Our Real Love by A.B.Castuera...

Von ABCastueras

1M 18K 6.4K

Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the na... Mehr

Our Real Love by A.B.Castueras THE START
Our Real Love: Second step (2)
Our Real Love: Third step (3)
Our Real Love: Fourth Step (4)
Our Real Love: Fifth Step (5)
Our Real Love: Sixth Step (6)
Our Real Love: Seventh and Eigth Step (7&8)
Our Real Love: Ninth and Tenth Step (9th & 10th)
Our Real Love: Eleventh and Twelfth Step (11th & 12th)
Our Real Love: Thirteenth Step (13)
Our Real Love: Fourteenth and Fifteenth Step (14&15)
Our Real Love: Sixteenth & Seventeenth Step (16&17)
Our Real Love: 18TH & 19TH STEP
ORL Step 20 (Teaser)
Our Real Love: STEP 20 (Season 1 Ender)
Our Real Love Season 2 (New Step: Chapter 21)
Our Real Love (REY POV)
Our Real Love Special Update: YUAN'S POV
Our Real Love Special UD: James and Ryder POV
Our Real Love (Step 22)
Our Real Love Chapter 23 (Teaser)
OUR REAL LOVE 23 (TEASER#2)
Our Real Love (Chapter 23.1)
Our Real Love (Chapter 23.2.1)
OUR REAL LOVE (Chap. 23.2.2)
Our Real Love (Chapter 23.3)
Our Real Love (Chap. 23.4)
Our Real Love (Chap. 23.4.1)
Our Real Love (Chap. 23.5)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.2)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.3)

OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.1)

2.8K 71 42
Von ABCastueras

 OUR REAL LOVE – THE FINALE

"Our true love is..."

RYDER

"Pakasal na kaya tayo, what do you think?"

Susan stopped as she arranged the throw pillows on the sofa. I'm sitting in the opposite chair. I've been looking at her ever since she began cleaning this place. I didn't tell her not to do it because I knew what she would say to me. It's better to let her do her thing than to piss her off. Mahirap na...

She turned to me as she was stunned. I wiggled my eyebrows playfully to tease her.

"Kasal? Agad? Mukha ba 'kong joke sa'yo, Ryder?" she asked in a serious tone.

Okay... Someone's not up for a joke time.

"Of course, not." I left my seat and then sat down near her. I cleared my throat bago ako nagsalita uli. "Well, I just thought. What am I going to wait for, right?" When I didn't get a positive reaction from her, I just took a deep breath and turned away. Fine. "I understand. I get it. I'm being too fast again, I know. No pressure. Kung ayaw mo pa—."

"Hindi sa ayaw—."

I looked at her immediately. Talk about pa-pity talk. HAHAHA!

"So, gusto mo nga?"

"Huh? Ang ibig kong sabihin..." She picked up her clothes and sat down on the sofa. Hindi siya agad tumingin sa akin. With those deep concerned eyes, she sighed. "Sino bang ayaw sumaya..." She said softly.

Obviously, she wants it but... there's always that damn but.

"What?" I asked softly.

She looked at me. I can sense doubt and worry in her eyes. "Hindi naman 'yun madali, lalo na ang pagpapakasal. Hindi dahil gusto mong sumaya, gagawin mo na agad. Alam mo 'yun? Maraming factors to consider, maraming tao...to think about."

I smirked. "You can't be happy if you think about others all the time. You have to think of yourself first din, Susan. If you're really happy. That should be your priority. Kahit si Lord naman, gusto tayong sumaya."

"Alam ko... Pero hindi naman lahat nang masaya ay tama." Tumingin siya sa 'kin nang diretso. "Ryder, nagawa ko na 'yan dati. Nagdesisyon kaagad nang hindi pinag-iisipan, puro pakiramdam lang. Masaya, exciting, walang pwedeng pumigil - kahit mali."

"Why? Nagsisisi ka ba ngayon?" tanong ko.

The romantic soul of mine wants to hear from her na sana 'hindi' ang sagot niya. Kasi kung 'yun ang sagot niya, at least, maiisip kong hindi siya nagsisisi na nagkita kaming dalawa. Kung nagbago ang desisyon niya noon, malamang na hindi na niya 'ko kailangan ngayon. Pero mukhang iba nga talaga ang romantic dramas sa totoong buhay...

"Oo..." She looked at me and I was trying to figure out how to react. "Galit ka ba?"

"Tch!" I just smirked and leaned back in my chair. "Why would I? I asked, right? So... why are you regretting?"

"Eh, kasi...kung hindi siguro kami nagmadali ni David, hindi sana mahirap ang katayuan namin ng mga bata. Akal ko noon, sex ang batayan ng tunay na feelings namin sa isa't isa. Ginagawa ng iba. So, why not kung kami rin, 'di ba? Akala namin...exciting lang ang buhay, masaya basta magkasama kami. YOLO?"

Natawa siya pero alam kong hindi dahil natutuwa 'to sa sinasabi niya. Kabaligtaran pa nga...

"Kaso nang makita ko kung pa'no naghirap si David nang mabuntis ako at mapalayas sa 'min...nabasag lahat ng saya. Nagising ako na may ibang tao akong nasaktan, may ibang taong mahihirapan, you only live once kaya bakit ganito ang pinili ko? Hindi sana na-pressure si David para sa future naming lahat. Siguro mas tataas pa ang ranggo niya sa pagpupulis kung hindi lang niya 'ko maiwan noon para magpadestino sa ibang lugar. Baka may work din ako ngayon sa gusto kong kumpanya. Kasama ko sana pamilya ko at 'di sila sobrang nadisappoint sa choices ko. Baka may naiwan pa ngang bahay sa 'min si David, sasakyan o kaya business din bago siya nawala." She smiled sadly. "Baka hindi ko iniisip 'to ngayon kung ibang desisyon lang sana ang ginawa namin noon." She smirked on her own. "Sayang."

So... Should I ask her this question or not? Don't chicken out, Ryder!

"E 'di ibig-sabihin kung nangyari lahat 'yan, baka hindi tayo nagkita." She stared at me as soon as she heard me saying that. I got her full attention and then I continued. "Wala akong sinubaybayan sa coffeeshop na barista, o hinatid sa ospital, o kaya pinatira sa condo ko. Lahat 'yun...wala na. Hindi ko naman sinasabing masaya ako dahil naghirap ka, pero if you'll see it in a different angle...dahil sa mga nangyari sa 'yo kaya tayo nagkita."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Nakakatakot rin palang baka makita kong ayos lang sa kaniya. In the first place naman, si David talaga ang asawa niya. Mas naunang minahal...nasabi na ba niyang mahal niya 'ko?

"Sabagay...masaya ka na siguro naman no'n. Okay na rin 'yun. Ahaha!" I fake laughed.

At malamang, I'm still jumping to one relationship to another hanggang ngayon kung nangyari 'yun. How boring my life would be--.

"Hindi, 'no."

Uh? Tumingin ulit ako sa kaniya. "What...do you mea?"

I saw her smile as if she knows something na hindi ko alam, or baka meron nga?

"Hindi mangyayari 'yang mga sinabi mo na hindi na tayo magkikita kung mas maayos lang sana ang desisyon namin noon."

"Eh?" My left brow rose in question. "I'm lost."

She shook her head na parang bata akong dapat niyang intindihin.

"Kasi tingin ko, 'yung pagkamatay ni David – mangyayari pa rin. Kahit ano'ng desisyon pa ang piliin namin noon, the destiny of his life will be the same. I think...mawawala pa rin siya sa 'min. Tapos...magkikita pa rin tayo. Baka hindi na nga lang sa coffeeshop, baka sa same building n'yo ko nagwo-work o kaya sa same area. Magkikita pa rin tayo, Ryder."

Ewan ko ba. Para akong sira na natawa sabay ngiti. Napakababaw ko na lang ba ngayon talaga? Ah, basta! Bakit ba!? Napangisi na lang din sa 'kin si Susan

"Teka," huminto ako sa pagngiti saka nagsalita ulit, "hindi ako masaya dahil namatay si David tapos nag-meet tayo, ah. Just to make it clear. Mahirap na. Baka asintahin pa 'ko no'n sa kabilang-buhay."

That brings her a hearty laugh. "Sira. E 'di naging byuda na naman ako? Hindi gagawin ni David 'yun. Lagot siya sa 'kin. Pero 'wag ka mag-aalala. Gets naman kita."

"Good." Tumayo ako saka naglakad palapit sa kaniya. Inabot ko 'yung kanang kamay niya saka hinila siya nang marahan para tumayo din siya. When we're already facing each other... "I just want you to know that whatever it is na naging desisyon mo noon, mali man o tama, sa 'yo ako."

Reaching for her other hand, I said, "I want you to decide what's best for you and the kids. Yung tingin mong wala kang pagsisisihan. And if ever na hindi umayon sa 'tin ang destiny at masabi nating mali ang desisyon na ginawa mo...I'll leave you this oath that I will never leave you nor let you leave me. Sabi nga sa 'kin ng isa sa mga Tito ko, si Tito Prince, God is not a foolish God. He will not let bad things happen to those who ask Him to guide them. God knows how many times I prayed for someone to be with. Yung 'di lang pangmatagalan, but 'yung panghabang-buhay. And this...itong pagkikita natin, tama ka, I want to believe that this is part of our written destiny. I will trust the process."

I smiled at her and slightly squeezed her hands.

"If thinking other's welfare will make you more at ease, then all I can say is...my proposal is just there. Very open and willing to wait – infinity ang extension."

"Sus. Pa'no kung after ilang years pa?" pabirong sabi niya.

"Ays lang," I shrugged.

"Thirty years?"

"Wag naman. Baka hindi madagdagan sina Sassa niyan," I joked, and then winked at her.

That made her blush. "Baliw nito."

We both laughed after that. Pupuntahan sana namin 'yung kuwarto nung dalawang tulog na nang marinig namin 'yung sunod-sunod na pag-doorbell.

"Ako na." I told her. "Check mo na sila."

"Sige."

Naglakad na 'ko palapit sa pintuan na tuloy-tuloy pa rin ang pag-doorbell ng kung sinong nasa labas.

"Sandali!" Tiningnan ko na muna sa intercom kung sino 'yung nasa labas just to make sure. But my protective instinct spiked up nang makita kong si Andrea ang nasa labas ng pintuan with obvious tears in her eyes. "Sht!"

Binuksan ko agad 'yung pintuan saka yumuko to look at her nang mas maayos. And, yes, umiiyak nga siya. Hinawakan niya kaagad ang left arm ko and she tries to pull me.

"T-Titooo.... Ti-tow... Si-Si... D-Daadd-Daddii..." She babbles. Parang hirap siya magsalita but that's least of my concern now. "He's—He's not waking—wakin' up!!! Da-Daddy!! Dad—."

Without waiting for further explanation, kinarga ko na si Andrea at saka literal na tumakbo papunta sa cabin nila. And that was how I saw my brother lying on the floor of their veranda – unconscious.

And that was the time I realized na hindi namin hawak ang sarili naming destiny. The only thing that we have control over is our decisions in life that can either make us or break us in the end.

***********

ADELINE

Hindi ko alam kung gaano kabilis ang oras na lumipas habang nasa taxi ako papunta sa ospital pero I know that that was the longest minutes of my life. To wait for uncertain outcome is the hardest thing for me that moment. Wala akong pakialam kung ano'ng isipin sa 'kin ng driver sa malakas kong paghingi ng sorry at paghiling sa Diyos na iligtas niya si James.

