Taming the Heat (La Grandeza...

De JosevfTheGreat

2.1M 54.2K 31.2K

To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the id... Mais

Announcement
Taming the Heat
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
La Grandeza Series #3
Special Chapter
Special Chapter [Christmas Special]

Kabanata 9

43.9K 1.2K 484
De JosevfTheGreat




Pathetic

Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang pinapanood sina Mama at 'yung Daddy ni Cassie na masayang umo-order ng kape. Lumipat agad ako ng upuan sa tabi ni Dino para hindi nila makita ang mukha ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit at sobrang pagkalungkot ang tanging nasa puso ko ngayon. Hinawakan ni Dino ang mga kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.

He looks really worried and at the same time he also looks disappointed.

"Do you want to go to restroom, or gusto mo lang sa tabi ko?" bulong niya and his voice was really soft. Para akong dinuduyan sa boses niya.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Halong takot at kaba ang dumagdag sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung kokomprotantahin ko ba siya o hahayaan ko na lang sila...

"I just want to stay here with you..." sabi ko kaya he took a deep breath atsaka mapait na ngumiti.

"Okay... you can cry... nasa dulo naman tayo," sabi niya.

Kaharap na namin ang pader at ito nga 'yung part na hindi matao. Inakbayan ako ni Dino at sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Doon na unti-unting bumuhos ang mga luha ko.

Paano ito nagawa ni Mama? Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari? Anong kulang sa amin, bakit naghanap si Mama ng panibagong lalaki? Cassie's family is really rich, they are selling perfumes sa ibang bansa at kilalang kilala ang apilyido nila.

Hindi naman mukhang pera si Mama kaya hindi ko masabi na ang habol niya ay ang pera ng Daddy ni Cassie. Hindi na ba masaya si Mama sa amin, kaya siya nag hahanap ng panibago? Ang mas masakit pa rito ay tatay pa ni Cassie ang kabit ni Mama. Hindi lang pamilya ko ang masisira rito pati ang pamilya ni Cassie... or worst baka pati pagkakaibigan namin ni Cassie ay tuluyan na rin lumubog.

"Sir Dino!"

Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng upo dahil kukuhanin ni Dino 'yung order namin. Hindi ko alam kung iiyak pa ba ako o hindi na... nalilito na lang ako. Gusto ko ng sagot! Bakit ito nagawa sa amin ni Mama?

Kumalat sa aking kalooban ang apoy ng galit pero ayaw kong gumawa rito ng scene. We can talk about this properly pero huwag aasahan ni Mama na I will be okay sa ginawa niya.

Hindi ako lumilingon dahil baka makita ako ni Mama pero ang tagal ni Dino... he's taking too long. Hindi kaya nakita siya ni Mama at Daddy ni Cassie, dahil nga matagal na kami magkakaibigan nakilala na kami ng mga magulang ng bawat isa and how did Tito Hermin has that ego to have an affair with my mother?

Napatingin ako kay Dino nang umupo na siya sa tabi ko. He looks calmer now...

"Nakita nila ako and tinanong kung ano raw ginagawa ko rito..." sabi niya at nilapag sa table isang tray at ando'n ang order namin.

"Tapos?"

"Sabi ko I was just having a coffee with a friend kaya ginantihan ko sila ng tanong... sinabi ko bakit sila magkasama..." sabi niya kaya kinagat ko ang ibaba kong labi.

I am anticipating on what my mother will say. Hindi ko akalain na magsisinungaling ang nanay ko ng ganito, how could she cheat on Papa? Kapos lang kami sa pera pero hindi kailanman nagkulang si Papa bilang asawa sa kanya at ama sa amin ni Kuya.

"She said may paguusapan lang daw..." kumunot ang noo ko.

At ano naman ang pag-uusapan nila? How can they be so happy kung sinisira na nila 'yung pamilya ng isa't isa? Paano nakakayang sirain ni Mama ang pamilya namin? I want to her to give me explanations, masyadong magulo ang utak ko.

"Walang sinabi si Tito Hermin?" sabi ko at sinusubukan kong hindi manginig ang aking boses.

"He is just smiling... I can confirm that there is something going on between them because they are holding each other's hands pero nang nakita nila ako ay binitawan nila 'yon..." aniya atsaka umigting ang panga.

