Moonlight War (Gazellian Seri...

Von VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... Mehr

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 38

66.2K 5.4K 1.6K
Von VentreCanard

Chapter 38

Tabi ng Trono

Nang sandaling magmulat ako ng aking mga mata, halos walang salitang lumabas sa aking bibig.

Tila sasabog ang utak ko sa lahat ng kaalamang aking nadiskubre. Ang bawat hakbang, desisyon at sakripisyo ni Haring Thaddeus ay hindi lang nakaalay sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa kapakanan ng buong Nemetio Spiran.

Sa nakaraang nawasak at sa posisyong labis na sinamantala. Nang sandaling ipakita sa akin ang bawat piraso ng kanyang mga pinagdaanan sa nakaraan, inaamin ko na minsa'y nagawa ko siyang ikumpara sa pinaka-kilalang hari sa kasaysayan ng mga bampira, si Haring Clamberge III at ang kasakiman niya sa trono.

Hindi ba't trono rin ang siyang nais na hawakan ni Haring Thaddeus? Ngunit sa likod ng pagnanais niya sa trono at kapangyarihang hatid nito ay ang matinding uhaw niya upang maitama ang lahat.

Ang trono'y isa lang imahe na ipakikita niya sa lahat, na ang kinang at ganda nito'y sa panlabas lamang, dahil ang likuran nito'y mga espada na anumang oras ay maaaring tumagos sa kanya.

At iyon... iyon ang mga bagay na nais niyang yakapin at gampanan, kahit sa kaalamang ay responsibilidad na iyon ang magiging mitsa ng kanyang sariling buhay.

May dahilan... may mga pinaglalaban. Hindi siya isinilang para roon, kundi siya'y nahubog upang makita ang katotohanan at itama ang lahat.

Ang mata ng lahat ay nasa akin, sila'y kapwa naghihintay ng aking mga nakita. Ngunit kahit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin lumabas ng mga salita sa bibig ko. Lalo na nang tumama ang aking mga mata kay Caleb.

Paano kung hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nalalaman sa parteng iyon ng kanyang ama? May karapatan ba akong sabihin sa kanya iyon?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Makahulugan akong sumulyap kay Iris, saglit akong humiling sa buwan na sana'y naintindihan ni Iris ang siyang nais kong mangyari.

Ang diyosang katulad ko'y hindi sanay humabi ng kasinungalingan, ngunit sa sandaling ito'y kailangan kong subukan. May mga bagay na mas pipiliin mong itago na lamang kaysa pangunahan ang isang nilalang sa paggawa ng kanyang desisyon.

Ang nakaraan ni Haring Thaddeus at Danna'y hindi maaaring magmula sa akin, kundi sa kanila mismong inang reyna.

Huminga akong muli ng malalim bago sinalubong isa-isa ang kanilang mga mata.

"Sumagot na ang puting lobo... ang bawat relikyang siyang ating hinahanap ay katulad ng mapa ay may mga tagabantay."

Sabay-sabay silang tumango sa akin.

"Ang mapa'y mananatiling nakakubli ang detalye at tanging si Iris lang ang siyang makababasa... isang indikasyon na..." nang lumingon ako kay Iris, si Lucas na ang siyang nagtuloy ng aking sasabihin.

"Si Iris ay kailangang sumama sa inyong paglalakbay bilang inyong gabay." Tumango ako sa sinabi ni Lucas.

"Si Iris ang magbibigay sa atin ng eksaktong lokasyon, habang ang mga punyal na tumagos sa akin sa ritwal ang siyang makakaramdam ng mga relikya sa sandaling malapit na tayo sa kanila." Paliwanag ko.

"Now that we're done deciphering the problem of the map, can we proceed?" tanong ni Rosh.

Nasa kanya naman ang atensyon naming lahat. "Agree." Dagdag ni Caleb.

"We'll prepare the carriage." Ani ni Nikos, sumunod na rin sa kanya si Hua na mabilis tumalikod sa grupo.

"Lucas, bakit hindi ka tumulong din--"

"No." Mabilis na sabi ni Rosh na kunot na muli ang noo.