Sorry po. Hindi ko na dapat kinita si Jarret. Sorry po. Iligtas N'yo si James, please! Please! Not for me but for him! For him! He deserves to live! I know you know it, too! Save him!

Parang isa-isang nag-flash sa utak ko ang mga ginawa ni James for me. How can I be so selfish all this time? How can he love someone like me!? I'm not deserving of his love but still, he loved me unconditionally.

When I saw Ryder and Tamara na nakatayo sa tapat ng nakasarang operating room door, I know na hindi pa sinasagot ng Diyos ang dasal ko.

Please! Please, Lord! If you're truly listening to every prayer of your people – save him! He deserves to live! Please, I promise... I'll make this right. I will, I promise!

"Ryder!" I yelled habang patakbo ako sa direction nila. They both turned to me. "H-How's James???"

I looked at him first and then at Tamara.

"What!? Ano'ng sabi!??"

Ryder reached my hand. "Calm down, Ate. He's still inside. We're not really sure kung ano'ng nangyayari sa loob. Halos kararating lang din namin. Let's pray—."

"I DID! I already did but He's not answering my prayers! Oh, gosh—please, no."

Ryder hugged me in an attempt to calm me but I know that I can't do that now without knowing if James is fine or not.

"Be strong, Ate. Andrea needs you to be strong, too."

Andrea... Umalis ako sa pagkakayakap niya. "Where's Andrea???"

It's not Ryder who answered me but Tamara. "She's with Susan. They're in the waiting area."

I know. In her eyes, she's blaming me for what happened. But she knows something I didn't know – again!

"Tell me!" I confronted her. "Is my husband sick!? I have this feeling na may sakit siya pero wala kayong sinasabi!"

I am not surprised that she regarded me without hesitation. Pagdating kay James, she's always ready to devour anyone, including me – especially me.

"And now he is your husband? I'm surprised that you still remember that."

"What!?" I asked in disgust.

"Why? Hindi ba five years ka ng nagpapanggap na asawa ni James!? You're just wearing his ring and using his last name, but that's all it! You're nothing but a selfish pathetic woman who needs saving all the time—AH!"

I grabbed the side of her hair and pulled it. I'M SO DONE WITH THIS! I am so mad that I want to do things I will regret again! Sanay na 'ko! Marami na 'kong pinagsisisihan. What's the difference if I add another one!? NOTHING!

"ATE!" I felt Ryder's hands on my arms, tugging me away from this leech! "Let go! Ano ba?! Stop!" he yelled.

But I didn't stop. Instead, I let my other hand do the same.

"If I'm selfish, then who do you think you are, uh!? AH!!?" I tugged her hair to the right habang sinisigaw niyang bitiwan ko siya. "AH! YOU'RE A DOG WHO WAITS FOR HIS MASTER'S CRUMBS! That's who you are! Who knows!? Baka hinihintay mong maghiwalay kami so you can have him for yourself!"

"YES! Because I love him more than you do! You don't deserve him!"

She pushed me hard but I didn't let go of her hair.

"IF I NEEDED SAVING, THEN YOU NEED REALITY! Dahil balibaligtarin mo man ang mundo – James had never loved you! He loves me! ME! You hear that!?"

"ANO BA! TAMA NA!" Ryder furiously yelled.

"This bitc—let go!"

"Make me!"

She was holding my both arms, trying to pull off my hands from her hair.

"I SAID LET GO!"

"SHUT UP!"

"I SWEAR! IF JAMES DIES ON THAT DAMN ROOM – I'LL NEVER FORGIVE YOU!"

"WHO CARES OF YOUR FORGIVENESS!?? WHO CARES!!!" My eyes blurred cause of the tears. "Who...cares..? Tell me..." I sobbed.

At sa isang iglap...

Bigla na lang akong bumitaw at nanghina. I slipped on the floor habang hawak ni Ryder. Nakatingin sa kawalan while my tears continuously pour on my cheeks.

"I... I... I needed his forgiveness and not yours," I said between my cries. "I need him," I whispered.

"Ate..." Ryder tried to console me and urge me to stand up but my legs were just too weak para tumayo ngayon. So, Ryder forcibly helped me para makaupo sa malapit na upuan. "Just stay calm, please. This argument will not make James well, okay? This is pointless. Tamara? Ate?"

No one answered though in my heart - I know that Ryder was right.

Ang gusto ko lang... Gusto ko lang ilabas ang galit sa dibdib ko, sa mga nangyaring napaka-unfair.

And then naramdaman kong umupo sa tabi ko si Tamara.

"I won't say sorry," I heard her say.

"I won't either," I replied weakly.

We're both staring ahead.

"James... He is so fcking sick, Adeline."

He is sick. And...I didn't know.

Calm down... You have to receive all this now. There's no more James who can shield me from the truth.

"How sick exactly?"

"Cardiomypathy. He has severe heart failure symptoms that he was supposed to have surgery for an implantable Cardioverter Defibrillator four years ago to regulate his heart rhythm but he refused. He said he was fine. He said...he wants to keep this secret from you because he doesn't want you to worry about him. Sabi niya, kaya niya. Pero, see? Sabi niya lang 'yun. His body knows it well, of course, na hindi niya kaya."

Without a warning, I sobbed terribly. Please... Lord... Please...

"Matagal na siyang may sakit. Even before nang makasal kayo. He...He's not getting any treatment nang bumalik siya sa America noon just because he was so heartbroken kahit hindi niya aminin. That foolish guy wants to die nang walang nakakaalam. I so damn hated him for telling me not to tell anyone about this."

Alam kong kahit si Tamara...umiiyak na rin base sa boses nito. We're both mess up right now.

"And—And when the two of you got married, I thought magbabago na ang lahat. Yes, he receives medications but not the right treatment he badly needs. It's like...a band aid one. Parang hindi siya natatakot mawala. Kaahit kasama ka na niya, it is as if kampante siyang may mag-aalaga sa 'yo kapag nawala siya so why bother to have surgery and all, right?" She shook her head. "I begged him na sabihin sa 'yo dahil I know you will not let him do this to himself, but he told me na kailangan kong umalis kapag ginawa ko 'yun."

"You stayed..." I looked at her. She's still crying in silence.

"Yes. Not because I can't live without him, but because I know that no one would take care of him if I am not around, not even himself." Tamara turned to me. "How fucked up is that, right? Mas inuuna ka niya, sila, 'yung iba – kayong lahat, bago siya. Always before him. Huli lagi siya."

"He is so stupid," I softly said. "Very stupid..."

"He is."

"And I deserve to be in that room..." I looked at the operating room. "Not him. My life, hot his."

"And put all his sacrifices in vain?"

I turned my head to her.

"Then you're stupider than him. All these sacrifices he made are for you to live. If you can't see that, then you're really stupid, Adeline--"

"James Martinez relatives???"

Sabay kaming napatayo ni Tamara nang marinig namin 'yung nagsalita. I don't know who this guy is but all I wanted was for him to tell me good news.

I stepped forward and said, "I am his wife."

He focused on me and nodded. "Your husband survived, you can breathe now, Mrs. Martinez."

"Oh—Thank God. Thank you!"

"But he needs to stay in ICU for a complete observation of his condition. Unfortunately, though I still don't know his complete medical records, I'm seeing that he needs a heart transplant as soon as possible. He was lucky enough to survive this cardiac arrest, but I can't promise that his luck will last if he'll delay things regarding his heart. But all in all, we can still reverse this. The question now is – when?"

And I know at that moment...

God heard me. He is real and alive. He gave me a chance...

The thing that was left now was to fulfill my promise.

I promise... I'll make this right. I will, I promise!

*********************

JARRET

Umaga na nang makita ko ang sandamakmak na missed calls at texts galing kay Rey, Celine, at Ryder. Kahit nakainum ako, alam kong nasa ibang hotel ako nakatulog. Pinili kong 'wag bumalik sa hotel namin ni Rey dahil alam kong nandun din si Celine at tatanungin lang nila 'ko sa mga nangyari.

Hindi pa 'ko handang magkuwento.

Pero nang makita ko ang unang text na galing kay Ryder, minura ko ang sarili ko sa paglalasing ko kagabi dahilan para hindi kaagad nabasa ang texts o nasagot ang mga tawag nila.

RYDER: JARRET ANOBA!? WLA K N B TLGA PAKI !?? HHYAAN MO NA C KUYA? PUMUNTA K N RITO S OSPITAL.. PAPUNTA N RIN CNA LOLO. I DON'T THINK KKYANIN KONG MAG-ISA. PLS. KUYA. JAMES IS SICK. TERRIBLY SICK.

At sa mga naunang text ni Rey...

REY: NASA'N KA, PRE!?? INATAKE SA PUSO SI JAMES!

Pagkabasa ko non, nahimasmasan kaagad ako at napabangon. Nagmamadali akong umalis ng hotel at saka tinawagan si Ryder pero hindi 'to sumagot. Sunod kong tinawagan si Rey na sa unang ring palang, sumagot kaagad.

"REY! SA'N DINALA SI JAMES?!"

"Sa St. Peter Medical Hospital. Sa'n ka—."

Pinatay ko na agad ang tawag at saka pumara ng taxi.

"St. Peter Medical Hospital. Pakibilisan!"

"Okay, Boss."

Alam ko, hindi ako perpektong tao. Kakaisip ko lang na gusto kong patayin ang taong kumupkop sa 'kin dahil sa kabalbalan niyang ginawa sa buhay naming tatlo nina Adeline at James, pero nagdasal pa rin ako. Nagdasal ako dahil sabi nila...walang paki ang Diyos kung gaano kalaki ang kasalanan ng tao na lalapit sa kaniya.

Naglakas loob ako dahil alam kong wala na 'kong ibang aasahan...

Hindi ako mabuting tao. Marami akong naging maling desisyon na alam kong hindi ka sumang-ayon. Pero kung totoong patas kang Diyos, buhayin mo si James! Buhayin mo siya, please naman! Kung may mamamatay, ako na lang! Wag na siya! Wala na 'kong takot. Naririnig mo ba!? Wala na... Wala akong iiwan na hindi sisisihin ang sarili niya sa pagkawala ko. Pero si James, kapag nawala siya – si Adeline... Hindi kakayanin ni Adeline. Kailangan mong iligtas ang kapatid ko.

Wala akong alam sa tamang pagdadasal. Pero sana...walang mali o tamang paraan sa Diyos.

"Nandito na tayo, Sir."

Mabilis kong binayaran 'yung driver at saka dali-daling bumaba ng taxi. Tumakbo ako papasok ng ospital at agad na tinanong ang kuwarto ni James. Nang sabihin nitong nasa ICU, nakahinga man ako dahil sa buhay siya, hindi ko pa rin matanggap na nangyayari 'to sa kaniya.

At nang malapit na 'ko sa ICU, nakita kong may ibang taong nakatayo sa labas ng kuwarto ni James. Nang mas makalapit ako, bukod kay Rey, alam kong si Trace, Andy at Dare ang mga 'yon.

"Jarret!" tawag ni Rey.

Sabay-sabay na lumingon sa 'kin ang iba pa. Sa mga reaksyon nila, halatang hindi alam nung dalawang lalaki na nandito ako. Mukhang hindi naman nagulat si Andy na malamang ay nasabihan na noon ni Adeline.

