The President's Daughter

بواسطة AcFrance

102K 3.5K 830

Naniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3.2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Not an update
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 27

2.1K 123 61
بواسطة AcFrance


Chapter 27



Tahimik na nakahiga si Kenedy sa silid niya ng marinig ang marahang pag-bukas ng pinto ng kwarto niya. Sinulyapan niya iyon at nakita niya si Venice na nakasilip doon.





Kahit ang lungkot-lungkot niya ay pinilit niya pa ring ngumiti sa bata. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya at mabilis naman itong pumunta sa kanya at sumampa sa kama niya.






Bahagya siyang tumawa ng hawakan nito ang gilid ng mga labi niya na parang pinipilit siyang ngumiti.


"Down't be shad Mama." Sabi nito.


Niyakap niya ito dahil sa ka-bibohan nito. Naiinggit siya sa Ate Nicole niya dahil halatang matalino si Venice. Mahigit dalawang taon pa lamang ang bata ay para na itong matanda kung mag-isip.




Mabuti na lang at umuwi ang mga ito sa Pilipinas. Nang malaman ng ate Nicole niya na may dumukot sa kanya sa araw ng flight niya ay sobra itong nag-alala kaya umuwi pa mismo ito.





Sa mga nakaraang araw ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-mukmok sa silid niya. Tangging si Venice lang ang nakaka-pagpagaan sa loob niya.





Hindi niya napigilang umiyak ng maalala ang anak niya. Noong gabi na na-aksidente siya ay nawala din sa kanya ang anak niya. Naisip niya na siguro kung buhay ang anak niya ay magiging isa siyang mabuting ina dito. Siguro sobrang sarap sa pakiramdam na may anak siya na mamumulatan pagka-gising niya sa umaga.






Kina-usap siya ng ama niya kanina at nag-aalala ito sa kanya. Gusto nito na bumalik na siya sa Canada. Baka sakali daw na kung nandoon siya ay makalimutan niya ang lungkot na nararamdaman niya.





Pero hindi siya sumang-ayon sa ama niya. Sa halip ay sinabi niya dito na ipagkatiwala na sa kanya ang pamamahala ng hotel nila. Sa sitwasyon niya ngayon ay kailangan niya na may pagka-abalahan para mawala sa isip niya ang anak niya.






Pinahid niya ang mga luha niya at sinabi sa sarili na ngayon na lang siya iiyak. Hindi siya pwedeng magpatali sa kalungkutan na dulot ng nakaraan niya. Bukas ay kakalimutan na niya ang lahat ng sakit at mag-sisimula ng panibagong buhay.





Wala sa sariling napangiti siya ng makita si Venice na nakatulog na sa tabi niya. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya habang pinag-mamasdan ang bata. Para na siyang baliw doon na patuloy sa pag-iyak habang nakangiti sa batang natutulog sa tabi niya.





Niyakap niya si Venice at para bang sa simpleng yakap na iyon ay napawi ang sakit na nararamdaman niya. Naitanong niya sa sarili na kung sakali bang buhay ang anak niya ay ganun din kaya ang mararamdaman niya? Siguro ay lahat ng pagod at sakit ay awtomatikong mapapawi kapag kasama at kapiling niya ang anak.













MAAGA pa lamang ay handa na si Kenedy para pumunta sa hotel nila. Ngayon ang araw na ipapakilala siya ng ama bilang bagong Presidente ng Sylvestre Hotel and Resort. Matapos ang isang buwan na pag-sasanay niya para maging isang presidente ng hotel ay ipinag-katiwala na sa kanya ng ama ang pamamahala nun.






Ayaw pa sana ng daddy niya na mag-retiro. Pero sinabi niya dito na kailangan na niyang matutunan ang pamamahala ng negosyo nila habang maaga pa. Sa kanya lang naman kasi mapupunta ang hotel dahil siya lang naman ang taga-pagmana nito.





Nang makarating sila sa hotel ay mabilis na bumaba sa sasakyan ang dalawa niyang bodyguard at ipinag-bukas siya ng pinto. Dahil sa nangyaring pag-abduct sa kanya ni Dranreb ay nag-hire ang ama niya ng bodyguard niya. Gusto sanang kasuhan ng ama niya si Dranreb pero pinigilan niya ang ama para wala ng gulo.