Ngumiti ako kay Ledare. Nais ko man sumama si Lucas, ngunit hindi ko nais na magkaroon sila ni Rosh ng hindi pagkakaintindihan. "Mas makabubuti na narito pa rin ang pinuno ng grupong ito. Kaya na namin ang paglalakbay."

Hindi na rin nagsalita si Lucas. Alam kong sang-ayon na rin siya sa sinabi ko. Lalo na't siguradong laging sasalungatin ni Rosh ang bawat sasabihin niya. Sa tagal namin magkasama ng ikalawang prinsipe ng Deltora, nakukuha ko na ang kanyang ugali.

"Iris, maghanda ka." Ani ni Ledare.

Yumukong saglit sa amin si Iris bago nagpaalam upang mag-ayos ng kanyang mga gamit. Ang siyang tanging naiwan na lamang sa palibot ng lamesa ay ako, sina Lucas, Ledare, Rosh, Caleb at si Divina.

"You're going home now, Uncle Caleb?"

Ngumuso ang prinsipe. "I need to... I am sorry."

Nawala ang ngisi ni Divina at yumakap siya ng mahigpit kay Caleb. "Uncle Caleb, please... sama ka pa sa amin. Sa next destination ka na lang umuwi. I will miss you..."

"But your boyfriend is here. It's okay." Umikot ang mga mata ni Rosh.

"But I don't want you to go... hindi naman ako nipapansin ni Prince Rosh..."

"You told me that he's shy..."

Hindi na sumagot si Divina at mas isiniksik niya ang kanyang sarili sa leeg ni Caleb. Sinalubong ng prinsipe ang aking mga mata, hindi man niya kailangang sabihin ang mga salita, alam kong humihingi siya ng paumanhin sa akin.

Higit na kailangan ng Sartorias ang kanyang presensiya.

"I am really sorry. Kung wala rito si Rosh o kaya'y ang mga tapat mong kasama katulad nina Nikos at Hua... hinding-hindi kita iiwanan sa paglalakbay na ito, Leticia. But I know that you're in good hands. Hindi ka nila pababayaan..."

Saglit lang namin nakasama si Caleb, ngunit alam kong malaki ang magbabago sa paglalakbay namin sa sandaling umalis na siya.

Tipid akong ngumiti. "Salamat, Caleb..."

"Ngunit hindi ako sang-ayon sa sinabi mo, Leticia. Siguro'y mas maganda kung kasama n'yo si Lucas sa paglalakbay. Kailangan n'yo rin ng kapangyarihan ng isang lobo sa paglalakbay..." sumulyap siya sa daan tinahak ni Iris kanina.

"Kung hindi n'yo man mamasamain, ngunit masyado pang bata ang puting lobo. I bet... she doesn't have any experience how to fight."

Walang tumutol mula kina Ledare at Lucas.

"Bukod kay Leticia, siguradong isa rin siya sa lubos na kukuha sa interes ng naghahanap ng lubos na kapangyarihan. You need additional power..." ibinalik niya ang kanyang mga mata kay Lucas.

"I can—" hindi natapos ni Rosh ang kanyang sasabihin.

"Rosh, come on, just punch him again next time. Ikaw rin ang iniisip ko. Hati na ang utak mo. Alam kong gustung-gusto mo na rin bumalik sa Parsua. Everyone is expecting for you to come back soon. You're the general of the battlefield, malaking dagok sa Parsua kung wala ka sa digmaan. You, Leticia and this whole group should finish this journey as soon as possible." Seryosong sabi ni Caleb.

Minsan ay iniisip ko na walang kakayahan si Caleb sumapit sa ganitong uri ng pakikipag-usap. Madalas siyang tumatawa, ngumingiti at nakikipagbiruan na tila walang problema, ngunit sa sandaling piliin niyang maging seryoso... saglit lumalabas sa kanya ang presensiya ng kanyang ama.

Muntik ko nang makalimutan na siya nga pala'y anak din ni Haring Thaddeus.

