Capturing Smiles

By mapiskies

7.7K 116 1

Amora Buenaventura, a young and vibrant girl with an insatiable passion for capturing moments through her pho... More

00
01
02

03

503 22 1
By mapiskies

"Sabi niya sa'kin hindi raw ako mukhang matalino," I told Venice, naglalakad na kami ngayon palabas ng campus.

"Hindi ba totoo?" She laughed, I glared at her. Kung paguntugin ko kaya 'tong si Venice at ang lalaking 'yon?

"Tignan mo 'tong palad ko, ang kati," Pinakita ko ang palad ko sa kaniya, kinuha niya naman ito agad.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong nito.

"Nangangating sampalin ka. Manahimik ka nga!" I shouted. Napakamot naman siya ng ulo at nag sorry sa'kin.

"Pinapatawa ka lang, ba't ka napikon?" Natatawang tanong nito.

"Totoo kasi, be." I said, we looked at each other tsaka kami tuluyang nagtawanan nang malakas.

Nang makalabas kami sa campus ay tumawid kami dahil may nakita kaming turo turo. Nakita kong may niluluto nang Betamax 'yong nagtitinda, anim 'yon. Si Venice naman ay nagpaalam saglit at bumili ng palamig namin sa kabilang stall.

"Ate, may nagmamayari na po niyan?" Lumapit ako sa tindera. Favorite ko 'to kaya sana'y wala pang umorder.

"Wala pa, neng. Ilan ang iyo?" Tanong nito sa'kin.

I flashed a smile before answering. "Laha—"

"Lahat nga po niyan," Napatingala ako sa nakipagsabayan sa'kin.

"Hanggang dito ba naman, eepal ka?" Taas noo ko siyang hinarap, tumingin ito sa'kin nang blanko. Biglang nag init ang ulo ko at ramdam kong kumukulo na naman ang dugo ko. Hindi ako papayag na pati 'tong Betamax ko ay kunin niya!

"Ate, lahat po nito," Nilingon niya uli ang nagtitinda at tumango naman ang babae.

"Wala na po ba, ate?" Paniniguradong tanong ko.

"Wala na, neng. Huli na 'to, hati na lang kayo ni Alexandrei," Ngumiti ito sa'kin at tinuloy ang pagluluto niya. Ba't kaya alam n'ong nagtitinda ang pangalan n'on? Close kaya sila? Ano bang pakealam ko?

"Alam mo 'di naman tayo close pero ang lakas mong umepal, mahiya ka naman," Pakaw ko ng atensyon nito, I was behind him dahil naglalakad ito patungo sa upuan.

"Hindi ko kasalanang babagal bagal ka," He brushed his hair through his fingers dahil biglang lumakas ang hangin, tinignan naman ako nito mata sa mata.

"Mabagal sa hindi, nakita mong ako 'yong tinatanong ni Ate pero ikaw 'yong sumagot!" Sigaw ko sa kaniya.

"Then better luck next time. Akin na muna 'yon sa ngayon, Amor," Tumayo ito at kinuha ang pagkain niya tsaka tuluyang umalis.

"Correction, Amora ang pangalan ko!" Habol kong sigaw sa kaniya at umupo sa kinauupuan niya kanina. Nakakainis, buong araw na lang ako naiinis at siya ang tanging dahilan ng lahat nang 'yon.

"Ang daming tao, nahirapan akong makabili. Ito oh," Sabi ni Venice na kararating lang at hingal na hingal. Inabot nito ang inumin ko at umupo sa tabi ko.

"Nakabusangot ka na naman diyan, saan na ang pagkain natin?" Mas lumapit ito sa'kin na parang binabasa sa mukha ko kung anong nangyari.

"Wala, inubusan ako ng Betamax. Wala na rin akong gana kumain, ikaw nalang," I answered without looking at her.

"Ba't wala ka pang binili? Akala ko ba'y gutom ka? Wait ka diyan, bili lang ako," Tumayo ito agad at tumungo sa nagtitinda. Nakita kong umorder siya ng tatlong Isaw at Adidas.

