School of Myths: Ang ikalawan...

بواسطة chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... المزيد

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos

6.4K 186 4
بواسطة chufalse

July 01, CS242. Araw ng myerkules, sa loob ng class Lightning-3. Ilang minuto na lang bago magsimula ang klase ay sandaling nag-usap ang magkakaibigang: Eucy, Katherine at Thara.

“Totoo ba yung sinabi mo sa text kagabi?” Tanong ni Thara.

 

*Uhm! Hindi ko nga alam kung papaano ko siya kakausapin eh.” Tugon ni Katherine.

 

“Bakit? Hindi ba niya alam?” Tanong ni Eucy.

 

“Hindi ko rin alam eh, pero siguro alam na niya rin ang tungkol dito.” Sambit muli ni Katherine.

 

*Hmm.. Bakit ba kasi parang ang hirap namang lapitan at kausapin ni Chris.” Sambit ni Thara.

“Ganyan na siya mag mula pa nung mga bata kami. At nagagalit yan kapag tumatakas kami sa mga pagsasanay.” Sambit muli ni Katherine.

 

“Basta ang weird niya! Hindi ko alam kung ano ang mga iniisip ng lalaking yon!” Sambit muli ni Thara.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang guro, kaya agad na silang bumalik sa kani-kanilang mga upuan.

Kinatanghalian, mag-isang nagtungo si Chris sa campus cafeteria upang mag-lunch. At katulad ng dati ay tahimik lang siya at tila walang paki-alam sa kaniyang paligid habang naglalakad. Nang marating ay agad itong bumili ng kaniyang pagkain at kalaunan ay naghanap ng bakanteng pwesto. Masaya na sana ang tahimik niyang pagkain, ngunit may mga biglang dumating at kalaunan ay nagsalita.

 

“Okay lang ba kung maki-salo kami sa table?” Tanong ni Thara.

Tumingin lang si Chris kay Thara at ilang sandali pa ay muling ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Labis naman itong ikinainis ni Thara dahil hindi siya pinansin nito.

 

“Bwisit talaga ‘tong lalakeng ‘to! *Grrrr!” Inis na pagkakasambit ni Thara.

Kahit walang nakuhang tugon sila Thara ay naki-salo pa rin sila sa lamesa kung saan kumakain si Chris. At dahil apat lang ang kasya sa naturang pwesto ay tumabi si Katherine dito.

*Umm.. Chris?” Sambit ni Katherine.

Hindi pinansin ni Chris si Katherine kahit katabi lang niya ito. Ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang pagkain at ito ay labis na ikina-inis ni Thara.

*** SFX: TOOOOOOOOOOOOINKS! ***

Malakas na kinutusan ni Thara si Chris dahil hindi na niya napigil pa ang kaniyang sarili.

 

“Talagang inuubos mo ang pasensya ko! Wala ka ba talagang pakiramdam!?” Malakas na pagkakasambit ni Thara.

 

“Ano bang problema mo, Thara?! Alam mo bang masakit yung ginawa mo?!” Malakas na pagkakasambit ni Chris.

Sa mga sandaling ito ay halos nakatingin na sa kanila ang ibang estudyanteng malapit sa kanila.

 

“Pwede bang wag kayong sumigaw?” Sambit ni Katherine.

 

*Tsss! Maka-alis na nga.” Sambit muli ni Chris.

Agad tumayo si Chris ngunit pinigilan siya ni Katherine kaya muli siyang umupo.

 

“Ano ba talaga ang pakay mo, Kath?” Sambit muli ni Chris.

 

“Siguro naman alam mo na ang napagkasunduan ng mga magulang na’tin?” Sambit ni Katherine.

 

“Oo, alam ko na ang tungkol sa bagay na ‘yon. Alam ko namang hindi mo yon gusto, kaya mas mabuti pang kausapin mo na ang mga magulang mo para hindi ka magsisi sa dulo.” Tugon ni Chris.

Labis na nagulat si Katherine sa kaniyang mga narinig, kaya sandali siyang natahimik.

“Hoy Chris Crescentmoon! Somo-sobra ka na talaga! Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ng kaibigan na’min?” Inis na pagkakasambit ni Thara.

“Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko, miss Thara Rampias? Oh gusto mo pang ulitin ko ng maunawaan mo?” Sambit ni Chris.

Balak pa sanang magsalita ni Thara, ngunit pinigilan siya ni Katherine.

 

“Pwede bang iwanan nyo muna kaming dalawa?” Sambit ni Katherine.

 

“Sigurado ka?” Tanong ni Thara.

 

*Uhm! Kung maaari lang sana.” Sambit muli ni Katherine.

 

“Ang mabuti pa ay hayaan na muna na’tin silang mag-usap.” Sambit ni Eucy.

 

“Okay, sige.” Sambit muli ni Thara.

Ilang sandali pa ay umalis na sila Eucy at lumipat sa ibang lamesa. At sa pagkakataong ito ay hindi na sinayang pa ni Katherine ang oras upang makausap si Chris.