"I am sorry if I can't go with you right now. Ito na lang siguro ang magagawa ko. I advise... which is really ironic, right?" tipid siyang tumawa.

Humalik siya sa buhok ni Divina.

Hinintay muna namin makapag-ayos si Iris bago kami magsimulang maglakad patungo sa karwahe. Naroon na sina Hua at Nikos na kapwa na nakaposisyon sa unahan. Si Divina ay mas humigpit ang yakap kay Caleb habang humihikbi. Si Iris ay pinili munang mag-anyong talo habang si Lucas ay naka-anyong lobo na.

"Divina, tayo na." Umiling siya at mas yumakap kay Caleb.

"We will meet soon, Divina. Your Uncle Caleb in the future will always play with you." Mas lalo namin narinig ang pag-iyak ng prinsesa.

Simula nang magpakita sina Kalla at Caleb sa amin, pansin ko na rin ang malaking tuwa ni Divina nang makita ang kanyang tiyuhin na parang mas nagliwanag ang kanyang mundo, na kailanman ay hindi mapapantayan kahit ngumiti sa kanya si Rosh.

Hindi kaya bukod sa pagkadukot kay Divina ay...

Ipinilig ko ang aking sarili at humakbang na ako papalapit kay Caleb. Inilahad ko na ang aking mga braso para ibigay niya sa akin si Divina.

"Sige na, Divina... you're a good girl. You will help them, right? Your Mama and Papa will be proud of you."

"Princess Divina, let's go." Anyaya ni Rosh.

Siya na ang naglahad ng braso. Mas lumapit si Caleb sa kanya at pilit inihiwalay sa kanya si Divina. "Uncle Caleb, I'm sorry..."

"Don't be..." pinunasan ni Caleb ang luha ng pamangkin niya.

"Go..." sabi niya sa akin nang magkasalubong ang aming mga mata.

Pinauna kong sumakay si Iris, sumunod ako at huli sina Rosh at Divina. Nang isarado na ni Rosh ang pintuan at tanging ang salaming bintana na lang ang nakapagitan, nakapamulsang ngumiti sa amin si Caleb.

Mas lalong humagulhol si Divina habang ang isang kamay ay nasa bintana na parang mahahawakan niya ang tiyuhin niya.

"Uncle Caleb ko..."

Naiiling si Rosh. "This scene... naalala ko sina Claret at Zen..."

Marahang inangat ni Caleb ang isa niyang kamay upang kumaway. Mas lalong umiyak si Divina, lumapit na ako sa prinsesa para ayusin na ang kanyang pagkakaupo.

Nang sandaling magsimulang umandar ang karwahe nang dahan-dahan mas lumakas ang pag-iyak ni Divina, napangiwi pa si Rosh nang sumulyap siya habang walang reaksyon si Iris.

Tipid na naglakad si Caleb kasabay ng karwahe upang makita pa rin siya ni Divina. "Stop crying. I'll see you again..." usal niya.

Nang mas bumilis ang takbo ng karwahe mas lalong napatingin si Rosh kay Divina dahil sa pag-iyak.

"I am really sorry, Uncle Caleb... hindi sinasadya ni Divina... love na love kita. Hindi ko po sinasadya..." paulit-ulit na sabi ng prinsesa.

Sa huli tumigil na sa paghabol sa karwahe si Caleb at prente siyang nanatiling nakatindig habang nakapamulsang tinatanaw kami katabi si Ledare.

Simula pa lang nang magkita sina Caleb at Divina ng magpakita sila sa kubo ng bulwagan, alam kong may laman na ang mga salita ni Divina.

Lumapit na ako sa prinsesa at pilit siyang inalo.

"Ssh..."

"Something happened." Seryosong sabi ni Rosh.

"Babalaan ko na sana siyang huwag nang magsalita pa, dahil hindi na namin iyon maaaring malaman, ngunit hindi namin napigilan si Divina."

"Uncle Caleb vanished... I vanished him... I used my Mama's book... he's missing..."

"Oh..." ani ni Rosh na sumandal na sa kanyang upuan na tila hindi nagulat o kaya'y nag-alala sa nalaman.

