Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

31. Lost

2.3K 78 6
By angDiyosaNgBuwan

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin bumabalik si Alexa. Alalang-alala na si Aya rito.

The designer was outside the house, walking back and forth. Hinihintay pa rin niya ang pagbalik ni Alexa.

Matapos ang nangyari kanina ay nagsi-uwian na rin ang mga tao. Nakakapanghinayang na naputol nang ganoon ang kasiyahan.

"Aya..." ang biglang tawag ni Nayumi sa designer mula sa pintuan ng bahay "pumasok ka na at malamig na ang gabi," utos nito kay Aya "Lalabas si TJ at Papa, susunduin na nila si Alexa."

"Sasama ako sa kanila," agad na presenta ni Aya.

"Aya, huwag na..." pigil ni Nayumi "nandoon lang naman 'yon sa talon. Doon siya laging nagpupunta kapag nalulungkot."

"Pero---" tutol pa rin ni Aya. Naputol ang sinasabi niya nang makita ang paglabas nina TJ at Theodore mula sa likuran ng bahay patungo sa stable ng mga kabayo. Mabilis na naglakad siya papunta sa mga ito.

"Aya---" tawag muli ni Nayumi pero nagtuloy-tuloy pa rin ang designer. Napabuntung-hininga na lang ang ate ni Alexa.

"Tito, Kuya TJ... puwede po bang sumama ako sa inyo?" Pakiusap ng designer nang makalapit sa mag-ama.

Nilingon siya ng mga ito. Parehong naka-cowboy hat ang dalawa at makapal na jacket.

"Hija, huwag na. Magpahinga ka na lang. Huwag kang mag-alala, iuuwi namin siya ng ligtas rito," si Theodore.

"Pero Tito... hindi ho ako mapapalagay hangga't hindi ko siya nakikita. Isama niyo na ho ako," pamimilit pa ni Aya sa nagmamakaawang tono.

"Isama niyo na siya."

Mula sa likuran nila ay wika ni Daniella, kasunod nito si Nayumi.

"Alexa might need her. And they also needed to talk," dagdag pa ng ginang.

Ngumiti ng pasasalamat ang designer dito.

Kumuha lang ng sariling jacket ang dalaga at nagdala na rin ng isa pa para kay Alexa. Pagkatapos ay lumisan na sila, sakay ng tig-iisang kabayo.

Napakalamig ng gabing iyon. Kahit nakasuot ng makapal na jacket ay nanunuot pa rin ang lamig sa balat ni Aya. Subalit hindi niya ininda iyon. Ang tanging nasa isip niya ay si Alexa. Malayo-layo rin ang talon. Dinaanan nila ang mga plantasyon patungo sa lugar. Hinigpitan ni Aya ang renda ng kabayo nang pumasok na sila sa medyo masukal na bahagi ng gubat.

Pagdating sa talon ay nakumpirma nilang nandoon nga si Alexa. Nasa loob ito ng tree house. Nalaman nila iyon mula sa liwanag na nagmumula sa loob. Nasa may di-kalayuan rin ang kabayo nitong si Snow, nanginginain ng damo.

"Maghintay muna kayong dalawa rito," ang wika ni Theodore. "Ako muna ang kakausap sa kanya," anitong ibinigay kay TJ ang tali ng kanyang kabayo.

Itinali naman iyon ni TJ sa malapit na puno, pati na ang sa kanilang dalawa ni Aya.

Naglakad na ang ama palapit sa tree house at maingat na umakyat doon. Katamtaman lang naman ang katawan nito kaya't kinaya pa rin ng hagdan.

Tahimik na nakamasid lamang ang dalawang naiwan.

"She really was heartbroken when Clarisse had gone. They were childhood best friends. The three of them, with Gregory... iyong sinuntok ni Alexa kanina," biglang sabi ni TJ.

Gustong magtanong ni Aya kung anong nangyari pero pinigilan niya ang sarili. Hahayaan niyang si Alexa na ang magsabi sa kanya.

"It's the first time I saw her get angry like that," ang sabi na lang ng designer.

"Does it make you love her less?" Ang tanong ni TJ.

"No," iling ni Aya. "In fact, I'm just waiting for her to snap. I really want to know what happened. And I admire her. Despite whatever she had gone through, she managed to stay happy. Not everyone can do that."

Napatango-tango si TJ. "Thank you," ika nito sa designer.

Nilingon ni Aya ang kapatid ng kasintahan."For what?"

"For loving my sister. It was the first time she ever let anyone else in, after Clarisse. I could see that she was really happy and in love with you. You know what... for a long time after that incident, I thought she's just faking it--- that happy exterior. Iniisip ko kung sadya bang napaka-positibo lang talaga niyang tao, dahil ganoon naman talaga kami pinalaki ng mga magulang namin o 'di kaya nama'y napakagaling lang talaga niyang magtago. There's no way to tell. Simula't sapul naman kasi'y masayahin na siyang bata. I think, you somehow helped make her happiness real," wika ni TJ.

Napaisip si Aya sa sinabi nito. She was wondering about the same thing. Batid niyang may itinatago ang kasintahan sa likod ng masayahin nitong personalidad.

Napatuwid ng tayo ang dalawa nang makitang bumaba na mula sa tree house si Theodore. Mag-isa lang ito.