As possible ay gusto na lang niyang mamuhay ng tahimik. Nangako na rin naman kasi sa kanya ang binata na hindi na ito magpapakita sa kanya. Mukhang tinotoo naman nito ang sinabi dahil hindi na rin naman ito nag-pakita sa kanya na ipinag-pasalamat niya. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi niya pa rin ito kayang harapin dahil sa nalaman niyang nangyari sa kanilang relasyon noon.





Wala sa sariling napakapa siya sa daliri niya. Wala doon ang wedding ring nila ni Dranreb. Gusto niyang malaman kung nasaan na ang singsing. Pero wala na dapat siyang paki-alam doon dahil wala na rin namang halaga sa kanya ang binata.





Inaamin niya na ibayong kasiyahan ang naidulot nito sa kanya. Pero at the same time ay ito din ang dahilan kung bakit nasaktan siya at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ding nasasaktan.






Malalim siyang napa-buntong hininga at sinabi sa sarili na kapag handa na siyang harapin ulit ang binata ay magfi-file na siya ng annulment. Gusto niya na putulin na ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa kanila ng binata.





Pag-pasok niya sa hotel ay binabati siya ng lahat ng impleyadong nakaka-salubong niya. Isang simpleng ngiti at pag-tango lang naman ang isinusukli niya sa mga ito. Kilala na rin siya ng halos lahat ng impleyado ng hotel. Pero mamaya ay magkakaroon pa rin ng pormal na pagtitipon para ipakilala siya sa lahat bilang bagong presidente.





Taas-noo siyang pumasok sa loob ng elevator para puntahan ang ama niya sa opisina nito. Kahit siya na ang mamamahala sa hotel ay hindi niya pa din pinagalaw ang opisina ng ama niya. May opisina siya na talagang ipinasadya para sa kanya.





Nakadama pa siya ng pagkailang dahil pakiramdam niya ay lahat ng tao sa hotel ay naka-masid sa kanya. But she reminds herself na wala siyang dapat ikailang. She is Kenedy Sylvestre at mula sa araw na iyon ay siya na ang presidente ng kompanya nila.





Nang makita ng ama ang pagdating niya ay kaagad itong nag-anunsyo na pumunta na ang lahat ng empleyado ng hotel sa lugar na gaganapan ng pagtitipon.







Sandali lang din ang oras na ginugol nila para sa pagpapakilala sa kanya dahil may mga trabahong naka-atang sa mga empleyado nila.





Sa araw na iyon din ay ipinatawag niya ang lahat ng head of staff nila para kausapin ang mga ito. Lagpas nang ala-una ng hapon ng matapos ang mga meetings na dinaluhan niya kaya naramdaman na niya ang pag-kulo ng tiyan niya.





Sinulyapan niya ang secretary niya para magpa-handa sana ng pagkain niya pero abala ito sa mga reports na ipinapagawa niya dito.





Tumayo na lang siya sa kina-uupuang swivel chair bago isinara ang laptop na nasa harap niya. She needs to eat her lunch first dahil mahihirapan siyang mag-trabaho habang kumakalam ang sikmura niya. Gusto niya sanang ayain ang secretary niya pero mas mabuting maiwan ito sa office niya lalo na at office hour. Naisip niya na padadalhan na lang niya ito ng pagkain doon.






Dumiretso siya sa isang restaurant sa hotel nila para doon na kumain. Kaagad naman na lumapit sa kanya ang isang waiter at binigyan siya ng menu. Nang maibigay niya dito ang order niya ay magalang na itong nag-paalam. Hindi naman nag-tagal at dumating na ang order niya. Inaya niyang kumain ang dalawang bodyguards niya pero kumain na daw ito habang nasa meeting siya.




Habang kumakain siya ay aksidente siyang napa-sulyap sa isang direksyon at napakunot ang noo niya ng makita si Dranreb na nandoon din sa restaurant at kumakain. May kasama itong babae at mukhang masaya ang mga itong nag-uusap.






Napa-irap na lang siya at itinuon na ulit ang pansin sa pagkain. Siguro naman ay hindi ito nandoon para sa kanya.