Nang makalapit ako...

"Kumusta si Jam—."

Hindi pa 'ko natatapos magsalita nang bigla akong tabigin ni Trace nang malakas palayo dahilan para mapaatras ako. Puno ng pag-aakusa ang mga mata nito na hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon kung pa'no ko haharapin sila sa mga nangyari noon.

"Ang lakas naman ng loob mo, 'no!? Talagang nagpakita ka pa rito?! Wow. Ang kapal!"

"Trace, that's enough," saway ni Andy. "He's James' brother."

Tumingin si Trace kay Andy sandali at saka bumalik sa 'kin.

"Ah, oo nga pala, 'no? Buti si James naalala mo, e si Adeline? Tingin mo ba nakalimutan na namin 'yung ginawa mong panggag*go sa kaniya? Tingin mo nabura na lahat 'yon after five years?!"

Hindi ako nagsalita. Wala akong ibang masasabi o maikakatwiran dahil wala sa 'kin ang desisyon na sabihin ang totoo, na kay Adeline lahat. Hindi ko na rin naman hinahangad na kunin ang simpatya nila.

"Sandali lang, pareng Trace. Wag tayo mag-away-away dito sa labas ng kuwarto ni James," mahinang paalala ni Rey. "Saka...hindi naman pumunta si Jarret dito para makipag-away." Tumingin sa 'kin si Rey. "'Di ba?"

Walang halaga kahit ano pang isipin nila tungkol sa 'kin, ang mahalaga ay alam na ni Adeline ang totoo.

"Gusto kong malaman ang kondisyon ng kapatid ko kaya pumunta ako rito," diretsong sabi ko.

"Tch!" Natawa si Trace. "All this time, 'yan lang masasabi mo sa 'min. Ni-ha, ni-ho, wala kang paramdam. And wait up!? Akala ko bumalik ka na sa lungga mo? Wag mo sabihing sinundan mo sina Adeline dito??? Teka? 'Wag mong sabihing binibilog mo na naman ang ulo niya—."

"Wala kong intensyong manggulo, Trace, okay? Aalis na talaga ako pero humantong sa ganito."

"E 'di sana hindi ka na nagpakita. Bakit bumalik-balik ka pa kase?!"

Lumapit sa 'min si Dare. Gano'n pa rin siya. Malaking tao pero mahinahon.

"Tama na 'yan, Trace. Nasa ospital tayo," singit ni Dare. "At labas na tayo sa problema nila. Wag tayong makialam."

Biglang lumingon sa kaniya ni si Trace. "Excuse me? Makialam???"

"Tama na 'yan, ano ba?" saway ni Andy.

"May sarili ng pag-iisip tayong lahat," sagot ni Dare na halatang naiinis na rin sa pag-uusap na 'to. "Hindi na natin hawak desisyon ng isa't isa. Ang mali nila, mali nila. Hindi dapat tayo makigulo dahil 'di tayo nakakatulong sa kanila. 'Di mo ba 'yon maintindihan?"

"So, nanggugulo ako? Gano'n ba gusto mong palabasin?"

This time, silang dalawa na ni Trace at Dare ang magkaharap. Agad namang pumagitna sa dalawa si Andy. Tulad noon...siya pa rin ang gigitna sa 'ming lahat na parang players pa rin niya.

"Ano ba 'yan?! Nag-aaway na ba kayo? Para kayong mga bata, ah? Hindi kayo masaway."

"Pagsabihan mo 'yang boyfriend mo, Andy," paalala ni Trace habang nakatitig pa rin kay Dare. "Kung siya walang pakialam sa nangyayari, pwes hindi ako." Tumingin siya sa 'kin sandali. "Dahil kung may sisira sa buhay ng kaibigan ko, hindi ko kayang tumingin lang tulad niya."

Umismik lang si Dare sa huling sinabi ni Trace pero halatang nagtitimpi.

"Hindi ko sinabing mawalan ka ng pakialam. Pero ang magalit ka on behalf of Adeline – imbes na makatulong ka, makakadagdag ka lang sa problema. Dadagdag ka sa iintindihin niya."

"So, what? Kinakampihan n'yo pa'ng siraulong 'to!?" sabi niya sabay duro sa 'kin. "Baka nakakalimutan n'yong iniwan ng gag*ng 'to si Adeline habang buntis siya kay Andrea?"

"Trace, ano ba?! Ssshh! Baka may makarinig sa 'yo—." Saway ni Andy.

So, alam pala nilang ako ang totoong tatay ni Andrea. At malamang, ang alam din nila ay iniwan ko si Adeline noon.

Tumingin si Trace sa 'kin. Halatang hindi magpapapigil. "Alam mong tawag sa 'yo? Duwag. Napakalaki mong duwag. Wala kang karapatan kahit kumustahin si James dahil sa totoo lang, kahit sabihin mong magkapatid kayo – napakalayo ng pagkatao niya sa 'yo." Tumingin siya kina Andy.

"Kung kaya n'yong sikmurain na nandito 'to, pwes ako hindi dahil—."

"What's happening here?"

Sa boses pa lang na narinig ko mula sa likuran, alam kong hindi pa natatapos ang kalbaryo nang pag-alis ko noon, nang mga kasinungalingang binuo ng taong 'yun. Hindi ko talaga magawang patawarin siya. Ni hindi ko siya magawnag tawaging tatay sa bigat ng kasalanang ginawa niya sa 'min.

"Jarret?"

Nang makarating sila sa tabi ko, kasama din ni Mr. Smith si Mrs. Smith. At tulad ni Trace, puno ng galit ang tingin ni Mr. Smith sa direksyon ko. Alam na rin kaya niyang anak ko si Andrea? Pero nang tumingin ako kay Mrs. Smith, at nang umiling ito na parang sinasabi na walang alam ang tatay ni Adeline, alam kong dapat ko ring paghandaan ang galit ng isang ama.

"I warned you before."

Hinawakan ni Mrs. Smith sa braso si Mr. Smith.

"Prince, tama na. Tapos na 'yun. At isa pa, hindi si Jarret ang dahilan bakit tayo nandito lahat ngayon." Tumingin siya sa 'ming lahat. "Kung lahat tayo magtuturuan ng mali, wala ng magiging katapusan 'to. Mabuti pa, kumalma kayong lahat. Kalimutan n'yo 'yang mga galit n'yo at ipagdsal n'yo si James. Walang mabuting mangyayari kung mag-aaway-away tayo rito. Hindi kayo makakatulong kina Adeline ng ganyan." Tumingin sa 'kin si Mrs. Smith. "Alam mo na bang nangyari sa kapatid mo?"

Tumungo ako. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa nanay ni Adeline kahit alam kong hindi ko ginusto ang mga nangyari sa 'ming dalawa.

"Inatake raw po siya sa puso."

"Tsk!" Napabuntong-hininga si Mrs. Smith. "Wala man lang nagsabi sa inyo ng kondisyon ni James?" Nakita kong bumitaw ito kay Mr. Smith at saka lumapit sa 'kin. "Hindi ka pa rin naman makakapasok sa loob dahil isang bisita lang ang pwede at alam mo na kung sino ang nando'n."

Tumango ako. Si Adeline.

"Tara muna. Tingin ko ako lang ang pwedeng kumausap sa 'yo ngayon."

"But, Rhian?" pagtutol ni Mr. Smith.

Lumingon sa kaniya si Mrs. Smith at saka ngumiti. "You know me."

"Hssh!"

Kahit hindi ko alam ang ibig nilang sabihin, gumaang pa rin ng bahagya ang dibdib ko nang samahan ako ni Mrs. Smith palayo do'n. Tahimik kaming naglakad at sumunod lang ako kung sa'n man niya gustong pumunta. Sa totoo lang, noong maayos pa kami ni Adeline – iniisip ko na walang papantay sa kabaitan ni Mrs. Smith. At ngayon nga, sa kabila ng lahat, hindi pa rin nagbabago ang tingin kong 'yun.

Nang makarating kami sa cafeteria ng ospital, sinabi ni Mrs. Smith na may kukunin lang siya sandali. Habang wala siya, kung ano-anong pumasok sa isipan ko. Pa'no kung dahil dito sisihin ako ni Adeline? Kung hindi na lang sana niya nalaman ang lahat, kung hindi siya pumunta sa 'kin kagabi, baka hindi nangyari kay James 'yun.

Ako nga kaya ang may kasalanan dito?

Bago pa 'ko makapag-isip ng isasagot ko, nanakaw ang isipan ko sa naamoy kong kape. Hindi ko na namalayang naglapag na pala ng mug ng kape si Mrs. Smith sa harapan ko. Paupo na siya sa kabilang upuan nang tumingin ako sa kaniya. Ngumiti ito tulad nang mga ngiti niya dati nang magkasama pa kami ni Adeline.

"I think kailangan mo niyan, right? Wala atang nakapansin na uminum ka kagabi at siguradong hindi lang isang bote ang inubos mo."

Napaiwas ako ng tingin dito at saka tumungo.

"Drink it, Jarret. Sige na. You'll feel better kahit konti."

Habang iniisip ko kung bakit mabuti ang pakikitungo ni Mrs. Smith sa 'kin sa kabila nang maaaring alam niyang ginawa kong mali kay Adeline, kusa na lang pumatak ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko...ngayon ko lang naramdaman ang pagod, ang hirap, ang sama ng mga pangyayari sa buhay ko.

Pinahid ko kaagad ang mga luhang 'yun at saka ininum ang kape ko.

"Kumusta ka naman? Ang tagal mo ring nawala, ano?"

Hindi ako makatingin nang diretso rito pero sumagot pa rin.

"Sorry po sa mga nangyari."

Hindi kaagad sumagot si Mrs. Smith, kaya pakiramdam ko – baka ngayon ko pa lang maririnig ang galit niya sa 'kin. Pero mukhang nagkamali rin ako...

"I'm sorry din at humantong kayo sa ganito nina Adeline," mahinahong sabi niya.

Tumingin ako nang diretso kay Mrs. Smith, lumungkot ang mga mata nito kumpara kanina.

"Kung sana lang mas naging malakas kami bilang matatanda kaysa sa inyo, baka hindi sana nangyari ang mga 'to. Baka napigilan naming magkamali kayo o manakawan kayo ng pagkakataon. Kaya, sorry din, Jarret."

"Wala po kayong kasalanan." Pero ang kapatid n'yo, siya lahat ang dapat sisisihin dito. "Pangako po, masiguro ko lang pong magiging ayos na si James, aalis na 'ko. Hindi po ako manggugulo sa kanila. At... Hindi na rin po kailangan malaman ni Andrea kung sino talaga ako kung 'yun po ang makakabuti sa lahat. Kuntento na po akong magiging maayos silang tatlo na magkakasama."

At 'yun ang totoo.

"Hindi mo ba gustong makasama si Andrea?"

At parang may pumiga ng puso ko sa tanong na 'yun. Halos mabali ang mga daliri ko sa higpit nang pagkakasara ng mga kamay ko. Gustuhin ko mang sabihing ayos lang sa 'kin, alam kong lalamunin ako ng kunsensya ko dahil hindi 'yun ang tama at totoong nasa puso ko.

