The Untouchables Series Book...

נכתב על ידי frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... עוד

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Mrs. Liu

10K 591 107
נכתב על ידי frozen_delights

Chapter Four

"I NOW pronounced you, husband and wife. Groom you may now kiss your bride," nakangiting deklara ni Mayor Guillermo Vidanes na nagkasal kina Meredith at Vengeance.

Nang humarap si Vengeance para gawin ang traditional kiss sa pagitan ng mga bagong kasal ay waring tumalon paakyat sa lalamunan ni Meredith ang kanyang puso. Hinawakan nito ang mukha niya sa magkabilang panga na para bang naniniguro talaga ang walanghiya na hindi siya basta-bastang makakapiglas. Nakita pa niya nang bahagyang umangat ang isang sulok ng bibig ni Vengeance bago iyon lumapat sa mga labi niya. 

She was expecting a light peck. Ngunit nang pahapyaw na humagod ang dila nito sa mga labi niya ay kamuntikan na niya itong maitulak palayo.  Pero dahil sa mga taong kasama nila sa tanggapan ng alkalde ay hindi niya nagawa. They have two pair of witnesses. Ang isang pareha ay si Bentley at isang nakatatandang babae na ipinakilala sa kanya ni Vengeance na Ms. Fernanda. She's probably in her early forties. Habang ang ikalawang pareha ay ang kanyang assistant na si Louise at private investigator na si SPO1 Araneta, na parehong nagtatrabaho sa kanya. 

Narinig niya ang pagtikhim ng alkalde kaya pasimple niyang nakurot si Vengeance sa tiyan para pawalan na ang mga labi niya.

"Hijo, baka maubos na iyang asawa mo at wala ng matira para sa honeymoon," pabirong saad ni Mayor Vidanes.

Suwabeng ngumiti lang si Vengeance at inabot ang kamay niyang nangurot dito. Pinagsalikop nito ang kanilang mga palad bago humarap sa alkalde at nakipagkamay rito.

"Congratulations sa inyong dalawa."

Kaswal na nginitian ni Meredith ang alkalde at tinanggap ang pakikipagkamay niyon. Dati itong huwes sa pagkakaalam niya. Ngunit ng mga panahong naging aktibo na siya sa paghawak ng kaso ay napasok na ito sa pulitika. Napansin niyang mukhang ka-chummy nito si Vengeance at si Ms. Fernanda. The three of them seemed close. Hindi man niya gustong mag-isip ng masama sa kapwa pero napaisip pa rin siya sa klase ng relasyong meron ang mga ito. Vengeance is a mob boss. What are the chances of him financing the mayor's political campaign?

Hindi siya masisisi kung mag-iisip man siya ng ganoon. Dahil higit kaninuman ay kilalang-kilala niya si Vengeance. Sa likod ng may kaamuan nitong mukha ay nakakubli ang tatlo nitong katauhan. An angel, a monster, and a person who's not capable to feel any kind of emotion. Multiple personality? Not really. But he can be any of those whenever he wants. Kaya nitong tumawa at makipagbiruan tulad sa ibang tao. Ngunit kung totoo man iyon ay tanging ito lamang ang nakakaalam. Lahat ng ginagawa nito ay may dahilan, kalkulado. He's a man who has more than the average IQ of any regular Joe. And he never miss an opportunity to use his brain to his advantage.

"We'll go ahead, Mayor," paalam ni Vengeance sa alkalde atsaka minsan pang mahigpit na nagkamay ang mga iyon. 

"Nagpa-cater na ako ng food para sa lahat, Mayor," ani naman ni Ms. Fernanda. 

"Salamat. Sana ay hindi na kayo nag-abala pa."

"Walang anuman 'yon, Mayor," ani Ms. Fernanda. "Tutuloy na kasi sa honeymoon ang mga bagong kasal. Kaya 'yong handaan na dapat ay para sa mga nasasakupan nila ay rito ko na lamang ipinadala."

Sa narinig ay parang nawala na naman sa tamang lugar ang puso ni Meredith. Ano raw? Tama ba ang narinig niya?

"Let's go, Mrs. Liu."

Kung hindi sa marahang paghila ni Vengeance ay hindi pa maiisip ni Meredith na siya pala ang tinutukoy nitong Mrs. Liu.

Mrs. Liu, wala sa loob na tiningnan niya ang kamay kung saan nakasuot ang simpleng platinum band na may maliliit na diamond. It has a matching oval diamond engagement ring. Na ang malaking bato ay kasinlaki yata ng butil ng mais.

Her previous wedding band was a simple gold. Ni wala iyong bato o anupamang pambihirang design na katulad ng suot niya. Naisip niya tuloy na parang sinadya nito iyon para ipakita sa kanya ang malaking kaibahan nito sa kanyang namayapang asawa.

