Love and Lost (On Going - Und...

Da laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... Altro

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XIII; Debut

42 37 3
Da laymedown_07

-KIANDRA-

"Hindi kita kailangan! Ayaw na kitang makita pa! Galit ako sa iyo! Layuan mo na ako!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpigil kong umiyak.

"Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo naman. Babaguhin ko. Ikaw na lang ang kaibigan ko eh...

Napayuko ako nang maramdaman kong patulo na ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumagsak galing sa mga mata ko.

"Ngayon mo pa ako iiwan kung kailan nagugustuhan na kita."

Hindi ko na kaya. Para na akong nakukulangan ng hangin.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan na isang katulad mo! I hate you!" Sabay tumakbo siya palayo.

Nakatingin lang ako sa likod niyang palayo ng palayo.

I hate you...
I hate you...
I hate you...

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko.

Napaluhod na lang ako. Kasabay ng patuloy na pag-agos ng luha ko, ang pag buhos ng ulan. Mukhang pati panahon dinadamayan ako ha?

Napatawa ako, tapos iyak na naman. Para na akong baliw dito. Ang sakit kasi eh.

Bakit? Anong nangyari? Gano'n-gan'on na lang ba 'yon? Ganoon na lang ba kadaling itapon ang pagkakaibigan naming dalawa? Ang lahat?

Oo. Alam ko mga bata pa kami, pero mahal ko na ata siya eh. Atsaka pa nangyari ito kung kailan ganito na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Ito yata ang tinatawag nilang puppy love. Sabi nila, ito ang pinakamababaw na stage ng pagmamahal. Pero bakit tila yata ganito kalalim at kabigat ang sakit na nararamdaman ko?

Nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang dami ng luha na patuloy pa ring umaagos mula sa mga mata ko.

Nanghihina ako.

Nakakapagod.

Nakakapagod ang pag-ibig. Kahit ano pang uri 'yan.

Nakakalason.

Tumingala ako at pumikit.

Dinama ko ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa mukha ko. Ilang minuto ring gano'n ang posisyon ko. Hanggang sa hindi ko na maramdaman sa mukha ko ang mga patak ng ulan.

Naririnig ko pa naman yung mga patak, pero bakit wala na akong basa na maramdaman sa mukha ko?

Napadilat ako. Kasabay ng pag dilat ko ay ang pag hila niya sa braso ko.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang hila-hila niya ako.

Hindi ko makilala kung sino ito dahil sa liwanag, pero hindi siya si Drik.

Sobrang liwanag...

Napadilat ako sa liwanag. Nakaharap nga pala ako sa may bintana.

Panaginip.

Nakaramdam ako ng malamig na likido sa pisngi ko.

Mga luha.

Umiiyak na naman pala ako. Bakit ba ang lakas pa rin ng impact sa akin ng ala-ala kong iyon sa kaniya?

Napangiti ako ng mapait kasabay ng tuluyan kong pag-upo.

🎶 You have a message 🎶

Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino yung nagtext.

From: Alexa ♡
-Rise and shine bestfriend! Mag ready ka na para mamaya ha? I will fetch you up. Hope na makapunta ka mamaya sa party ko! :*

-end-

Party? Pagkatapos niya akong ganunin kahapon, iimbitahan niya ako ngayon sa party niya? Psh.

Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto nang bumukas ito at iniluwa ang Ralph na may dala-dalang tray. "Good morning. Okay ka na"? Tanong niya.

Inilapag nito ang tray sa may hita ko. "Umm. Thank you".

"Lars and Alexa already left earlier".

"Ah".

Kinuha ko ang kutsarang nakalagay sa gilid ng mangkok at humigop sa soup na laman niyon.

"Ah. Nga pala. Nag text si Alexa ngayon lang". Inilapag ko ulit ang kutsara sa gilid at tumingin kay Ralph. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakadekwatro.

"Anong sabi"?

"May party daw siya. At... Inaasahan niya akong pumunta roon".

"Pupunta ka"?

"I don't know. Hindi ko rin naman alam kung anong ganap ngayon".

"Seriously? Hindi mo alam"?

Napaface palm ako. "Sasabihin ko bang hindi ko alam kung alam ko"?

"Tsk. Malay ko ba kung ini-echos mo lang ako. Duh. Anyways... Alexa's Debut is today".

Literal na nanlaki ang mga mata ko. "D-Debut"?

"Umm. Nag bago na ba agad ang isip mo"? Ngumisi ito.

"Samahan mo ako pumunta roon".

"Okay".