"G-Gustong-gusto po." Napalunok ako para alisin ang pagbabadya ng muling pagluha ko. "Pero para...tanggalin 'yon sa kapatid ko na nagsakrapisyo para sa kanila, makakabuting hindi na lang po. Ang makita lang po ako dito, nagkakagulo na – ano pa po kung magtagal ako sa buhay ni Andrea? 'Wag na lang..."

Napatingin si Mrs. Smith sa tatay na naglalakad at may kargang baby.

"Nasasabi mo lang 'yan ngayon kasi hindi ka pa niya tinatawag na tatay o daddy o kaya papa." Tumingin sa 'kin si Mrs. Smith. "Pero sa oras na tawagin ka na niya ng gano'n, Jarret, hinding-hindi mo na masasabihing ayos lang na iwan mo siya."

At ayoko ng hintayin ang oras na 'yun dahil natatakot ako...

Natatakot akong baka hindi ko bitiwan ang kamay ng anak ko. Baka hindi ko kayaning iwan siya at lumaking malayo sa 'kin.

"Bakit n'yo po ba sinasabi sa 'kin 'yan? 'Di ba po dapat magalit kayo sa 'kin? Iniwan ko si Adeline habang buntis siya. Pinabayaan ko sila. Pero bakit—."

"Tatanungin kita ngayon, Jarret. Ang gusto ko e 'yung totoo lang." Sumeryoso ang boses niya habang nakatitig sa 'kin. "Iniwan mo ba talaga si Adeline noon dahil nabuntis mo siya?"

Hindi ako makapagsalita. Wala pa kaming usapan ni Adeline kung sasabihin ba namin sa iba o hindi—.

"Oo o hindi?" desedidong tanong nito. "Isang totoong sagot lang, Jarret. I think I deserve that as someone who prayed so hard para umayos ang anak ko na halos mawala sa 'min noon nang mawala ka."

Sa itsura ng mga tingin ni Mrs. Smith, at bilang unang tao na nagtanong sa 'kin kung ano nga ba ang totoo, tama siya, she really deserves to know.

"Hindi po. Hindi ko po intensyon na iwan siya."

Tumango si Mrs. Smith pero hindi inalis ang tingin sa 'kin.

"I see. Thank you." Ngumiti ito nang bahagya. "Now you have an ally to make this right."

"Po?"

"I'm not saying that I want you back sa buhay ni Adeline. No. Hindi 'yun dahil alam kong alam mo na hindi na pwede. She is your brother's wife now. Technically, your sister-in-law."

Alam kong sinasabi 'yan ni Mrs. Smith hindi para pasakitan ako kundi para ipaalala lang sa 'kin ang katotoohanan, ang tama.

"Ang gusto ko ay bumalik ka sa buhay ni Andrea. I know Adeline and James won't take that right away from you."

"Pero bakit n'yo po ko tutulungan?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course, it's the right thing to do, Jarret. What else do you expect me to do? Just promise me one thing."

Hindi ako nagsalita para pakinggan ang sasabihin niya.

"Si Andrea lang ang pwede mong balikan ngayon. Siya na lang."

Hindi si Adeline. Hindi na si Adeline...

"Alam ko po. Makakaasa kayo."

*****************

ADELINE

James was still sleeping nang lumabas ako ng room niya. Kanina, nagising siya sandali pero hindi nakapagsalita. Mabilis din siyang nakatulog. I think he's still tired after niyang i-revive for almost twenty minutes kanina. Ayoko sanang lumabas pero tapos na ang time for visitation. Dito na lang ako sa labas ng kuwarto niya pwedeng magbantay sa ngayon.

Ayos na rin siguro dahil I have to make a call din kay Susan to ask about Andrea. Pinauwi ko na kasi sila so they can rest. And besides, I don't want my daughter to worry too much.

There's nothing to worry about... James will recover.

I was about to make a call habang palabas ng room nang makita kong nakatayo lahat sila dito. My friends and Dad. Dumating sila nang magkakahiwalay last night and today. Wendy will be late dahil may kailangan siyang puntahan na matagal ng naka-schedule. I told her it's okay if she can't come, and same with Tyler and Lilian na nasa honeymoon pa nila. They don't need to come here lahat dahil James will recover soon naman. He will... He will recover. I know, he will.

"Tay?" Then tumingin ako kina Trace na pareparehas na hindi maganda ang mga expression ng mga mukha. "Did something happen?"

"Nothing," naunang sagot ni Tatay. Lumapit siya sa 'kin. "How's James?"

I am not convinced dahil I feel the tension nang lumabas ako.

"Really, Tay. May nangyari ba?" Tatay sighed defeatedly. "What?" I asked.

"Someone's here."

Someone?

"Who?"

But even before he can answer me, I heard someone's voice na ngayon ko lang ulit narinig. And I'm not even excited to hear it. I despise it, to be exact!

"So, everyone's here – I guess? We're late, Dad."

Lumingon ako to face him - James' Dad and my uncle. Albert Martinez. Kasama niya si Lolo but this won't stop me from voicing what's on my head right now.

"You're not welcome here," I said directly to him.

"Adeline?!" Tatay's dismayed voice said. "I know you're stressed out but you should apologize to your uncle."

I glanced at Tatay. "Apologize?" I exclaimed and look back to him again. I can't even say na uncle ko siya. I'm disgusted to even think na may same blood kaming dumadaloy sa katawan ko. "You don't have any idea, Tay, kung ano'ng ginawa niya sa buhay ko – sa buhay naming lahat."

"N'yo?—Teka, ano ba'ng nangyayari, Adeline?" Tatay asked. "Albert? What is this?"

He shook his head as if I'm talking non-sense here. Hindi man lang siya nagugulat na alam ko nang lahat. What kind of person is this? Tumingin ako kay Lolo.

"Did you already know, Lo, kung ano'ng—Kung—." I stopped in attempt to calm myself but I can't. I feel suffocated all of a sudden na kung 'di ako makakapagsalita, sasabog ako ng sobra-sobra. "Kung ano'ng ginawa niya?! This selfish bastard is killing us three hanggang ngayon!"

I yelled while pointing at him. Naramdaman kong hinawakan ako ni Tatay to stop me but I didn't let him. My pain and rage hit their peak now! How can I calm down if my life is collapsing once again!? Seeing Jarret's defeated eyes for he cannot do anything now for the lost times! Seeing James' unmoving body inside his room for he has sacrificed his life to save me na hindi naman dapat nangyari noon!

And seeing my own life na hindi ko na rin alam ang dapat gawin to make everything right para sa 'ming tatlo dahil time and chances are now limited! This is all because of one man's selfishness and greed!

I looked at him and pointed my finger at him.

"YOU'RE A SELF-MADE UNASHAMED MURDERER!"

"ADELINE! STOP!" Dad pulled me to him. "Tell me what's happening! Now! Or I swear—."

"Obviously, your daughter is overreacting," he answered.

OVERREACTING???

"HAH! You tried to kill Jarret! You messed up my life and my daughter's life!" I yelled as I pointed to myself, and then I pointed to James' room. "You ruined James' life! And now I'm overreacting!? OVERREACTING FOR GOODNESS' SAKE!" I caught my breath and then said, "You know what!!? YOU'RE A DEVIL PRETENDING TO BE HUMAN!!!"

I shoved him away from where he was. I can't even think straight now because of all truths na naalala kong sinabi ni James sa 'kin last night. I pointed to James' room once again and added, "You should be the one who's lying inside that door and not my husband! Not James! NOT JAMES! YOU! YOU!!!" I pushed him again.

A pair of hands grabbed me para ilayo ako sa kaniya for I still continuously pushing him.

"STOP! ADELINE!"

"Adeline, tama na!"

I looked at Trace and Tatay na may hawak sa 'kin while I was bawling in tears.

"No, Tay! Trace! He ruined our lives! H-Hindi mangyayari 'to kung hindi siya nakialam sa buhay namin!" Then I looked at him again. "GET AWAY FROM HERE! I DON'T WANT YOU TO GET NEAR MY HUSBAND, EVER AGAIN! GO AWAY!!!"

"Albert—."

"Dad. I have all the rights to see my son."

"SON!? He's not your son! He's your puppet! You have no sons! Not even one! You don't deserve to be called a father!"

Tumalim ang tingin niya sa 'kin, and I know I hit a nerve. But that's not enough for me! I want him to bleed, too, like what he did to Jarret! I want him to be in pain, too, just like James right now! I want him to be lost and helpless, too, like me! I want him to be clueless about what's happening, too, like my daughter!

Gusto kog maramdaman niya lahat ng hirap at sakit na naramdaman at nararamdaman namin ngayon.

"I don't fcking know what James saw in you," he said in disgust.

That's the time na bumitaw si Dad sa 'kin to confront him kung 'di lang siya napigilan ni Dare.

"What did you just say to my daughter!?"

"Albert! Stop this now! Just go," narinig kong utos ni Lolo sa kaniya "Umalis na tayo sabi!"

"Why, Dad? Kinakampihan mo sila? Why would I go???" Then he looked at my father. "Let's be honest here. Your daughter ruined James' life. Haven't you known the sacrifices he made for your pregnant daughter before they got married!?"

"What?" Dad was taken aback. "What are you trying to say!?"

Tumingin ako kay Tatay pero I know that I cannot stop this now. I have no intention of hiding it anymore. I'm tired of hiding it. Consequences be damned!

"So, you don't know it? Huh! I'm not even surprised because your daughter is the biggest manipulator here. Pretending to be the victim all the time. Well - She coerced my son into marrying her to pretend that he's the father of her bastard daught—AH!"

And everything went fast.

Sinuntok siya ni Tatay bago pa siya matapos magsalita. Agad na bumitaw sa 'kin si Trace at sabay nila ni Dare na pinigilan si Tatay sa tangka pa nitong pagtulak dito. At sa pagkakataong 'yun, nakita ko siya na tumatakbo palapit sa 'min.

Jarret is here.

Nasa likod niyang humahangos din ng pagtakbo si Nanay. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Nang makalapit si Jarret, agad niyang nilayo ang ugat ng lahat ng gulo kay Tatay.

"Of all people—LET GO OF ME!" sigaw niya kay Jarret pero hindi siya nito binitawan.

"Apo, tara na sa labas," pag-aaya ni Lolo.

Tumango lang si Jarret as his response. He looks like someone na walang pahinga. He's also wearing the same shirt last night nang magkita kami.

"I am not leaving here—stop dragging me!"

"Kung may natitira ka pang hiya, umalis na tayo," Jarret said to his ex-father.

Pilit siyang hinihila ni Jarret palayo sa 'min hanggang sa unti-unti silang makalapit ng fire exit para doon lumabas. Napatingin sa 'kin si Lolo pero hindi ko magawang magsalita. Puno ng lungkot ang mga mata niya. Sorry, Lolo.

Lumapit kaagad si Nanay kay Tatay na gusto pa ring sumugod.

"Prince! Tama na! Ano bang nangyayari rito???"

"I don't have a damn idea!" Umalis si Tatay sa pagkakahawak sa kaniya nina Trace. Tumingin siya sa 'min. "Can somebody fill me in so I can understand what the hell is really happening right in front of my eyes!?" Tumingin si Tatay kay Nanay. "Do you know anything about this, Rhian? Ano'ng sinasabi ng kapatid mong pregnant na ang anak natin bago sila magpakasal ni James!? What the heck is this!? Bakit parang ako lang ang nagulat dito!?"

And at that moment, I feel sick. I feel like I have to throw up. I feel like screaming. I'm having this bad headache, I can't even think straight. Andy went to my rescue nang mapahawak na 'ko sa pader.