"You can go ahead, Aya. She's ready to talk to you," anito nang makalapit.

Tumango ang designer. Bumaling muna ng tingin kay TJ bago nagtungo ng tree house.

Ang mag-amang Theodore at TJ ay umalis na rin nang makaakyat na ang designer. Kumpiyansa silang walang mangyayaring masama. Ligtas naman ang kagubatang ito at may tiwala sila kay Alexa. Kaya na nito ang sarili niya. Madrigals were trained to survive.

Maingat na tinahak ni Aya ang naghihingalo nang hagdan ng tree house. Umuklo siya para makapasok dahil mababa lamang ang pintuan. Mukhang designed iyon para lamang sa mga bata. Mas malaki pala iyon sa loob kaysa sa itsura nito mula sa ibaba. Aya peered her eyes inside. Tanging lampara lamang ang nagsisilbing ilaw at hindi niya gaanong maaninag ang loob. Hinanap niya kung nasaan si Alexa at nakita niya itong nakasandal sa pinakasulok na bahagi, nakatitig sa kanya ngunit blangko ang mukha. Nakataas ang isang tuhod nito habang ang isa'y nakalapat nang deretso sa sahig.

Dahan-dahang lumapit dito si Aya. Maingat ang bawat pag-tapak. Umiingit na ang kahoy na sahig nang dahil sa kalumaan. Lumuhod siya sa harapan ni Alexa. Hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa isang tuhod. "Hey..." masuyong bati niya rito.

"Hey..." ang sagot ni Alexa sa medyo namamalat na boses.

Mukhang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Wala ring buhay ang boses nito. Nalungkot si Aya. Hindi siya sanay na nakikitang ganito ang kasintahan.

"Do you want to talk about it?" Ang masuyong tanong ng designer. Hindi na niya kailangang magtanong kung ayos lang ba ito dahil nakikita naman niyang hindi.

Malungkot lang na nakatingin si Alexa sa kasintahan. Her face was lifeless.

Aya suddenly missed the silly woman's usual annoying smirk. She couldn't bear looking at Alexa without it. It was breaking her heart.

Umiwas ng tingin si Alexa at tila napakalayo ng tingin. Ilang sandali bago ito nagsalita.

Limang segundo.

Sampung segundo.

Hanggang umabot ng dalawampu.

Hinintay ni Aya na magsalita ito.

"I was ten. Clarisse was twelve. And Gregory, he's a bit older than us--- our big brother. He's sixteen. We were best of friends and were inseparable," simula ni Alexa na deretso lang ang tingin, tila nagbabalik-tanaw sa nakaraan. At sa mahina at mabagal na pagsasalita, "This place--- the falls and this tree house... this is our sanctuary. Anak si Clarisse ni Don Manuel Villamor, ang may-ari ng kabilang lupain. Si Gregory ay anak naman ng tagapamahala ng mga Villamor. Paglagpas sa mga punong narra'ng iyan---" turo ni Alexa sa mga nagtataasang puno mula sa bintana. Ilang hakbang lang ang layo nito mula sa tree house "--- ay bahagi na ng Hacienda Villamor. May mga panahong nasa China kami, pero kapag umuuwi kami ng Pilipinas ay dito kami tumutuloy. Noong huling dalawang taon ko sa elementarya ay dito ako nag-aral. Sina Clarisse at Gregory ay nasa high school na noon, ngunit mga bata pa lamang kami ay matalik na kaming magkakaibigan, simula pa noong anim na taong gulang pa lamang ako. Pagsapit ng alas-kuwatro ay nagtatagpo kaming tatlo sa lugar na ito," may munting ngiti na gumuhit sa labi ng makulit na babae dahil sa alaalang iyon, ngunit ang mga mata'y makulimlim pa rin "madalas na inaabot kami ng gabi rito. Naglalaro ng kung anu-ano. Naglalangoy sa talon. Nariyang nagkukunwari kaming mga sundalo at nakasuot pa talaga ng pang-sundalong damit. Maglalambitin kami sa mga baging patungo sa kabilang bahagi ng ilog, maglalaro ng paint gun, o gagawa ng kung anu-anong obstacle course. Kadalasan ay i-p-prank ang bawat isa. Mahilig kaming gumawa ng mga bitag noon o kaya nama'y butas sa ilalim ng lupa... tapos tatabunan namin 'yon, pagmumukhaing walang butas. Binibiktima ang bawat isa. At minsan pa... pati sarili namin nabibiktima rin sa sarili naming bitag," aniyang may kalakip na tawa "Masayang-masaya kami noon," napahugot ng hininga si Alexa na waring nanghihinayang "Subalit... isang araw... " biglang pumatak ang luha sa mga mata ni Alexa "isang araw ay nawala na lang bigla lahat ng 'yon..." mapait na saad niya, kababakasan ng matinding kalungkutan ang mukha "Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon..." sambit niya na kuminang ang mata "May pagka-kulelat kasi ako sa klase noon eh," nagpakawala ng mapaklang tawa si Alexa kahit hilam sa luha ang mga mata "at no'ng araw na 'yon... ginawan nila ako ng cake at nag-celebrate kami. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakuha ako ng mataas na marka sa isang subject. Masayang-masaya kami nang lisanin ang lugar na 'to. Nagsasayaw pa kami habang nasa daan. Mula rito ay inihatid naming dalawa ni Gregory pauwi si Clarisse. Ako nama'y nangangabayo na lamang pauwi o kaya'y sinusundo na lamang ng mga tauhan dito sa farm. Nang hinatid namin si Clarisse nang araw na 'yon... ang nadatnan namin..." napailing si Alexa "ay ang nasusunog na mansyon ng mga Villamor... " humugot muli ng hininga dahil sa paninikip ng dibdib "wala noon ang Papa ni Clarisse dahil nasa isang business conference. At... at mayroong kaalitan noon ang kanyang ama... na... nagpadala ng mga tulisan... at..." tumaas-baba ang dibdib ni Alexa, lalong bumibigat ang paghinga. Lumunok siya "at p-pina-masaker ang buong pamilya ni Don Manuel..." gumuhit ang matinding poot sa mga mata niya "wala silang itinira... mula sa mga tauhan, mga guwardiya, mga katulong, ang mama't mga maliliit na kapatid ni Clarisse... si Clarisse... " sambit niya sa hirap na sa pagsasalita.

