Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

Od angDiyosaNgBuwan

181K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... Více

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

40. The Fall

1.9K 77 7
Od angDiyosaNgBuwan

Few hours earlier…

Biglang naalimpungatan si Jessica mula sa kanyang pagtulog. Napatingin sa relong nasa bedside table. Alas-dos pa lamang ng madaling-araw. Si Nana Razon ay nasa ibaba. Inilalatag nito ang spare bed at doon natutulog. Napakunot ang noo niya nang makita ang ilaw mula sa maliit na siwang ng pinto ng CR. Napalingon sa tabi niya at nakitang bakante iyon. Wala si Yuna. Aywan ba niya pero bigla siyang kinabahan. Napabalikwas siya ng bangon. Lumapit sa banyo at bahagyang kumatok sa pinto.

“Yuna… nandiyan ka ba?” tawag niya sa pinsan.

“Yuna…” ulit niya sa mas malakas na boses nang hindi ito sumagot. Bahagya na ring nilakasan ang pagkatok sa pinto. Pinihit niya ang seradura ngunit naka-lock iyon. Nilakasan pa niya lalo ang pagkatok. Talagang kinakabahan na siya.

“Yuna, buksan mo nga itong pinto! Ano bang ginagawa mo riyan?” tanong pa niya.

Nagpasya na si Jessica na kunin na ang susi ng banyo. Nasa drawer iyon ng kanyang study table. Nang makuha ay nagmamadali nang binuksan ang CR.

Nakumpirma niyang naroon nga ang pinsan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nabungaran.

“What the hell are you doing?!” hintakot na sigaw niya dito.

Mula sa pagkakaupo sa inidoro ay napaangat naman ang tingin ni Yuna sa kanya.

Patakbong nilapitan ni Jessica ang pinsan at hinablot ang kanang kamay nito. May hawak-hawak itong isang piraso ng blade. Naabutan niya itong hihiwain na sana ang palapulsuhan.

Pilit na inagaw ni Jessica mula kay Yuna ang blade ngunit ayaw nitong bitawan. Ibigay mo sa’kin ‘yan!”

“No! huwag mo ‘kong papakialaman!”

Sa pag-aagawan nilang dalawa ay biglang nasugatan si Jessica na ikinadaing nito. Sanhi upang mabitawan nilang pareho ang blade.

Yuna looked guiltily at her cousin. Kahit siya man ay nasugatan ng bahagya ngunit malalim ang kay Jessica dahil mabilis ang pagpatak ng dugo mula sa daliri nito.

Sica… I-I’m sorry…” sising wika ni Yuna.

“Fuck,” napamura sa hapdi si Jessica. Lumapit siya sa sink at hinugasan ang kanyang sugat. Kumuha ng tissue at itinapal doon.

Si Yuna ay nakatingin lang at hindi malaman ang gagawin.

“What were you thinking?!” galit na sita ni Jessica sa pinsan at hinarap muli ito. “Sa tuwing may problema ba lagi mo na lang tatangkaing magpakamatay? Ha, Yuna? Ganyan ka na ba talaga kaduwag ngayon?”

“Hindi mo alam ang nararamdaman ko,” pagdadahilan ni Yuna.

“Damn hell, I don’t!” sigaw ni Jessica “We were here, Yuna. We love you. We care for you. Hindi ba sapat lahat ng ‘yon para pahalagahan mo ang buhay mo?!”

Si Nana Razon ay nagising na din dahil sa sigaw na iyon ni Jessica. Dali-dali itong bumangon at tinungo ang banyo. Lumapit siya sa dalawa.

“Ano bang nangyayari dito?” ang tanong ng mayordoma.

“That suicidal bitch tried to kill herself again!” duro ni Jessica sa pinsan.

Napatingin si Nana Razon sa kamay ni Jessica at parang nagtatanong ang mga mata.

Inagaw ko ho mula sa kanya ang blade,” sagot ni Jessica para rito bagamat hindi nagtatanong “At kung hindi ko pa siya naabutan baka nakapaglaslas na siya,” sumbong niya.

Bumaling si Nana Razon sa bunsong Smith. “Little Yuna… bakit ginawa mo na naman ‘to?” malungkot na tanong ng matanda.