"Bakit? Ano'ng pakiramdam mo???"

Habang nakatakip ako sa bibig ko... "C.R."

"Okay. Okay."

At kasabay nun ang pagdating ng dalawang nurses at security galing elevator. Habang nangyayari 'yun, naglakad ako habang inaalalayan ni Andy. I feel weak dahil kagabi pa 'kong walang kinakain o iniinum na kahit ano.

Hinila ni Nanay si Tatay palayo sa kuwarto at sa ibang tao habang sina Trace at Dare naman ang kumausap sa security na dumating.

The truth is, I'm so tired of this. Ayoko ng intindihin lahat.

Ang kailangan ko na lang ay gumaling si James kaagad. He's my solace, my safe haven.

******************

LOLO

"Hayaan mo muna siya," sinabi ko sa 'king apo nang tangka niyang habulin si Albert ma umalis na lulan ng sasakyan nito. "Hindi rin kayo magkakausap nang maayos."

Nandito kami sa carpark. Sa mga nangyari kanina, alam kong walang kakahantungang maganda kung magsasalita ako sa kaniya ngayon. Nang marinig ko ang naging pag-uusap nila noon ni James sa bahay at nalaman ko nang bahagya ang mga ginawang masama ni Albert, aaminin kong hindi ko matanggap ang lahat ng iyon.

Paanong ang sarili kong anak ay gagawa ng mga bagay na ikakasira ng buhay ng mga apo ko?

Hindi ko magawang kausapin si Albert dahil pilit kong pinagsisinungalingan ang utak ko na hindi totoo ang lahat. Nagmaang-maangan ako habang kaharap si Albert. Umaasang panaginip ang lahat.

Bakit ngayon pa kung kailan ang kulang na lang sa buhay ko ay kapahingahan? Ngunit nang makita ko ang apo kong si Adeline, para akong sinilaban ng apoy.

Hindi ko na kayang magmaangmaangan pa. Tumingin ako kay Jarret na tulala lang sa mga oras na ito sa direksyong dinaanan ng sasakyan ni Albert.

"Jarret, apo."

Hinawakan ko siya sa kaniyang braso para tumingin ito sa 'kin.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

Hindi ito makatingin sa 'kin. Habang pinagmamasdan ko siya, alam kong ang dami kong dapat ihingi ng tawad sa kaniya, sa kanilang tatlo.

"Saka na lang po, Lo. Pasensya na. Gusto ko munang tingnan si James."

Tumango ako sa sagot nito. Naiintindihan ko.

Pero bago kami maghiwalay ulit ng apo kong ngayon ko lang muli nakita, hindi ako makakapayag na wala akong sabihin sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Jarret ng sa gayon ay tumingin siya sa 'kin nang diretso.

"Alam mong mahal kita, apo, hindi ba? Kahit ano'ng...kahit ano'ng ginawa pa ni Albert – hindi nun mababago ang pagmamahal ko sa inyong tatlo nina James at Ryder. Hindi ko kayo kadugong tatlo pero sa puso ko at isip ko, dugo't laman ko kayong lahat."

Hinigpitan ko ang kapit sa mga braso niya. Sinusubok na pigilang 'wag lumuha sa harapan ng apo ko. Kailangan kong maging matatag sa harapan niya. Mas mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon.

"Sa pagkukulang ko. Sa inalis naming pribilehiyo n'yong mabuhay nang maayos at sa sapilitang binigay namin sa inyo nang hindi tinatanong kung gusto n'yo ba 'yun o hindi. Mapapatawad n'yo pa kaya akong tatlo?"

Walang sabi-sabing hinawakan nito ang mga kamay ko saka inalis sa braso niya.

"Lo, wala kayong dapat ihingi ng tawad sa 'ming tatlo. Alam kong kahit wala dito 'yung dalawa, ganun din ang sasabihin nila."

Umiling ako. "Marami, Jarret. Marami kaming kasalanan. I don't think ang pag-udyok ko kay Albert na kunin kayong tatlo noon e nakabuti sa inyo ngayon. Looking at you now, also at James, and even si Ryder – I failed all of you. I'm sorry, apo. I'm truly sorry."

Napatungo ako sa hiya. Wala akong idea kung pa'no 'ko itatama ang maling nangyari sa kanilang tatlo maging sa buhay ni Adeline at ng anak niyang si Andrea.

"I thought everything is going fine, but I'm wrong. I didn't know that our selfish ambition to have heirs ang papatay sa inyong tatlo – physically and emotionally." I shook my head. "Oh, God. Pati si Adeline at kaapuapuhan ko... Pati sila nadamay. Pa'no ko haharapin si Rhian ngayon? Baka magsisi siyang hinanap niya pa 'ko."

"Ano ba kayo? Hindi mangyayari 'yan, Lo. At kung may dapat mang magsisi ngayon, hindi kayo 'yun. Pasensya na, Lo, pero kahit sabihin ang pangalan ng taong 'yun e hindi ko magawa. Hinihiling ko na lang talaga na hindi ganito ang nararamdaman ni Adeline ngayon. Siya'ng pinakanahihirapan ngayon."

I shook my head in defeat.

"Galit na galit siya kanina, apo. Galit siya para sa inyong tatlo nina James."

Tumango lamang si Jarret kahit na alam kong...may pagtingin pa siya sa apo kong 'yun.

Silang tatlo na sana ay mas masaya at maganda ang buhay kung 'di lang kami nanghimasok sa kanila simula pa nung una. Dahil sa 'min, nabahiran ng galit at lungkot ang pagmamahal na dapat meron sila. Simula pagkabata hanggang ngayon, sa amin ni Albert nag-uugat ang lahat ng paghihirap nilang tatlo,

Tulungan ako ng Diyos, makaya ko sanang dalhin sa parusa ang sarili kong anak na ako rin ang dahilan sa lahat ng maling desisyon niya sa buhay.

********************

WENDY

"You know all of this?"

I sighed. With Trace' furious tone, I know that this talk will not end clean. Kararating ko lang dito sa hospital where James was confined. Hindi ko pa nakikita si Adeline for it's Trace that I really intend to meet first. I want to know everything bago ko i-meet si Adeline so I won't appear ignorant and smartass again, If you know what I mean.

And when he told me everything na nangyari kanina, which is very different sa in-expect kong ibabalita niya, nasabi ko na lang na I knew from the very start that Jarret is seeing Adeline and Andrea in the resort. I did not expect him to look so betrayed and mad after I said that.

"Yes, I know. Why?"

He walked right and left as if his pants were on fire right now.

"What's the problem, Trace? Why are you—."

He stopped and then he looked at me.

"Dapat sinabi mo sa 'kin agad," he demanded. "E 'di sana naalis ko 'yung isang 'yun do'n. Siguradong dumagdag pa siya sa problema ni Adeline. Tapos ito pa."

"Oh? Hindi ba ikaw ang dumadagdag sa problem ni Adeline ngayon?"

"What?"

I smirked and sat down. We're here outside the hospital near the carpark area.

"Ano'ng sinasabi mo diyan?" he asked. "Ano'ng ako? Pa'nong naging ako?"

I crossed my arms and looked intently at him.

"You know what, Trace? You're dipping your nose too much into someone else's business - again. I mean...Adeline's business. Masyado kang affected sa kanila."

"Anak ng—parang narinig ko na kay Dare 'yan, ah," he said as he placed his both hands on his hips.

"Really? At least, Dare has more sense than you." I sighed and looked away from him. "I envy Andy all of a sudden."

"Ano kamo?"

I stood up to face him straight with my arms still crossed.

"Trace, I know that Adeline is your best friend – but can you please know your limitations? What I mean is - Adeline is too old for the babysitting abilities you usually do for her when we're still naïve and young. But now? She got a kid, for goodness' sake. Trust me, she knows what she was doing. And her meeting Jarret in the resort is like...what? A freaking destiny? If not coincidence."

"Bullsh*t."

"Is that all you can say now? Bullsh*t, really?" I rolled my eyes. "They needed that time to sort things out. It's not like they had an affair or something. Stop protecting her like you're still her knight in shining armour 'cause you're not, Trace."

"Kahit na. Sana sinabi mo man lang sa 'kin."

"For what reason? And besides, Adeline wants it to be kept secret. Kahit nga sa parents niya hindi alam e. And then ikaw, you're demanding me na dapat alam mo? Wow, Trace. Your level of loyalty is kinda annoying if not stalkish."

"Gano'n ba, Wendy? Are you saying that we'll keep secrets from each other after we get married?"

"My goodness, Trace! What's wrong with you!? Are you still in love with Adeline!?"

Fck!

I promised that I won't swear anymore but now he's pushing me to my limits. With frustration building inside my chest, I walked out from there dahil baka kung ano pang masabi ko sto that foolish guy. Seriously!? Ano bang pinuputok ng butsi ng isang 'yun?

Tch! I want to smack his head, to be honest.

"Wendy!"

He was already beside me, catching up.

"If you'll just argue with me, then leave me alone, okay? I'm so stressed out with these business deals na inasikaso ko before going here, so don't start with me, Trace. I'm telling you, the night is young for me to be pissed off."

He's walking side by side with me now.

"Fine, but stop—."

"Shut up," I responded.

"Ano ba, Wendy! Sabing—."

I stopped and faced him.

"End this, Trace, or I swear this night will go bloody red. I am so tired and pissed right now."

He did not speak. Nakatingin lang siya sa 'kin. I let him do that since it is his way to calm himself. He knew that one of us should cool down to have a sensible talk, and I'm damn sure that it's not me who will do that. He asked for it.

"Hiniling ni Adeline noon na kung dumating 'yung araw na bumalik si Jarret... Kapag bumalik na naman siya at subukang guluhin ang utak niya para makipagbalikan sa kaniya, gawin ko raw lahat para paalisin si Jarret. Alam niyang kapag nagkita sila, mahihirapan siyang tumanggi and we don't want that because she's with James already. That's why...that's why I am affected tulad ng sabi mo. I felt like I failed her as her bestfriend nang malaman kong nagkikita na pala sila sa resort."

Tch! Now he's using my own words to mock me. The nerve!

"Is that it?" I asked.

He nodded.

"Fine. Adeline asked you that before. But now? Do you think hindi ka niya tatawagan if she really likes you to take Jarret away nang magkita sila?"

"And that's because she can't—."

"She can't... That's what all of you trying to feed her mind. Hindi niya kaya kaya tutulungan n'yo siya. She became devastated, partly because she had a lot of people to turn to. You all wanted to help her in the sense that she had already forgotten to help herself. I know that you're her best friend. I do know that, Trace. But if you're her friend, stop giving her a hand each time she falls. Sometimes, we needed to stand on our own without someone helping us. Sometimes...all we need is someone to cheer for us from afar. That's what she did for me."

His face fell. I sighed and reached for his hand so we could continue walking papasok ng hospital.

"So, mali ako? All this time...akala ko tama 'tong ginagawa ko. Mali pa pala..."

I smirked. "Being wrong sometimes is not really a bad thing, Trace. This makes us human enough to accept it and make it right. I know...you just did that because you love Adeline."

He turned to me, ready to reason out, but I didn't let him. We continue walking hanggang sa makapasok ng elevator. He pressed five with his other hand.

"You love her as her bestfriend, I know, I know," I said while nodding. "I'm sorry if I asked you kung inlove ka pa sa kaniya. Tch! Ikaw naman kase... You were really pissing me off kanina."

