HEAVEN WILL ONLY KNOW

By fedejik

328K 6.3K 217

Playboy... yun ang tamang description kay Yi Jeong. Hindi siya kuntento sa iisang babae at lalong hindi siya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12 (End)

Chapter 9

21.6K 443 5
By fedejik

CHAPTER 9 

At tulad nga ng sabi ni Yi Jeong ay pumunta ito sa America at doon naman nagpatuloy nang pag-aaral. Gulilat man ang magulang sa desisyon nitong magpunta sa America ay hindi na rin ito kinontra pa. Alam nilang may magandang plano na ang anak nito sa buhay. At si Gail ang isang taong higit nilang pinapasalamatan sa mga pangyayaring iyon sa buhay ng kanilang anak. 

Nakalipas ang dalawang taon nang halos wala man lamang na tawag o kahit ano pa mang paramdam na natatanggap si Gail mula kay Yi Jeong. Hindi na nga lang siya nagsasabi sa ina dahil ayaw niyang maawa ito sa kanya. Pero ang dalawang taong ipinaghintay niya ay hindi niya alam ang kahahantungan. Hindi man niya aminin sa sarili ay patuloy pa rin siyang umaasa na babalikan nga siya ng lalaki. 

Kasalukuyan siyang nagtuturo ngayon sa pre-school kids. May kung ilang buwan pa lang din siya nagsisimula pero talagang nae-enjoy na niya ang pagtuturo kahit na nga super kukulit ng mga estudyante niya. 

"Um...hello, excuse me. I am looking for Ms. Gail..." Ngiting-ngiti pang tanong ng isang lalaki sa isang bata. 

"Do you came from the United States of America?" Tanong pa ng bibong batang lalaki. 

"Y-yes..." Taka pa ito. 

"Do you go there to study?" Tanong pa ng isang batang babae. 

"Yes..." Hindi ata siya makapaniwala sa mga naririnig. "How did you know?" 

"Have you left someone here?" Tanong naman ng isa pa ulit bata. 

"Y-yes..." Tatango-tango pa niyang iginala ang tingin sa mga bata. 

"So, you must be our teacher's boyfriend!" 

Sigawan ang tila excited na mga bata. Lalong nagulat si Yi Jeong. Hindi siya nagkamali. Hinintay pa rin ni Gail ang pagdating niya. 

"Our teacher has gone home just now. She's not feeling well." Sagot pa ng isang bata. 

"Oh, okay..." Isa-isa pa niyang nilapitan ang mga bata at siya naman ang nagtatanong dito bago tuluyang umalis. Kataon kasi na wala pa ang sub teacher kaya't nakapagkwentuhan pa sila ng mga bata. Kaya naman pag-alis niya doon ay halos di matanggal tanggal ang ngiti niya sa labi. 

Samantala, sa bahay ay walang kaide-ideya si Gail na dumating na pala si Yi Jeong. Kaya't ganoon na lang ang gulat niya nang makitang may malalaking maleta sa may sala.  

"Gail!" Ngiting-ngiti pang tawag sa kanya ng Senora. 

Mabilis din naman siyang lumapit dito. 

"I would like you to meet someone." Halos pabulong pa nitong sabi. Pagkunwa'y iniharap siya sa isang pagkaganda-gandang babae. Maputing maputi ito at talaga namang mukhang mayaman. Napaka-amo din ng mukha nito at talaga namang napaka-sexy din. "Gail, this is Claire. Claire, this is Gail..." Pagpapakilala pa nito sa dalawa. 

Halos parang bomba namang sumabog sa kanyang tainga nang marinig ang pangalan nito. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon mismo ang babaeng kinukuwento sa kanya ng Senora. Ang ex ni Yi Jeong! 

"Hello there, Gail." Inilahad pa nito ang kamay. "It was so nice meeting you." 

"N-nice to meet you too." Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maging reaksyon. 

"I am with Yi Jeong. Haven't you seen him?" Ngiting-ngiti pa nitong tanong. 

Hindi siya makapaniwalang kasama ni Yi Jeong ang ex nito. 

"N-no." Umiling siya at tila kinukurot ang puso niya hindi pa man.

"He was so excited to go home. We even forgot some of our belongings in New York." Maikling kuwento pa nito. 

Mas lalo siyang nashock sa kuwento nito. Magkasama sa New York ang dalawa. Hindi niya maiwasan ang mag-isip na baka nagkabalikan na ito. Parang kinurot nang kuntodo ang puso niya. 

"I-if you'll excuse me, I am not really feeling well..." Iwas pa niya dito. Hindi siya makapaniwalang alam din ng mga Senora ang pagkakasama ng dalawa sa New York at hindi man lang naiku-kuwento ng mga ito sa kanya. 