Niyakap ako ni Dino nang napansin niyang muli na namang tutulo ang mga luha ko. Niyakap ko pabalik si Dino at dinama ang init ng kaniyang katawan. Sinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya habang umiiyak.

Naawa ako kay Papa na patuloy binubuo ang pamilya namin at si Kuya na nagta-trabaho para makapag-aral ako habang si Mama naman ay masaya sa kaniyang kabit. How can she do this?! Gusto ko siyang sigawan at sabihan ng masasakit na salita pero parang kapag kaharap ko siya ay manlumo lang ako... wala lang akong magawa.

Pina-take out na ni Dino 'yung mga kape namin at umuwi na kami sa condo niya. He wants me to rest muna dahil hindi na ako makahinga kakaiyak... patigil-tigil din ang tulog ko habang nasa biyahe pauwi.

Pagkarating namin sa unit niya ay nilapag niya lang sa counter 'yung dalawang box ng donut at ipinasok sa ref ang mga kape namin.

Iginiya niya ako papasok sa kwarto niya.

"You should sleep first and mamaya ka na kumain pagkagising mo..." aniya at humiga na ako sa kaniyang kama.

Binuksan niya ang aircon atsaka ako kinumutan. Ngumiti siya sa akin atsaka hinalikan ang noo ko.

"Just call me sa sala if you need anything... okay?" malambing ang kaniyang boses kaya tumango ako.

"Uh..."

Umangat ang kaniyang kilay at umupo sa gilid ng kama.

"Can I hug you until I fall asleep?" nakasimangot ako at pagod ang aking mukha kaya suminghap siya atsaka tumango.

Umurong ako ng kaonti at humiga siya sa tabi ko. Niyakap niya ako at pinaunan pa sa akin ang kaniyang braso.

Wala akong ibang naamoy kung hindi ang mabangong amoy ni Dino. Siniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at naririnig ko lang na he's humming... trying to help me to fall asleep.

Unti-unti na akong napapikit at nakatulog...

Pagkagising ko ay nasa tabi ko pa rin si Dino. Mahimbing din ang kaniyang pagtulog. Naramdaman ko ang lamig kaya mas ibinalot ko ang kumot sa akin at umabot ito hanggang sa aking ulo.

Mas siniksik ko ang sarili ko kay Dino. Naramdaman kong mas inilapit niya ako sa katawan niya.

"Gising ka na?" sabi ko habang nakasubsob sa kaniyang dibdib.

"Hmmm..." his voice sounds sleepy.

Tumingala ako at nakita kong nakapikit pa siya. Paano kaya kung si Ross ang kasama ko ngayon? Will he also do the same? Ano kayang gagawin niya kapag siya 'yung kasama ko no'ng nakita ko si Mama na kasama si Tito Hermin?

Nakalabas din kami no'n sa Starbucks dahil nang lingunin ni Dino sina Mama ay wala na sila ro'n and it's a good thing dahil gusto ko na umalis do'n.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama kapag nakita ko siya. Kapag umuwi na siya, ano na lang ang mangyayari? Should I tell this to Papa?

Tinitigan ko lang ang maamong mukha ni Dino habang tulog. I am thankful that I am with Dino... bukod kay Raflesia ay si Dino lagi ang nagco-comfort sa akin. I love them pero may something lang kay Raflesia at kay Dino na sila lang 'yung nakakapagpagaan ng loob ko.

Nabawasan ang bigat sa dibdib ko pero nararamdaman ko pa rin 'yung lungkot at pagkadismaya sa mga nangyayari. I am not a soft person pero nagiging soft ako kapag dating sa pamilya ko at kina Dino...

Buong buhay ko ay nasanay akong nandiyan sila sa tabi ko kaya natutunan ko na sila mahalin nang lubos.

Hindi nauubusan ng mga tanong ang aking isip tungkol kay Mama, kung bakit niya ito nagawa? I don't want to talk about it... ayaw ko munang isipin 'yon. I should still focus on my studies dahil may grades akong kailangan kong i-maintain.

"Dino..." bulong ko pero hindi pa rin siya nagigising.

Hinawakan ko ang kaniyang dibdib at pinakiramdaman ang tibok ng kaniyang puso. It was pounding kaya kumunot ang noo ko at tinulak ang balikat ni Dino.