 

“Chris?” Sambit ni Katherine.

“Hindi mo kailangang mag-sorry sa’kin. Alam ko namang may nagugustuhan ka ng iba at alam ko ring hindi tama ang napag-usapan ng ating mga magulang. Wag ka na ring mag-alala dahil kakausapin ko na din sila ama tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit ni Chris.

 

“Hindi naman ako tutol sa napagkasunduan ng ating mga magulang. Ang totoo nga nito ay natuwa ako matapos kong malaman ang tungkol dito. At kaya kita kinausap ngayon ay baka tutol ka dito at balak kong sabihin sayo ang mga sinabi mo sa’kin kanina.” Sambit ni Katherine.

“*Huh?” Sambit ni Chris.

 

“Sabay tayong lumaki kaya matagal na kitang kilala. Hindi ikaw yung tipong nagsasabi ng mga saloobin mo. Pero ngayong narinig ko na ang mga sinabi mo kanina ay labis akong nagpapasalamat kay Odin, dahil dininig niya ang panalangin ko.” Nakangiting pagkakasambit ni Katherine.

 

“A..ano.. Kath? *Umm..Medyo nahihiyang pagkakasambit ni Chris.

 

“Hindi mo na kailangang magsalita. Pero alam ko namang hindi ka tanga at manhid para hindi mo malaman ang nararamdaman ko para sayo.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Katherine.

*Umm.. Ga..ganon ba?...” Nahihiyang pagkakasambit ni Chris.

 

*Hufufu.. Alam kong sobrang mahiyain ka. Dapat kasi matuto kang makipag-usap sa iba para hindi nila isiping sobra kang suplado.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Katherine.

“Ganon ba? Pero wala naman akong paki-alam sa mga iniisip nila, kaya mabuti ng manatili akong ganito.” Sambit muli ni Chris.

*Hmm.. Okay, pagbibigyan kita. Pero sa loob ng Wings of kingdom, dapat ipakita mo sa’kin na karapadapat ka.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Katherine.

 

“Na..na..uunawaan ko. Ang mabuti pa ay mauna na ako sa classroom na’tin.” Sambit muli ni Chris.

 

“Okay. Ingat ka.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Katherine.

 

“*Uhm.” Nahihiyang pagkakatugon ni Chris.

Matapos tumugon ay mabilis ng umalis si Chris. Labis naman itong ipinagtaka ng magkakaibigan, kaya agad nilang nilapitan si Katherine.

 

“Teka, ano nangyari don?” Tanong ni Thara.

 

*Hufufu.. Ganon talaga siya kapag nahihiya.” Nakangiting pagkakasambit ni Katherine.

“Mukhang nagka-ayos na kayo ni Chris ah. Nakaka-inggit naman kayo! Haaay.. Kailan kaya mag ma-mature si Aron?” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Eucy.

Natawa na lang sila Katherine at Thara sa kanilang mga narinig at kalaunan ay masayang nagkwentuhan. Samantala, kanina pa pala nakikinig si Sai sa nangyayaring usapan, kaya nagkaroon siya ngayon ng lakas na loob upang magtapat ng kaniyang pag-ibig.

 

“Bwisit na Chris ‘to! Ang akala ko suplado siya! *Grrrr! Nakakainis!” Galit na pagkakasambit ni Sai derekta sa kaniyang isipan.

 

“Siguro dapat na din akong magtapat sa shaman na gusto ko!” Malungkot na pagkakasambit muli ni Sai derekta sa kaniyang isipan.

 

“Tama! Tama! Oras na para magtapat! Yahooo!” Masayang pagkakasambit muli ni Sai derekta sa kaniyang isipan.

Tapos na ang lunchbreak at nagsisimula na din ang mga klase.

“Sai Kerberos?” Sambit ni Anna Jane Karla.

“Wala pa po.” Sambit ni Gelo.

 

“Absent siya? *Hmm.. Okay. Angelu Alta Xenos Thersera?” Sambit muli ni Anna Jane Karla.

 

“Present po!” Masayang pagkakasambit ni Gelo.

Nagpatuloy pa sa pagkuha ng attendance si Anna Jane Karla, ngunit labis na nagtataka si Xanthus dahil kanina lang ay nakita niya si Sai.

 

“Saan naman kaya nagpunta si Sai?” Sambit ni Xanthus.

Mapunta naman tayo sa class Fire-3. Kasalukuyan nang nagtuturo si Audrie ng biglang may nagbukas ng pinto at may isang lalaking nagsalita.

“Aicy Winters!” Galit na pagkakasambit ni Sai.

Agad napalingon ang lahat kay Sai dahil nagulat sila. xD

 

“Sai? Pero bakit naman niya hinahanap si Aicy?” Sambit ni Rein.

 

“Anong problema ni Sai? Bakit ka niya hinahanap?” Tanong ni Khaye kay Aicy.

