SUGARY'S SHORT STORIES

By _nicose

258 26 12

Basically this Book is filled with My One Shot Stories. Some of 'em are Filipino/Tagalog and some are English... More

Caramel Macchiato
6.5: Wish

Under The Meteor Shower

75 9 3
By _nicose

A Tagalog Story...

"Under The Meteor Shower"



Ngayun makikita sa lugar namin ang pag daan ng Meteor Shower. Taengyan kailangan ko pang magpuyat para subaybayan yun. Bakit ba ayaw nila akong patulugin ng maaga?!

Tinignan ko ng masama ang mga kaibigan ko na ngayun ay kumakain.
"Anong tingin yan Elise?" Tanong ni Steff. I let out a deep breath then looked away.

"Bakit ka galit?" Tanong naman ni Jes. Hindi ko sinagot ang mga tanong nila at umupo nalang doon ng tahimik.

"Ahh!" Mahinang sigaw ni Ann na nagnakaw ng aming atensyon. "Pinilit kasi natin siyang panoorin yung Meteor Shower eh!" Finally, someone got me.

"Ayaw mo ba? Wala ka naman gagawin mamaya eh." Komento ni Jes. Tama rin naman siya. Tinignan ko lang sila bago magsalita.

"Scam naman ata yang Meteor Shower eh!" Bigla akong kinurot ni Steff. "Aray!"

"Hindi yun scam! Wag kanang magreklamo dahil wala kang magagawa." I rolled my eyes in defeat. "Fine"



•••

At ito na nga. Nasa labas kami more specifically, nasa Park kami. Marami naring tao dito dahil gusto nilang manood. Umupo kami sa damuhan at naghintay.

Daldal sila ng daldal habang ako naman dito ay iniisip kung gaano ka-komportable ang higaan ko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na maglalakad-lakad muna at umalis na.

The cold breeze hits my face as I walk around the grassy park. The sky is so dark making the stars stand out. It looks beautiful. Suddenly someone crossed my mind. My first love. Kamusta na kaya siya? Limang taon narin ang lumipas noong huli kaming nagkita.

Nangako siyang babalik pero hindi naman talaga siya bumalik kahit man lang paramdam wala rin. Hanggang ngayun naghihintay parin ako sa pagbabalik niya. Umaasang makikita ko pa siya.

"Kalimutan mo na nga siya. Hindi na siya babalik." Pabulong kong sabi sa sarili ko. I exhaled and stopped on my tracks.

"Asan ka na ba?" Tanong ko nang pabulong habang nakatitig sa mga bituin.

"Babalik ka pa ba? Bakit umalis ka nalang bigla?" Ang mga luha ko ay unti-unti nang namumuo sa mga mata ko.

"Nandito naman ako ah." Isang pamilyar na boses ang gumulat sakin.

Dahan-dahan akong tumingin at lumingon sa likod ko upang harapin ang pinagmulan ng boses na yun. Laking gulat ko nang makilala ko siya. Nandito siya sa harap ko. Nandito talaga siya!

"Missed me?" Tanong niya ng pabiro. Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha at hinila siya para mayakap ko siya ng mahigpit.

"B-bakit ngayun ka lang? Alam mo bang limang taon na akong naghihintay?! Paunti-unti rin akong nawawalan ng pag-asang babalik ka pa! Tae ka!"

Tumawa na lamang siya at niyakap ako ng mas mahigpit. I just sobbed in his arms. This is what I want. To be with him again.

"Sorry na. Sorry naghintay ka pa ng napakatagal para sakin." Hindi na ako nagsalita at niyakap nalang siya. His presence is enough.



•••

Ilang oras na din ang nakalipas at malapit na dumating ang meteor shower. Nakaupo kami ni Jay sa bench habang nakatingin sa langit.

"Kamusta ka na? Halos hindi na kita nakilala eh." Ani Jay. Tumawa muna ako bago sumagot.

"Tulog lang naman ang ginagawa ko sa bahay eh." Natawa siya sa sagot ko.

"Hindi ka parin nagbabago. You're still a sleepy lazy pig." Hinampas ko ang balikat niya pero tumawa lang siya.

"Ikaw nga eh! Ang payat payat mo padin! Hindi ka ba kumakain?" Tumigil siya at tinignan ako ng masama.

"Wag ka nga! Matakaw ako. Pag ikaw kinai--" hinampas ko ulit siya bago pa niya tapusin ang sasabihin niya.