"Of course ay hindi ito nandoon para sa kanya. Eh may kasama ngang babae 'di ba?" Sabi sa kanya ng isang bahagi ng isip niya.





Wait? Bakit parang ang bitter niya? No! She's not bitter. Talagang galit lang siya sa binata. At siguro ay hindi na mawawala ang galit niya dito.




Pinilit niyang ignorahin ang presensya ng binata sa restaurant na iyon. Pero para namang magnet ang mga mata niya dahil hindi niya namamalayang napapatingin siya dito.





Nang mapasulyap ulit siya sa dako ng binata ay nagtama na ang mga mata nila. Naka-sandig na ito sa kina-uupuan nito at wala na sa pagkain ang atensyon kundi nasa sa kanya niya.





Gusto niyang makipag-labanan ng titigan dito pero para bang wala itong balak na lubayan siya ng titig. Mabilis na lang niyang tinapos ang pagkain niya dahil naiilang siya na panay ang titig nito sa kanya.





Mabilis na niyang kinuha ang handbag niya at tumayo na para lisanin ang restaurant na iyon. Nang palabas na siya sa restaurant ay napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Dranreb. Nakita niya na papalapit ito sa kanya.






"Huwag niyo siyang palalapitin sa akin." Utos niya sa dalawa niyang bodyguard na kaagad namang tumalima. Nag-lakad na ulit siya paalis at hindi pinansin si Dranreb na kahit pinipigilan na ng mga bodyguard niya ay hindi pa rin nagpapa-awat. Napa-iling na lamang siya dahil naka-tawag na ito ng pansin sa mga taong nasa paligid nila.







"You said you will let me explain, right?" Rinig niyang sabi ni Dranreb habang nakatalikod siya dito at hawak naman ito ng dalawa niyang bodyguard.





Napalunok siya at pilit na pinigilan ang sarili na lingunin ang binata. Wala na itong dapat ipaliwanag. Kahit naman kasi magpaliwanag ito ay wala nang mangyayari. Hindi na nun mababago ang katotohanan na wala na ang anak niya.






Imbes na dumiretso sa opisina niya ay pinuntahan niya ang isang security guard para ipa-ban si Dranreb sa hotel nila. Hindi pwedeng magpakalat-kalat ito sa paligid niya. Ayaw niyang nakikita ito dahil kumukulo ang dugo niya dito at nanariwa sa dibdib niya ang lahat ng sakit na idinulot nito.






"Sigurado po kayo ma'am na ipapa-ban niyo si Dranreb Morgan dito sa hotel? Ang alam ko po kasi ay kasama siya sa seminar na dito ginaganap." Sabi sa kanya ng security.





Napa-isip siya sa sinabi nito dahil ang hotel nga nila ang venue ng isang malaking seminar at marahil ay kasama doon si Dranreb.





Nakadama naman siya ng konsensya dahil sa sinabi ng security sa kanya. Ibig sabihin ay hindi niya pwedeng ipa-ban ang binata sa hotel. Baka importante dito ang seminar na dinadaluhan nito. Kailangan niya ding maging professional at hindi niya pwedeng ipa-ban ang binata lalo na at customer ito.





"Okay. Just please paki-sabihan ang Morgan na iyon na huwag mang-gugulo sa akin, or else ipapakaladkad ko siya palabas ng hotel ko." Sabi niya at nakataas noong umalis na doon.




Pag-pasok niya sa opisina niya ay napa-buntong hininga siya ng makita ang tambak na mga papel na kailangan niyang basahin. Mukhang mapapagod siya sa unang araw niya pa lang bilang isang Presidente.




Nagkataon kasi na katapusan ng buwan kaya sabay-sabay na nag-submit ng reports ang mga head of staff nila.




Naging abala na siya sa pagbabasa at pag-pirma sa mga reports kaya hindi niya namalayan na sumapit na ang alas-singko ng hapon.




Nang mag-paalam sa kanya ang secretary niya ay linigpit na rin niya ang gamit niya para umuwi na rin. Lumabas na siya ng opisina niya at kaagad naman na sumunod sa kanya ang bodyguards niya na nasa labas lang ng opisina niya.




Habang naglalakad ay marahan niyang mina-masahe ang sumasakit niyang batok. Nangangalay na rin ang likod niya dahil sa mag-hapong pagta-trabaho, hindi siya sanay mag-trabaho kaya mukhang nabigla ang katawan niya.