Uminom na muna kami ni Ralph ng tsaa bago mag-asikaso. Masakit pa rin daw kasi ang ulo niya at tila magkakasakit dahil sa dami ng alak na nainom namin kahapon.

Pinahiram na lang ako ng shirt ni Ralph. Malaki lang naman ng konti sa akin ang mga damit niya, kaya okay lang.

Dumeretso kami sa mall para bumili ng dress na pwede kong suotin sa debut ni Alexa.

"Huy. Wala akong dalang pera".

"It's okay. My treat".

"Your treat? Wow. Para namang ang mura ng treat mo".

"Choosy ka pa. Bilisan mo na at mamili".

"Tsk. Oo na".

Kung ano-ano na lang kinuha kong mga dresses. One time lang naman gagamitin ito.

Pumunta ako sa fitting room. Una kong sinukat, ay isang black dress na may mga shimmering, sparkling glitters sa kabuuan nito.

Nakakaloka. Kitang-kita naman ang hubog ko rito.

Lumabas ako ng fitting room at ipinakita kay Ralph. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa pagkakita niya sa akin. "Hatol well". Sambit ko.

"Nah".

Bumalik ako sa fitting room, at isang red dress naman ang sinukat ko. Tago ang mga paa ko rito, pero off shoulder naman siya, at kita ang cleavage ko. "Bakit ganito ang mga dress nila rito"? Sambit ko habang medyo itinataas pa ang tube nito.

Muli akong lumabas at ipinakita ito kay Ralph.

"Nah. Kita masyado ang cleavage. Aagawan mo pa ako ng lalaki".

Napairap ako. "Tsk. Wala akong balak lumandi. Duh".

Muli akong pumasok sa fitting room at nag sukat ulit.

Isang dress ulit na tago ang mga paa ko. May sleeve ito sa kaliwang balikat ko, habang ang kabila naman, ay naka-expose. Kulay peach at itim ang kulay nito.

[A/N; Nasa taas po ang picture]

Lumabas ako at ipinakita muli sa Ralph. Natahimik pa muna ito ng ilang minuto pagkakita sa akin. "Huy. Ano na? Alam ko maganda ako. No need to act like that". Biro ko.

Napakurap-kurap siya. "Tsk. Kapal mo. Okay na 'yan. Bongga na".

"Okay".

Babalik na sana ako sa fitting room nang unahan ako nito, at inilagay ang pinagbihisan ko sa isang paper bag. Isinaoli rin nito ang mga dress na natira. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat kilos niya.

"Huy. Ano? Mag bibihis pa ako".

"Huwag na. Iyan na ang susuotin mo".

"Hindi na tayo babalik sa bahay mo"?

"Duh. Kaya nga nag-ayos na rin ako eh".

Inirapan ako ng Ralph at pumunta sa cashier. Napanguso na lang ako.Tsk. Sabi ko nga. Ang sungit ng baklang ito.

Pagkatapos ng lahat, pumunta na kami sa venue kung saan ang debut party ni Alexa.

Medyo traffic pa kaya natagalan pa bago kami nakarating.

Agad kaming pumasok sa loob pagkarating namin at pagkapark ng kotse.

Nanatili akong nakatayo sa may entrance. Nilingid ko ang paningin pagkapasok sa loob. Gano'n rin ang ginawa ni Ralph.

"Bongga talaga kapag nagpa-party ang mga Reyes". Komento ng Ralph.

"Umm". Pagsang-ayon ko.

"Ah. Kia". Kalbit sa akin ng Ralph pagkaraan ng dalawang minutong pag hanga namin sa paligid.

Napatingin ako sa kaniya. "Ano"?

Imbis na sumagot, nakatitig pa rin siya sa kung saan, kaya sinundan ko na lang ang tinitignan niya, na pinagsisihan ko agad.

Nagsasayaw sila Lars at Alexa habang masayang nag-uusap at nakatingin sa isa't-isa. Nakapulupot ang mga braso ni Alexa sa batok ng Lars, habang ang talipandas na lalaki naman, nasa bewang ng Alexa ang mga kamay.

Napakuyom ko ang mga kamao ko.

"Sigurado ka bang gusto mo pang tumuloy"?

-ALEXA-

Its good to be back! I missed this place! At yung mga taong importante sa akin... I smiled... I missed them. I missed everthing.

Mabuti na lang talaga at napilit ko si Dad na rito na lang rin ako mag-aral.

Isa ring dahilan kung bakit ako bumalik, ay sa kadahilanan ng pag tawag sa akin ni Aaron.

Sabi niya, nagkakamabutihan na raw ang dalawa, pero itong si Kia, biglang sinumpong at pinalalayo ulit si Lars sa kaniya.