Alexa grasped her chest, she seemed to be in pain.

Nagpasya si Aya na pigilin na ito sa pagsasalita, "Alexa... You can stop here... hindi mo na kailangan pang ituloy..." malumanay niyang saway rito.

Umiling lang si Alexa. Kailangan na niyang ilabas ang nararamdamang ito, dahil baka sa susunod ay hindi na niya magawa.

Alalang-alala naman si Aya. Kinakapos kasi ng paghinga ang kasintahan habang nakahawak sa dibdib. Tila alam na niya ang nangyayari dito---

Alexa was having a panic attack.

Ipinagpatuloy pa rin ni Alexa, "I... I-i w-witnessed her m-murder..." nakahawak pa rin sa dibdib at hirap na hirap na sa pagsasalita "r-right i-in f-front of me..."

Alexa's teeth clamped. Gritting.

"Tama na, Alexa... tama na... It's okay. It's okay..." putol ni Aya at niyakap ito habang hinahaplos ang likod. Awang-awa sa kasintahan.

Natuon ang mata ng designer sa sahig. May isang supot doon na may lamang isang bote ng tubig at mayroong kasamang tabletas na hinuha niya'y gamot. Aya's eyes lighted up in realization. Siguro'y iniwan iyon ni Theodore doon. Inabot niya ito.

Naninigas ang katawan ni Alexa. It seemed like she was having a seizure.

Nagmamadaling binuksan ni Aya ang tubig at gamot."Drink this..." she pop the pill inside Alexa's mouth and followed it with the water.

Hindi naman pumalag si Alexa. Pagkatapos ay sumandal ito sa dingding ng tree house habang nakapikit ang mga mata. The silly woman was trying to even out her breathing. Unti-unti na ring umeepekto ang gamot.

Hinayaan muna ni Aya na kumalma ito.

Pinilit pa ring tapusin ni Alexa ang kanyang kuwento habang mataman namang nakikinig ang kasintahan.

Idenitalye nito ang buong pangyayari.

"Kung alam ko lang... sana'y hindi na namin siya inihatid kaagad noon. Sana'y nagpaabot na kami ng gabi rito, kagaya ng nakagawian. Pero bakit kailangang maaga kaming umuwi noon? Sana'y hindi na siya nadamay pa... at kung hindi ako pinigilan ni Gregory... " nangalit ang bagang ni Alexa. Mukhang labis-labis ang hinanakit sa dating matalik na kaibigan "sana'y nailigtas ko siya... sana'y nailigtas ko siya..." buong pagsising wika ni Alexa.

Nang gabing iyon ay nakita na rin ni Aya ang tunay na mukha ni Alexa sa likod ng maskara nito.

"At mula noon ay hindi mo pa pinupuntahan ang puntod niya?" Naitanong ng designer.

Muling bumalong ang luha sa mga mata ni Alexa. "H-hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na wala na talaga siya. Halos gabi-gabi ay napapanaginipan ko ang araw na 'yon. Kung paanong wala akong nagawa habang kinikitlan siya ng buhay. At hindi ko matanggap... sinisisi ko ang sarili ko. Si Gregory. Kaya hindi ko magawang puntahan ang kinahihimlayan niya. Pakiramdam ko ay napaka-walang kuwenta kong kaibigan. Sana'y namatay na lang akong kasama niya," mapait na wika niya.

"Huwag mong sabihin 'yan..." saway ni Aya "sabihin na nating lumabas ka noon at hindi ka pinigilan ni Gregory... sa tingin mo ba may magagawa ang dalawang bata laban sa labing-dalawang tulisan? Siguro'y iyon din ang iniisip ng kaibigan mo noon. It's useless to put the blame in yourself. Kung mayroon mang dapat sisihin, iyon ay ang nag-utos ng masaker na iyon at ang mga tulisan na gumawa niyon. Hindi ikaw. Hindi si Gregory. You have to forgive yourself. Even him."

Matigas na umiling si Alexa. Bakas ang galit sa mukha."Kahit pa. Do you remember how I was trained in kung fu since I was four? I could have done something. I believe I could somehow prevent her death. Kahit si Gregory ay malakas din. Madalas siyang makipambuno sa mga kaedaran niya. Pero naging bahag ang buntot niya nang araw na 'yon. May nagawa sana kami para iligtas si Clarisse, pero imbes na ipagtanggol ang kaibigan namin, pinigilan niya 'ko... at hindi ko siya mapapatawad nang dahil doon," madiing wika niya.

