ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFE...

By Lykaellaa

599 65 17

Hi mga Lykiss! ang librong ito ay compilations ng lahat ng mga one shot's/short stories ko. Madami na din ito... More

I LET THEM SLEEP TOGETHER (01)
I DON'T KNOW YOU (02)
WE WE'RE BOTH YOUNG WHEN WE FIRST MET (03)
HANGAD KO ANG KASIYAHAN MO (04)
MAYBE BECAUSE OF FATE (05)
GROUP STUDY (06)
SE QUE ERES EL INDICADO (07)
MY ONE AND ONLY BAD BOY (08)
I'M IN LOVE WITH MR. KIDNAPPER (09)
MAMA, I LOVE YOU! (10)
KABIT WITH A CLASS (11)
ITS A DARE (12)
IT'S NOT A DARE, IT'S AN ORDER (13)
I LOVE YOU, YES I DO! (14)
THE PERSON I MET ONLINE (16)

MALAY MO TAYO SA DULO (15)

14 2 0
By Lykaellaa

[Author's note : Pakinggan niyo ang 'Malay mo tayo sa dulo' by: Tj Monterde, habang binabasa mo ito. /*Smiles;  ]

Dedicated to : CheskaMelitar

***


Anong gagawin mo pag pinagkasundo kang ipakasal sa lalaking hindi mo naman gusto? Masasaktan ka ba? o papayag ka nalang ikasal sa taong hindi mo naman mahal?

'yan ang aking iku-kwento sa iyo, ang malungkot na karanasan ko.

--
Taon 1890

"Luna! bilisan mo na ang iyong kilos, ma hu-huli na tayo sa kasal mo!" sigaw ng matandang kasambahay namin, naiinis naako sa kakabulyaw nito saakin. Ayaw ko pa naman na binubulyawan ako.

Inirapan ko nalang siya bago padabog na tumayo at nagbihis ng aking magarbong damit pangkasal. Pero alam niyo ba kung bakit nagdadabog ako? Kasi ikakasal lang naman ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Pero wala akong nagawa dahil ito na ang nakasanayan ng buong kamag-anak namin simula pa sa kanuno-nunuan namin.

"Andito na po ako." Usal ko habang hawak-hawak ang laylayan ng aking damit upang maayos na makababa, pagdating ko sa unang palapag ng aming bahay, bumungad sa 'kin si ina at ama na nakabihis pam-pormal na. Halatang pinaghandaan talaga ang kasalan na ito, samantalang ako na ikakasal hindi man lang magawang makangiti.

"Kay gandang binibini." sambit ni ama ng nasulyapan niya ako, tanaw ko din ang ngiti ni ina na abot tenga.
"Tunay na mamahalin ka ng iyong mapapangasawa anak, dahil sa kislap ng iyong mapupungay na mga mata tiyak akong mahuhulog siya lalo sa iyo." Pagbibiro sa'kin ni ina, hinawakan niya pa ang mukha ko habang naluluha siya. Hindi ko naman magawang mag-inarte sa harap nila dahil alam kong ikakasama 'yun ng kanilang loob na kahit masakit saakin at mahirap tatanggapin ko nalang dahil wala naman akong magagawa.

Maluha-luha akong nakaupo dito sa kalesa habang nakadungaw sa bintana, tanaw-tanaw ko ang magagandang ulap ng langit pero ilang sandali lang ay kumulog ito at dahan-dahang bumagsak ang ulan. Kasabay ng pagbuhos ng mga ulan ay ang pagbuhos din ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo.
"Mahal, bakit hindi ka dumating? Sabi mo ay itatakas mo ako upang hindi matuloy ang kasal ko ngayon?" Mahinang sambit ko habang nakatingin sa hawak kong litrato ng aking minamahal. Si Lukas, ang aking tunay na mamahalin habang buhay. Nag-usap kami noong isang araw na bago gaganapin ang aking kasal ay pupunta siya sa bahay upang itakas ako, ngunit hindi siya dumating...
"Mahal? Pasensiya na kung wala akong nagawa... Hindi ako makatakas, hindi na kita makikita pang muli. Kung alam ko lang na 'yun na pala ang ating huling pagkikita ay sana sumama nalang ako sayo, magkasama na sana tayo ngayon." sambit ko habang humihikbi, niyakap ko naman ang kaniyang litrato.

"Anak, ito na ang araw na pinaka-hinihintay namin ng iyong ama at ng buong angkan, sana'y mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal niya saiyo." bulong saakin ni ina habang nakatayo dito sa labas ng simbahan. Tumila na rin ang ulan, sirado ang pinto dahil nasa loob na sila nag hihintay na makapasok ako. Ngumiti naman si ama at hinalikan ang noo ko.
"Anak, pagbubutihin mo iyong sarili. Mahal na mahal ka namin." bulong pa ni ama, kasabay ng pagbukas ng pintuan ng simbahan.