Nakayuko si Yuna at mula sa mga mata nito ay may pumatak na luha. “I’m just a nuisance to all of you. This world doesn’t need me.”

“Hindi ang mundo ang umaayaw sa’yo kundi ikaw, Yuna,” si Jessica. “You are too blind to see the people who love you.”

Inangat ni Yuna ang mukha sa pinsan. “Those people I can’t be with! Inihiwalay sila sa’kin dahil sa kalupitan ng mga magulang ko. And I hate myself for being too weak to fight for them!” sigaw niya.

“Then be strong enough!” ganting-sigaw ni Jessica. “Fight, Yuna. Hindi iyong ikaw mismo ang gagawa ng katapusan mo.”

“What’s the use? The person I want the most hates me. Wala nang saysay ang buhay ko,” mapait na saad ni Yuna.

“So, this is about Aya? She’s still here, doesn’t she? Ikaw lang itong nagtataboy sa kanya!”

“I am seeing her fall for someone else right before my eyes. Alexa was taking her away from me.”

“It’s not Alexa’s fault! But yours. Nakalimutan mo na ba? Matagal mo nang pinakawalan si Aya. At si Alexa… she had given so much for you. She saved you from Mike. She saved you from your parents. And now, it’s all thanks to her that you’re still alive,” mariing giit ni Jessica. “She even broke up with Aya para bigyan ka ng pagkakataon. That woman is selfless, Yuna. Unlike you. All you care is about yourself!”

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Yuna. Alam niyang totoo lahat ng sinabi ng pinsan. Masyado na siyang lunod sa pagkamuhi sa sarili at para mabawasan iyon sa ibang tao niya ibinubunton ang sisi.

Oo na! ako na ang makasarili. Masaya ka na? kaya nga gusto ko nang mawala sa mundo para mawalan man lang ng isang problema dito,” bahagyang pumiyok ang boses ni Yuna dahil sa labis na sama ng loob.

Si Nana Razon na malungkot na nakikinig sa palitan ng mag-pinsan ay nagdesisyon nang makialam.

“You two… Just stop, please…” anitong hirap din ang kalooban.

Pagsabihan niyo nga ‘yang alaga niyo, Nana. I am getting sick of this!” nagmartsa nang palabas ng banyo si Jessica. Dumeretso ito palabas ng kuwarto at nagpunta ng kusina.

Si Nana Razon ay inakay na rin si Yuna palabas at pinaupo ito sa gilid ng kama.

“What you did was making me really sad. Doing that while I’m here? Hindi mo man lang ba kinonsidera ang mararamdaman ko? When will you stop this madness, anak? Si Aya na lang ba ang importante para sa’yo? Pa’no kami? Itutulak mo na din ba kaming palayo lahat?”

Tahimik si Yuna at hindi sumagot.

“Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. Your parents have been too manipulative over you. Pero kahit sila ay gusto na ring magbago para sa’yo.”

Biglang napalingon si Yuna sa narinig mula sa mayordoma. “Do you really believe them? Come on, Nana... “

Maging ako ay hindi makapaniwala no’ng una. Pero nakita ko ang pagbabago sa kanila. They even started talking without fighting and shouting at each other. Nakikita ko na din silang magkasamang umaalis at umuuwi ng bahay. At sila na din mismo ang nagsabi na gusto na nilang ayusin ang relasyon ninyong pamilya, lalo na sa’yo. Siguro kaya napasugod si Connor ay dahil sa dahilang iyon. Dahil hindi niya matanggap na nagbago na ang Helena at Ibrahim na labis niyang iniidolo. All were capable of changing, Yuna. Hindi ba’t ‘yon din ang gusto mong ipakita kay Aya?”

“But they were Ibrahim and Helena Smith, Nana. Parang napakahirap namang paniwalaan ng sinasabi ninyo.”

“Just give them a chance. They were once victims of their own parents too.”

“I won’t believe it,” tigas ang pag-iling ni Yuna matapos ang lahat ng ginawa nila sa’kin?”

