The Brightest Shooting Star (...

Bởi red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... Xem Thêm

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ikalimang Kabanata

184 5 2
Bởi red_miyaka

Pang-limang Kabanata

Lock



Naupo ako sa isang bench na malayo roon sa event place. Tinakpan ko ang mukha ko at yumuko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, o kung may mukha pa ba akong maipapakita roon. Bakit ba kasi ako umiyak? Parang tanga naman. Tinanong lang naman ni Vin kung pwede bumalik kami sa rati. Ano namang masama roon, 'diba?

Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nakakairita naman. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at sinabunutan ko ang sarili ko. Binaon ko ang mukha ko sa mga kamay ko at hinayaang dumaloy ang luha ko. Dapat nag-eenjoy ako ngayon, eh. Pero paano ko iyon magagawa kung wala naman akong gana makipag-usap sa iba? Lalo na't ginulo pa ako ni Vin. Ewan ko. 'Di ko na alam.

"Jana," Narinig ko na naman ang boses niya. Hindi ako nagsalita. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa, hindi rin ako makakilos. "Jana, I'm sorry..." Malungkot niyang sabi. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero may space pa naman.

"Jana.." Tawag niya pa ulit. Suminghap ako at lumingon sa kanya. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata, na dati ay walang ekspresyon. Gusto ko siyang yakapin pero gusto ko rin siyang sampalin.

"Jana, sorry na.." Sabi niya ulit habang nakatingin lang ng deretso.

"Wala namang magagawa 'yang sorry mo," Lumingon ako sa kabila para punasan pa ang luha kong patuloy na tumutulo. Punyeta naman.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Umubo siya ng kaunti at nilinaw ang boses niya.

"Okay, then. Hindi na ako magsosorry, pero please pakinggan mo naman ako." Seryoso na ang kanyang boses. Hindi ako nagsalita o gumalaw man lang. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatalikod ako sa kanya.

"Jana --"

"Huy! Bakit kayo umalis?!" Biglang dumating si Tracy habang hawak iyong dress niya, hinihingal pa. Si Rene ay nasa tabi niya lang na hinihingal din.

Umiling na lang ako at sinuklay iyong buhok ko. Umayos ako ng upo at inayos ko abg itsura ko. Iyong coat ni Vin, niyakap ko na lang. 'Saka ako humarap sa kanya at ngumiti. Ng pilit nga lang.

"Ah, nagbibiruan lang kami nito ni Vin," Pinanlakihan ko ng mata si Vin habang pilit pa ring nakangiti. Alam ko namang mukha akong tanga na nangingiti rito habang namumula pa ang mata pero ayaw ko namang malaman pa ni Tracy na umiyak ako na naman, dahil alam niyang wala na sa akin iyong past namin ni Vin.

"Ah, o-oo! Napipikon na nga si Jana eh." Siningkit pa ni Vin ang mata niyang singkit na. Alam ko namang medyo naguguluhan pa rin siya sa inakto ko dahil bahagyang nakakunot ang noo niya.

"Gano'n? Sige, iwan na namin kayo. Bye!" Sigaw ulit ni Tracy at hinalikan pa ang pisngi ko. Pinunasan ko agad iyon at bumalik na ang inis sa mukha ko. Tumalikod na ako kay Vin at nilapag ang coat niya sa upuan. Mabuti na lang at dala ko na ang purse ko. Nang hindi ko na makita sina Tracy, tumayo ako ngunit may humila sa braso ko. Iritado akong lumingon kay Vin.

"B-bitawan mo nga ako." Sobrang seryoso ng boses ko pero sa loob loob ko ay malapit na aking pumiyok at uniyak na naman. Gusto ko na lang talaga sabunutan ang sarili ko at sumigaw sa kawalan kasi nababaliw na ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang umuwi at umalis dito, matulog na lang. Sana pala ay hindi na lamang ako pumunta.

"Jana, kaya ako hindi nagparamdam kasi --"

"Kasi ano, Vin?! Kasi hindi na ako sapat, ganoon ba?!" Pumiyok na ako. Pinipigilan ko pa ring tumulo ang mga luha ko, tapos ay hindi ko alam kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Shit, that's too cliché! Ang pangit pakinggan. Napalunok ako bigla nang tumayo siya at hinawakan na ang magkabila kong balikat.

"J-jana.. Hindi ganoon. Alam mo namang hindi ako gagawa ng walang kwentang bagay, 'diba?" Malungkot siyang napangiti. Tuluyang pumatak na naman ang luha ko. Weakshit, Jana.