Bumungad naman saakin ang napakadaming tao na nakatitig lang saakin habang papalapit sa altar. Nakita ko na ang lalaking papakasalan ko sa may altar, makisig siyang nakatayo doon ngunit hindi ko masulyapan ang kaniyang mukha dahil nakatalikod siya. Malungkot akong naglakad habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha, inalalayan naman ako ni ama't ina papunta sa harap ng altar. Sa paglingon ko nakita ko ang mga ngiti ng mga tao ngunit sa kabila nun ay ang mga kalungkutan at hinagpis ng puso ko, dahil mayroon akong nasaktan at naiwan na taong pinakamamahal ko.

"Handa ka na ba anak?" Tanong naman ni ama saakin, tumango nalang ako bilang signos ng aking pagrespeto sa kaniya.

Narito naako, papalapit sa taong papakasalan ko. Sa taong hindi ko naman gusto at hindi ko din mahal. Hindi ko naman alam ang pangalan ng ginoong ito ngunit nakakasiguro akong kawawa siya sa piling ko, dahil kailan man hindi siya ang tinitibok ng puso ko.

Pumikit ako bago humakbang papalapit sa sa kaniya, agad naman inalay ni ama ang aking mga kamay sa kaniya. Kinuha iyon ng ginoo at hinalikan ito, naramdaman ko namang dumampi ang mga labi niya sa kamay ko pero hindi ko ito nakita dahil nakapikit parin ako at nakayuko. Pinunasan ko ang mga naiwang luha saaking mga mata at saka ako tumingin sa kaniya...

"Magandang umaga binibini, kay ganda ng araw kasing ganda ng aking mapapangasawa." Sambit nito ngunit tila nautal ako dahil hindi ako makapaniwala, hindi ko maipaliwanag kung totoo ba ito o isa lamang panaginip.

Sa pagbukas ko ng mga mata at pagsulyap sa kaniya ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko, si Lukas...

Papano nangyari ito?

"Papano? Hindi ba't-----" naputol ko ang aking sasabihin dahil sumingit siya bigla

"Ayaw mo bang ako ang iyong mapapangasawa? Sinadya ko talaga ito mahal upang ma surpresa ka." Nakangiting sambit nito saakin, tumulo naman agad ang mga luha ko, mga luha na ang ibig sabihin ay kasiyahan... dahil ang aking papakasalan ay ang lalaking pinakamamahal ko. Si Lukas, ang aking sinisinta.

"Ngayon narito kayo upang tunghayan ang pag-iisang dibdib ng dalawang puso na narito saiyong harapan, halina't ating saksihan kung paano sila magsumpaan. Mga pusong pinagtagpo at pinaglapit, pinaglayo man ngunit sa huli ay sila parin. Kami ay natutuwa na kayo ay masayang nakatayo dito sa aming harapan. Aming ninanais ang kapayapaan at maging mabuti ang inyong mga kalusugan habang kayo ay nagsasama pa. Lalaki, maari mo ng halikan ang iyong Asawa." sambit ng paring kalbo, maluha-luha naman akong tumingin sa kaniya dahil hindi parin ako makapaniwala

Agad naman lumapit saakin si Lukas at hinawakan ako sa mukha. "Ngayon binibini ikaw na ay aking asawa. Ako'y saiyo at ika'y akin na, pangakong habang-buhay iyan." matamis na sambit niya kasabay ng paglapit ng aming mga labi, napapikit nalang ako sa tuwa at sa galak dahil sa masayang nangyari ngayong araw.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!" Anunsiyo pa ng pari habang nakangiti, lumingon naman kami ni Lukas sa mga tao at nakita namin ang mga ngiti nila na abot tenga. Kay sarap pagmasdan, ako'y natutuwa dahil ang akala ko ay hindi ko na makikita pang muli si Lukas, 'yun pala ay siya ang aking mapapangasawa.

"Ina? Bakit hindi niyo po sinabi. " Mangiyak-ngiyak na tanong ko saaking ina, tapos na ang aming kasal at ngayon ay nandito na kami sa lugar kung nasaan ang kainan. Ang mga tao ay nagsasaya, tunay nga talaga na masaya kapag kinasal ka na. Nakakapanibago man ngunit kailangan kong tanggapin na ako'y may asawa na at maghahanda na para makabuo ng sariling pamilya, magkaroon ng mga anak at mabuhay ng mapayapa.