Palabas na siya ng hotel ng masulyapan niya si Dranreb. Nagulat pa siya ng mag-tama ang paningin nila. Mukhang kanina pa siya nito pinag-mamasdan. Iniwas niya ang tingin dito at binilisan na ang pag-lalakad para makalayo na dito. Sigurado siya na sinabihan na ito ng security nila na huwag siyang guguluhin dahil nakatayo lang ito at hindi na nag-tangkang lumapit pa sa kanya.





Nang sumunod na araw ay isinama niya si Venice sa hotel dahil ayaw nitong maiwan sa bahay na katulong lang ang kasama. Wala sa Pilipinas ang nakasanayan nitong yaya kaya ayaw nito sa bago nitong tagapag-alaga.





Iniwan ito sa kanya ng mga magulang nito dahil kasalukuyang nagce-celebrate ang mag-asawa ng anniversary ng mga ito. Nasa trip to Europe ang mag-asawa para daw sa second honeymoon ng mga ito.





Natatawa siyang napa-iling dahil ginawa pa siyang yaya ni Venice dahil lang sa magha-honey moon ang mga ito.




'Sus, inggit ka lang' Napa-irap naman siya sa sinabi ng isang bahagi ng isip niya.




Nang sumapit sila sa hotel ay mabilis na nag-tatakbo si Venice. Hinabol niya ito dahil baka madulas ito at ma-umpog ang ulo. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya sa isang direksyon. Mukhang excited itong mamasyal. Umikot ang mata niya dahil mukhang kukulitin siya ng bata, marami pa naman siyang trabaho sa opisina niya.





"Mama swim!" Excited na sabi nito at itinuro ang swimming pool.





"No Venice, we're not here to swim." Sabi niya dito at hinawakan na ang kamay nito para pumunta na sa opisina niya. Wala na rin naman siyang phobia sa tubig dahil sumailalim siya sa therapy, pero hindi pa rin siya marunong lumangoy.





Nagulat siya ng malakas na umiyak si Venice dahil sa sinabi niya. Palibhasa ay spoiled kaya hindi sanay na hindi nakukuha ang gusto. Marami na ang mga taong napapatingin sa kanila dahil sa pag-iyak nito.





Dapat pala ay nagsama siya ng isang kasambahay para mabantayan si Venice. Mukhang hindi niya kaya na sabayan ang kakulitan ng bata lalo na at naka-corporate attire siya at mataas din ang suot niyang heels.






"Venice don't be hard-headed. Listen to Mama." Mahinahon na sabi niya sa bata pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. "Okay, we'll swim later." Sabi niya para matigil ito sa kakaiyak.




Nag-pasalamat naman siya ng mabilis itong tumigil sa pag-iyak. Binigay niya ang bag niya sa bodyguard niya para kargahin ang bata. Nang patungo na sila sa elevator ay nakita niya si Dranreb. Nakatingin ito sa kanila at mukhang nakita nito ang nangyari. Napa-kunot pa ang noo niya ng makitang titig na titig ito sa karga niyang bata.






Nang makarating sila sa opisina niya ay ibinaba niya si Venice sa sofa at sinabihan ito na maglaro lang doon. Tumango naman ito sa kanya kaya dumiretso na siya sa table niya at hinarap ang laptop niya. Wala ang secretary niya sa table nito. Marahil ay abala ito sa inutos niya.





Hinayaan niya lang ang kasama niyang bata na mag-laro sa loob ng opisina niya habang nagta-trabaho siya. Nang matapos siya sa mga papeles na binasa niya ay sinulyapan niya si Venice sa sofa pero wala ito doon. Tumayo siya at pumunta sa CR dahil baka nandun ang bata.






Pero nag-simula na siyang kabahan ng malaman na wala sa loob ng opisina niya si Venice. Lumabas siya at nakita niya ang isa niyang bodyguard. Ito lang ang bantay niya dahil may emergency na pinuntahan ang isa nitong kasama.





"Nakita mo ba si Venice na lumabas?" Tanong niya dito.





"Hindi po ma'am. Kagagaling ko pa lang po sa CR." Sabi nito.




