Battle Of Hearts

De Abakadazzzzz

13.8K 550 11

In a distant village there are five Dominant Clan. It is protected by the Sage, the ruler. Inside this villag... Mais

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Wakas
Battle Of Hearts

Kabanata 16

268 13 0
De Abakadazzzzz

Rio's POV


Pinagpagan ko ang sarili ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Nasalubong ko kaagad ang masamang tingin ni Aiken. Sino nga bang mag-aakala na pupunta siya dito?


Tss.


"K-kuya,"


"Umuwi ka na, River." Seryoso niyang sabi sa kapatid niya habang nakatingin pa 'rin ng diretso sa 'kin. Nilingon ko naman si River na papalit-palit ang tingin sa akin at sa kuya niya.


Hays. Napakainosente ng isang 'to para sa mga sikretong pilit naming itinatago.


"P-pero, Kuya."


"Uwi."


Kita ko ang pagsimangot ni River sa sinabing 'yun ni Aiken pero nang lumingon sa akin si River ay tinanguan ko nalang siya na ikinasama ng tingin niya. Ano bang akala niyang gagawin ko? Tss. Mahirap hindi sundin ang kapatid niya sa mga oras na 'to. Isang pitik nalang dito malamang sasabog na 'to sa inis, eh.


Tinanaw ko ang naglalakad paalis na si River na bahagya pang lumilingon dito. Tss. Nakuha niya pa talaga akong tingnan ng masama.


Pfft. Ang cute.


Naalala ko na naman 'yung kanina. Gusto kong matawa. Halata naman kasing nagtutulog-tulugan siya. Mukhang tanga.


"Layuan mo ang kapatid ko." Seryosong sabi ni Aiken nang tuluyang makaalis si River kaya dahan-dahan kong inangat ang paningin ko sa kaniya. Siraulo ba 'to?


"Ayoko."


"Ngayon nalang ulit ako nakikiusap sa'yo, wag ang kapatid ko, Rio." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Kahit siya ay halatang pinipigilan ang sarili niya sa maaari niyang gawin sa akin sa mga oras na 'to.


"Ngayon ko lang din sasabihin sa'yo 'to," Diretso siyang tumingin sa akin at inabangan ang sasabihin ko. "Hindi ko lalayuan ang kapatid mo."


Kitang-kita ko ang paglalim ng paghinga niya sa sinabi ko. Pakiramdam ko kailangan ko ng sabihin lahat ng itinatago ko.


"Nahihibang ka na ba, Rio?! Nakalimutan mo na ba, ha?!" Galit na tanong niya sa akin. "Layuan mo ang kapatid ko!"


"Akala mo ba hindi ko ginawa 'yang sinasabi mo?" Inis na tanong ko na ikinalingon niya. Ginagawa niya akong mangmang sa mga oras na 'to. "Lumayo ako. Pero, putcha! Pakiramdam ko kailangan ko si River sa buhay ko!"


...


Napatigil siya at hindi nakapagsalita. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya. Sarkastiko pa muna siyang natawa bago nag-angat ulit ng tingin sa akin.


Tss.


"Nakalimutan ko na ganito ka nga pala noh? Ngayon naman itong kapatid ko. Ano bang problema mo, Rio?" Mahinahon na niyang tanong. "Alam ko kung saan ito hahantong at hindi ko hahayaang masaktan ang kapatid ko. Kung kinakailangan na ako mismo ang maglayo sa kaniya sa'y——gagawin ko!"


Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Ilalayo niya sa 'kin si River? Nahihibang na ba siya?


"At paano mo naman magagawa 'yun?" Nakangisi kong tanong. "Ngayon lang ako gumawa ng bagay na gustong-gusto ko. Kilala mo ako Aiken, wala akong hinangad sa buhay ko. Pero dahil sa kapatid mo," napapikit ako sa inis at pilit pinakalma ang sarili ko. "...dahil sa kapatid mo nagagawa ko ng sundin ang puso ko. Tapos, palalayuin mo pa ako?"


"Oo! Dahil 'yun 'yung kailangan! Hindi mo ba naisip, Rio? Simula palang alam mong hindi ka pwedeng mapalapit sa kapatid ko! Walang kinalaman sa ating dalawa pero may kasunduan ang limang angkan!"


