Kabanata 31
Sticky notes
"Kaya nga ako lumayo sayo eh. Dahil gusto niya siya lang."
Para na naman akong zombie na naglalakad pabalik sa room dahil sa sinabi ni Coco. Ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ba ang nag sabi noon, sino nga ba? Anong ginawa niya at napalayo niya si coco sa akin?
Tangina, sasabog na yata ang utak ko.
"Chels!"
Napatalon na lang ako sa gulat habang hawak ang dibdib ko ng may kumalabit sa akin. Agad ko siyang hinampas sa gulat
"Bakit ka naman nang gugulat, Dylan!?" Inis na sabi ko sa kaniya
May inabot siya sa aking isang piraso ng rosas, "May nagpapabigay, pumasok kana."
Kinuha ko ang rosas na iyon at nung aamuyin ko na sana ay may note na nakalagay doon.
Hey.
Umirap na lang ako saka pumasok sa room. Agad akong napairap ng una kong nakita ang pagmumukang demonyo niya. Tinignan niya ang hawak ko o namamalikmata lang ako dahil ngumisi siya. Whatever! Saktong pag kaupo ko ay binato na naman ako ng napakadaming tanong ng dalawang ito
"Kanino galing yan?"
"Hey?"
"Kuripot naman ng nagbigay niyan"
"Sino kaya nag bigay?"
"Sino nag abot?"
"Ugh, shut up. Si Dylan nag abot niyan, pinapabigay daw" iritang sabi ko
Napa 'oh' na lang sila pareho sa sinabi ko dahil dumating na din ang prof namin. Kanino kaya galing yung rosas? Na good mood tuloy ako at sumagot sa mga tanong ni Prof kanina.
"Punta lang akong restroom." Paalam ko sa kanila dahil mamaya pa ang sunod na prof
Iniwan ko ang rosas doon sa bag ko, hindi kaya mabulok doon? Lol.
Pagkapasok ko sa restroom ay nag ayos ako ng sarili ko. Pag labas ko sa cubicle ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko
"What are you doing here?" Tanong ni Erika
"Bakit? May nakalagay ba sa pinto na 'Erika's property?" Tinaasan ko siya ng kilay
"Wala, but I want you out--"
"Shut up. Masyadong bulok" sabi ko at binangga siya sa balikat niya bago umalis
Tuwing naaalala ko na siya yung hampas lupang leader na 'yon ay naiirita ako. Like hello!? Akala mo ang ganda ganda, muka namang stick. Papasok na sana ako ng room ng biglang humarang si Raphael sa pintuan
"What?" Masungit kong tanong
Bigla siyang lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko. What the hell? Ngumisi lang siya sa akin at pinadaan ako. Inirapan ko na lang siya at ginulo ang buhok ko, baka may inilagay ang kurimaw na iyon
"May nakalagay ba sa buhok ko?" Tanong ko kay Grace na nakatingin sa akin
"Wala"
Tumango lang ako at iniisip kung para saan ba ang letseng pag hawak niya sa buhok ko.
Hindi ko na din inintindi dahil dumating na din ang prof namin na agad kaming tinambakan ng mga gawain na ipinagpapasalamat ko dahil magiging busy ako.
"Class dismiss."
Nag goodbye lang kami sa kaniya at hinihintay namin ang susunod na prof
"Tumawag si daddy" panimula ni Leira
Hawak hawak ko ang rosas na sabi ni Dylan ay ipinabibigay daw sa akin. Napakaganda ko talaga, naks.
"Tapos?" Tanong ni Grace
"Malapit ko na daw makilala"
"Be happy, malay mo gwapo" pang aasar ko sa kaniya
"The hell, baka naman pangit ang ugali!" Reklamo niya sa amin
Parehas kaming nagkibit balikat ni Grace.
"Grace, wala ka man lang bang love life?" Tanong ni Leira
"Akala mo meron siya" umirap si Grace
"Si Chel--"
"Wala ako, duh?" Totoo naman eh, wala akong lovelife. Sa ganda kong 'to?
"Break na kayo!?" Sabay na sigaw sa akin ng dalawa
"Wala namang kami ah?" Pero umaasa akong meron kahit kaunti, chos!