Hindi alam ni Kia na si Lars ay si Drik. Ang lalaking nang-iwan sa kaniya ng biglaan nung mga bata pa kami. At sa palagay ko, hindi rin alam ni Lars na si Kia ay si Kiandra na kababata namin.

May pagkaslow rin kasi ang lalaking ito.

Nakaisip ako ng paraan para mapa-amin ko sila sa mga nararamdaman nila para sa isa't-isa. Kaya umuwi ako rito.

Oh diva ang effort.

Narinig ko namang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag text.

Napangiti ako nang makitang siya ito.

From: Aaron ♡
-Happy Birthday Lexi! Hope you will enjoy this whole day. Wish you all the best. See you at the party!

-end-

Para akong baliw na nakatitig habang nakangiti sa text niya.

Bakit ganoon na lang ang saya ko kapag nakakasama ko siya? Kapag siya yung nagt-text sa akin?

Baliw ka na Alexa... Crazy inlove... Corny!

Nagtampo ito sa akin kagabi dahil nga sa akto kong tila si Lars lang ang dahilan ng pag balik ko.

Sa kwarto rin kasi ako ni Lars natulog. Nung time na nakita ako ni Kia na nasa ibabaw ni Lars, sinadya ko talaga iyon.

Nagising rin kasi ako no'n, at balak sanang uminom ng tubig sa sala nung makita kong papaakyat ng hagdan si Kia.

Muntik pa akong masubsob kakamadali no'n para lang pag mukhain sa kaniyang may nangyari sa amin ni Lars. Hindi rin alam ni Lars na ginawa ko iyon, kundi, yare ako.

Matanda sa akin ng apat na taon si Aaron.

Si Kia naman, matanda sa akin ng dalawang taon.

Si Ralph naman, mas matanda sa akin ng apat na taon. At ang Kuya mo Lars na torpe, ay tatlong taon naman ang tanda sa akin.

Si Jake naman, mas matanda sa akin ng tatlong taon.

Actually, na meet ko lang siya nung nasa states ako. Naging mag business partners kasi ang mga parents namin. Nalaman ko rin na, kababata rin pala siya nila Kia, kaso nahiwalay si Jake sa kanila bago ako dumating sa circle of friends nila. Ako ang mas bata sa kanila. Kaya nga grabe ang protective nilang lima sa akin.

Pagreply ko kay Aaron, ang pangalan naman ni Kia ang hinanap ko para mag tipa ng message sa kaniya.

Alam ko masama ang loob niya sa akin, pero kailangan ko siyang papuntahin rito para magka-usap na sila ni Lars. Namiss ko na rin makabonding ang babaitang iyon.

Hindi ko siya masyadong nakausap kagabi, dahil hindi ako pinapansin nito at dahil na rin busy akong landiin kuno si Lars para mag selos siya.

Mukha yatang effective, dahil imbyerna sa akin ang Gaga.

To: Bestfriend ♡
-Rise and shine bestfriend! Mag ready ka na para mamaya ha? I will fetch you up. Hope na makapunta ka mamaya sa party ko! :*

-end-

Hindi ko na hinintay na makapagreply siya dahil mukhang tulog pa rin ito. Marami-rami rin kasi ang nainom nila kahapon. Last batch naman na kasi nang dumating ako, kaya hindi gano'n karami ang nainom ko.

Nag ready na ako ng sarili ko, para mamaya lalagyan na lang ako ng make up, aayusan ng buhok, at bibihisan.

Pagkatapos kong mag ready, pumunta na ako sa parking lot. Agad akong sumakay sa kotse ko nang mapuntahan ko ito.


Hindi rin naman nag tagal nang marating kong muli ang bahay ni Ralph.

Pinark ko ang kotse ko at bumaba. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng building.

Infair sa bahay niya ha. Simple lang ang labas, pero mala-condominuim ang loob.

Naglakad ako patungo sa may front door. "Ralph? Kia"? Tawag ko, pero walang sumasagot. Nag doorbell na rin ako ng mangilang ulit, pero wala pa rin nag b-bukas."Tulog pa"?

Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito, pero nakakandado ito. "Umalis"?

Umalis ako roon at tumawid papuntang bar. Pumasok ako sa bandang likuran nito. Dumeretso ako sa bar counter.

"Ahm. Excuse me".

Napatingin naman ang barista sa akin. "Yes Ma'am"?

"Ahm. Nasaan si Ralph"?

"Si Sir Ralph po? Umalis na po sila ni Ma'am Kia. Ilang minutes na po".