Putcha,


Ayan na naman!


"Kaya nga ako lumayo, Aiken. Lumayo ako kase alam kong hindi pwe——"


"Kung lumayo ka hindi na hahantong sa ganito! Nag-iisip ka pa ba Rio?!" Agad ko siyang sinamaan ng tingin sa sinabi niya.


"Kahit hindi mo paniwalaan, lumayo ako, Aiken. Pero palagi kong natatagpuan ang sarili ko sa kapatid mo!"


Shitt.. napipikon na ako...


"At sa tingin mo tama 'yun?! Alam mo naman pala na hindi pwede pero pilit mo pa 'ring inilalapit ang sarili mo sa kapatid ko! Hindi ako tanga para hindi isipin 'yun! Alam kong ikaw ang unang lumapit sa kapatid ko! Kung nag-iisip ka nung mga panahon na 'yun hin——"


"Gusto ko si River." Pagputol ka sa sasabihin niya. Kitang-kita ko ang pagtigil niya sa pagsasalita. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin.


"A-anong sabi mo?"


"Gustong-gusto ko si River."


Shit..


Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.


"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Rio?" Sarkastiko niyang tanong na ikinaiwas ko ng tingin. "Sa oras na malaman ng kapatid ko kung anong nangyari dati sa tingin mo kakausapin ka pa niya ng gan——"


"Alam kong hindi na." Buntong-hininga kong sabi. "Pero gusto ko si River. At kaya kong itago sa kanya 'yun habang-buhay."


"Puta, Rio! B-bakit 'yung kapatid ko pa?" Napayuko siya at kitang-kita ko ang kagustuhan niyang suntukin ako.


"Eto na nga siguro 'yung karma ko. Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kapatid mo. Bakit sa kapatid mo pa? Bakit sa taong nagmula sa angkan pa ng Riciardelli?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Sa ngayon, kahit ikaw hindi ako mapipigilan sa gusto ko, Aiken. Bigyan mo ko ng panahon. Sasabihin ko sa kapatid mo ang bagay na 'yun pero hindi na muna ngayon. Gusto ko pa siya makasama ng matagal."


"Gusto kitang sapakin, alam mo ba 'yun?" Gigil na sabi niya na ikinangisi ko.


"Walang pagbabago. Tss." Sinamaan niya ako ng tingin na ikinakibit-balikat ko.


"Hindi porket hahayaan kita ngayon, pumapayag na ako. Ginagawa ko 'to para sa kapatid ko."


"Tss. Alam ko."


Naglakad na ako paalis sa kaniya habang nakalagay sa dalawang bulsa ang magkabila kong kamay.


Wala na akong pakealam sa lahat...


Gagawin ko na ang gusto ko...


River's POV


Kagat-kagat ko ang kuko ko habang hinihintay na dumating si Kuya. Kinakabahan ako! Natatakot na 'rin ako! Whahhh!


"River! Umupo ka nga at nahihilo ako sa'yo!" Saway ni Mama na nanonood ng tv. Bahagya niya pa akong hinampas. Ano ba naman 'to si Mama!


"Ma! Huhu ang tagal ni Kuya!!"


"Hintayin mo baka padating na 'yun. Parang hindi ka naman nasanay. Alam mo namang palaging huling dumadating 'yun." Sabi nya na ikinatahimik ko at nanatiling nakaupo.


Ilang minuto lang ang lumipas at bigla nang bumukas ang pintuan kaya dali-dali akong lumapit doon. Muntik pa akong madulas!!


"K-kuya," Tawag ko na ikinalingon niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya man lang ako nginitian na palagi niya namang ginagawa dahil seryoso niya lang akong tiningnan. Wahhh! Naiiyak ako!! Bakit ganiyan ang trato ni Kuya sa akin?


Sinabi na ba ni Rio na palagi akong tumakatakas dito sa bahay?


Sinabi niya na ba kay Kuya na tinuturuan niya ako sa pakikipaglaban?


Wahhhhh! Hindi na ako palalabasin nito! Panigurado 'yan!