Napasuntok sa hangin si Grace at umiling iling, rinig ko pa ang mahinang pagmumura niya
Habang si Leira naman ay akmang babatukan ang katapat ko ng pigilan siya ni Grace. Bakit pinigilan!? Tinignan ko si Grace, nagkatitigan sila ni Leira na para bang nag uusap sa isip.
Mga abnormal.
Napailing na lang ako ng parehas itong tumango sa isa't isa. Pagkadating ng prof namin ay nagsimula na ulit sa klase. Hindi na ako nag intindi dahil gusto ko na talagang umuwi.
One..
Two...
Thee....
Four....
Five!
"Class dismiss."
Agad nagsigawan ang mga kurimaw kong kaklase kaya tumayo na din ako. Nilampasan ko lang ng tingin si Damon ng bahagyang lumingon siya doon kaya mabilis akong tumingin kina Grace.
"Una na ako ha, ingat girls." Paalam ko dito at nakipag beso beso sa kanila.
"Ingat!"
"Goodluck!"
Kumunot naman ang noo ko pero hinila na nila ako palabas, kasama ko ngayon ang kuya ko na nakapamulsa.
"How's school?" Tanong nito pagkapasok ko sa kotse
Namiss ko tuloy sasakyan ni Damon. Erase, hmp!
"The school is fine" nakabusangot kong sagot
Biglang tumawa si kuya at ginulo ang buhok ko. Agad akong tinampal ang kamay niya pero umiling lang ito sa akin saka pina andar ang makina.
"Break na daw kayo ni Damon?"
Biglang nagkaroon ng katahimikan habang nag d-drive ang kuya ko. Ilang minuto ang lumipas saka ko naisipang sumagot
"Duh? Big deal ba yan?" Tumawa tawa pa ako
"Gusto mo ba siya?" Bigla akong naalarma
"What!? No ye- no! Bakit ko naman siya magugustuhan?" Mabilis kong sagot
Isang matagal na halakhak ni kuya ang bumalot sa katahimikan ng sasakyan.
"Bakit may naputol yata?"
"Wala ah" pag tanggi ko, muntik na ako mabitin. Duh?
Tahimik lang kaming nagbyahe hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Nak, may nanliligaw sa daddy mo!" Kumunot naman ang noo ko nung niyakap ako ni mommy na maluha-luha
"Tigilan mo nga ako, Mikaela. Sayo ang pangalan eh" reklamo ni Daddy saka hinila si Mommy sa akin
"Mukang nililigawan na kayo parehas Dad." Lumapit si kuya at bumulong "Right?"
Biglang ngumiti si Daddy. Creepy. Hindi ko alam ang ipinupunto ni kuya kaya nagpaalam na ako sa kanila. Tumaas muna ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod akong
Umupo. Chos!
Agad kong hinubad ang uniform ko at nagpalit. Ilalagay ko na sana 'to sa labahan ko ng may mapansin akong stick note. Si Raphael! Naloko niya ako, pakiramdam ko nasa buhok pero wala pala. Agad ko itong kinuha at binasa
Chelsea...
What the fuck? Creepy!
Idinikit ko yung note na nasa rosas at yung nasa uniform ko sa study table ko. Sino naman ang nagbibigay noon? Hindi naman sa umaasa ako ha, pero sana kay demonyo yon.
Insert sad face :<
Chos!
Binuksan ko ang insta ko, muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko sa post ni Damon! Ito yung nag oh-so-called-date naming dalawa!
"Damon!" Sigaw ko sa camera at namatay iyon
Itsmedamon: I miss you.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa caption niya kaya agad kong pinatay ang cellphone ko. Shit, sasabog na naman ang puso ko. Patulong, tuluyan ng nalunod! Hindi pa naman ako marunong lumangoy, chos!
Nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito
From: Gracesilog
Chels! I know you wont believe this, check your notifs!
So I immediately open my facebook account. My mouth formed an 'o'.
Damon Foncio Posted.
Waiting for their approval. 16 minutes ago. 301 reacts
Raphael Pancho: What's the real score!?
Lexi Reyes; holy cow, the score!? Where na!?
Erika Sanchez: We are all waiting!
Dylan Montemayor: Bagal!
Marco Gaizer: Witwiw
Chelsea Silvestre: Mga abnormal!
What the hell!? Ano na naman itong score na 'to!? Si Erika kasama, duh? Inis kong pinatay ang cellphone ko at nag gayat na naman ng pipino. I'm so stressed na!