“You just won’t listen to reason, don’t you?” biglang dumungaw si Jessica sa pinto. “Eh di parang sinabi mo na rin na hindi ka talaga dapat bigyan ng chance ni Aya dahil ikaw nga ayaw mong bigyan ng chance ang mga magulang mo. They were trying, Yuna. Everyone is. For you. Masyado ka kasing focused sa pag-s-self pity mo kaya hindi mo makita ang lahat ng ‘yon.”

“Jessica…” saway ni Nana Razon.

“Nana… hindi siya madadala sa dahan-dahan, kaya ang kailangan niya ay pukpukin upang matauhan. Just look at her… sarili lang niya ang pinakikinggan niya.”

Biglang tumayo si Yuna mula sa kama. “Ano bang problema mo sa’kin, Jessica? Kung masyado na akong nakakaabala sa’yo, sige, aalis na ‘ko. Hindi mo ako kailangang pagsalitaan ng masasakit. I appreciate everything you did for me and I am really grateful. But must you be that harsh?”

“Harsh? I’m being harsh now?” hindi mapaniwalaang tanong ni Jessica “Ikaw nga itong gustong-gustong patayin ang sarili, ‘di ba? I’m just trying to knock some sense in you para tumigil ka na diyan sa kahibangan mo! Hindi mo alam kung gaano kaming nag-aalala para sa’yo at ikaw… ang dali sa’yo na mag-bigti, ang dali sa’yong balaking maglaslas para makatakas! At kami? Iiwanan mong nagdadalamhati para sa’yo. Iiwanan mo kaming umiiyak. Iiwanan mo kaming nasasaktan. Tama ka, may sari-sarili nga kaming mga buhay. We can go on without you. Pero parte ka ng buhay na ‘yon, Yuna! At dahil sa pagiging selfish mo, maiiwan kaming nagdurusa nang dahil sa’yo!”

Natahimik muli si Yuna at hindi makapagsalita.

“I’m out of here,” maya-maya’y wika nito. Lumapit sa closet at kumuha ng jacket at pantalon.

“Sa’n ka pupunta, little Yuna? madaling-araw na,” nag-aalalang tanong ni Nana Razon na nilapitan ang alaga. Ipinatong lang nito sa suot na manipis na pantulog ang kinuhang mga damit.

“Oh, she’s running away again. ‘Don siya magaling,” patuyang wika ni Jessica “She’ll probably drown herself on self-pity and try to kill herself again.”

Galit na muling hinarap ni Yuna ang pinsan. “Yes, I probably will. Para naman mawalan ka ng pinoproblema.”

“Go ahead! I won’t stop you anymore!” galit ding sigaw ni Jessica.

Tumigil na kayong dalawa!” si Nana Razon.  Bumaling kay Yuna. “Hindi ka aalis. You will stay here.”

“I’m sorry, Nana… but I am not wanted here,” ani Yuna at lumabas na ng kuwarto.

Hinabol ito ni Nana Razon. “Yuna!”

Si Jessica ay naiwang nanggigil sa pinsan. “Crazy bitch!” aniyang nakapamaywang. Napatingin sa itaas at napabuga ng hangin.

Umalis pa rin si Yuna kahit anong pigil ng mayordoma. Hindi nila alam kung saan ito nagpunta. Jessica was too tired to care.

Hayaan niyo siya, Nana. May sarili naman siyang isip. Bahala siyang magdesisyon kung anong makabubuti sa kanya. Tutal naman ay ayaw niyang makinig sa  atin.”

“Ano ka ba naman, Jessica? Alam mo kung gaano kabigat ang dinadala ng pinsan mo. She was tortured and locked for several days and no one was there for her after going through all that. She must felt so miserable. At mas lalo lang naging miserable ang pakiramdam niya dahil sa mga sinabi mo.”

Tinutulungan naman natin siya ‘di ba? Pero sarado ang isip niya. Isa pa ay hindi lang naman siya ang may pinagdadaanan dito. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya, Nana. I’ve been to a very rough day. Hindi rin ako tinigilan ng sermon ni Daddy. Anong oras na ‘ko nakapagpahinga, tapos magigising ako na binabalak niyang magpakamatay? I’m just really tired!” reklamo ni Jessica na padabog na pumasok ng kuwarto.