"Aah~ how i miss this" he said as he again stared at the stars
"I miss you." I said. Tinignan ko lang siya nang sinabi ko yun.

Nakita kong hindi niya inaasahan na sabihin ko yun.

"I miss you too."

We stare at each other with full of love and passion. After years of waiting he's now here with me. Under the meteor shower.

I looked up as the meteor shower passed by. It looks so beautiful. This is so romantic.

"Elise?" Tawag niya
"Hm?" Tumingin ako sa kanya nang mapansin kong serysoso ang tinig niya.

"I love you."


•••

Nagising ako nang marinig kong tumonog ang cellphone ko. Tinignan ko ang oras at nakitang 4:30am na.

Anong panaginip yun? Ba't nandoon ako sa Park? Bakit hindi ko maalala?!.
I tried to recall everything about what i just dreamt but nothing came up. Kung ano man yun siguradong nakakalungkot iyon dahil napansin ko lang na basa ang pisngi ko.

Akala ko dahil lang yun sa laway ko pero naalala ko na hindi pala ako naglalaway sa tulog ko. At ang hapdi pa ng mga mata ko kaya umiyak ata ako.



•••

"Ano? Game ba kayo mamaya?" Tanong ni Steff.

"Ano bang meron mamaya?" Tanong pabalik ni Ann. Pinanood ko lang silang magsalita habang kinakain ang baon ko.

"May Meteor Shower mamaya mga besh!" Masayang sinabi ni Steff. Nanlaki ang mga mata ni Ann at Jes.

"Tara! Anong oras ba?" Tanong ni Jes.
"Mga 10:50pm" sagot naman ni Steff. Bakit ba feeling ko alam ko na ang magyayare?

"Elise! Sasama ka?" Napa-tingin ako kay Ann ng itanong niya yun.
"Sige" Ang sinagot ko at nagtilian sila. Yeah they're excited.



•••

Nakarating na kami sa park at marami na agad ang mga tao dito. Siguro may Meteor Shower talaga.

Bakit ko ba iniisip na nangs-scam si Steff?
Nagpaalam ako sakanila na bibili ako ng pagkain at umalis narin.

I plugged in my earphones and clicked my recently selected playlist. I walked slowly towards the store when suddenly my phone rings. I stared at the callers ID for a few seconds before accepting the call.

"Hello ma?" Rinig ko ang hagulgol ni mama mula sa kabilang linya.

"Elise, a-anak" aniya.

"Bakit po ma? Ano pong nangyari?" Nag-aalala ako baka may nangyari kay mama.

"S-si J-jay." Nanigas ako nang marinig ko ang pangalan niya.

"W-wala na siya."

At doon na ako napa-upo sa lapag dahil sa naramdamang biglaang paghihina.

"P-po?" Nanginginig ang mga kamay ko or should I say buong katawan ko.

"Na-aksidente ang sasakyan niya noong p-papunta siya jan." Rinig ko parin ang hagulgol ni mama.

Tinuring narin ni mama si Jay na parang tunay niyang anak noong nandito pa siya. Nabitawan ko ang cellphone ko at umiyak na rin.

"Jay!"

Sigaw ko habang humahagulgol. I feel so hurt. I feel so empty.

Hindi ko kinaya noong umalis siya at 'di na nagpakita noong limang taon na iyon, papaano na ngayun na wala na siya? Bakit ba napaka saklap ng buhay?! Mahal na mahal ko siya at siya lang ang inibig ko sa buong buhay ko. He's my happiness. Without him I'm nothing but a grey cloud.

Sooner than expected, the Meteor Shower came. I looked up thinking how this meteor shower would hurt me whenever I think of it. And here I am, crying under the meteor shower.

"I'll still love you, Jay."

-END-

.
.
.
.
__________________

Hi Guys! Nagustuhan niyo ba? Okay lang naman kung hindi dahil di naman siya gaanong maganda HAHA.

So ayun, Sa wakas nakapag-tagalog na din ako dito. Nakaka-nose bleed mag-english kailangan ko din ng break.

English halos lahat ng Kwentong ginawa ko kasi gusto ko maging pang-international yun. Oh diba HAHA chos.

Ay basta. Sana nagustuhan niyo kahit papaano itong unang Tagalog na Kwentong pinublish ko.

°
°
°
May the Alien Virus be with you all~

-sugary

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
385K 577 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
36.4K 676 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...