"I know, and I'm sorry din. Nainis kasi ako nang i-compare mo 'ko kay Dare."

I looked at him and then shook my head.

"Man's ego..." I whispered. "It's damn endless..."

"Huh?"

"Wala. Just stay calm, Trace. I tell you, Adeline may look like she'll break anytime when rattled, but that will make her stronger. I mean, she's stronger right now more than any of us, to be honest. Just let her figure that out on her own. And us? We'll be here forever to keep an eye on her. But that's just that, Trace. We can't do things for her. It's her life. Not ours."

I smiled at him to cheer this knight up. He looks so guilty I want to laugh. But, of course, I did not. Let's admit it, I did worse before.

The elevator doors opened and we stepped outside. Hindi pa kami nakakalapit sa room ni James, we already saw these two sitting outside James's door. One seat apart and stares into the air as if they're both defeated by something. Obviously, they're silently talking.

Me and Trace stopped walking. We're both staring at them from afar.

I looked at Trace, waiting for what he'll do next. He's clearly thinking, too, kung ano'ng right move na gagawin niya.

After seconds of figuring it out, I heard him speak.

"Tara."

Then he tugged my hand as he turned his back from them. I just smiled on my own habang naglalakad kami pabalik sa elevator. Good thing, nagbukas kaagad 'yun when we pressed down.

When we got inside, I was expecting him to say something about those two but he didn't.

"Kumain ka na?" he asked.

"Mmm?" I looked at him in his reflection sa elevator door. "Not yet. I thought you'll never ask."

"Tch. Ikaw pa ba?"

"Yeah. Whatever—."

I stopped when he kissed me on my left cheek.

"Thank you," he said while staring at me in the elevator door.

No. Thank you...

I'm the one who's thankful here. If it's not because of him who supported me from afar, I wouldn't be here now. And I love where I am right now.

Trace draped his arm around my hips and asked...

"Gusto ko ng Japanese, ikaw?"

"Korean."

"Nak naman ng tinapa—oppa na naman nagwagi. Pa'no si senpai?"

"Whatever, Trace. Adeline loves Korean food, let's buy them dinner. What do you think?"

He didn't respond right away but when he did, the man's ego came to an end.

"Sure. Anything you want."

"Bolero."

Then he kissed me again, this time, on my ears as he whispered, "I'm the captain, remember?"

*******************

ADELINE

Pinabalik ko na sa Manila sina Nanay at Tatay nang maggabi na. I told them that I want to be alone here sa hospital. They didn't ask me about sa mga sinabi ko kaninang umaga when my uncle was here. Kahit na alam kong gustong-gusto magtanong ni Tatay, I am thankful that they honor my wish.

I'm just...tired. Dead tired.

Gusto ko na munang matahimik ang utak ko. Ayokong ma-obliga magpaliwanag sa kahit na sino. All I want to think about right now is James' fast recovery.

Tatay asked me kung gusto kong isama muna nila si Andrea sa Manila pero tumanggi ako. I don't want Andrea to be away from me. Knowing that she's near makes me sane and composed. She's my anchor right now, and won't let myself fall again because I have a daughter to think about.

So, I asked Ryder and Susan to look after her again. Sabi naman ng doctors, kapag umayos ang condition ni James tonight, pwede na siyang ilipat ng room tomorrow. And I know, mangyayari 'yun. Then Andrea can visit him more often at mababantayan ko na rin siya on my own.

Pinauwi ko na rin sina Andy and Dare. I know they're busy sa wedding preparations nila. No need to delay their schedule for us. I can do this on my own.

Hindi ko lang sigurado kung nasaan si Trace ngayon but I already told him na umuwi na rin. I need to do this alone. I have to.

I closed my eyes habang nakaupo ako rito sa labas ng room ni James.

Can this be a bad dream, afterall?

Pwede bang magising ako na bata nalang ulit ako? If I only knew that life is hard kapag matanda ka na, sana in-enjoy ko pa 'yung pagkabata ko noon. Oh, God. Kailan ba matatapos 'to?

"Adeline."

It's just my name that I heard but I already knew who it was. Binuksan ko ang mga mata ko at hindi nga 'ko nagkamali. He's standing several steps away from me. Nakapagpalit na rin ng damit like me na compare kaninang umaga, same clothes ang damit nang huli kaming magkita last night. I'm glad too kina Andy na kinuhanan muna ako ng gamit ko sa resort para magamit ko rito bago sila bumalik ng Manila.

Though I can't see my face, I know that I'm wearing the same expression he has right now habang nakatingin sa 'kin - exhausted but trying to still live.

"Jarret."

He didn't move. Hinihintay niya'ng desisyon ko. After everything na nangyari kanina, ang makita ang naguguluhang mukha nila sa mga nangyayari, I'm longing to be with someone who knows what I'm going through kahit hindi na 'ko magsalita.

I tilted my head to the empty seats beside me. Nakuha naman niya na he's welcome to join me kaya naglakad siya paupo sa pangalawang upuan mula sa 'kin.

We both looked straight, sa kawalan, thinking how are we going to do this.

Good thing, nauna na siyang nagsalita.

"Si James, kumusta na siya..?"

"I'm not sure kung pa'no ko sasagutin 'yan." I sighed. "Sabi kanina ng doktor, umaayos-ayos na pero it doesn't mean na pagaling na siya. Umaayos lang para mailabas na ng ICU, I guess. Hopefully bukas, mailipat na namin siya."

"Sabi sa 'kin ni Ryder...kailangan daw ng heart transplant?"

Pinaghawak ko ang kamay ko saka napalunok nalang to stop myself from tearing again. Tears is useless. It can't change anything.

"Yes. He badly needs it. But we have to see kung kakayanin niya. You know what I'm thinking right now? Hindi sana...hindi sana siguro aabot sa ganito kung naagapan ng right treatment noon. He was so busy taking care of me na kinalimutan niya 'yung sarili niya. Dapat kasi mas mabilis akong natauhan noon para wala siya dito ngayon. Hindi 'yung ganito... Wala akong magawa, it pains me a lot."

I won't cry. I won't cry again.

"I just want him na gumaling na. He doesn't deserve this, Jarret."

"Alam ko... Kaya nagagalit din ako na wala akong nagawa. Nang malaman kong may sakit siya noon, sana mas na-handle ko nang maayos ang sitwasyon. Baka hindi pa humantong sa ganito. O kaya...dapat hindi na pala 'ko bumalik dito. Pakiramdam ko kasi, ako'ng dahilan kaya nagkaganito siya."

His voice was trembling and stopping. It's hard for him, too. Hindi lang sa 'kin. We're both pointing the blame at ourselves.

"Ano'ng... Ano'ng gagawin natin?" I unconsciously asked.

I looked at him and he did the same. Our eyes were on the verge of crying but we were both stopping it. Crying won't help us now.

"Kailangang gumaling ni James. Kailangan nating kumbinsihin siya. Sinabi ni Ryder sa 'kin na sinabi sa kaniya ni Tamara na malamang, tatanggi si James magpa-heart transplant. Alam daw ni James na last option 'yun kapag lumala ang sakit niya at ayaw niyang mamatay habang inooperahan."

"He won't die! I would not let him to."

Kahit pigilin ko, to just think na mawawala si James, kusa ng pumatak ng mga luha ko.

"Hindi pwede..." Tumungo ako as I covered my face. "Hindi pwedeng mawala si James."

Just in front of him...

Just in front of him, I can be me again.

I know he'll understand. He would not judge or ask why am I being weak again.

He will be like the Jarret I know.

But unlike before who's waiting for his touch to soothe me, now I'm fine knowing that he's there watching over me. Just watching... Silently comforting me as I let my heart pour out.

"Hindi mawawala si James. I'll do my best to convince him. I'm sure, you and Andrea is enough para mapapayag ko siya. 'Wag ka na mag-alala, magiging ayos ang lahat."

It's so easy to trust his words...

So easy to let down my guard.

Inalis ko ang takip sa mukha ko at saka siya tiningnan.

"Thank you. Thank you, Jarret. And...I'm sorry, too."

He nodded and we both sat in silence once again. Tiwala ako sa kaniya ngayon hindi dahil siya pa rin ang lalaking laman ng puso ko.

No.

I trust him now because I respect him for being here and silently praying for his brother's recovery even if it means he will never have me back.

I trust him because he knows what real love means despite the pain he's going through on his own.

Wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon namin. We're not meant for each other. Our roads are in different directions now. We have to accept it and move on.

"Oh. Dinner n'yo."

Inangat ko'ng ulunan ko para tingnan kung sino 'yung nagsalita. Si Trace at Wendy. Kinabahan ako bigla because I'm sure Trace hate Jarret for what he knew na ginawa nito in the past. Wala pang nakakaalam ng buong katotohanan.

Tumayo ako kaagad nang mapatingin siya kay Jarret.

"Trace, you don't have to—."

"Kape," Trace said at saka niya inangat sa direction ni Jarret 'yung take-out coffees na hawak niya. "Pampagising."

Jarret stood up saka kinuha 'yun. I looked at Wendy after that.

"You both can eat in the cafeteria. Me and Trace will stay here while waiting for you two."

"But—."

Inabot ni Wendy sa kamay ko 'yung dala niyang Korean take-outs saka ako tinulak bahagya palayo.

"Go! Don't be foolish. James will be mad at us if he sees you starving yourself—."

She stopped nang yakapin ko siya.

"Thank you." She returned the hug and caressed my back. "Thank you sa inyo." Tiningnan ko si Trace.

Pinatong ni Trace sa ulunan ko 'yung kamay niya saka ginulo ang buhok ko.

"Don't worry, masyadong clingy 'yang si James sa 'yo. Bukas, lalambingin ka na niyan."

I smiled and nodded. "He will."

And then my eyes landed on Jarret. I expected disappointment in his eyes but, instead, I saw understanding and acceptance. He gave me a faint smile and then he nodded in approval.

At that point, I know everything will be alright.

********************

JAMES

I know I have survived when I felt Adeline's hand holding my hand the first time na magising ako. Unfortunately, I can't be able to speak that time. Mahirap huminga at hinihila ako sa pagtulog. The second time na magising ako, I tried to speak Andrea's name at naindihan naman ni Adeline ang sinabi ko.

There were tears in her eyes that I wanted to wipe out pero hindi ko magawa. She replied to me that Andrea's in the resort with Susan and Ryder.

Adeline wants to ask a lot of things but I'm so pissed at myself because I can't be able to answer any of them. She just held my hand instead and prayed. I got back to sleep as she did that.

When I woke up once again, I still saw her praying fervently beside me. Hindi na nga niya napansing nagising ako. Her eyes were closed habang nakahawak sa kamay ko. I want to ask why she was still here. Why is she praying for my recovery?

Why is she not with Jarret?

But I didn't ask.

The coward side of me was afraid na iwan na naman niya ko tulad nang huli kaming magkita.

And now that God answered Adeline's prayers...

I know na nasa ibang kuwarto na 'ko. No frustrating sounds of machine can be heard here inside compare sa ICU. Mas nakakahinga na rin ako nang maayos on my own without the help of oxygen mask.

Am I getting better?

I'd like to think so...

"James???"