Napabuntung-hininga na lang si Nana Razon. Kinuha ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan si Yuna ngunit hindi ito sumasagot.

Inabot ng umaga na hindi pa bumabalik si Yuna at doon na sila lubusang nag-alala.




“What? Nawawala si Yuna?” gulat na tanong Aya. Kaagad siyang nagpunta sa suite ni Jessica nang sabihin nitong may emergency. Kagigising lang din noon nina Jessica at Nana Razon.

“W-we kind of… had a fight. She tried to kill herself again, Aya. I had a really bad day at work and we clashed,” tugon ni Jessica.

“Ano? Jesus, Jessica… then you shouldn’t have snapped on her. You know how vulnerable she is right now.”

“I know, I know… and I’m sorry. Hindi ko na lang talaga napigilan ang sarili ko. She’s being too difficult,” ani Jessica na napahawak sa ulo.

“What triggered her to commit suicide again?” tanong ni Aya “was it… was it me?”

Tiningnan siya ni Jessica. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Maybe it was her brother. Kung anu-ano kasing masasakit na salita ang pinagsasabi sa kanya ng walang-modong lalaking ‘yon,” anito.

“God. Lahat ba ng miyembro ng pamilya niya walang mga konsiderasyon sa nararamdaman niya?” napapaawang wika ni Aya “Have you called the security? Baka naman nandito lang siya sa loob ng Vermont.”

“I’ve already done that. Mahigpit ko ding ibinilin sa kanila kagabi na huwag siyang paaalisin. Hindi naman daw siya lumabas ng Vermont at pinapahanap ko na din siya. But who knows what she’ll do or have already done by now,” nag-aalalang wika ni Jessica.

“We’ll find her,” matatag na wika ni Aya.

“Definitely,” ani Jessica. Kailangan nilang makita ang pinsan kung hindi ay hindi niya mapapatawad ang sarili.

Gumayak na ang dalawa upang sumama sa mga naghahanap kay Yuna. May naghihintay sa kanilang pick-up truck sa ibaba. Si Nana Razon ay naiwan sa suite.

“Ilang oras na ba siyang nawawala?” tanong ni Aya nang nasa loob na sila ng sasakyan.

“Mga bandang alas-dos siyang umalis at alas-sais na ngayon, kaya mag-aapat na oras na,” sagot ni Jessica.

“Have you checked the CCTV’s?”

“They’re on it. Doon din muna tayo pupunta para malaman natin ang development ng paghahanap nila.”

“Nag-dispatch na din ho kami ng chopper para mas mabilis siyang mahanap, Ma’am. Masyadong malaki ang Vermont at hindi kaagad natin ma-c-cover by land,” anang driver nila. Miyembro ito ng security team.

“Good then,” tugon dito ni Jessica.

“Saan kaya nagsuot ang babaeng ‘yon?” si Aya.

Nang makarating sa security building ay kaagad na kinausap ni Jessica ang head doon.

“Jarvis,” bati ni Jessica at kinamayan ang lalaki “Ano nang balita? Nakita na ba ang pinsan ko?”

“Unfortunately, hindi pa namin siya makita,” sagot nito “last sighting sa kanya ay sa property ng mga Del Fuego. Ang problema lang ay secluded ang lugar na ‘yon at maaaring dumaan siya sa gubat. Alam natin na malaking parte ng Vermont ay kagubatan. And from Del Fuego’s marami siyang puwedeng lusutan na hindi abot ng security cameras natin. She could be anywhere at nag-deploy na ako ng mga tauhan sa apat na parte ng Vermont.”

“I thought this place was heavily guarded? Paanong wala ni isa sa inyo ang nakakita sa present location niya?” komento ni Aya.

“Well, Ma’am… from the outside ay unpenetratable ang Vermont. Pero ang mga lupaing pag-aari ng mga elite members ay hindi na sakop ng responsibilidad namin. Each property has its own security system. Some owners keep their mountains untouched and even unguarded. Kabilang na ang Del Fuego’s. We are coordinating with the nearby estates but it was taking some time. I’m sorry if we couldn’t use our full force. Busy din kami sa pagbabantay ng buong Vermont,” magalang na wika ni Jarvis.