"Pero may mga baril sila, Alexa. Ano namang laban niyo do'n? Kahit ga'no ka pa kalakas, hindi ka oobra," pagrarason ni Aya.

"But I could have done something, right? Mas gugustuhin ko pang namatay na lang kasama niya, kesa naman habang-buhay kong pinagsisihan na ni wala man lang akong nagawa, para iligtas siya!" Galit sa sariling sigaw ni Alexa.

"Pero nangyari na, Alexa..." mahinahon pa ring wika naman ng designer "wala ka nang magagawa 'ron. Kahit ano pang gawin mong sisi sa sarili mo, wala nang magbabago. Hindi na siya mabubuhay pa. Matagal na ring panahon. Tingin mo ba magiging masaya si Clarisse na nakikita kang ganyan? At si Gregory... sinunod lang niya ang kahilingan ni Clarisse. She want you to live. And Gregory saved you," Aya pointed out "You can't deny that fact. At nagpapasalamat ako sa kanya, dahil ngayon ay nandito ka pa, kasama ko. Magpatawad ka na, Alexa. Sa ganoong paraan ka lang gagaling."

"I don't know. I don't know if I can," malungkot na tugon ng kasintahan habang umiiling. Masyadong masakit ang pangyayaring iyon. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang isiping wala siyang nagawa para pigilin iyon. Malaking pagsisi, lungkot at galit ang nararamdaman niya. At mahirap kalimutan na lang ang lahat ng iyon.

Hinawakan ni Aya ang magkabilang pisngi ni Alexa at hinalikan ang noo nito. "You can do it," kumpiyansang wika niya at niyakap ito "you can do it, Alexa. You're one hell of a strong girl. Naniniwala ako sa'yo."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa dalawa. Lalo pang lumalalim at lumalamig ang gabi. Maririnig sa loob ang huni ng mga kulisap mula sa labas, pati na ang ingay ng pagbagsak ng tubig sa talon.

The two women were nestled into each other, sharing each other's warmth and savoring the calmness of the forest. May kung anong kapangyarihan ang kagubatan na tila ba gumagamot sa sugatang puso, at ninamnam nila iyon. Sandaling tila nagkaroon ng kapayapaan ang kanilang mga damdamin.

Makalipas ang ilan pang sandali ay kumalas na si Aya mula sa pagkakayakap sa nobya.

Si Alexa naman ay bumibigat na ang talukap ng mga mata.

"We should go home. Baka naghihintay pa rin sila doon. Masyado na ring malamig dito," yakag ng designer.

Hindi na rin komportableng tulugan ang tree house dahil parang anumang oras ay bibigay na iyon.

"Okay," nanghihinang tumango na lang si Alexa. Wala na siyang lakas para kumontra pa. She was both emotionally and physically-drained. Isa pa'y aware siya sa kundisyon ng tree house na iyon. Sadyang matibay lang ang pagkakayari dahil umupa pa sila ng gumawa niyon mula sa ibang bansa. Subalit maraming taon na ang lumipas na napabayaan ito. Mula nang mangyari ang insidente, labindalawang taon na ang nakalipas ay hindi na ito nagalaw pa. At mula noon ay pinagbawalan na niyang magpunta ang kahit na sino roon, maliban sa kanya.

Maingat na bumaba na sila mula sa tree house.

Ang dalang kabayo ni Aya ang ginamit nila. Akay naman ng designer si Snow habang pinapatakbo si Steve, ang gamit niyang kabayo na pagmamay-ari naman ni Nayumi. Si Alexa ay nakasandal sa kanyang likod at nakayakap sa kanyang baywang. Mabuti na lamang at may karanasan na din si Aya sa pangangabayo.

Alexa took a last glance at the tree house as they leave. She felt a deep sorrow in her chest.

'Goodbye, Clarisse.'






Pagdating nila sa bahay ay gising pa nga ang mga magulang at dalawang kapatid ni Alexa.

Inalalayan ni TJ na makababa mula sa kabayo si Alexa. Sinalubong naman ni Daniella ng yakap ang bunsong anak.

Kinuha ni Theodore mula kay Aya ang dalawang kabayo at ibinalik na ang mga iyon sa stable.

Tumabi si Nayumi kay Aya habang pinagmamasdan sina Alexa. Bigla itong nagsalita,"Matagal bago siya gumaling. She had fallen into depression when Clarisse died. She shut us off. Ang mga kaibigang monghe ni Mama ang nag-alaga sa kanya. At nang bumalik siya... bumalik na din ang dating Alexa. I really thought she had finally let go, but it seemed that she just concealed it."

Hindi magawang magkomento ng designer sa sinabi ng kapatid ni Alexa.

Samantala, inakay na ni Daniella papasok ang anak, ngunit lumingon ito kay Aya. Sumenyas dito na sumunod na.

Tumingin si Aya sa katabi.

"Sige na..." taboy ni Nayumi sa designer.

Ngumiti si Aya rito at naglakad nang palapit sa kasintahan. Sabay na silang pumasok.






