung ano sa dibdib ko dahil masyado na akong nasanay. Natatawa nangalang ako.

Ilang tao na ba ang trumaydor sa'kin? Isa, dalawa, tatlo, at apat? Si Xynon, si Eurich, si Khairo, at ngayon ay si Lexus?

Teka, totoo ba 'to?

Si Lexus kasi ay tiwala ako kaya medyo iniisip ko pa kung totoo ito.
Pero si Lexus lamang ang makakasagot ng mga katanungan ko. Sigurado akong s'ya lang ang makakapag paluwag ng isipan ko.

Wala na akong magawang pagkatiwalaan, halos lahat ng nakapalibot sa akin ay pakiramdam ko kaaway kona.

Paano ba'ko umabot sa ganito?

Because sometimes, the thing about betrayal is that it never comes from an enemy.

Just like Khairo, and Eurich. I never considered them as my enemy, dahil kahit malaki ang kasalanang nagawa nila sa akin, mas pinag tuunan ko nalamang ng pansin ang mabubuti nilang nagawa para sa akin.

At masakit 'yon para sa akin, pero kailangan kong tanggapin at mag patuloy.

***

10:06 PM

"Kamahalan, ang ating hari po ay nandito kaya inaanyayahan po kayo ng inyong Ama at Ina na bumaba." nakayukong saad nito.

"Sige, susunod ako." maikli kong sagot at nag bigay galang naman ito bago lumabas.

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga pero babangon na din ako dahil nandito daw si Lexus.

Mabuti at naisipan niyang pumunta dito upang kamustahin ako.

Sa bagay, s'ya ang BOYFRIEND ko kaya naman dapat lang na nandito s'ya sa tabi ko. Responsibilidad n'ya 'yon!

By the way, ngayon ay gusto konang malaman ang lahat, ang lahat-lahat tungkol sa kan'ya, tungkol kay Aisler, at sa lahat ng nakapalibot sa kan'ya.

Gusto kong malinawan. Gusto ko na magkaroon ng kapayapaan sa utak ko.

Bumangon na ako at tinignan pa ang sarili ko sa salamin.

I need to look like a Queen kahit ngayon lang. Suot ko ay isang kulay puting dress, at high heels na may 5 inches ang taas, at inilugay ko na din ang buhok ko.

Bumaba na ako at habang dahan-dahang nag lalakad pababa sa hagdan ay natanaw ko naman si Lexus na nakayuko at nag bibigay galang sa magulang ko.

Kita ko din na nang maiangat ni Lexus ang ulo niya ay si Mom and Dad naman ang nag bigay galang sa kan'ya ngunit sa ibang paraan.  Nakaluhod ang mga ito sa harap niya dahil si Lexus ang diyos namin na ngayon kolang din naman nalaman.

Ngumiti si Lexus at lumuhod din sa harap ng parents ko at nakita ko din na may sinabi s'ya, "Hindi na po kailangan, mas mataas po ang respeto ko sa inyo at mas kailangan ko po kayong igalang." biglang bait ng tono n'ya. Nakakagulat, sobrang bait kasi ng tono n'ya.

"Maraming salamat po."

Tumayo na sila at sa akin naman nabaling ang tingin ng mga ito.

"Lucy, mag bigay galang ka." utos ni Dad pero 'di ko ito ginawa. Nakapanatili lang akong nakatingin kay Lexus na medyo may sama ng loob.

"Anong ginagawa mo dito?" inis ko na ikinagulat ni Mom and Dad at ng mga tao dito.

"Ano bang sinasabi mo, Lucy! Siya ang—" pinutol ko ang pag uusap ni Mom.

"Mag usap tayo, Lexus!" may inis sa tono ko.

Mabilis kong kinuha ang kamay n'ya at nag lakad palabas. Iniwan naman namin silang gulat na gulat sa ginawa ko.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

89.6K 2.8K 51
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...
11.2K 277 13
Started: oct 9 2023 End:
96.7K 3.2K 38
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
100K 1.5K 14
Hey hey hey!! Welcome to this totally random book i made! I love Steven so much and i wanted to make this book for fun~! I hope someone could stop by...