“I see. Pasensya na rin,” nakakaunawang wika ni Aya. Mas uunahin nga naman ng mga ito ang kapakanan ng mga miyembro. At si Yuna ay isa lamang outsider kung tutuusin.

“It was my fault. Hindi ko sila nasabihang bantayan si Yuna. Nawala na iyon sa isip ko kagabi. I was so careless,” sisi ni Jessica sa sarili.

“Wala na ring mangyayari kung magsisisihan tayo,” ani Aya.

“Del Fuego’s was just a few meters from your penthouse. Halos magkadikit lang. Kaya siguro walang nakapuna nang pumuslit siya,” ang wika ni Jarvis.

“Tutulong din kami sa paghahanap, Jarvis,” ani Jessica “I’ll bring Gavril along.”

“No problem. I-a-update ko na lang kayo kung sakaling may balita na sa kanya,” sagot ng lalaki.

“Okay. Thank you.” Kinamayan muli ni Jessica ang security head.

“Goodluck,” anito. Kinamayan din ng lalaki si Aya.

Pumunta muna sila sa huling kinakitaan kay Yuna at naghanap-hanap sa paligid ng lugar. Makalipas ang isang oras ay hindi pa rin nila makita si Yuna.

Ilang sandali pa ay dumating na din si Alexa sakay ng isang Land Rover. Alam na din ni Aya na tinawagan ito ni Jessica bago siya magpunta ng suite ng huli.

“Kumusta? May balita na ba?” tanong ni Alexa.

“We still can’t find her,” si Jessica ang sumagot. Pinagpapawisan na ito ng malapot. Sising-sisi sa sarili dahil sa nangyari.

Maging mga magulang ni Yuna ay dumating na din at kasama na ngayon ng ibang team na naghahanap.

“We haven’t checked the cliff, right?” maya-maya’y wika ni Aya.

“The cliff?” si Jessica.

Bumaling si Aya kay Alexa. “Naalala mo ‘yong pinagdalhan mo sa’kin noon? If she wanted to end her life, then that’s the best spot. Alam ba ni Yuna ang lugar na ‘yon?” tanong ni Aya kay Jessica.

“We once had a bonfire party there. Kasama namin noon si Yuna. She can get there through the mountains from Del Fuego’s,” napahawak sa bibig si Jessica “Jesus.”

“Gavril,” tuon ni Alexa sa driver nina Aya “Call the chopper and tell them to check the cliff,” utos niya dito.

Kaagad namang sumunod ang lalaki. Si Jessica ay tinawagan naman ang mga magulang ni Yuna.

“Tayo na. Kailangan nating makarating agad doon,” yakag ni Alexa. Sa kanya na sumakay si Aya, samantalang si Jessica ay sumama muli kay Gavril.

Medyo malayu-layo rin ang kinaroroonan nila mula sa cliff at ilang minuto rin ang itinagal papunta roon. Nang paakyat na sila sa bundok ay tumawag si Jessica kay Aya. Ini-loudspeak ni Aya ang telepono.

“The chopper confirmed that she was there! Our men was already negotiating with her,” sabi ng nag-p-panic na boses ni Jessica “She’s standing right at the edge and ready to jump, that suicidal bitch!”

“Shit,” napamura si Alexa at lalo pang inapakan ang accelerator. Mas nauuna sila ng ilang metro sa sasakyan ni Gavril.

Si Aya naman ay napatulala. Hawak pa rin sa kamay ang telepono kahit ibinaba na ni Jessica ang linya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“Yuna!!”

Ang sigaw na iyon ang nagpalingon kay Yuna. Mula iyon kay Aya. Ito ang naunang bumaba mula sa sasakyan ni Alexa. Sina Gavril at Jessica ay kasunod na din ng mga ito.

Napatingin si Yuna sa itaas.

The chopper was still hovering at the air. A man was shouting at Yuna through a megaphone. Nililipad ng hanging nagmumula sa ibon ang pulang buhok ni Yuna na hindi na pinagkaabalahang itali nito.

Dumako naman ang mga mata ni Yuna sa ibaba. Doon bumabagsak ang tubig na nanggagaling sa talon na nasa may hindi-kalayuan. Kung sakali mang tumalon siya ay paniguradong magkakalasog-lasog ang katawan niya dahil sa mga naglalakihang batong naroon.