"Ilabas mo 'yan. Go, ano ang chismis ng beshy ko?" Abot niya sa'kin ng pagkain ko, akin 'yong mga Isaa at kaniya 'yong Adidas dahil paborito niya yon dahil may thrill daw kainin.

"Inubusan ako ng Betamax ni Alexandrei," Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.

"Nagkita na naman kayo?" I nodded to her question.

"Omg! Kahit saan ka pumunta, nandoon siya. Hindi kaya... stalker mo siya?" She excitingly said, napatakip pa ito ng bibig. Hinampas ko nang bahagya ang braso niya. Malamang, kasi nasa iisang school lang kami.

"Nakikita mo ba 'tong stick na 'to? Maya maya nasa mata mo na 'to!" I said, pissed.

"Joke lang, Amora. Pero kasi, 'di ba? Mula kaninang umaga, unexpected kayong nagkikita," Inakbayan ako nito.

"Tama ka na, uwi na tayo. Najijingle na ko, tara." I stood up and grabbed her hand. Sakto at may nakaabang nang jeep kaya naglakad na kami patungo roon.

"Sabi mo mawawala lang inis mo sa kaniya 'pag nakapasa ka sa Physics. Girl, highest ka!" She shouted, bahagya niyang tinulak ang braso ko. Tinignan ko siya at inirapan.

"Naniwala ka naman, joke lang 'yon!" I shouted back, naiinis na naman. Bakit ba todo push 'tong si Venice sa lalaking 'yon?

"Sayang naman," She pouted, hinayaan ko na lang ito at sumakay na sa jeep.

We parted ways dahil magkaiba ang direction namin. I noticed three big trucks in front of our house, may mga nagbababa ng gamit doon at ipinupunta sa tapat na bahay namin. The house in front ours is huge, matagal na 'tong ibinibenta pero mukhang hindi kinakaya ang presyo.

"Mano po," Nagmano ako kay Mama. Naabutan ko siyang nagluluto ng meryenda, I went closer to see what she's cooking, it was Turon.

"Sarap naman niyan, Ma! Favorite ko pa talaga, sabi na ako paborito mong anak," I teased her, she was laughing at me.

"Niluto ko 'to dahil nagcrave ako," She teased back, napasimangot naman ako. "Biro lang, 'nak. Alam kong paborito mo 'to kaya niluto ko... pero nagcrave talaga ako," She held my hand with a smile on her face. Bigla naman akong napangiti at hinalikan siya sa pisngi bago tumungo sa kwarto ko para ibaba ang gamit ko at mag shower para mapreskohan ako.

Afterwards, I went down to eat meryenda. Naabutan ko roon si Armor na kararating lang mula sa school pero nilalantakan na agad ang niluto ni Mama. I took out my phone at zinoom sa mukha niya, I took a quick picture of him before he sees me.

"Niluto ni Mama 'yan para sa'kin, magtira ka naman!" Umupo ako sa tabi niya, he looked at me for a second bago kumuha ng isa pa. I laughed at him at sinamahan na lang siyang kumain.

"Kayo pala 'yan Charmae!" Sabi ni Mama, she was at the front door talking to someone. Tinuloy lang namin ni Armor ang pag kain namin nang kinalabit kami ni Mama at sinenyasang magmano raw.

"Mano po," Ani namin ni Armor sa babae.

"Ang lalaki na nila. Nako, ito na ba si Kikay? 'Yong batang bungisngis noon na kalakalaro ni Choco?" Turo sa'kin n'ong babae, she called me my childhood name, Kikay. Hindi ko siya mamukhaan, parang ngayon ko lang siya nakita. I can't even remember who's that Choco she's referring to. She was looking at me with a huge smile on her face kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Oo! Ito na si Amora, hindi na Kikay dahil dalaga na. Katatapos lang nitong mag debut noong April!" Tuwang sabi ni Mama at inakbayan ako. "Ito naman 'yong bunso kong si Armor, 'yong pinagbubuntis ko noon!" Inakbayan niya rin si Armor. The lady was still smiling but looks like she's about to cry.