Kahit na napapikit ulit ako, I know it's Adeline's voice. I felt her hands in my left hand as she squeezed them. Minulat ko'ng mga mata ko and I saw her clearly. Her eyes were glistening with unshed tears. Halatang nagpipigil na huwag umiyak.

I smiled at her and tried to touch her cheeks but I failed.

Masyadong nanghihina pa ang katawan ko to do that.

"It's fine, James. You need to rest pa and then you can restore strength after that." She wiped the tears in her eyes and smiled down at me. "I'm...I'm so happy you're looking at me like this again. Akala ko... Akala ko—."

"Why...?"

"Uh?"

It's hard to breathe pero pinilit ko pa rin bago ulit ako nagsalita.

"Why are you still...here? Where's Jarret?" I whispered.

Her forehead furrowed sa tanong ko.

"What are you saying? Of course, I am here. I am your wife, James."

"Yes, but—."

Bigla niyang binitawan ang kamay ko saka umayos ng tayo. With her furious expression, I know she'll breathe fire on me for what I just said to her.

"Is that how little you see me, James?"

"Adeline..."

"I told you that night, 'di ba? Ang sabi ko sa 'yo...babalik ako. Why don't you believe my words, James? Akala ko ba I am your wife. We're supposed to stick together for better and for worse."

"But Jarret..."

They're supposed to get back together. That's how it should be. I am not meant for her. I'm just...a roadblock for their happy ending.

"Jarret is outside."

"He is?"

Adeline nodded. "Yes, he is. And he wants you to recover very soon. He wants you to get back in our lives. Kami ni Andrea, James. We're your family, right? Are you abandoning us?"

"But..." I closed my eyes and tried to stop my tears from falling but I couldn't. "You love him."

She shook her head having those sad eyes.

"I love you, James. I love you more. And I'm sorry if you haven't realized it yet because I've done a poor job showing it. But, please, give me a chance to prove it."

I felt her hands once again.

"I need you. I need you to be with us again." Nang magmulat ako, it's her serious eyes that I saw first. "Ikaw ang gusto kong makasama, James. You. No one else."

And like any weak guy would do...

I cried in front of her. I'm not sure kung bakit ako umiiyak. Masaya ba 'ko? O malungkot? Happy because, finally, she needs me. Or I'm sad because I am not sure if I can still help her now in my current condition.

She wiped away my tears and then she cupped my face to kiss me.

"I need you, James. Me and Andrea need you. And I love you."

I nodded.

"I love both of you, too."

If this won't help me survive, I don't know what else could.

******************

JARRET

"I need you. I need you to be with us again. It is you that I want to be with me right now, James. You. It's you. No one else."

Dahan-dahan kong sinara ang pintuan saka humakbang paatras.

"Oh? Hindi na tayo papasok?" tanong ni Rey na nasa likuran ko.

Hindi na nga ba? Ewan ko, baka hindi na nga siguro. Kung gusto ko pang mabuhay, 'wag na lang nga.

"Jarret?"

"Tara na."

Naglakad ako papunta sa elevator habang tinatawag pa rin ako ni Rey.

Nang siniguro sa 'min ng doktor na pwede ng alisin sa ICU si James, hindi mapapagkaila na nakahinga kahit papa'no si Adeline nang maluwag. Sa sandaling nagkasama kami sa paghihintay na mabisita si James sa loob ng ICU, walang oras na hindi ko siya nakitang nagdadasal.

Hindi kami nag-uusap bukod sa unang gabi na dumating ako. Matapos no'n, napuno na ng tahimik na oras ang pagitan naming dalawa. Nagkikita sa mga mata pero hindi nag-uusap.

At mas pinili kong pagmasdan siya, suportahan, at kahit tulungan siya sa pagdadasal. Hindi man ako sigurado kung pasado pa ang pagdadasal ko, ginawa ko pa rin. Hindi naman siguro maarte ang Diyos sa mga dasal ng tao.

Dumating si Rey at Ryder para kamustahin kami at dalhan din ng pagkain. Wala namang gana si Adeline kumain pagtapos na mailipat si James sa kuwarto nito. Wala din kasi kaming mga tulog kaya natural lang 'yon.

Nagpakuha na lang siya ng kape kay Ryder. Habang ako naman, sinamahan ko 'tong si Rey na pumunta sa CR para mabigyan ng oras si Adeline mag-isa kasama si James.

Pero nang papasok na sana ako sa kuwarto, narinig ko mismo sa boses niya ang nag-selyo nang huminto ng koneksyon naming dalawa.

Masakit...pero kailangan kong tanggapin.

"Wala na talaga..." bulong ko habang nasa elevator kami.

"Ano 'yun, pre?" tanong ni Rey.

"Wala," sagot ko. "Pwede mo ba 'ko samahan sa resort?"

"Hindi na tayo babalik sa kwarto ni James?"

"Hindi na muna. Baka mamayang gabi na lang ako babalik."

"E bakit sa resort ka didiretso? Magpahinga ka muna sa hotel."

"Gusto ko lang..." Napabuntong-hininga ako. "Gusto ko lang sana makita si Andrea."

"TEKA! Nga pala!" Tiningnan ko siya nang masama sa lakas ng boses nito. "Hahaha! Sorry na. Medyo mainit ulo, pre?"

Lumabas kami ng elevator. Nandito na kami sa basement carpark area.

"Puyat ako, Rey."

"Sige. Sige. Pero..." Tumingin sa 'kin si Rey. "Totoo ba 'yung sinabi ni Pareng Trace nung isang araw? Ah... Ano... Ikaw 'yung... Ah... Bale... Kasi—."

Huminto ako sa paglalakad saka siya tiningnan.

"Babalian kita diyan, e."

"Sorry na. Yun nga. Ah... Ikaw 'yung totoong tatay ni Andrea?" bulong niya.

Hindi ko muna siya sinagot. Nakita ko 'yung sasakyan namin saka 'yun binuksan. Si Rey na pinag-drive ko saka ko hiniga 'yung front seat para makaidlip ako habang nasa daan. Nang nasa daan na kami...

"Ano nga, Jarret? 'Yung tanong ko, 'di mo pa sinasagot."

"Dapat ba?" sagot ko habang nakapikit.

"Grabe 'to. Dapat nga magtampo ako sa 'yo kasi ang dami na nilang may alam, ako...ngayon lang. Tsk! Akala ko pa naman, bestfriend tayo."

"Sira. Kahit nga 'ko, late ko na nalaman."

**

Nang makarating kami sa resort, dumiretso ako sa cabin nina Susan. Sinabi ni Ryder sa 'kin na nandito si Andrea ngayon. Mamaya raw, bibisita na sila kay James. Kaya susulitin ko na 'to habang pwede pang makuha ang atensyon niya kahit sandali.

"Nasa loob po sila. Naglalaro lang kasama ni Ricky at Sassa. Puntahan n'yo na lang po."

"Sige. Salamat. Ah, nga pala. Kilala mo na ba si Rey?"

"Oo naman po. Hi, Rey."

"Ahahaha! Ito talagang si Jarret. Mahirap naman kalimutan ang mukha—."

"Mukha ka kasing kriminal." Tumingin ako kay Susan na natawa sa sinabi ko. "Pasok na kami."

"Sige lang po."

Naglakad ako papunta sa may veranda. Naglalaro nga sa may upuan 'yung tatlong bata. Pero imbes na laruan, puro tinuping papel ang nasa paligid nila.

"Wag kasi, Sassa," saway ni Ricky sa bunsong kapatid nito na sinusubo 'yung tuping papel na ibon. "Gutom ka na ba?"

"Papapapappp!"

"She's hungry..." mahinang sabi ni Andrea habang seryoso na nagtutupi ng papel. "Feed her firt—fers—frist."

"Eh...Sige. Tara nga, Sass." Binuhat ni Ricky ang kapatid niya na mukhang tuwang-tuwa naman. "Balik ako."

"Yup."

Naglakad si Ricky papunta sa direksyon ko. Agad siyang napahinto. Halatang ilang sa 'kin. Sandali lang siya napakilala ni Ryder nung magka-night party dito sa resort kaya malamang, hindi palagay 'tong bata.

"Ah... Good morning po."

Ngumiti ako. "Good morning din." Pinisil ko 'yung pisngi ni Sassa na biglang itinaas ang kamay na parang nagpapakarga sa akin.

"Karga ba??"

"Nagugutom na po siya. Ah, pakainin ko lang po muna."

"Gano'n ba. Sige. Puntahan ko lang si Andrea."

Tumango ito saka ako nilagpasan. Lumapit ako kay Andrea na hindi pa rin ako napapansin dahil sa busy niya sa pagtutupi ng papel. Marami na ring nakalukot na papel sa paligid niya na halatang mali ang pagkakatiklop.

"Aw! Not ag—ageyn?"

Napansin ko lang, parang mas hirap sa pagsasalita niya ngayon si Andrea? Nga pala, ang alam ko nagpunta sila ni Adeline sa ospital para patingnan siya, ah? Ayos lang kayang...magtanong ako kung anoo'ng resulta—.

"MISTER JARIIT!??"

Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko si Andrea na tawagin ako. Nakatayo na siya at saka nagmamadaling lumapit sa 'kin. Sa ngiting binungad niya sa 'kin, pakiramdam ko kahit ano pang ibatong problema sa 'kin, kakayanin ko.

Inabot niya'ng kamay ko saka ako hinila papunta sa inuupuan nila kanina ni Ricky.

"Mister Jarriit, what are you poing here?"

Nang makaupo na kami, hindi ko maiwasang pagmasdan siya. May nakuha ba siya sa itsura ko? Pakiramdam ko... Mommy niya lang ang nakamukha niya. Buti na lang...

"Mister Jariit? Why are you is-ismay-ismayling?"

"Ah? Ah..."

Pinisil ko 'yung pisngi niya.

"Aaaaaah! Mister Jariiit!"

"Ang cute mooo!"

Binitawan ko siya saka natawa. Hinimas niya'ng pisngi nito saka ako inirapan.

"That heertz! Hmp!"

"Ahaha! Joke lang. Bati na tayo."

"Ehh..."

"Naman, oh. O, fine! Ano'ng gusto mo para bati na tayo?"

Biglang nagliwanag ang mukha niya pero hindi niya pinahalata. Ang cute niya talaga. Naalala ko si Adeline noon kapag nagtatampuhan kami—tama na, Jarret.

"Anything?" tanong ni Andrea.

"Sure. Kahit ano."

"You k-k-he-ken do anything???"

"Oo. Ano nga?"

Tumahimik siya sandali pero mayamaya din, tumingin sa 'kin.

"Can you m-mey-meheyk my Daddy well?"

"Uh?"

"Si Daddy...He's in the howsdital light now." Lumungkot ang boses niya saka tumungo. "He's zick. I... I sam—m—sawm—zaw him..."

Nakita ko na lang na nagpahid siya ng luha nito kaya nadurog din ang puso ko. Iba pala kapag anak mo na ang umiiyak.

"He waz sleeping... Ayaw niya gum—gumezing." Tumingin sa 'kin Andrea habang tahimik na umiiyak. "I—I heard Daddy... He waz crying... Ehend...when I went to him... Hi iz not moving.... Hiz eyez were closed... I—I don't want—I don't want Daddy to be sawd..."

Hindi ko alam kung bakit pero napaiwas ako ng tingin sa tingin ng anak ko. Alam kong inosente siya sa mga pangyayari pero para akong inuusig ng konsensya ko sa bawat paghikbi niya.