Kinaumagahan nang bandang hapon ay gumayak na sina Aya at Alexa para bumalik ng Maynila. Ang mga magulang at kapatid ng huli ay mananatili pa ng ilang araw doon. Pagkatapos ng summer vacation ay may kanya-kanya ring trabaho ang mga ito.

Dahil nasa kondisyon nang muli ay si Alexa na rin ang nagmaneho ng sasakyan. Iginiit nito sa kasintahan na maayos na siya.

Nang makalabas sila ng lupain ng mga ito ay nagtaka si Aya nang biglang itinigil ni Alexa ang sasakyan. "O, bakit? May nakalimutan ka ba?" Tanong niya.

Umiling ang kasintahan. "May... may gusto sana akong daanan..." wika nitong tumingin nang makahulugan kay Aya.

Nakaunawa namang ngumiti ang designer. "Then, let's go..."

Inikot ni Alexa ang sasakyan at tinahak ang kabilang direksyon na papunta sa kanayunan. Ang lupain nina Alexa ay nasa border na ng siyudad. Magkahiwalay ang daan patungong Maynila at papunta sa kabayanan.

Tumigil sila sa isang tahimik na lugar. Maraming puno at luntian ang paligid. Napapalibutan ng bermuda grass ang kabuuan niyon.

Bumaba na ang dalawa ng sasakyan. Naunang maglakad si Alexa. Tila alam na alam ng mga paa nito ang pupuntahan kahit na parang wala sa sarili habang naglalakad.

Ilang sandali pa ay tumigil ito sa isa sa mga lapidang nakabaon sa lupa.

Si Aya ay nasa likuran lamang. Binigyan muna ng privacy ang kasintahan.

Clarisse Y Villamor
1991-2003

Iyon ang nakasulat sa lapida.

Sa pagkakatingin doon ay pumatak ang luha mula sa mga mata ni Alexa. "Clarisse... patawarin mo ako," pabulong na wika niya "I'm so sorry if I hadn't saved you back then... I'm sorry kung wala akong nagawa. At patawad... kung ngayon lang kita nadalaw pagkatapos ng labing-anim na taon. Pero hindi kita kinalimutan. Nananatili ka rito sa puso ko. Mahal na mahal kita. Sana'y masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Patuloy kong pahahalagahan at aalalahanin ang mga alaalang iniwan mo. I-i a-always m-miss you," garalgal ang boses ni Alexa sa huling salita. Pinahid niya ang mga mata. "Nakakainis ka... ang daya-daya mo naman eh..." biglang lumabas ang pinipigil na emosyon ni Alexa "iniwan mo kaagad ako... nangako ka hindi ba? Nangako kang walang iwanan..." napahikbi na ang makulit na babae, yumuyugyog ang balikat. Napatakip siya ng kanang bisig sa mga mata.

Si Aya ay hindi alam kung lalapitan na ang kasintahan.

Maya-maya pa'y napaluhod na sa puntod si Alexa, yuko ang ulo at patuloy sa paghikbi. "Iniwan mo 'ko... madaya ka... madaya ka..." paulit-ulit na sambit nito "hindi mo man lang ako hinayaang ipagtanggol ka, na iligtas ka," puno ng hinanakit na wika pa habang nakatitig sa lapida "galit ako sa 'yo..." animo'y batang nagtatampo "sa inyo ni Gregory."

Si Aya ay napapahid na din ng mga mata. Hindi maiwasang maiyak rin habang pinagmamasdan ang nobya. Gusto niyang daluhan ito pero pakiramdam niya ay may nais pa itong sabihin sa matalik na kaibigan.

"Akala ko'y kaya kong lokohin ang sarili ko... na magagawa kong kalimutan ang nangyari. Pero mali ako. Ang sakit-sakit pa rin, Clarisse," patuloy ni Alexa "hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit na 'yon... at napakahirap kalimutan..."

Patlang.

"Pero alam mo... " biglang parang sumigla ang boses ni Alexa "may nagpapasaya na ulit sa 'kin ngayon..." aniyang parang nagkukuwento lang "at nandito siya ngayon kasama ko."

Napaangat ang ulo ni Aya. May tuwang bumalot sa kanyang puso nang dahil sa narinig.

"Gusto kong maging maayos na ngayon para sa kanya... para maibigay ko ng buong-buo ang sarili ko sa kanya. Kaya ngayon... gusto kong sabihin sa'yo na... pinapatawad na kita. At susubukan kong patawarin na rin ang sarili ko at maging si... maging si Gregory..." iniangat ni Alexa ang mukha sa langit, hilam pa rin sa luha ang mga mata"sana'y magawa ko. Kung nasaan ka man, sana'y gabayan mo ako na mapagtagumpayan iyon, kagaya ng paggabay mo sa'kin noon. Hinding-hindi kita makakalimutan."

Hindi na nakatiis si Aya at nilapitan na ang kasintahan. Lumuhod din siya at yinakap ito mula sa likod.

Iniyakap rin ni Alexa ang sariling mga kamay sa braso ni Aya.

"Clarisse... ito nga pala ang babaeng pinakamamahal ko," ani Alexa'ng nilingon ang kasintahan "siya si Aya. Aya this is Clarisse, my bestfriend."