Don't I know it? saloob-loob niya.

Kasunuran lamang nilang lumabas ang kanilang mga kasama. Ang kanang kamay ni Vengeance na si Bentley ang sumundo sa kanya patungo sa munisipyo. Na para bang tatakasan niya ito at kailangan pang ipadala ang pinagkakatiwalang tauhan para sunduin siya. Sina Louise at SPO1 Araneta ay inabisuhan na lamang niya kung kaya't doon na rin sila nagkita-kita.

Nang igiya siya ni Vengeance patungo sa naghihintay nitong sasakyan ay binawi niya ang kamay mula rito. May pagtataka naman itong tumingin sa kanya.

"May ibibilin lang ako sandali kay Louise."

Tila napilitan itong pawalan siya. Pinigilan ni Meredith ang sarili na mapailing. Minsan ay naiisip niyang sobra naman ang pagkahumaling nito sa kanya na parang isang obsession na. Kunsabagay, hindi nga ba't iyon ang sinabi nito sa kanya noon? He's obsess with her.

She's well-aware na may mga mata itong parating nakabantay sa kanya. At hinahayaan lang naman niya. Sa propesyon niya ay kulang ang sabihing almusal, tanghalian, at hapunan niya ang makatanggap ng death threats. And having his people around her twenty-four-seven gives her some sense of security. Of course she can fight. Vengeance trained her how to defend herself. May lisensyado rin siyang baril at regular workout niya ang pag-eensayo ng Kung Fu at Tai Chi.

Nilapitan niya si Louise at si SPO1 Araneta. May palagay siyang nag-taxi lamang ang retiradong pulis patungo sa munisipyo dahil pihadong nasa casa na naman ang kotse nito. Na ayon sa madalas ibiro noon ng namayapa niyang asawa ay malapit ng mag-senior citizen kaparis ng SPO1. Birong tinatawanan lang naman ng huli. Anito pa, sa lahat ng Araneta ay ito ang pinakapurdoy at ipinanganak na sa halip na gintong kutsara ay kalawanging pala ang nakasalpak sa bibig.

"Should I say congratulations?" nakangiti at tila may panunudyong sabi ni Louise nang lapitan niya.

"Oh, shush."

Mahinang natawa ang sekretarya sa sinabi niya. They've been friends for so long kaya naman hindi ito nag-aalangang biruin siya. Ito lamang ang iilan sa mga taong nagagawang i-approach siya sa kaswal na paraan.

Binalingan niya ang kanyang PI. "I want you to do a complete background check on the Arevalos, Villamors, and Valdez's. But be very discreet about it. Ayokong may mangyaring masama sa inyo."

"Makakaasa po kayo, Attorney."

"Sa akin, wala kang ipagagawa?" tanong ni Louise. "Atsaka gaano ba katagal ang honeymoon niyo?"

"I won't be away that long," irap niya sa kaibigan. 

"Duda ako riyan. Sa mga tingin pa lang sa'yo ni Mr. Liu mukhang hindi ka niya patutulugin magdamag."

"Ako ba Louise Adriana Zamora ay iginagalang mo pa?"

Sa halip na masindak ay bungisngis lang naman ang isinagot nito sa kanya. Pati tuloy ang PI ay natawa rin sa usapan nila.

"Alagaan mo na lang ang inaanak kong si Lora, ihalik mo ng marami si Ninang Mommy. Ikaw na rin ang bahala kung ano man ang kakailanganin ni Tatay Gener," tukoy niya sa PI. Na ang buong pangalan ay SPO1 Generoso Araneta III. 

Matagal na rin ito sa kanya at halos tatay-tatayan na nila kung ituring ni Louise magmula nang maging associate lawyer siya sa Zamora and Co. Law Firm. And when she decided to take a private practice, isinama niya ito at si Louise. She made that decision when Ramil died from a vehicular accident.

"Are you done?" ani Vengeance na kaagad pumaikot ang isang braso sa kanyang bewang.

Hindi nakaligtas sa kanya ang tila nanunuksong ngiti sa mga labi ni Louise bago ito naglahad ng kamay kay Vengeance.

"Congratulations, Mr. Liu, you made the right choice for a lifetime partner. Kaya alagaan niyo ang best friend ko, ha? Nag-iisa lang 'yan sa buong Pilipinas."

"Thank you. I'll keep that in mind. And please, just call me V."

"V? Nakikiuso ka?"

Umangat ang dalawang kilay nito tanda ng pagtataka sa sinabi ni Louise.

"BTS po."

"Um, behind the scenes?"

Napabungisngis ang lukaret niyang kaibigan sa pagiging clueless ng kausap nito.