Napadilat na siya at bakas kong kanina pa siya gising. Nagtutulog-tulugan lang pala!

"Gising ka na kanina pa e!" sabi ko kaya ngumisi siya.

"Oo... I just still want to hug you more..." his voice is husky at nakatitig lang siya sa akin.

Napatingin siya sa aking labi at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti siya at marahang pinisa ang pisngi ko.

"Let's eat na. Hapon na e... atsaka may damit ka ba?" sabi niya.

Napanguso ako. "Wala e. Uuwi muna ako mamaya after kumain para kumuha ng damit. Samahan mo ako..." sabi ko kaya tumango siya.

Bumangon na kami para makapag meryenda na. Siguro kung nasa bahay ako ay umiiyak lang ako at nakatulala sa kwarto ko. 'Yung tipong ayaw ko na lang gumalaw dahil wala akong lakas pero ngayon, I find comfort dahil kay Dino...

Nasa couch kami at naka-indian sit ako habang kumakain ng donut. Nawala lahat ng lungkot sa dibdib ko habang kumakain...

Nakangisi lang si Dino habang pinapanood akong kumakain.

"Bakit ayaw mo ng donut?" sabi ko.

"It's sweet, Cari... I have to maintain my diet. I am already drinking coffee and hindi dapat ako umiinom nito..." aniya kaya napanguso ako.

"Bakit malaki ba ang epekto no'n kapag kumain ka kahit isa lang or kumagat ka?" sabi ko.

Umiling siya. "Hindi naman pero I need to discipline myself sa mga kakainin ko... mas mabilis ako tumaba kaysa kay Lucas kaya palagi akong inaasar no'n dahil siya kahit andami niyang kumain ay may abs pa rin siya... kapag ako, kumain lang ako nang marami for 1 to 2 days ay nagfe-fade agad 'yung structure ng abs ko..." napailing siya at bakas ko sa kaniyang boses ang frustration.

I bet he really wants to eat a lot pero he needs to maintain his diet. Humalakhak ako kaya kinunotan niya ko ng noo.

"Nag-beer ka pa kahapon. Nice 'yon!" sabi ko kaya suminghap siya.

Tinaas niya ang t-shirt niya at tiningnan ang kaniyang tiyan. Ngumuso ako nang nakita kong hulmadong-hulmado pa rin ang kaniyang abs, baka mamaya nag-o-overthink lang siya, ha?

"Para ngang bato 'yan! Kumain ka na ng donut. Hindi mawawala 'yan dali na!" sabi ko at inamba sa kaniyang bibig ang isang smidget.

Umiling siya at tinikom ang bibig niya. "Kapag hindi mo 'to kinain hindi na kita papansinin!" sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya at kaagad na sinubo ang smidget donut.

Humalakhak ako habang pinapanood siyang dahan-dahan nginguya 'yung smidget donut. Naka-pout siya habang nakatingin sa akin...

"Madali ka naman pa lang kausapin e..." sabi ko habang humahalakhak.

"Please Cari, don't make me eat sweets... it will surely bloat my tummy..." aniya at nahimigan ko sa boses niya na nag-aalala siya para sa tiyan niya.

"Sige pero kain ka muna ng dalawang donut tapos hindi na kita papakainin, okay ba 'yon?" sabi ko.

Nalukot ang mukha niya kaya tumawa nanaman ako. Ngumisi siya at kumuha ng donut sa box.

"Sige na nga, para matahimik ka na..." aniya.

Nagtawanan lang kami ni Dino at inasar ko lang siya habang kumakain kami. It's nice... kahit papaano ay nawala sa isip ko 'yung mabibigat na nangyari kanina.

Kapagkatapos namin kumain ay sinamahan ako ni Dino pauwi sa bahay para nga kumuha ako ng gamit.

Sabihin ko na kaya kay Papa 'yong tungkol sa nakita ko kanina? Bahala na sila mag-usap about it. They should talk first bago kami ni Kuya ang kausapin nila.

Even though we are part of it, they should settle everything between them first bago ang lahat...

"Pasok ka, batiin mo sila Papa..." sabi ko kay Dino nang huminto na siya sa tapat ng bahay.

"Sure..."

Pagkapasok ko sa bahay ay para akong tinapunan ng tubig nang nakita ko si Mama na kausap sina Papa sa lamesa.