Ngumiti si Aya sa kasintahan at itinuon sa lapida ang tingin na parang aktuwal na tao iyon, "Hi, Clarisse. Ikinagagalak kong makilala ka. Huwag kang mag-alala, napagtititiisan ko naman ang kakulitan ng kaibigan mo," aniyang bahagyang natawa. Gayundin si Alexa "at mahal na mahal ko rin siya," wika pa niyang nakatingin na kay Alexa "sa bawat araw ay mas lalo ko siyang minamahal at mas mamahalin pa. Ipinapangako kong iingatan ko siya," itinuon na muli niya sa puntod ang tingin "salamat sa pagliligtas mo sa kanya, Clarisse. Nang dumating siya sa buhay ko ay iniligtas niya rin ako."

Nangiti naman si Alexa sa mga sinabi ng girlfriend. Nangangalay na ang tuhod niya mula sa pagkakaluhod kaya't inakay na niyang patayo ito. She clasped their hands and looked down on the tomb again. "Paalam, Clarisse. Pangako, kapag nauwi muli ako rito ay madalas na kitang dadalawin. Babawi ako sayo," ang wika.

Ilang sandali pa silang nanatili roon. Nang sa tingin nila ay nabigyan na nila si Clarisse ng sapat na oras ay nagpasya na silang umalis.

Magkahawak-kamay na pumihit nang patalikod ang dalawa. Ngunit biglang natigilan si Alexa.

Sa hindi-kalayuan ay nakatayo si Gregory. Kanina pa itong nakamasid sa dalawa.

Nakita rin ni Aya ang lalaki. "Go, talk to him," kumbinsi ng designer sa kasintahan.

May pag-aalangan sa mukha ni Alexa. Parang hindi pa niya kayang harapin muli ang dating matalik na kaibigan.

Si Gregory na ang lumapit sa kanila. Halatang medyo ilang din ito. "Nabalitaan kong ngayon ang alis mo... nagbakasakali akong makikita kita rito," anitong hindi makatingin ng deretso "alam kong galit ka pa rin sa'kin... at muli, Alexa... humihingi ako ng tawad. Hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa'yo, hanggang sa tuluyan mo akong patawarin," puno ng determinasyong wika.

Napaiwas ng tingin si Alexa dito. Parang bigla siyang nakaramdam ng guilt. Matagal na panahon na ito ang sinisi niya sa nangyari. At nang dahil sa galit ay itinakwil niya ito bilang kaibigan. Pero sa totoo lang ay naging napakabait na kaibigan nito. Ito ang tagapagtanggol ni Clarisse sa tuwing nababastos sa eskuwelahan noon. Nakikipagbugbugan para sa mga kaibigan. At tagapag-protekta at kuya nila. Sa kabila ng agwat ng edad nito ay nakisakay ito sa mga trip nilang dalawa ni Clarisse. Kahit na laging dehado ito sa kanilang dalawa ay nanatili pa rin ito. Hindi rin sana sila papayagan ng mga magulang nila na tumambay sa tree house at falls na iyon kung hindi dahil kay Gregory.

"Hindi ko ginusto ang nangyari. Alam kong kaduwagan ang nagawa ko. At habang-buhay kong pagsisisihan 'yon. Pero gusto ko ring maunawaan mo ang panig ko..." ani Gregory sa desperadong tono "Clarisse ordered me to never let you out of hiding no matter what happened. They were armed, Alexa. We were poorly outnumbered. Kahit sampung ikaw at ako pa, walang magagawa. They were trained assasins. Papatay ng walang pag-aalinlangan para lamang sa pera. Nakita mo naman ang ginawa nila sa buong pamilya ni Don Manuel, hindi ba? No one was spared. Kahit mga paslit nga, pinatay nila... paano pa tayo? Don Manuel's guards were armed too, pero wala silang nagawa. Ang daming tauhan doon na mas malakas pa sa atin, pero may nagawa ba sila? Wala, 'di ba? Pa'no pa tayo?" Nangilid ang luha ng lalaki "at namatayan din naman ako, Alexa... buong pamilya ko nandoon," madiing pahayag nito "Baka nakalimutan mo," may hinampo sa boses ng lalaki "noong mga panahon na 'yon, kailangan ko rin ng kadamay... pero tinalikuran mo ako. Iniwanan mo ako, Alexa..." bahagyang pumiyok ang boses nito dahil sa tindi ng emosyon "Akala mo ba ikaw lang ang may hinanakit? Labis din akong naghihinanakit sa'yo... dahil iniwan mo akong nag-iisa," patuloy ito sa pagluha habang nagsasalita "Ikaw, masuwerte ka dahil may pamilya ka... pero ako? Sinong natira sa'kin? Wala, Alexa. Wala," wika nitong umiiling "Ni si Don Manuel ay hindi ko masandalan. Hayun... hanggang ngayon ay nagpapakalunod pa rin sa alak. Hindi lang ako ang nang-abandona..." mapait na pahayag pa"ikaw din."

Si Alexa ay umiiyak na rin habang nakikinig sa dating kaibigan. At maging si Aya na nasa likuran lang niya.

Hindi makapagsalita ang makulit na babae, napakagat-labi habang patuloy na bumabalong ang luha sa mga mata. Tama lahat ng sinabi nito. Napakasama niyang kaibigan. How could she not realize that sooner? Mas matindi ang pinagdaanan nito. Hindi lang kaibigan ang nawala rito, kundi buong pamilya.