"E-edi ano?!" Sigaw ko ulit sa kanya na muntik ulit pumiyok. Hindi na nga ako magsasalita. Suminghap ako, pilit pinapakalma ang sarili sa paghikbi. Sinuklay ko ulit ang buhok ko at tumingin sa kawalan, basta hindi sa kanya.

Jana: Vin?

Jana: Hoy, Vin.

Jana: Hoy ano ba

Jana: Ilang araw ka nang hindi nagrereply. Ni sa totoong buhay, hindi
mo ako pinapansin.

Jana: Amputa

Jana: Delivered? Iniinbox mo 'ko?

Jana: Tangina mo, Adamiel Vincent.

Jana: Kapag hindi ka pa nagreply rito within 24 hours, ayoko na. Deputa.

-

Jana: Ano? Dinadaan-daanan mo na lang ako sa school?

Jana: Punyeta, Vin. Kung ayaw mo na sa'kin, sabihin mo naman ng deretso. Hindi ganito.

Jana: Ano ka? Ghoster?

Jana: hyop ks

Jana: masksit

Jana: pitanginang kuha namsn to

You can no longer send messages to this person.


Gabi nang umiiyak ako no'n. Ni wala pa nga kaming isang taon tapos ganoon na agad. Natawa ako kaunti. Ang demanding ko naman. Wala nga naman pala kaming label. Anong karapatan ko?

Napalingon ako sa kanya at marahang pinunasan ang luha ko. Nabuntong-hininga siya. Tinap niya ang space sa gilid niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Sinuklay niya na lang ang buhok niya at pinagsiklop ang mga kamay niya. Yumuko siya bago ginulo muli ang buhok niya at tumingin sa akin. Buong oras na iyon ay kunot lamang ang noo ko at humihikbi ba ng kaunti.

"Kilala mo si Angela, 'diba? Iyong nangaway rin kay Zil noon?" Seryosong tanong niya. Tumango lamang ako.

"Ang mga kaibigan niyang sina Naia?" Humina ang boses niya. Nangunot lalo ang noo ko. Sino iyon?


"Si Naia.. Obsessed sa'kin 'yon." Mapait siyang napangiti.

"Ano naman?"

"Sinabi niyang isusumbong niya tayo sa magulang natin kapag hindi tayo tumigil." Aniya.


Bahagyang nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung malaman nina papa ginagawa ko. Kabilin-bilinan sa akin na 'wag muna magkaroon ng boyfriend -- dahilan din kaya wala kaming label ni Vin. Handa naman akong sagutin siya at itago ang relasyon namin kung sakali dahil hindi naman nangingialam ang mga magulang ko, pero ibang usapan iyong kanya. Kapag kasi nalaman ng mama niya iyon, baka bigla siyang palipatin doon sa cavite.

"Bakit hindi mo na lang sinabi sa'kin? 'Di naman ako tanga para maintindihan 'yon, Vin." Seryosong sabi ko. Natuyo na ang luha ko at medyo kumakalma na ako.

"Alam ko. Ang kaso, sabi ni Naia, isang lapit ko pa sa'yo, kahit chat man lang, talagang gagawin niya iyon." Pilit siyang ngumiti. Napa-upo na lang ako sa malayong tabi ni Vin. Napatingin ako sa taas at natulala. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang irereact ko. Dapat ba akong matuwa dahil sa sinabi niya? Mainis kasi hindi niya agarang sinabi sa akin? Magalit? Ano? Puta.

Sinuklay ko na lang ulit ang buhok ko gamit ang kamay ko. "Buti naman at hindi ka niya sinundan dito." Sabi ko, tulala pa rin sa langit.

"Dinala na siya sa America. Nalaman ng pamilya niya kabaliwan niya." Sagot ni Vin.

"Kailan pa?"

"Last month lang. Kaya ngayon ko lang naisipang kausapin ka."

Napatango na lamang ako. Hindi ko pa sigurado kung patatawarin ko siya o babalik kami sa rati. Yumuko na lamang ako at nilabas ang cellphone ko para tignan ang oras. 11:11. Umirap ako pero sa dulo ay nagwish na lamang. Sana maintindihan ko na nararamdaman ko, sana luminaw na.

Pumikit ako nang sabihin iyon. Natulala ulit ako saglit bago mapagdesisyunang umuwi na. Kinuha ko ang purse ko at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Vin at napatayo rin. Niluwagan niya ang suot niyang necktie gamit ang isang kamay at sinabit ang coat niya sa kanang braso niya. Napalunok ako pero agad ding nag-iwas ng tingin.

"Mauuna na ako. Papatayin ako ni papa kapag 12 na at wala pa ako sa bahay." Paliwanag ko sa kanya.

"Hatid na kita,"

"Huwag na."

"Hahatid na nga kita."

"Nandiyan lang naman bahay ko."