Napa-lunok siya at parang tinambol ang dibdib niya sa kabang nararamdaman. Sigurado siya na lumabas ang bata ng hindi niya namamalayan.





"Hanapin mo sa boung hotel please!" Utos niya dito na mabilis namang tumalima. Siya naman ay nag-hanap na rin. Tinanong niya ang lahat ng empleyadong nakaka-salubong niya kung nakita nito ang batang kasama niya. Inutusan niya din ang isang empleyado na icheck ang CCTV footage ng hotel nila.




Nanlamig ang katawan niya ng pumasok sa isip niya na baka pumunta sa pool area si Venice. Lalo siyang kinabahan ng maisip na baka naligo ito sa swimming pool. Baka may nangyari na ditong masama dahil hindi pa ito marunong lumangoy.



Hindi niya alam ang gagawin kung mapahamak si Venice. Sigurado siya na hindi lang galit ang matatamo niya sa pinsan niya.





Nang sumapit siya sa pool area ay kaagad hinanap ng mga mata niya ang bata. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang ligtas ang bata at kumakain ng ice cream.





Mabilis niya itong nilapitan at kinarga. Halos maiyak na siya sa sobrang kabang naramdaman.




"You made me worried about you. Don't do it again." Sabi niya kay Venice habang yakap niya ito.




"Sowe Mama." Sabi nito habang hawak ang ice cream na natunaw na.




"Anak mo pala siya."



Napa-sulyap siya sa nag-salita na walang iba kundi si Dranreb.




Naka-tingin lang siya dito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.





"Mama he's good" Sabi sa kanya ni Venice na ang tinutukoy ay si Dranreb dahil itinuro pa nito.


Hindi niya pinansin ang bata at tumalikod na. Walang rason para makipag-usap siya kay Dranreb.





Pero nagulat siya ng ilang hakbang niya pa lamang ay nadulas na siya dahil basa ang floor. Hinawakan niya ng mahigpit si Venice at napa-pikit siya. Hinintay niyang bumagsak siya sa sahig pero hindi iyon nangyari. Iminulat niya ang mga mata at tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Dranreb.





Hindi siya maka-galaw dahil sa posisyon nila. Mahigpit na naka-yapos ang matitipuno nitong braso sa bewang niya para hindi sila bumagsak. Nakatitig lang siya sa magandang mata nito at natauhan lang siya ng tumawa ang hawak niyang bata dahil natapon sa mukha nito ang ice cream.





Inayos niya ang posisyon nila at hindi makatingin sa binata dahil sa natamo niyang kahihiyan. Dumating naman ang bodyguard niya kaya ibinigay niya dito si Venice. Mabilis naman siyang tumalikod dito ng wala man lang na iniiwang salita.





Nang maka-balik siya sa opisina niya ay nanghihinang napa-upo siya sa swivel chair niya dahil na kahihiyang natamo. Sinulyapan niya si Venice na pinupunasan na ang mukha ng bodyguard niya. Hindi niya naman magawang pagalitan ang bata dahil wala naman itong alam sa ginawa nito. Nagpasalamat siya sa bodyguard niya at lumabas na ito sa opisina niya. Lumapit siya sa bata at siya na mismo ang nagbihis dito dahil madumi na ang damit nito.





Napa-iling na lang ulit siya at nag-concentrate ulit sa trabaho. Hindi na niya hinayaang malayo sa paningin niya ang bata dahil baka lumabas na naman ito. Nang sumapit ang lunch time ay tumawag lang siya sa restaurant para dalhan sila ng pagkain dahil ayaw niyang lumabas.





Nang sumapit ang alas-tres ng hapon ay nag-pasya na siyang umuwi dahil tapos na rin ang mga trabaho niya. Inayos niya muna ang make-up niya bago siya lumabas ng opisina niya kasama si Venice. Nakatulog naman kanina ang bata kaya kahit papaano ay panatag ang loob niya. Ayaw niya kasi na mapagod ito dahil lang sa isinama niya ito doon.





Nang pumunta sila sa elevator ay nakita niya na kasalukuyan iyon na inaayos ng maintenance nila.





"Matagal pa po ba yan?" Tanong niya sa nag-aayos.




"Matagal pa po ito ma'am eh." Sabi sa kanya nito.