Hindi na napigilan ni Alexa ang sarili at tinakbo ng yakap si Gregory.

Tinanggap naman iyon ng lalaki. Sabay na pumalahaw ng iyak ang dalawa. Mahihiya ang ibang naroroon sa tindi ng hinagpis nila.

Si Aya naman na nakamasid lang ay napatakip na sa bibig dahil sa tindi rin ng pag-iyak. Hindi maiwasang maantig ang puso sa nasasaksihan.

"P-pata...warin m-mo k-ko..." ani Alexa sa pagitan ng paghikbi. Sumisigok na siya sa kaiiyak "s-so s-sor---ry..." hindi na siya makapagsalita ng tuwid.

Tumango-tango lang si Gregory, nakayakap pa rin kay Alexa.

Napahugot ng malalim na hininga si Aya. Hindi na niya kayang tingnan sina Alexa. Nadudurog ang puso niya para sa mga ito. She looked up at the sky for a brief moment. Bakit ba kailangang mangyari ang mga ganitong trahedya? Nang ibalik niya ang tingin sa dalawa ay magkayakap pa rin ang mga ito. Tila ba binabawi ang mga panahong nasayang.

It took a while before the two released each other. Medyo kalmado na rin ang mga ito at humupa na ang pag-iyak. Parehong nagpahid ng luha ang dalawa. Pagkatapos ay ngumiti sa isa't isa. Tila pareho nang handang magpatawad.

"Gusto kong... magkaayos na tayong dalawa, Alexa..." si Gregory ang unang nagsalita "matagal na panahong puro pait ang nasa puso ko. Pero alam mo kasi..." parang nag-alangan ito bigla. Napakamot sa batok "may balak na kasi akong magsimula ng pamilya. Engaged na ako," tila nahiya pa ito nang sabihin iyon "at gusto ko munang ayusin ang sarili ko para sa babaeng minamahal ko."

Natigilan si Alexa at nilingon ang kasintahang nasa likuran niya. Her eyes then landed to Clarisse' tomb. Naalala niya ang kanina ring sinabi niya doon--- gusto na rin niyang maging maayos para sa babaeng minamahal. Ibinalik niya ang tingin kay Aya. Her eyes lingered on her girlfriend's beautiful face. Then she turned towards Gregory again, who had an expectant look.

Alexa smiled at the man. Tumango siya. "Oo... ganoon rin ang gusto ko... sa parehong dahilan na ibinigay mo," ika niya rito. Panahon na para pakawalan niya ang galit sa dibdib. Hindi lang naman siya ang nasaktan. Nabulag lamang siya ng labis na kalungkutan at panghihinayang.

"Ikakasal ka na rin?" Ang tanong naman ni Gregory.

"Ah, hindi..." agad na paglilinaw ni Alexa "I mean... para rin sa babaeng minamahal ko. Gusto ko na ring ayusin ang sarili ko. Ayoko nang mamuhay sa madilim na nakaraan," napabuntung-hininga siya at muling napatingin sa puntod ni Clarisse "And I bet, that was what Clarisse wanted too--- ang magkaayos na tayo."

Napatango-tango si Gregory. "So, hindi ka pa rin pala talaga nagbago... pusong-lalaki ka pa rin," anitong nakangiti "siya ba?" Anitong nakatingin kay Aya.

Tumango si Alexa habang nakangiti rin. "Oo, siya nga," tugon niya. She gestured Aya towards her. Hinawakan ang kamay nito nang makalapit. "This is Aya, my girlfriend," pagpapakilala niya kay Gregory.

Agad namang inilahad ni Gregory ang kamay sa designer. "Nice meeting you."

Nakipagkamay si Aya rito. Ginantihan ang ngiti ng lalaki. "The pleasure is mine," ika ng designer.

Napakamot sa batok si Gregory nang bitawan ang kamay ni Aya. "Actually... may ipapakilala rin ako..." wika nito. Lumingon ito sa bandang kanan.

Ilang metro ang layo sa kanila ay may isang babaeng nakasuot ng bestida at nakatingin din sa kanila. Maputi ito at simple lang ang ganda. Mukhang kagalang-galang.

"Ah... kasama ko nga pala ang fiancee ko," muling nagsalita si Gregory.

Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nina Aya at Alexa. Hindi kasi nila napansin ito kanina.

"Sandali lang ha..." ani Gregory na nilapitan ang babae at inakay palapit sa dalawa. "Alexa... Aya... si Fatima nga pala. Siya ang fiancee ko," pagpapakilala ng lalaki.

Nagkatinginan sina Aya at Alexa.

"Sorry..." si Aya ang nagsalita "hindi ka kasi namin napansin kanina. Nagulat lang kami nang ituro ka ni Gregory."

"Actually... kanina pa akong naroroon habang nagdadramahan itong dalawa. Grabe nga... para lang akong nanonood ng teleserye. Napaiyak din ako," ang pabirong tugon naman ng kasintahan ni Gregory.

Natawa sina Aya. Mukhang palabiro ang babae.

"I like her," si Alexa na nakatuon kay Gregory ang tingin.

"Sorry, taken na 'ko eh..." ang birong muli ni Fatima na ikinatawa naman ng tatlo.