Natigilan siya nang nakitang kasama ko si Dino pero ngumiti siya.

"Oh, andiyan na pala si Cari..." ani Mama.

"Akala ko ba mag-iistay ka kina Dino muna?" sabi ni Kuya.

Nagtiim bagang ako. "Kukuha lang ako ng damit..." sabi ko.

"Magandang hapon po..." pagbati ni Dino.

Pumasok na ako sa kwarto para kumuha ng mga damit. Hindi naman ako magtatagal do'n pero gusto ko marami akong reserbang damit... lalo na 'yung undergarments...

Nakabukas lang ang pinto ng kwarto ko kaya naririnig ko silang nag-uusap.

"Anong ginawa niyo ni Cari buong maghapon?" sabi ni Papa.

Napakagat ako sa ibaba kong labi, thinking Dino will disclose na kasama niya ako sa MOA kanina and malalaman ni Mama na ako 'yung kasama niya.

"Ah... nagpasama po ako sa kaniya sa MOA kanina..." sabi ni Dino.

"Si Cari 'yung kasama mo kanina?" nahimigan ko sa boses ni Mama ang kaba.

"Yes, Tita..." mahinahon ang boses ni Dino.

Tumahimik silang lahat kapagkasabi ni Dino no'n kaya mas binilisan ko pa ang pag-iimpake ko ng damit. Kinuha ko na rin ang tooth brush ko sa cr at kung ano pang mga kailangan sa pagligo.

Pagkalabas ko ay napatingin agad si Mama sa akin at nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. Kumirot ang puso ko nang naalala ko na naman ang nasaksihan ko kanina.

"Cari..." ani Mama kaya lumingon ako sa kaniya na parang wala lang.

"Una na po kami..." sabi ko at tipid na ngumiti.

"Nakita mo rin ba?" sabi ni Mama at nanginginig ang kaniyang bibig.

I tried to hold back my tears pero kusa na lang itong tumulo. Pinunasan ko agad ang luha ko at ngumiti.

"Una na po kami," paguulit ko pero napatayo na si Mama sa kinauupuan niya.

"Nakita mo rin ba Cari?" lumakas ang boses niya pero binaliwala ko 'yon.

"Ano ang nakita ni Cari?" nahimigan ko sa boses ni Papa ang pagtataka.

Nakakunot ang noo ni Papa at gano'n din si Kuya.

Naka-upo sila sa may hapagkainan at nagmemeryenda sila...

"Ang ano, Ma?" patay-malisya kong tanong.

Tumulo na ang luha niya at pinipigilan ang paghikbi.

"'Yung lalaki mo?" matapang kong tanong at bakas sa boses ko ang pait, galit at lungkot.

Tuluyan ng humikbi si Mama at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na patulo ng aking mga luha. Parang binibiyak ang puso ko habang tinitingnan si Mama na umiiyak... hindi ko alam kung malulungkot ako para sa kaniya dahil baka may problema siya at hindi niya lang sinasabi sa amin o magagalit ako sa kaniya dahil may lalaki siya.

"You saw them?" napatayo na rin si Kuya at gulat na gulat siya sa nalaman niya.

"Cari... anak... patawarin mo ako," sabi ni Mama at kukuhanin sana ang aking kamay pero mabilis ko 'yon binawi.

"How could you cheat to my Father? Saan nagkulang si Papa? Hindi ba siya magaling kaya naghanap ka ng bagong kakalantari sa'yo?" bakas sa boses ko ang galit at sakit na paulit-ulit hinahatid sa puso ko.

"Cari..." rinig kong sabi ni Papa pero hindi ako nagpaawat.

Kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon para hindi ako sirain nito. Kailangan ko 'tong sabihin lahat kay Mama dahil kung hindi, malulunod ako sa aking sariling isip at hindi ko alam kung makaka-ahon pa ako mula roon.

"Dahil ba mayaman ang daddy ni Cassie at si Papa ay hindi? Pera ba ni Tito Hermin ang gusto mo? Hindi ka naman malandi, Ma! Hindi ka gano'ng babae, alam ko 'yon... alam kong mabuti kang ina pero bakit mo 'to nagagawa?!" pumiyok na ang boses ko habang humahagulgol.