"Magpapahinga na ako, Ma." Nabalik ako sa aking sarili nang sabihin ni Kuya Aiken ang salitang 'yun at tuluyan ng umakyat sa kwarto niya. Hindi niya man lang ako nilingon! Hindi man lang siya ngumiti! Pabagsak akong umupo sa sofa namin dahil nalulungkot ako sa ikinikilos ni Kuya.


Bakit ba siya ganiyan?


Naiiyak tuloy ako! Pakiramdam ko galit talaga siya. Lalo na kanina. Yung mga mata niya huhu. Natatakot talaga ako.


Kahit nung hapunan ay hindi siya bumaba kaya nag-alala na ako ng sobra sa kaniya. Hindi naman kasi siya ganito huhu. Matakaw si Kuya. Hindi magpapalipas ng pagkain 'yun kasi sasakit ang tiyan niya. Pero ngayon, hindi man lang siya bumaba. Hindi naman namin pinilit ni Mama kasi nga kapag ayaw niya, ayaw niya talaga! Ganiyan si Kuya!


"Ma, ayos lang ba si Kuya?" Mahinang tanong ko na ikinalingon ni Mama.


"Bat hindi mo silipin sa kwarto niya? Palagi mo namang ginagawa 'yun. Puntahan mo na." Suhestiyon niya na inilingan ko kaagad.

"B-baka kasi galit sa akin."


"Bakit naman magagalit 'yun sa'yo?" Kunot-noong tanong niya. Napaiwas naman agad ako ng tingin.


Huhu next time ko nalang sasabihin, Mama. Wala nga pala siyang alam.


"Baka lang naman."


"Hindi ka matitiis ng kapatid mo. Baka napagod lang 'yun ngayon. Umakyat ka na sa taas." Utos ni Mama na ikinatango ko at dali-daling umakyat sa kwarto ni Kuya. Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan bago tuluyang binuksan 'yun.


"Kuya,"


Tawag ko sa kaniya pero natagpuan ko siya na nakaupo sa kama niya at nakatingin ng diretso sa akin. Gusto ko pang magulat pero lumapit na agad ako sa kaniya at niyakap sya. "Wahhhh, Kuya! Sorry!" Naiiyak na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.


"Tss."


"Sorry na."


"Oo na. Bitawan mo na ako." Inis na sabi niya kaya sinilip ko ang mukha niya na ganon pa 'rin naman.


"Seryoso ba?"


"Oo nga."


Halaaa??


"Hindi ka galit?" Naghahangad na tanong ko na ikinatawa niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.


"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"


"M-mukha ka kasing galit kanina." Nakasimangot na sagot ko. Totoo naman kasi! Para siyang galit kanina. Tapos hindi niya pa ako pinansin.


"Nagulat lang ako. Kelan pa kayo nag-uusap ni Rio?" Tanong niya na bahagyang ikinatigil ko. Ito na, River! Kailangan mo ng sunugin ang bow at arrow mo.


"N-nung unang araw na dumating ako dito sa Hoshiga."


"Ganon na katagal?!" Gulat na tanong niya sa 'kin na ikinamaang ko. Sinigawan niya ako! Wahhh!!


"Wahhh!! Oo, Kuya! Ganon na katagal."


"At hindi mo man lang sinabi sa 'kin?" Seryosong-seryoso si Kuya. Kinakabahan tuloy ako!! Ayoko na dito!!


"Eh, baka kasi magalit ka sa akin. Hindi mo ko pinapayagan na lumabas diba?"


Agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. "Pero hindi mo ko sinunod."


"Yun na nga, Kuya. Kaya ako naglihim sa'yo. Iniisip ko kasi na magagalit ka." Napabuntong-hininga sita sa sinabi ko at tumingin ng diretso sa akin. Tumingin talaga siya ng diretso sa akin kaya tinanong ko na ang kanina ko pa gustong itanong sa kaniya. "Palalayuin mo ba ako kay Rio?"


"Gusto mo bang palayuin kita sa kanya?"


"Ayaw." Agad na sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Bahagya niya pang pinitik ang noo ko!


"Bakit naman ayaw mo?"