“Yuna!!”

“Yuna!!”

Muling napalingon sa likuran si Yuna sa mgakasabay nang sigaw nina Aya at Jessica. Mas malapit na ang mga ito kaysa kanina.

“Yuna, please… huwag mong gawin ‘yan. Please…” pagmamakaawa ni Aya. Hindi niya alam kung anong puwede niyang sabihin upang makumbinsi itong huwag tumalon.

Samantalang si Yuna naman ay blangko ang mukha. Nangangapal ang eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata na tila magdamag na umiyak at hindi natulog.

“You bitch! Kapag itinuloy mo ‘yan sasabog ang utak mo at masisira ‘yang pinagmamalaki mong mukha at katawan, gusto mo ba ‘yon?!” sigaw naman ni Jessica.

Biglang yumugyog ang mga balikat ni Yuna sa mahinang paghagikhik. Napailing sa sinabi ng pinsan. Ngunit ang tawa nito’y hindi umabot sa kanyang mga mata. At hindi pa rin ito lumayo mula sa dulo ng bangin.

“Bitch… I’m not kidding you!” napapaiyak na si Jessica “don’t do it…” sambit niya sa mababang tono.

Si Alexa naman ay nakatulala, nanlalaki ang mga mata at tila nanghihinang nakatingin sa karibal. Magiging pangalawang beses ito na masasaksihan niya ang pagkamatay ng isang tao kung magkataong ituloy ni Yuna ang pagtalon. It was like seeing Clarisse die for the second time. 

“Huwag mong gawin ‘yan! Gusto mo ba talagang matapos ng ganito ang buhay mo? Marami ang nagmamahal sa’yo, Yuna. Mahal ka namin…” si Aya.

“Yuna… umalis ka na diyan, ano ba!” si Jessica. “Sorry na. Sorry na, okay? I didn’t mean everything I said. Mahal na mahal kita, pinsan. Please, lumayo ka na riyan.”

Tila wala pa ring nagbago sa mukha ni Yuna. Mukhang buo na talaga ang desiyon nito.

Hayaan niyo na lang ako. Mas makabubuti na rin sigurong ganito. Masyado ko nang pinapahirapan ang mga buhay niyo,” mahina niyang wika. Halos hindi iyon marinig dahil sa tunog ng chopper na nas itaas pa rin at nakaantabay. Idagdag pa ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa talon.

“No! Don’t do it!” si Aya.

“Yuna, please!” si Jessica.

Nang bigla ay may dalawa pang sasakyang dumating at pumarada sa tabi ng mga sasakyan nina Alexa at Jessica. Mula sa isa sa mga iyon ay bumaba ang mag-asawang Smith.

“Yuna!”

“Yuna!”

Sabay na napasigaw ang dalawa.

Napakurap si Yuna nang makita ang mga magulang. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha. Pagkuwa’y pagak na napatawa. “Oh, you’ve join the party too. Great.”

“Yuna, anak… please huwag mong gawin ‘yan. Nagmamakaawa kami sa’yo. Patawarin mo’ko, patawarin mo kami ng Daddy mo. We’ll change and we’ll make things right. Just please, don’t do it. Please…” parang hindi si Helena ang nagsalita ng sandaling ‘yon. Nagiba na yata ang mala-china wall niyang itinayo sa paligid niya.

Natawang muli si Yuna.Ngayon ko lang yata narinig na tinawag mo ‘kong anak. Oh, how sweet, mother,” patuyang komento niya.

“Alam ko… at labis kong pinagsisisihan ‘yon. Please, anak. Hayaan mo ‘kong makabawi. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka ng ganito,” lumuluha nang wika ni Helena.

Tumahimik ka!” biglang sigaw ni Yuna “anong alam mo sa pagiging magulang, huh? Kinamumuhian kita at hanggang sa hukay ko ay kamumuhian ko kayong dalawa!”