"Cari... anak, please... magpapaliwanag ako..." sabi niya kaya lumunok ako.

Nanginginig siya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko siya at halos yakapin na niya ang kamay ko pero hindi ako gumagalaw sa posisyon ko.

"I admit na nag-cheat ako sa Papa mo dahil natukso ako... matagal na ang relasyon namin ni Hermin at binibigyan niya ako ng pera para makatulong ako rito. Pinagpatuloy ko 'yon dahil nakakakuha ako ng pera sa kaniya pero alam kong mali 'yon, alam kong malalaman niyo rin 'yon at 'yun ang kinakatakot ko... 'yung kamuhian mo ako, anak..." aniya habang nanginginig ang boses.

Umiling ako. "That's bullshit, Ma. Hindi mo dapat 'yun ginawa dahil mahal ka ni Papa. Magtrabaho ka, Ma, hindi manlalaki... if you are really trying to help, you should have do it properly. Natukso ka and you are admitting na niloko mo si Papa, so anong gagawin natin ngayon?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Anak... kumalma ka... kami na ang mag-uusap ng Mama mo..." sabi ni Papa at napatayo na sa upuan niya.

"No Pa, I want her to feel my wrath. Gusto kong ibigay sa'yo lahat ng galit at lungkot na naramdaman ko! Nagpapakahirap si Kuya para mapag-aral ako at si Papa para may nakakakain tayo rito sa bahay! Tapos ikaw, nageenjoy ka sa buhay mayaman dahil kabit mo si Tito Hermin? Anong klaseng ina ka?! Tumutulong na may kaonting kalandian? You're my mother, alam ko 'yon pero nawala ang respeto ko sa'yo dahil sa ginawa mo... Mahal kita, mahal ka ni Papa at ni Kuya, lahat ginagawa nila para maiahon tayong dalawa... at ako nangangarap na mabilhan kita ng mga gusto mo, mga gusto ni Papa... makabawi ako kay Kuya. Gusto ko kayo i-ahon dito kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral pero bakit mo 'to nagawa Ma?" sabi ko at humagulgol na ako.

Naramdaman ko na ang panghihina ng tuhod ko habang ang lakas-lakas ng aking pag-iyak.

"I was busy dreaming and being determined dahil ayaw ko na na nabubuhay tayo sa ganitong estado. Gusto ko maranasan natin 'yung ginhawa... gusto kong bumawi sa lahat ng pagsusumikap niyo para lang mabuhay ako, kami ni Kuya! Paano mo nagawang sirain 'tong pamilyang 'to?! Paano mo pa maibabalik 'yung pagmamahal na sinira mo kay Papa? Hindi mo ba naisip na hindi lang pamilya natin ang sinira mo? Maging ang pamilya ni Cassie ay sinisira mo, Ma, at pati na rin ang pagkakaibigan namin ni Cassie! Sana man lang naisip mo 'yon bago mo kinalantari 'yang si Tito Hermin!"

Niyakap ako ni Papa and he's crying kaya mas lalo lang akong nanlumo. My father, 'yung pinaka matapang na kilala ko ay umiiyak... 'yung lalaking napakamatatag pero ngayon ay nagiging mahina.

Dahil 'yon sa babaeng minahal ko ng sobra at iniidolo ko simula kapagkabata ko. Ang babaeng inakala kong mabuti at magiging tapat, magiging kasama namin hanggang sa pag-ahon namin dito ay tumaliwas na ng daan at mas pinili ang maling daan kaysa manatili at samahan kami sa hirap na 'to...

"Hindi mo alam kung gaanong sakit ang tinanim mo sa puso ko. Seeing Papa crying... ay parang mas kinamuhian kita... you're my Mother but you're just so pathetic and selfish woman..."

Continue lendo

Você também vai gostar

20.5K 1.1K 10
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
13.3M 258K 66
If you ever thought that you already have that perfect love story you've always dreamed of, think again. Everything in this world is not what it seem...
686K 30.2K 32
Wanderlust. Summer love. And a whiff of chocolate. ----- Special Summer Story for Candy Stories. New Adult | Romance
13.7K 1.6K 27
(SOON TO BE SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH!) (Pre-orders are now open!) WARNING! This story may contain VIOLENCE, MATURE CONTENTS, and GORE. If you'r...