"B-basta. Tss. Pupunta na ako sa kwarto ko. Hindi ka galit sakin ha!"


"Hindi nga. Alis na." Pagtataboy niya kaya binelatan ko nalang siya at pumunta na sa kwarto ko.


Saglit ko lang na nilinis ang katawan ko bago ako humiga sa kama. Ano kayang pinag-usapan ni Kuya tsaka ni Rio kanina? Ang nakakapagtaka lang, hindi niya na ako palalayuin kay Rio. Ibig bang sabihin, pumapayag na siya? Kyahh! Nakakatuwa naman si Ku——


*tok* *tok*


Nilingon ko agad ang bintana ko nang marinig kong may kumatok dito. Hala?? Whahhh! Si Rio!


Dali-dali akong naglakad papalapit doon at binuksan ang bintana ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na 'to. Kakatapos lang nila mag-usap ni Kuya. Malamang sa malamang hindi naging maganda ang usapan nila dahil una sa lahat! Magkalaban sila sa pwesto! Tsaka, parang may galit talaga sila sa isa't-isa!


"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na." Mahina kong sabi na ikinairap niya bago tuluyang pumasok dito.


"May sasabihin ako."


"Nakalimutan mo na naman?" Natatawa kong tanong sa kaniya na ikinasimangot niya. Bakit ba ganito makatingin ang isang 'to? Hindi nakakatuwa.


"Makinig ka sa sasabihin ko. Puro ka daldal."


Wow! Ako pa?! Ako pa?!


"Ano ba kase 'yun? Gabing-gabi na pumunta ka pa dito. Diba may laban ka bukas? Hindi ka man lang magpractice n——"


"Hindi mo ba pakikinggan 'yung sasabihin ko?" Bagot na tanong niya kaya agad akong napaayos ng tayo.


"Eh, ano ba kasi 'yun? Ang bag——"


"Bukas ang laban ko," Seryosong sabi niya na ikinangiwi ko. Mukha bang hindi ko alam? Minsan talaga natatangahan na ako dito kay Rio, eh.


"Alam k——"


"Kaya may hihilingin ako sa'yo." Napatigil ako sa pagdaldal ng marinig ang sinabi niyang 'yun. Kinakabahan naman ako sa kaniya.


Bakit ba siya ganiyang kaseryoso ngayon? Pareho sila ni Kuya na seryoso! Bakit ba?!


"A-ano?"


"Kapag natalo ako bukas, lalayuan na kita."


What the pack?


Kunot-noo akong napalingon sa kaniya at naghintay ng ilang segundo. Baka nang-aasar lang kasi siya! Pero ilang segundo ang lumipas at hindi niya binawi 'yun. Wahhhh!!


"Ayoko nga! Bakit? Sinabi ni Kuya? Wahh! Bakit ba kasi hindi ka tumakbo kanina nung naramdaman mo 'yung presensiya niya? Ayan tuloy! Kakabati lang natin, eh! Lalayo ka nana—aray!" Pinitik niya 'yung noo ko!!


Napakamapanakit!!


"Tss. Pakinggan mo kase muna ako. Pinapangunahan ka na naman niyang kadaldalan mo." Wahhhh!! Nakakainis siya!


"Ano ba kasi 'yun?"


"Pero kapag nanalo ako,"


"Ano?"


"Pfft. Pakinggan mo muna ako." Natatawa niyang sabi na ikinairap ko. Ang bagal-bagal!


"Kapag nanalo ako——akin ka na." Nagpaulit-ulit sa tainga ko ang mga salitang yun.


Hala???

Continue lendo

Você também vai gostar

34.3K 1.2K 80
Strangers ... Close Friends ... Friendship ... And last Lovers ... They begin with a CLASH but end the story with a HAPPY ENDING. They found HAPPINES...
6.5K 197 48
In the battle between the heart and the mind, winners always listen to their hearts. This is the continuation on how the hoshiga warriors fight for...
1.5M 57.1K 46
유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA? Nanginginig ang mga k...
1.3K 235 36
[COMPLETED] STUDENT COUNCIL SERIES BOOK ONE Nhelandrie Aguilar was forcely transferred to a particular academy where rules live, a place of torture f...