 

“Aba malay ko sa lokong yan!” Tugon ni Aicy.

Ilang sandali pa ay naglakad na si Sai papasok sa loob. Agad naman siyang pinigilan ni Audrie, dahil oras na ng kaniyang pagtuturo.

“Hoy Sai Kerberos?! Alam mo bang tapos na ang Lunch break at oras na ng mga klase? At ano ba ang pakay mo kay Aicy?” Tanong ni Audrie.

“Pasensya na po, pero may gusto po akong sabihin sa kaniya.” Malungkot na pagkakasambit ni Sai.

 

“Hindi ba pwedeng mamaya na pagkatapos ng mga klase mo sabihin yan?” Sambit muli ni Audrie.

 

“Pasensya na po, pero hindi ko na po kayang patagalin pa ‘to.” Malungkot na pagkakasambit muli ni Sai.

Medyo na-antig ang damdamin ni Audrie dahil sa nangungusap ang mga mata ni Sai habang malungkot itong nagsasalita.

 

“Okay bibigyan kita ng pagkakataong sabihin ang gusto mong sabihin kay Aicy. At kung maaari ay paki-bilisan mo lang, dahil na-aalintana mo na ang aming klase.” Sambit muli ni Audrie.

 

“Maraming salamat po, miss Audrie!” Galit na pagkakasambit ni Sai.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Audrie matapos marinig ang huling sinabi ni Sai, ngunit naalala niyang may split personality ang mga Kerberos, kaya inunawa na lang niya ito at pinagbigyan.

Sa mga sandaling ito ay mabagal na naglalakad si Sai patungo kay Aicy, halos lahat naman ng nasa loob ng classroom ay nakatingin sa kaniya at nag-aabang sa kaniyang mga sasabihin.

“Aicy Winters!” Galit na pagkakasambit ni Sai.

 

“Ba..ba..bakit? May ginawa ba akong masama sayo?” Medyo takot na pagkakasambit ni Aicy.

 

“Gusto kita at gusto kong dalin mo ang aking magiging mga anak!” Masayang pagkakasambit ni Sai.

Biglang tumahimik ang paligid at sa sobrang tahimik ay labis itong nakakabingi. Labis naman itong ipinagtaka ni Sai at sandaling napatingin sa lahat. Muli ay labis siyang nagtaka matapos makita ang mga blankong ekspresyon ng buong class Fire-3. Napalingon din siya sa kasalukuyang guro at tulad ng iba ay blanko din ang ekspresyon nito.

“*Huh?” Nagtatakang pagkakasambit ni Sai.

Ilang sandali pa ay binasag na ni Aicy ang katahimikan sa pamamagitan ng biglaan nitong pagtayo. Agad napatingin ang lahat sa kaniya.

 

“Bastos kang aso ka! ** YETI’S PUNCH! ** Galit na pagkakasambit Aicy.

*** SFX: WOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOM! ***

Malakas na tinamaan si Sai sa mukha ng nagye-yelong kamao ni Aicy. Mabilis siyang tumilapon papalabas ng bintana at kalaunan ay naging bituin.

“Bakeeet?” Masayang pagkakasigaw ni Sai.

*** SFX: WINK! ***

“Wag na wag ka ng magpapakita pa sa’king aso ka! *Grrrr! Galit na pagkakasigaw ni Aicy.

Labis na nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan at dahil ayaw nilang mapag-balingan ng galit ni Aicy ay minabuti na lang nilang magpanggap na hindi nila nakita ang ginawa nito at hindi nila narinig ang mga sinabi ni Sai kanina. xD

Napansin na din ni Audrie na mukhang hindi na maganda ang nangyayari, kaya naman itinuloy na niya ang kaniyang pagtuturo.

Samantala, labis namang nagdurugo ang puso ni Sai sa mga sandaling ito. Hindi kasi niya malaman ang mali sa kaniyang ginawa.

 

*Huhuhu.. Ano ba ang mali sa ginawa ko?” Umiiyak na pagkakasambit ni Sai.

*Tsk! Bakit nag kaganon? Napa-romantic pa naman ng ginawa ko?! Pero bakit niya ako sinaktan?!” Galit na pagkakasambit muli ni Sai.

“Bakit? Bakit nag kaganito?!” Masayang pagkakasambit muli ni Sai.

At dito na natatapos ang side story na ‘to! Goodbye! *Hahaha! Pasensya na kayo, naubusan na ako ng ideas para sa extra chapter! xD

Pero kung may mga suhesyon kayo ay buong puso ko itong tatanggapin. Basta sabihin nyo lang ito sa’kin. Kahit sa facebook o sa wattpad ay ayos lang! Maraming salamat po.. :3

cheers! -chufalse

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

37.4K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
Song of The Rebellion بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
287K 6.5K 89
Kaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat d...
113K 4.1K 54
Zheyran Angel Briones and Gabriel Felix Monteser, their path has crossed because of the crime on their school days. Together with the Secretum Oculi...