"Daming kidnapping news ngayon. Ihahatid na nga kita." Pangungulit niya pa ulit tapos ay inayos ang salamin niya. Inirapan ko na lamang siya at nagsimulang maglakad. Nilabas niya ang susi ng kotse niya kaya lumingon ulit ako.

"Magkokotse ka pa?" Takang tanong ko. Eh 'yung bahay ko, wala pang 5 kilometers nandiyan na, eh!

Napangiti siya at napailing. Lumabas ulit iyong dimple niya pero nakakunot lang ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Hahatid kita at uuwi na rin ako." Sagot niya.

"Ah. Okay." Dumeretso ulit ako ng lakad papunta sa parking. Nang makaabot sa entrance ay tumigil ako. Malay ko ba kung saan nakapark iyong kotse niya.

Pinatunog niya ang susi noon at naglakad. Tahimik akong nakasunod sa kanya at tanging tunog lang ng sapatos ko na tumatama sa sahug ang naririnig dito. Mamaya pa panigurado uuwi ang mga pumunta, siguro mga 1 am na. Wala naman kasing pasok bukas.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya kaya pumasok na ako. Sinuot ko kaagad ang seatbelt at ginilid ang vent ng aircon. Ang lamig naman kasi. Kanina pa ako giniginaw. Niyakap ko na lang ang sarili ko.

Nagulat ako nang biglang buksan ni Vin ang pinto ng side ko. Yumuko siya na halos isang pulgada ang layo ng mukha namin. Napalunok ako pero tinignan niya lang ako sa mata ng seryoso. Pinatong niya sa akin iyong coat niya at sinara na agad ang pinto.

"Punyeta." Bulong ko nang umikot siya para pumunta sa kabila. Gusto ko siyang sapakin. Kung anu-ano ang ginagawa, sana ibinigay na lang niya sa akin. Daming alam. Napairap ako sa isip ko.

Sinimulan niyang patakbuhin iyon. As usual, nakatingin lang ako sa bintana. Nag-iisip. Tinitignan ang mga ilaw na nadadaanan namin. Ang dilim na at nakikita ko na ang kislap ng ilang bituin. May full moon din ngayon. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Somehow, the sky makes me feel at peace. I like how it makes me feel calm just by looking at it. Minsan, lumalabas ako sa bintana ng kwarto namin ni ate para maupo roon sa bubong habang nakatingin sa langit. Malalim na pag-iisip. Kung anu-ano lang.

Tumigil iyong kotse at napaayos na lamang ako ng upo. Nandito na pala kami. Mabilis lang dahil syempre, ang lapit lamang ng bahay ko. Tinanggal ko ang seatbelt at ang coat niyang nakapatong sa akin.

"Salamat." Ani ko, bubuksan na sana iyong pinto ngunit nakalock pa pala ito. Kumunot ang noo ko bago nilingon at tinaasan ng kilay si Vin.

"Wala ka bang balak palabasin ako?" Naiinis kong sabi.

"Wala, hangga't hindi mo ako kinakausap nang maayos."

"Hindi pa ba maayos 'yung kanina?"

"Hindi. Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, eh." Tinaas-baba niya ang kilay niya. Umirap ulit ako. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng mata dahil nakailang irap na ako.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko, halata na ang inis sa tono. Mahina siyang natawa. Pwede bang lagyan ng packing tape iyong bibig niya? Kung anu-ano kasi sinasabi, tapos ay ngingiti at tatawa. Ang gulo.

"Pwede na ba tayo bumalik sa dati?" Kinagat niya ang labi niya pagtapos magtanong. Ngumuso na lang ako dahil hindi ko alam abg isasagot sa kanya. Paano ba naman kasi, kanina pinaiyak niya ako, ininis, nagsabi, umiyak ulit ako, tapos ngayon nandito na ako sa kotse niya. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ko pa rin alam kung anong mararamdaman ko.

"Sasagutin kita kapag binuksan mo na 'to." Humawak ako sa bukasan ng pinto. May pinindot siya at tumunog ang locks. Peke ko siyang nginitian at agad na lumabas ng kotse hawak ang purse ko. Bumusina siya at binaba iyong bintana noong papasok na sana ako.

"Luziel Janaria!" Pagtawag niya. Napailing ako.

"Bati na ba tayo at tinatawag mo ako ng ganyan?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nasa harap ng pinto.

"Hindi pa ba?" Nangunot ang noo niya. Napatawa ako. Parang tanga naman 'to. Sarap pitikin.


"Sige, pag-iisipan ko." Huling sagot ko bago pumasok sa bahay at sinara ang pinto.


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

436K 6.2K 24
Dice and Madisson
994K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...