Napahagulhol na ng tuluyan si Helena. Lumuhod. Patawarin mo ‘ko… umalis ka na riyanhuwag mong gawin ‘yan... anak, please…”

Bagamat may mga luha na ring pumapatak mula sa mga mata ni Yuna ay matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. Tumaas-baba ang dibdib habang nakatingin kay Helena. Isang malaking kalukuhan para sa kanya ang nakikita.

“Little Yuna…”

Biglang nabaling ang tingin ni Yuna sa ama. ‘Little Yuna’. Si Ibrahim ang nagpasimula ng bansag na iyon sa kanya. Kaya kahit papa’no ay magaan ang loob niya dito kumpara sa kanyang ina dahil sa endearment na iyon. Pakiramdam niya noon ay mahal siya ni Ibrahim sa tuwing tinatawag siya nito ng ganoon.

Humakbang si Ibrahim palapit sa kinaroroonan ng anak..

“Diyan ka lang! Huwag kang lalapit!” banta ni Yuna. Napaatras pa ng bahagya si Yuna sa dulo ng bangin.

“Ibrahim…” biglang awat ng asawa dito. Tumigil naman ang lalaki.

“Little Yuna… “ ulit muli ni Ibrahim na ikinakurap ng mga mata ni Yuna. “I know I never said this this to you… but… I love you, my darling daughter. P-Please come home to us…” medyo gumaralgal ang tono ni Ibrahim at hindi kailanman iyon nangyari kundi ngayon lang.

“Liar… hindi ako naniniwala sa’yo… “ pigil ang sariling sambit ni Yuna ngunit ipinagkanulo siya ng mga luhang namamalisbis sa kanyang magandang mukha.

Isa pang hakbang ang ginawa ni Ibrahim.

“Sabing diyan ka lang!” sigaw muli ni Yuna. Dahil sa isang hakbang na lang ng ama ay baka bumigay na siya.

Napakuyom ng kamay si Ibrahim. Gustong-gusto na niyang takbuhin ang anak at kahit magkapalit sila ng posisyon ay ayos lang.  

“Anak… I’m sorry… I am so sorry… it was never your mother’s fault. It was me,” ang patuloy pa ni Ibrahim “I manipulated all of you to become what you are right now. I manipulated your mother to become that ice-cold. I manipulated all of you to grow up like some machines. It’s all on me. Please forgive me. I promise I’ll change all of that from now on. Come here, sweetheart… Come home with us…” anitong ibinuka ang mga bisig para sa anak.

Nag-uunahang pumatak ang masaganang luha mula sa mga mata ni Yuna. All her doubts flew out in the air when she heard her father’s words. Maging ang iba pang naroroon ay napapaiyak na rin.

Yumugyog ang balikat ni Yuna sa pag-iyak. Everyone was afraid she might really fall.

Naghihintay pa rin si Ibrahim at lahat ng naroroon ay umaasang napagbago na ng ama ang desisyon ni Yuna.

Humakbang si Yuna ng isa palayo sa dulo ng bangin at marahil ay palapit sa amang naghihintay.

Ngunit biglang…

“Yuna!!!!!!!!!” halos lahat ng naroon ay napasigaw. Mas nanaig ang sigaw na iyon kaysa sa tunog ng chopper at lumalagaslas na tubig sa talon.

It was a split second. Time turned on a slow motion again.

Ang katawan ni Yuna… dahan-dahang bumabagsak. Tila bigla itong nawalan ng malay na naging dahilan upang matumba siyang patalikod. Marahil dahil sa sobrang emosyon, sa pinagsama-samang pagod, sakit at antok.

Ngunit sa split-second na iyon… Sa isang kurap… Isang tao ang sing-bilis ng kidlat na tumakbo palapit kay Yuna.

At bago pa tuluyang bumagsak ay nahablot na nito ang katawan ng walang-malay na babae.

Ngunit sabay din silang bumagsak…

Isa muling nakakabinging pinagsama-samang sigaw ng mga taong naroon ang nangibabaw sa paligid.

‘Thud.’ Malakas na tunog ng paglagabog ng mga katawan.

At bumalik na muli ang normal na takbo ng orasan.


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
37K 1.7K 35
(Professor × Student story) Kyrie Yvette Akerson lose her sanity, when she lost the man she loved. The man whose always been there beside her through...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...