Iyon ang siyang dahilan kung bakit ayaw humiwalay ni Divina kay Caleb. Naglaho ang prinsipe sa hinaharap.

"I bet hindi siya pinapahanap ni Das—" natanggal ang ngisi ni Rosh at itinigil niya ang kanyang sasabihin. "Don't worry, Divina. He'll come back. Your Uncle Finn, nawala rin pero iyon bumalik may kasama ng babae."

Humalakhak siya na namayani sa loob ng karwahe.

Ilang minuto pa bago ko napatigil sa pag-iyak si Divina. "Hinding-hindi siya magagalit sa 'yo, Divina. Mahal na mahal ka ni Caleb. Kaya huwag ka nang umiyak."

Hanggang sa makatulog na si Divina dahil sa pagkapagod sa pag-iyak. Katahimikan muli ang namayani sa aming tatlo. Si Rosh na nakakrus ang mga hita at nakatitig sa labas ng bintana at si Iris na nakatitig lamang sa mapa.

"You refused to tell us all, right?"

Hindi na ako nagulat nang sabihin iyon ni Rosh. Tumango ako sa sinabi niya.

"Is it because of Caleb? May bagay siyang hindi mo nais marinig niya."

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Divina habang mahimbing siyang natutulog sa aking kandungan. Si Iris ay nanatiling nagmamasid sa amin.

"Paano mo higit na nababasa ang sitwasyon, Rosh?"

Nagkibit balikat siya. "Maybe the nature tells us all..."

Bumuntong hininga ako. "Ang mga tagabantay, Rosh, hindi lang sila basta napili..."

Humanap ako ng lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang kabuuan. "Ang puting lobong siyang dating tagapangalaga, at ang natitirang mga babaeng may hawak sa relikya, sila ay may malaking koneksyon kay Haring Thaddeus."

Tumaas ang kilay ni Rosh.

"Interesante... paanong koneksyon?"

"Ang dating hari'y hindi nais baguhin ang Nemetio Spiran, kundi nais niyang ibalik... ibalik sa dating kaayusan bago lamunin si Haring Clamberge sa kanyang kasakiman."

Napasinghap si Rosh.

"You mean..."

Marahan akong tumango. "Nais ibalik ni Haring Thaddeus ang pitong matataas na trono, at ang ngayong may hawak ng mga relikya'y ay ang mga babaeng napili niya noon..."

"But his plan got ruined when the Goddess of the Memory tried to stop him..." muli akong tumango.

"But in the middle of stopping him..."

Nakapagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ipinagpatuloy ang sasabihin ni Rosh. "Nahulog sila sa isa't isa... at kayo'y gumawa sila ng paraan upang ipagpatuloy ang pagbabalik sa pitong trono sa pamamagitan ng kanilang mga anak..."

Kumurot ang dibdib ko. Ang dating si Danna na siyang nasa tabi ni Haring Thaddeus ay napalitan ng isang diyosa...

Wala sa sarili kong hinawakan ang dibdib ko nang may hindi pamilyar na imahe ng babaeng nakaitim at kakaibang uri ng kasuotan ang tipid na nakangiti habang nakatindig sa isang trono.

Trono ng isang hari, at ang nakaupo roon ay hindi maglinaw ang mukha. Si Danna ba iyon at Haring Thaddeus?

Si Danna'y hindi pinili ng panahong iyon... kung bibigyan kaya ng pagkakataon si Haring Thaddeus, si Reyna Talisha pa rin ba ang kanyang pipiliin?

Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isipan ko, ngunit ramdam ko ang kirot na tila ako ay isang reynang nakatanaw sa kanyang hari na may kapiling na iba. 

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

Falter Von Nique

Kurzgeschichten

5.1K 223 5
Kung saan ang lahat ay nabubuhay sa mundo na totoo ang Soulmates. Falter 1: Si Mia Romasanta ang overachiever na hindi mahilig mag under-deliver. Isa...
13.3M 351K 96
Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed]
28.5K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
86.9K 2.7K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...