"Saan na pala si Choco? Napakacute na bata n'on, panigurado'y pogi na 'yon ngayon," Mama asked the lady.

"Kasama niya 'yong kaibigan niya ngayon, Amy. Puro lakwatsa ang anak kong 'yon, pero andiyan naman sa bahay si Lexi, 'yong nakababatang kapatid niya." Answers the lady. Nagkwentuhan lang ang dalawa samantalang kami naman ni Armor ay kumain lang.

I was scrolling through my phone when Venice messaged me.

Longganisa seller:
tara sunset

Me:
ok

Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin ni Armor bago ako tumungo sa taas para magayos ng buhok. Nagpaalam ako kay Mama at sa kaibigan niya bago tumungo sa labas at pumunta sa playground kung saan kami nanonood ng sunset ni Venice. It's just near us kaya hindi naman nakakapagod lakarin, at pagdating ko rito ay agad akong tumungo sa swing. Saglit akong naghintay nang makita si Venice, she was in her pajamas.

"May bago kayong kapitbahay?" Bungad ni Venice sa'kin na umupo naman sa kabilang swing. I nodded.

"Tagal din walang nakatira doon, ha. Baka naman may multo na," Kinalabit niya ako at natawa naman ako sa sinabi niya.

"Edi sana binili mo para 'di minulto," Sagot ko naman na natatawa pa rin.

"So... meron nga?" She asked with fear on her eyes. Hinampas ko ito at kinunutan ng noo.

"Baliw! Uto uto ka talaga," I said. "Ba't ka pala napaaya manood ng sunset ngayon? Tagal din natin 'tong 'di ginawa," I curiously asked. Ilang buwan na nang huling gawin namin ito.

"I just wanna tell you something," She looked at me, she was serious this time.

"Ano naman? Seryoso natin ah," Sabi ko dahil masyadong naging seryoso agad ang atmosphere namin.

"Diba nabanggit kong may manliligaw si Ate? 'Yung nagpadala pa sa kaniya ng flowers nung Valentines," She began opening up. I payed attention on what she's talking about, I just nodded to her question.

"Ilang buwan na pero hindi niya pa pinapakilala, hindi niya nga maopen sa'kin 'yon. Pero ngayon may idea na ako," She smiled, pero malungkot ito. Nagsimula na akong magalala sa mga oras na 'yon 'cause I don't usually see her like this.

"Sino naman 'yon?" I asked.

"Liam." She answered and immediately looked at the sky kaya nahalata kong nagtutubig na ang mata niya. She has a small smile in her face, but I know she's hurt.

"Bukod sayo, si Ate ang isa sa unang nakaalam na may gusto ako kay Liam. Bata pa lang tayo n'on pero kahit na matagal na 'yon ay malamang tanda niya pa rin, 'di ba?" She wiped the tear the fell down her cheek. "Sakit lang, Amora. Alam niya 'yun, e. Alam niyang hanggang ngayon ay gusto ko si Liam. Kaya siguro hindi niya masabi sabi sa'min kung sino kasi alam niyang masasaktan ako," Yumuko siya at doon na nagunahan ang luha niya.

I stood up and went to her, umupo ako sa harapan niya na nakafrog style at hinawakan ang kamay niya. Tumingin ito sa'kin at yumakap nang mahigpit. I let her cry and cry hanggang sa mapagod ito, I assured her that I'm just by her side kaya ilabas niya lang 'to.

Hindi ko alam kung paano ko iccheer up si Venice dahil hindi naman ako marunong magadvice, kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang iparamdam na hinding hindi ko siya iiwan at hinding hindi ko huhusgahan ang kahit anong nararamdam niya.

Continue Reading

You'll Also Like

52.2K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
265K 934 10
Her boyfriend messed with the wrong guys. Now she has to 'pay' them back with her body.
48K 1.4K 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
66.1K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...