"Ah gano'n ba. Okay, thank you". Nginitian lang ako nito bago itinuloy ang trabaho.

Napatingin ako sa paligid. Saan nag punta ang mga iyon?

Muli na lang akong bumalik sa kung nasaan ang kotse ko at sumakay roon.

Uuwi na muna ako dahil baka naroon na silang dalawa. Nagkasalisihan lang yata.

...[At the Party]...

Habang paakyat ako ng stage, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kinakabahan ako.

When i stepped on stage, in the middle of it, I saw a large red chair. The one with the big reclining chair.

A staff member, who was one of the organizers of my party, helped me to sit there.

While sitting, I couldn't help but get emotional. Of course. I'm trying to stop myself from crying. I don't want my guests to cry either. But I really can't help it!

"To all the close friends or family of the celebrant, you can now leave a message for her". Nakangiting sabi ng emcee habang pumapalakpak.

Si Mom ang unang umakyat sa stage para bigyan ako ng message.

Pa-akyat pa lang, napansin ko nang paiyak na siya.

Si Mom talaga...

"Hello anak! I'm so glad that you grew up beautiful just like your Mom". Sandali itong napahagikgik. Lahat sila sabay-sabay nagsitawanan. Ang swerte ko na siya ang naging nanay ko.

Cool Mom.

"Sana mag stay ka sa pagiging mabuti mong anak at mabuting tao. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nasa tyan pa kita, ngayon ang laki mo na. Debut mo na. How I wish that I can freeze the time... Basta. Sa lahat ng gawin o gagawin mong desisyon, always remember na narito lang lagi si Mommy for you".

At tuluyan na nga siyang napaiyak. Kaya pati ako hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko... Yung luha ko sa saya.

Lumapit ito sa akin para ibigay ang gift niya at niyakap ako. "Happy Birthday anak". Pagkatapos no'n, bumaba na rin siya ng stage.

Si Dad naman ang sumunod na umakyat...

"Alam mo namang ayoko ng drama anak kaya hindi ko na papahabain pa ito". Inayos na muna niya ang neck tie atsaka nagpatuloy. "I-enjoy mo lang ang buhay at huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. May tamang panahon ang mga ito. Nandito lang kami ng Mom mo. Ayoko nang sabihin dahil i believe, that actions speak louder than words".

Natawa naman ako habang pinupunasan ang luhang nasa gilid ng mata ko.

Magkakalat ang eye liner ko!

Kahit kailan talaga, ang lalim ni Dad. Minsan nga hindi ko na siya ma-reach sa sobrang deep niya.

Kagaya ng ginawa ni Mom, ibinigay niya rin ang gift niya sa akin atsaka ako niyakap.

Ang mga sumunod naman na nagbigay sa akin ng mga message, ay ang mga ibang member ng family ko. Like Aunties and Uncles.

Then mga classmates ko nung elementary ako rito sa Pilipinas.

Kagaya ni Mom and Dad, pagkatapos nilang mag leave ng message sa akin, inabot nila ang mga gift nila at niyakap ako.

Nakakatuwa nga na kahit ilang years na ang lumipas ay naaalala pa rin nila ako. Mahalaga pa rin ako sa kanila.

Nakakatouch lang.

Sumunod sa kanila ang isang taong kanina ko pa hinihintay.

Sandali itong umubo bago magsalita. "First, Happy Birthday to you Lexi. I hope you will enjoy this night of yours. Ang bakla ko naman kung masyado pa akong magd-drama rito".

He never fails to make me laugh, and of course, to make me happy.

"Sobrang swerte ko rin katulad ni Kia at nakilala kita. Na dumating ka sa buhay namin. Sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pang iba dahil ikaw pa lang, sapat na". Narinig ko namang tumawa ang mga bisita sa sinabi niya. Pakiramdam ko uminit ng sobra ang mukha ko.

Bakit ba ganiyan ka Aaron?

"Always remember na nandito lang kami. Ako. Para sa iyo. Handa kaming suportahan ka sa lahat ng magiging desisyon mo, basta tama. So that's it. Again. Happy Birthday Lexi"! Tumawa muna siya bago i-abot ng tuluyan sa emcee ang mic.

Pagkatapos no'n, ibinigay niya na muna ang regalo niya sa akin atsaka ako hinalikan sa noo, bago siya tuluyang bumaba na ng stage.

Pagkatapos nilang magbigay ng kani-kanilang messages at mga regalo sa akin, sumunod naman ang pagsasayaw ko sa 18 roses ko. Tumayo na ako at pumunta sa baba ng stage. Bandang gitna.