Napa-pikit siya dahil mukhang gagamit sila ng hagdan. Mabuti sana kung isang floor lang eh nasa 8th floor sila.




Hinawakan niya ang kamay ni Venice at dumiretso na sila sa hagdan. Nasa seventh floor pa lang sila ng mag-reklamo na ang kasama niyang bata na pagod na daw ang mga paa. Napahawak siya sa sentido niya dahil masakit na nga ang paa niya dahil sa suot na heels ay mukhang kailangan niya pa itong buhatin.




"Come here baby. I'll carry you."



Napatingin si Kenedy sa likod niya at parang sasakit ang ulo niya ng makita si Dranreb na mukhang gumagamit din ng hagdan. Kinarga na lang nito bigla si Venice at ang kasama niya namang bata ay tuwang-tuwa pa.




Napa-irap siya pero hindi naman na nag-protesta sa ginawa ni Dranreb. Mas mabuti na iyon kaysa siya ang bumuhat kay Venice. Nag-simula na siyang mag-lakad ng mabagal dahil masakit na rin ang paa niya dahil sa suot na heels.





"Hubarin mo na kaya ang suot mong heels. Nahihirapan kang mag-lakad dahil diyan" Rinig niyang sabi ni Dranreb.





"Don't talk to me. Jerk." Pairap na sabi niya dito.




"Mama bad" biglang sabi ni Venice na ikinatigil niya. Nakalimutan niya na may kasama pala siyang bata.




"Mama is not bad. I'm the bad one 'coz I made a mistake and hurted her." Mahinang sabi ni Dranreb na mukhang hindi para sa bata kundi para sa kanya dahil nakatitig ito sa kanya.




Napalunok siya at hindi pinansin ang sinabi ng binata. Nagpatuloy siya sa pag-lalakad at ganun din ito. Nagpasalamat naman siya dahil tumahimik si Dranreb. Pero mayamaya lang ay nag-salita ulit ito.





"Sinong ama ni Venice?" Tanong nito.



Napa-pikit siya dahil sa sinabi nito. Kanina pa lang sa swimming pool area ay nahalata na niya na may iba itong iniisip tungkol sa bata. Akala ata nito ay anak niya si Venice.





"I said don't talk to me." Sabi niya dito. Wala siyang balak sagutin ang tanong nito. Bahala na itong mag-isip ng kung ano.






"Okay. Sayo na lang ako makikipag-usap." Baling nito sa kargang bata. "Who's your Daddy little beautiful baby?" Tanong nito kay Venice.





"Did you seyd I'm bowtiful?" Sabi ni Venice imbes na sagutin ang tanong ng binata.



"Yes baby you're beautiful, just like your Mama." Sabi ni Dranreb na kahit hindi niya tingnan ay alam niyang naka-tingin sa kanya.




Napa-iling na lang siya at binilisan na ang paglalakad para makalayo na siya sa binata. Kung alam niya lang na mangyayari ang tagpung iyon ay sana hinintay niya na lang na maayos ang elevator.





"Baby who's your papa? Hmm?" Rinig niyang tanong ulit ni Dranreb kay Venice. Mukhang hindi ito titigil hangga't hindi ito makakakuha ng sagot sa tanong nito.



"You!"



Wala sa sariling napalingon siya sa dalawa ng marinig ang sinabi ni Venice. Nakakunot ang noo niya ng mag-tama ang mga mata nila ni Dranreb. Tiningnan siya nito ng nag-tatanong na tingin.




A/N: Please don't forget to vote and comment po. It will motivates me a lot po. Thank you beautiful readers

Ps: Mag-uupdate po ako bukas once na umabot sa 700 votes ang story na ito. Kaya vote na po. Sa mga hindi pa nakaka-vote sa previous chapter ay ito na ang chance niyo 😂😂😂

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

540K 10.2K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16
954K 32.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
44.4K 1.2K 43
"back off bastard" my twins said to the man who wants to approach me "sorry*shy smile*"i said as I looked at him apologetically my twins is a badas...
101K 1.8K 50
Brielle Urika Del Rama, isang babaeng sundalo na ang tingin sa sarili ay isa siyang maganda, cute, sexy at cool. Totoo naman kasi maganda at sexy tal...