Alam kong ako ang dahilan bakit.

"Mister Jarriit?"

"I'm sorry, Andrea."

"Hmm? Why are you som—sow—ry?"

"Kasi—."

"Are yu kr-ker—kray—iing?"

"Hindi—."

Napahinto ako nang maramdaman ko 'yung dalawang kamay ni Andrea sa magkabilang pisngi ko. Hinarap niya sa direksyon niya ang mukha ko saka ako tinitigan.

"You are kry—krayying. Pleaz, don't cr—cry."

Pinahid nito ang luha ko saka ako binitawan.

"You don't have to pu—do what I—I said. I don't want you to be sap—sawd, too, Mister Jariit."

"Nasasabi mo lang 'yan ngayon kasi hindi ka pa niya tinatawag na Tatay o Daddy o kaya Papa. Pero sa oras na tawagin ka na niyang gano'n, Jarret, hinding-hindi mo na masasabihing ayos lang na iwan mo siya."

Siguro nga tama si Mrs. Smith...

Kung marinig kong tawagin ako ng gano'n ni Andrea, baka hindi ko kayaning sabihing 'okay lang' kahit maghintay ako nang matagal. Kasi kahit ngayon palang, napapaisip na 'ko kung gaano katagal ang hihintayin ko para makilala niya 'ko.

"Ang gusto ko ay bumalik ka sa buhay ni Andrea. I know Adeline and James won't take that right away from you.

Maaaring hindi nga. Pero...tama bang kunin ko 'yun sa kamay ni James?

"Mu—Mou—Would you hel-d-help me?"

"Ah?" Napatingin ako kay Andrea na may hawak na pink na papel. Pinahid kong luha ko sa mata saka huminga. Saka na 'yung bukas. Ngayon na muna. "Ano ba 'yan?"

"Mmm... I'm d-d­lanning to make five origamiz for P—Pap—D-Dap—Daddii."

Kumuha ako ng isang yellow paper. "Ilan nang nagagawa mo?"

Nag-pout siya saka nagbuntong-hininga. "Two."

Kinuha niya 'yung isang libro sa gilid niya saka binuklat. May kulay blue at green na ibong origami. Hindi maayos ang pagkakagawa pero kahit siguro sira-sirang papel lang ang matanggap ni James mula kay Andrea, sasaya na siya.

"And it'z z—zo pangit." Nilapit niya sa 'kin 'yung gawa niya. "Z-Zee?"

Inabot ko naman 'yun saaka pinagmasdan.

"Hmm... Ano ba 'to? Hulaan ko, ah?"

Tumango siya. "One waffle d-de—per miztake!" excited na sabi niya.

"Ay, daya. Pero sige." Nilapit ko sa mukha ko 'yung gawa niya. "Ah...Ano 'to...Aso?"

"Eh—Azo? A po—dog?"

Sineryoso ko ang facial expression ko. "Oo. Hindi ba?"

Umiling naman si Andrea. "No! It'z not. One waffle!"

"Ilang waffle ba gusto mo?" tanong ko.

"Hmm..." Tinaas niya 'yung kamay niya na nakasenyas ng tatlo. "Three!"

Nakangiti siya habang sinasabi 'yun. Masaya akong kahit sandali, makalimutan niyang malungkot siya dahil sa 'kin.

"Three pala..." Binalik ko'ng tingin sa origamis niya. "Ah...alam ko na. Ano 'to, dragons."

"Pragons? Nooo!!! No, it'z not! Mister Jarriiit?" Nagbuntong-hininga na siya. "Two waffles for me."

"Okay. Okay. Mamumulubi pala 'ko sa 'yo. Sige ito na... Ah..." Tinitigan ko ulit 'yung gawa niya. Nakaabang siya sasabihin ko. "Ah!" Tumingin ako sa kaniya habang nakangiti. "I'm sure tama na 'ko."

"That is..."

"Tutubi! 'Di ba? Tutubi."

Bigla siyang napasandal sa sofa na parang sumuko na sa mga maling sagot ko.

"I knew it," sabi niya. "D-Daddy won't like it."

"Oh? Bakit naman?"

"Kasi...you can't tell ano 'yan e."

"Ahh... 'Yun ba?" Nilapag ko 'yung origamis niya sa table saka ako umusog palapit sa kaniya. "Did you know na mas matalino nang mga ninety-nine percent ang Daddy mo kaysa sa 'kin?"

Kumunot ang noo niya saka tumingin sa 'kin.

"That wa—m—makes you one percent—."

"Yup. One percent lang. Kaya...'wag ka na ma-sad kasi I'm sure, makukuha kaagad ni James kung ano 'yung gawa mo."

"Really?"

Tumango ako. "Naman." Pinatong ko ang kamay ko sa ulunan niya. "Sorry. I'm not smart enough."

Kung mas naging matalino nga lang siguro ako noon, hindi siguro mangyayari lahat 'to. Dapat mas tinalinuhan ko pa para—.

"But you're enough por me, Mister Jariiit."

"Huh?"

Umalis si Andrea sa pagkakasandal niya saka humarap sa 'kin nang mas maayos. Ngumisi siya saka inabot 'yung isang bag niya sa gilid. May hinahanap siya sa loob.

"Gotcha!" Hindi niya inalis sa bag 'yung kamay nito saka tumingin sa 'kin. "Here!" Nang ilabas niya 'yun, may hawak na siyang isang tinuping putting papel na bangka. "It's por you, Mister Jarriiit."

Habang pinagmamasdan 'yun pagkakuha ko sa kamay niya, nagsalita ulit siya.

"Z—Sapi ni Mommy, you're a fisherman. Fisherman knowz how to ride a p-pboat, right?"

Napangiti ako saka tumingin sa kaniya.

"Akin na 'to?"

Tumango ulit siya. "U-huh. Keed—dp it."

Pagkasabi niya no'n, kinuha ulit niya 'yung dalawang origamis na ginawa niya para kay James saka inipit ulit sa libro.

"I z-still need to make three—."

"Tulungan kita?"

Huminto siya sa pagligpit ng kala niya saka lumingon sa 'kin.

"You know how to make origamiz?"

"Hmm... Well, hindi masyado pero you can teach me."Tinaas ko 'yung kanang kamay ko. "Promise. Fast learner ako."

"Hmm..." Tiningnan niya 'ko na parang pinag-iisipan pa ang sagot niya. "Two heap—pds is petter than one! Yay!"

Tinuruan niya 'ko kung pa'no gawin 'yung ibong origami. Na-gets ko naman kaagad kahit na nagpapanggap akong hindi ko makuha. Nakakatuwang tingnan na pinagagalitan ako ni Andrea dahil sa hindi ko magawa nang maayos.

Sinasadya kong hindi tapusin 'yung gawa ko para hayaan siyang siya ang magtapos nang pinakamadaling parte.

Kinuha ko rin 'yung libro na pinaggagayahan nila ni Ricky ng paggawa ng origamis. Pinag-aralan kong gumawa ng bulaklak na origami. Patago kong nilagyan 'yun nang maikling sulat sa loob bago ko binigay kay Andrea.

"Wow... Thank you, Mister Jariiit! You're the pest!"

Natawa ako dahil tunog peste 'yung sinabi niya. Pero agad ko ring naisip na kanina ko pa napapansing parang napapag-iba niya 'yung mga letra nang binabanggit niyang salita.

"I'm hungry." Tumayo si Andrea pagtapos. "I'll get zometing to eat."

"Sige."

Hinayaan ko siyang tumakbo papunta sa loob. Tinitigan ko naman 'yung ginawa kong origami na nasa lamesa at saka napapikit. Masisisi kaya nila 'ko kung patuloy ko pa ring hangarin na makasama ko silang dalawa sa buhay ko?

Kasalanan na ba talagang matuturing kung gustuhin ko pa ring maging akin sila nang buong-buo?

Ito na nga siguro 'yun...

'Yung mga pagkakataong susubukin ka ng demonyo sa utak mo. Utak o puso. Gagamitin niya'ng pagmamahal mo para gumawa ka ng mali.

Pero pa'no kung marinig kong tawagin ako ni Andrea, hindi sa pangalan ko kundi sa tawag na katulad ng kay James? Magawa ko pa rin bang isipin ang kapatid ko? Hindi ba dapat...sariling kaligayahan ko rin ang isipin ko kaysa iba?

"DADDY! DADDYYY!!!"

Para akong kinuryente sa buong katawan pagkarinig ko kay Andrea.

Sinabi ko agad sa utak kong 'Bahala Na'.

Bahala na kung tama o mali. Gusto kong kunin ang karapatang akin.

"Oo. Ako nga ang totoong Daddy mo, Andrea."

Pero sa pagmulat ng mga mata ko... Sadyang hinaharang na ng Diyos ang maaaring dumagdag sa mga maling desisyon ko.

"Daddy!! You're awake!"

Nakatingin si Andrea sa hawak niyang phone. Katabi niya si Ricky na may dalang pitsel ng juice at plato ng pagkain. Nakatingin lang din siya kay Andrea na halata ang pagkasaya sa mukha.

"You're really awake! Daddy! I want to see you, d-dpretty dpleas! Uh?? I can't hear you. Mommy! Can I go? Can I? Mommy??? Oh, Really!? Yes! Okay! Okay! I will, Mommy! Byeee!" Tumingin siya kay Ricky. "I'll go to the hosdital! Let's go!??"

"Eh... 'Di ko pa alam kay Mama."

"You need to go with me! Wait me!"

Bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Oh! Mister Jariiit!"

Hindi pa Daddy, Jarret.

"Oh?" Nakangiting sabi ko. "Gising na si Daddy mo?"

"Yes! Yes! Yes!" Tumatalon-talong sabi niya. "And I'm going! Let's go, Mister Jarriit!"

"Huh? Ah... Baka hindi na muna. Dapat...solo mo si Daddy mo. Oh, bilis na. Mag-ready ka na."

Kinuha niya isa-isa 'yung gamit niya saka nilagay sa bag. Lumapit naman si Ricky para ilapag sa mesa 'yung pitsel ng juice saka plato na may cookies. Umalis na siya pagkatapos.

"Yes, Mister Jariit! Mommy said that Big Mike will take me to the hosdital. Daddy is waiting!" Pagka-zipper niya ng bag nito, tumingin siya sa 'kin. "Thank you, Mister Jarriit!"

"Uh? Bakit?"

Lumapit siya sa 'kin. Nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong niyakap.

"You help me make origamis for Daddy. I'm sure...he'll be haddy—hap—happi."

Hindi ako halos nakagalaw sa gulat. Kaya nang alisin niya ang magkabilang braso nito, parang gusto ko pa ulit na gawin niya 'yun dahil parang hindi totoo ang lahat.

"Babye, Mister Jarriit."

Napatango na lang ako saka siya tumakbo paalis sa veranda.

Naiwan akong nakatulala sa pinaglabasan niyang pintuan. Hanggang kailan kaya balak ng Diyos na paghintayin ako sa sarili kong anak?

Kahit na kailan...

Nang alisin ko ang tingin ko sa may pintuan, nakita ko ulit 'yung binigay ko kay Andrea origaming bulaklak na kulay pink. Nasa sahig kasama nang mga papel na nilukot at sira-sira.

Kahit kailan...

Inalis ko ang tingin ko doon at saka tumayo bago naglakad paalis.

***************

GO TO THE NEXT PART DALI!!!!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...