"Kung sasabihin ba namin saiyo ay matatawag pa ba itong isang surpresa?" sagot naman ni ina, niyakap niya nalang ako habang patuloy parin ako sa pagluha. Nakita ko namang lumapit si ama. "Anak, para sa'yo gagawin namin. Ayaw naming makasal ka sa lalaking hindi mo naman gusto kaya ginawan namin ng paraan upang mahanap si Lukas. Upang matupad ang nais mo at sumaya ka." Masayang tugon ni ama, niyakap ko nalang siya agad at patuloy parin ako na lumuluha. Hindi ko alam na gagawin nila ito.

"Halika't may ibibigay ako saiyo." sambit ni ama habang hinihila ako, naiwan naman si ina na nakangiting nakaupo.

"Lukas, aking iniaalay na saiyo ang aking anak. Nawa'y magmahalan kayo habang-buhay." Tugon ni ama, nagulat naman akong kinuha niya ang mga kamay ko at nilahad ito kay Lukas

"Opo ama, ako po ay nangangakong mamahalin ng lubos ang iyong anak. Maraming salamat po sa tiwala." Sagot ni Lukas habang may namumuong mga luha sa kaniyang mga mata, hinimas naman ni ama ang kaniyang likuran at nagpasya ng umalis, pero bago siya makaalis kinuha ko muna ang mga kamay niya at diretso ko siyang niyakap. "Salamat ama sa tiwala, Mahal na mahal ko po kayo ni ina." Sambit ko bago siya tuloyang umalis.

"Hindi ako makapaniwalang ikaw rin pala ang papakasalan ko, mahal ko." tanging sambit ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Malumanay kaming sumasayaw dito sa gitna kasabay ng pagtugtog ng napakagandang awit

"Maging ako ay hindi makapaniwala, akala ko ay tuloyan ka ng mawawala sa piling ko." sagot naman ni Lukas na nakatitig din sa mga mata ko

"Mahal na mahal kita Lukas, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang-buhay. Mahal na mahal na mahal kita aking asawa." Nakangiting sambit ko habang nakatitig sa kaniya, nakahawak rin ako sa kaniyang balikat at siya ay nakahawak sa bewang ko
"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Luna, aking asawa." sagot niya at dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko, napapikit naman ako at tuloyan ko ng naramdaman ang pagdampi ng aming mga labi sa isa't-isa.

--

Taon 1999

"Grabe pala talaga magmahalan ang mga lolo't Lola ko, sana makahanap rin ako ng tulad ni Lolo Lukas na tunay na nagmanahal kay lola Luna." Mahinang sabi ko habang nakatitig sa bintana ng kwarto ko. Binasa ko kasi ang diary ni Lola na lumang-luma na ngunit punong-puno ito ng matatamis na ala-ala sa kanila ni Lolo. Umuulan din ngayon at malakas ang ihip ng hangin na dumadaloy sa balat ko

"Leanna, anak?" pagtawag sa'kin ni mama, 'di ko namalayang nakapasok na pala siya sa kwarto ko

"Bakit po ma?" tanong ko sa kaniya dahil nagtataka ako kung bakit siya nandito

"May naghahanap sa'yo sa labas, Luke daw ang pangalan." sagot naman ni mama, napatulala nalang ako sa kaniya dahil sa narinig ko.

"Sige po mama baba naako." Nakangiting sabi ko. Lumingon naman ako agad sa bintana

"Lord? Bakit ang aga niyo namang ibigay saakin ang hiling ko? 'di pa po ako ready. Hehehe" sarkastiko kong sambit. Agad naakong nagmadaling nagbihis at nagsuklay.

Pagkababa ko nakita ko sa Luke, agad naman siyang tumayo at ngumiti sa'kin.

"Oh luke? Anong ginagawa mo rito?" Pagtatakang tanong ko pero sa loob ay gusto ko. Matagal ko na kasing gusto si Luke.

"Yayayain sana kita mag date." nakangiting sagot nito. Nakita ko namang ngumiti si mama at kinilig pa

"Don't worry anak, nagpaalam na siya saakin. Sige na mauna na kayo at baka magabihan pa kayo sa daan" Sabi pa ni mama na mukhang excited

"Let's go." Ngiting sabi ni Luke, agad naman akong lumapit sa kaniya at sabay kaming lumabas sa pinto.

"Mag-iingat kayo anak." habol pa ni mama sabay kindat saakin.

Tinignan ko naman si Luke at nakita kong nakatingin din siya saakin, lumapit ako agad sa kaniya at nagulat akong nilahad niya bigla ang kaniyang kamay.

"Tara na?" tanong nito, tumango nalang ako at nilahad ko din ang kamay ko sa kaniya at magkahawak kamay kaming naglakad habang nakatingin sa isa't-isa.

End.✨

Continue Reading

You'll Also Like

42.1K 801 45
Short scenarios for your favorite characters! (Well the male characters at least) The characters included are Alastor, Angel Dust, Sir Pentious, Husk...
6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
11.5M 298K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...