"Mukhang magkakasundo tayo..." komento ni Alexa rito.

"No offence, hun. But she feels and sounded like you," ani Aya kay Alexa.

"That's true," kumpirma naman ni Gregory.

"Actually, kaya raw siya naakit sa'kin dahil sa dahilang 'yan," pambubuking ni Fatima.

Tinaasan ng kilay ni Alexa si Gregory.

"Hey..." agad na itinaas ni Gregory ang isang kamay "it's not what you think. Totoo na una ko siyang napansin dahil halos magka-ugali kayo at parehong magsalita, pero... kapatid lang ang turing ko sa'yo no'n ha... naaalala lang kita sa kanya..." paliwanag ng lalaki.

Alexa hummed in understanding. "Okay... kailan nga pala ang kasal?" Naalala niyang itanong.

"Tatlong buwan mula ngayon," si Gregory "sana'y makapunta ka, Alexa. At isama mo na rin si Aya," paanyaya nito.

Ngumiti si Alexa. "Sure... why not?"

Mukhang natuwa naman si Gregory. "Salamat, Alexa..." makahulugang wika nito.

"It's about time to move on..." wika ni Alexa tinapunan muli ng tingin ang lapida ni Clarisse "I'm sure she's happy now."

"I bet she is," sang-ayon ni Gregory na nakatingin din doon.





----





Napakurap-kurap si Aya habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa harapan niya. Si Alexa ay tahimik lang din sa tabi niya.

"Bakit sa akin niyo sinasabi ito?" Ang tanong niya sa dalawa. "You could have gone to the police, to her parents or you can use your connections. Bakit kailangang sa'kin kayo lumapit? Kung totoo man ang sinasabi niyo, tingin niyo ba may magagawa ako?" Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis. Tahimik na ang buhay niya, bakit kailangan pang guluhin ng mga ito. "You're the ones who've got influences, not me," dagdag pa ng designer.

Lumungkot ang mga mukha ng dalawang kaharap niya. "We just thought, you still care for her. And we're wondering if she ever contacted you. I'm sorry but we couldn't think of anyone else to ask. Napuntahan na namin lahat ng kaibigan at kasamahan niya at lahat ng kakilala na puwede niyang puntahan, pero wala siya. We're just really worried," si Jessica.

"Kung totoo kasi ang hinala namin, hindi rin kami makakalapit kina Tito o sa mga magulang namin," wika naman ni Reign.

"And why not??? They're her parents, her family. Wala ba silang pakialam kung napahamak na siya sa kamay ng lalaking 'yon?" Naguguluhang tanong ni Aya.

"You don't know Yuna's parents. Especially Helena. Kung totoong hostage siya ni Mike dahil ayaw na sa kanya ni Yuna... at kung malaman ng parents niya kung bakit... malamang ay makikisapakat pa sila para gipitin siya. Mike was forcing her to marry him. And that's what her parents wanted, too. They couldn't afford to have a gay daughter. Hindi ba nga itinakwil siya no'ng maging kayo? Kung sakali pang nagtagal kayo, akala mo ba lulubayan kayo ng mga magulang niya? No. Mabuti na lang at dumating si Mike. I'm sorry to say this Aya... but Yuna's betrayal actually saved you. You haven't face Helena's wrath because of that. And our parents wouldn't dare to cross her and her husband," mahabang paliwanag ni Jessica.

Hindi nakapagsalita si Aya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa kanyang nalaman.

"Sa tingin niyo, saan itinatago ni Mike si Yuna?" Ang biglang tanong ni Alexa. "I can help you."

Biglang napalingon si Aya sa kasintahan. "Alexa... ayoko nang madamay ka pa rito. I don't even know kung gusto ko pang sumali sa gulong 'to," wika niya bagamat ramdam ang bigat sa dibdib. Ano bang magagawa niya?

"Hindi natin siya puwedeng pabayaan, Aya. Kung totoong binubugbog siya at ikinukulong ni Mike... matatahimik ba ang kalooban mo? Kasi ako... kahit hindi ko gusto ang mangkukulam na 'yon, hindi ako matatahimik. Kung alam ko din naman na may magagawa rin ako," Alexa reasoned out.

Napipilan si Aya. Nag-init ang sulok ng mga mata. Sa totoo lang ay talagang nag-aalala rin siya sa dating kasintahan. Pero iniisip niya lang rin si Alexa. Sa sitwasyon ni Yuna... paano kung---

Ayaw niyang daigin siya ng damdamin o ng awa para rito. She didn't want to hurt Alexa. Pero ayaw din naman niyang mapahamak si Yuna.

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang designer.

Bumaling muli si Alexa sa dalawang mag-pinsan. "I have an ex-military friend. He now runs a security company. I'll call him and he'll help us find Yuna. Do you have an idea where he's keeping her?" Ang tanong ni Alexa.

Tumango ang dalawa at tila nakahinga ng maluwag.

"Yes. We know a place. Iyon na lang ang hindi namin napupuntahan. Rest house iyon ng pamilya ni Mike. Sa Tagaytay," si Reign ang sumagot.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6K 1.8K 7
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
5.8K 422 5
Wherein Veronica, the only daughter of House Armendarez is forced to marry Kiarra, the bastard of House Saavedra. PS. Wag muna basahin bc p aq
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...