Nilingid ko ang paningin ko sa paligid. Bakit wala pa sila Kia at Ralph? Pupunta pa kaya sila?

"Now. It's time for the 18 Roses!" At nagpalakpakan sila. Debut ba talaga ito? Parang hindi eh. Natawa na lang ako.

...(Playing... Mabagal by Daniel Padilla and Moira Dela torre)...

First dance ko yung classmate ko sa Elementary noon na si Carl.

Bago kami sumayaw, ibinigay na muna niya sa akin ang isang rose na hawak niya. "Happy Birthday Lex". Nakangiting bati ni Carl. Nginitian ko lang siya.

"Thank you Carl. Ang laki ng pinagbago mo ha"? Natatawa-tawang puna ko sa kaniya.

Dati kasi negro ito. Ngayon ang puti na niya. Grabe. Mas makinis na nga sa akin eh.

Bigating glow up. Natawa na lang rin siya.

Pagkatapos ni Carl, yung iba ko namang mga pinsan na lalaki ang isinayaw ako. Yung iba naman close friends ko lang from states na nagbakasyon lang rito sa Pilipinas.

Pang 16 roses ko, si Lars.

"Happy Birthday, Lex". Nakangiting bati niya.

I smiled too. "Thank you".

Isinukbit ko ang mga braso ko sa batok niya, habang siya, nakalagay ang mga kamay sa bewang ko.

"Kamusta ang pag h-hanap"?

"Hindi ko pa rin siya nakikita. Pero si Kia, naaalala ko siya sa kaniya".

"Alam mo, may pagkaslow ka rin talaga, ano"?

"What do you mean"?

"Naaalala mo si Kia sa kaniya, dahil siya si Kia. Ano ba Lars"?

"What do you mean"?

"Know it by yourself".

"Tsk. Sira ka talaga". We both laughed.

17 Roses...

Si Dad-- Teka. Si Dad? I thought...

"Dad? Akala ko po ba, ikaw ang last dance ko"? Gulat kong tanong. Napatawa na lang siya sa reaksyon ko.

May nakakatawa ba?

"Iyon rin ang inaasahan ko eh. Pero nagpumilit siya. Naki-usap siya sa akin na siya na lang daw ang last dance mo".

Napakunot ang noo ko. Nakangiting inabot sa akin ni Dad ang isang hawak niyang rose.

"Mag enjoy kayong dalawa." Sabay kindat.

Si Dad ba talaga 'yon?

Bago pa ako makapag tanong, ay agad na siyang umalis. Sa hindi ko malaman na kadahilanan, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Papalapit sa akin ang lalaking sabi ni Dad na magiging last dance ko. Hindi ko siya mamukaan kasi may suot siyang maskara.

Yung totoo? Debut ko pa ba ito o prom night? Jusko.

"Happy Birthday".

Ang boses niya...

Dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara at bumungad ang mukha ni Aaron sa akin.

Ang bilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ganito? Ang tagal na naming magkaibigan, pero ngayon niya lang ito nagawa sa akin.

Ang patibukin ng mabilis ang puso ko.

Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko, habang ang sa akin naman ay inilagay ko sa may batok niya.

"Sorry. I know na ang Dad mo ang inaasahan mong maging last dance mo, pero i want this night to be a memorable birthday to you". Sabay abot niya sa akin ng isang Rose. "Can you trust me?"

"Why? Of course i trust you. Nagpapatawa ka-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inilagay niya ang point finger niya sa labi ko.

Anong problema ng isang 'to?

"Shh! If you really trust me, come with me"! Parang batang sambit niya.

Hindi na ako naka-angal kasi hinila na niya ako agad habang tumatakbo kami.

Nakatingin lang ako sa magkahawak naming mga kamay. Parang may kakaibang kuryente ang dumadaloy sa mga iyon. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Teka. Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi pa tapos ang party ko. Baka magalit sila Mom at Dad". Tanong ko rito nang marating namin ang kotse niya.

Sana lang at hindi ako kagalitan ng mga kamag-anak ko roon.

"Dont worry. Nakapagpaalam na ako sa Mom at Dad mo. Atsaka isa pa, sayawan na lang naman ang sunod doon eh. Ta's kainan na. Atsaka..." tinignan ako nito ng deretso sa mga mata ko. He smiled.

"Gusto ko lang muna na masolo kita..."

Parehas kaming sumakay sa kotse niya. Mabilis niya itong pinatakbo pagkatapos.

Kung saan kami pupunta, wala akong idea, at wala akong pakielam.

As long as i'm with him... I don't care to anything else...

-TO BE CONTINUED-

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.1M 51.3K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
54K 881 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