✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

De NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... Mai multe

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 44

1.1K 102 0
De NoxVociferans

"Daddy, babalik ka pa po sa ospital?"

Dr. Dela Vega forced a reassuring smile for his thirteen-year-old daughter. Nakasuot pa ito ng kanyang paboritong unicorn-printed pajamas at nakasilip mula sa pinto ng kanyang kwarto. 'She looks just like her mother,' nilapitan ni Dr. Dela Vega ang anak at hinalikan sa noo.

"May kailangan lang akong tanungin kay Dr. Aguirre, 'nak. Pupuntahan ko lang sa bahay niya.. I'll be back as soon as possible. Matulog ka na. I-lock ang pinto ha?"

"Opo."

"At wag magpapapasok ng kahit sino. Kung may mangyari, tawagan mo ako agad. Okay?"

Marahang tumango ang bata, kahit na naguguluhan pa rin ito sa labis na pag-aalala ng kanyang daddy.

'Hanggang ngayon ay napaparanoid pa rin ako sa arsonist na 'yon.' Napabuntong-hininga na lang si Dr. Dela Vega at naupo na sa driver's seat ng kanyang kulay pulang BMW. He absent-mindedly started the engine and recalled what Inspetor Ortega told him yesterday. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na posibleng siya ang susunod na biktima ng Robinhood Arsonist.

"Pero hindi niya ako pinatay kahapon.. ibig sabihin ba nito, ligtas na ako?"

No.

Maybe the Eastwood Police just failed to predict the arsonsit's next move. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang binabagtas na niya ang kalsadang maghahatid sa kanya sa Aguirre estate. Kahit na anong pilit niyang magmukhang kalmado, alam ni Dr. Dela Vega na naroon pa rin ang takot.

Ang takot na anumang oras, maaari siyang mamatay.

At base sa mga nababasa niyang balita sa internet, malamang ay susunugin rin ng arsonist ang kanyang bangkay, katulad ng ginawa nito sa nakaraan niyang mga biktima. The thought of being devoured by the flames made beads of sweat form on his forehead. Nanginginig na pala ang kanyang mga kamay nang hindi niya namamalayan.

He glanced down at his cellphone.

"Malamang busy na naman 'yon kaya hindi niya masagot ang telepono niya..."

Kanina niya pa sinusubukang kontakin si Dr. Aguirre dahil may kailangan itong ikonsulta sa medical files ng isa sa kanyang mga pasyente, but he never replied to his messages or returned his calls. Dahil dito, kailangan niya pang lumabas ng bahay at pumunta sa tahanan nito.

Dr. Dela Vega ignored the fact that he's putting himself in a greater risk tonight.

Mabuti na lang at nasa kanya pa ang calling card ng detective.

Sa di-kalayuan, naaamoy na ni Dr. Dela Vega ang usok at gasolina. Soon, he saw wisps of smoke coming out of the house. "A-Anong nangyayari dito?!" Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niyang may nasusunog sa loob ng bahay ni Dr. Aguirre.

Tumakbo papunta roon si Dr. Dela Vega at kinakabahang silip ang impyerno mula sa bintana. He covered his mouth to avoid inhaling the smoke. Ngunit huli na nang mapansin niyang may halong kakaibang amoy sa usok.

It smelled of toasted flesh.

When the heart surgeon peeked into the window, he almost had a heart attack. Nanghihina siyang lumayo roon, hindi makapaniwala sa nakabigting bangkay na unti-unti nang inuubos ng apoy. Dr. Dela Vega had seen enough dead bodies to know that he was too late.

'Mukhang hindi pala ako ang target ng Robinhood Arsonist.'

He fumbled for Detective Nico Yukishito's calling card inside his pocket.

---

Continuă lectura

O să-ți placă și

44K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
3.6K 725 53
"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tu...
18.1K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...