"Let's go. Baka mabawasan ka ng isang turnilyo kapag patuloy kang nakipag-usap sa babaing 'yan," yakag ni Meredith sa bagong asawa.

Bagong asawa. Napailing siya sa tunog niyon. Ang dating kasi ay para talaga siyang nangongolekta ng asawa.

"Ang bad mo naman sa akin, best friend."

Ngunit parang walang narinig na nagtuloy-tuloy na siya patungo sa nakahimpil na sasakyan ni Vengeance. Kaagad naman siyang pinagbuksan nito ng pinto.

"Mag-iingat kayo," ani Ms. Fernanda.

Tipid lamang itong nginitian ni Meredith at bahagyang tumango. Medyo nahihiwagaan siya sa relasyon nito kay Vengeance. Sekretarya ba nito ang babae? As far as she knows ay si Bentley na rin ang tumatayong sekretaryo nito. All around, kumbaga.

Hindi niya napigilang sundan ng tingin ang babae nang ipagbukas iyon ng pinto ni Bentley sa kotseng sasakyan ng mga ito. She's not jealous of her, of course not. Bagaman hindi maikakailang mukhang mas matanda ito kay Vengeance ay maganda pa rin ito. Makinis at eleganteng pumostora. Parang iyong mga principal o directress sa mga exclusive school na minsang pinasukan niya noong nag-aaral pa lamang siya.

Nang ma-realize niyang hindi pa rin binubuhay ni Vengeance ang makina ng sasakyan at may pagtatakang nilingon niya ito. She was surprised to find him staring at her.

"Aren't we gonna leave yet?" tanong niya rito na may pagtataka.

Sa halip na sumagot  ay lumapit ito at inabot ang seatbelt niya.

"Safety first."

Inirapan niya ito upang pagtakpan ang biglang paghahabulan ng pintig ng kanyang puso. Nakuha pa siyang kindatan bago ito bumalik sa driver seat.

"Where are we going?" tanong niya nang patakbuhin na nito ang sasakyan.

"It's a surprise. You can take a nap if you want, para may energy ka mamaya."

"Oh, really? I can hardly fucking wait," her bland reply.

"I can pull over for a quickie, Mrs. Liu. Just say the word."

"Drop it, will you?"

"Drop what? My trousers... and briefs?"

Napipikong humugot ng malalim na paghinga si Meredith. "Don't call me Mrs. Liu, okay?"

"Why? Mas gusto mo pa rin ba ang dati mong titulo, Atty. Zamora? Well, newsflash, aking giliw, irog, mahal. You are now my wife. By all legal terms, you are Mrs. Liu."

"Not really, hubby. According to prevailing jurisprudence--a married woman has the option, but not a duty, to use the surname of the husband."

"Option, yes. But the fact remains. You are Mrs. Liu, my Mrs. Liu. And the marriage certificate you signed a while ago can back it up."

Wala siyang naibatong rebuttal sa sinabi nito. Buwisit talaga! Kung anong husay niyang makipagbatuhan ng counter-argument sa loob ng korte ay siya namang bobo yata niya kapag ito ang kaharap. Buti na lang talaga at hindi ito tumuloy sa pagkuha ng abogasya. Dahil kung nagkataon ay posible silang magkaharap sa korte. At malamang sa malamang ilalampaso siya nito sa argumento. 

Inis niyang itinapon ang tingin sa kanilang dinadaanan. Hindi siya sigurado kung saan sila papunta. Pero kung malayo man iyon ay ayos lang sa kanya. At least pagdating nila roon ay gabi na. Wala ng first night na magaganap at diretso tulog na siya paglapat ng likod sa kama.

Ipinikit niya ang mga mata hindi dahil inaantok siya kundi para makaiwas na makipag-usap dito. Pero hindi niya akalaing tuluyan siyang makakatulog.

Kalam ng sikmura ang gumising kay Meredith. Nang imulat niya ang mga mata ay malamlam na liwanag na nagmumula sa lampshade ang sumalubong sa paningin niya. Nang unti-unti siyang masanay sa mapusyaw na liwanag sa buong silid ay saka lamang niya napansin kung gaano kapamilyar sa kanya iyon.

"Hello, wife. Are you hungry?"

Napalingon siya sa pinagmulan ng boses. Si Vengeance iyon na kalalabas lamang ng banyo at nakatapis ng tuwalya. May hawak itong mas maliit na tuwalya na ikinukuskos nito sa basang hibla ng buhok.

"T-this is...?"

"The house where I took you on our first honeymoon."

-

may gano'n😅😅

at magha-honeymoon ulit sila. for the second time 😂😂😂

frozen_delights
















המשך קריאה

You'll Also Like

84.2K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...
1.5K 197 8
A Second Chance in LOVE
63.3K 5.3K 19
Rom-com PHR 2011 published book
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...