Kaya naman nang makapasok sa kanyang kwarto ay doon niya ibinuhos ang lahat nang sama ng loob. Akalain ba niyang sa napakatagal na panahong iyon, kaya pala hindi man lamang nagparamdam sa kanya ang lalaki ay dahil nakabalikan na nito si Claire. At si Claire marahil ay hiwalay na sa asawa nito. Hindi rin tuloy niya naiwasan na ikumpara ang sarili sa babae. Ni wala siya sa kalahati ng ganda nito. Sosyal na sosyal pa. Lalo lamang tuloy nadagdagan ang sakit ng ulo niya sa sakit na nararamdaman nang kanyang puso. 

Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Naramdaman na lang niya na may humahaplos sa kanyang noo. Sa pag-aakalang ang kanyang ina lamang iyon ay hindi pa rin niya idinilat ang mga mata. 

"Wake up, princess..." Mahinang bulong pa ni Yi Jeong. 

Agad na napatayo si Gail nang marinig ang boses nito. 

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat pa rin siya. 

"I live here..." Pabiro pang sabi nito. 

"Get out!" Galit pang taboy pa niya sa lalaki. 

"Hey..." Mabilis pa niya itong nilapitan akma sanang yayakapin. "Hindi mo man lang ba ako i-hug?"  Nanghihinampo pang tanong nito. 

"Just get out!" Iiling-iling pa niyang taboy pa din dito. 

"Don't get mad..." Sumamo pa nito. "I know, I did not even call you even once," Pagtatapat din naman ng kasalanan nito. "But I did it on purpose." 

"Purpose?" Sarkastiko pa siyang ngumiti. "Para ma-enjoy mo ulit ang pagiging single mo." Dugtong pa niya. 

"No." Mabilis pa nitong sagot. "I just wanna make sure that what I feel for you is real." 

"So sad, hindi pala?" Agad na tumulo ang luha niya. Napakabigat nang pakiramdam niya. 

"No!" Mabilis niya itong niyakap nang sobrang higpit. "I missed you so much!" 

Panay pa rin ang hikbi ni Gail. Hindi niya magawang paniwalaan ang sinasabi nito. 

"Didn't you missed me?" Hinarap pa niya ang umiiyak pa ring babae. "Please don't cry.  Sorry kung ganoon ang ginawa ko. But I am here now." 

"Kaya pala bitbit mo pa si Claire." 

"Claire?" Hindi nito napigilan ang mangiti. "Are you jealous of her?" 

"I am not!" Mabilis pa niyang tanggi at pilit na kumakawala sa yakap nito. 

"Claire is just a friend. At ikaw lang ang girlfriend at fiancée ko." Seryoso pa nitong paliwanag. 

Natauhan naman sa narinig si Gail. Kanina pa ang husga niya sa lalaki. 

"E bakit magkasama kayo?" Taka pang tanong niya. 

"Nag-aral din siya sa New York. We stayed on the same building. Pero that was it." 

"Sigurado ka?" Paniniguro pa niya. "Hindi mo ako niloloko?" 

"No." May kasama pang iling na sagot nito at matamis na ngumiti.

Noon na gumanti nang yakap si Gail. Tipong wala nang alinlangan. Sobrang miss na miss na niya ang lalaki. 

"Gago ka, nagpa-miss ka lang!"  Bahagya pa niyang sinuntok ang likod nito. 

"I know.  I miss you sobra!" Mas hinigpitan pa nito ang yakap. 

"I love you." Bulong pa ni Gail.  

"That sounds really good." Mataman pa niyang tinitigan ang mukha nito. "I love you so much, Gail." Bigay todo niyang sinakop ang labi nito.  Halik na punung-puno nang pangungulila at pagmamahal. 

Matapos nga lamang ang konting lambingan nila ay sabay pa silang pumunta sa kusina na magkahawak-kamay. At nand'un nga si Claire na matamang nakatingin sa kanilang dalawa. 

"Claire, I would like you to meet my fiancée Gail. Gail, this is Claire." Pagpapakilala pa niya sa dalawa. 

"We already met." Nakangiti namang sabi ni Claire. "He was so excited to see you, Gail. There was never in our conversation that we did not tackle you." 

Ngiti lang ang isinagot niya sa sinabing iyon ng babae. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya dito. Marahil siguro sa selos na minahal ito nang husto ni Yi Jeong noon. 

"I told you," Bulong pa sa kanya ng lalaki habang nakaakbay ito sa kanya. 

"So sad that he was taken already when I got my divorced." Makahulugan pang bitaw nito. 

"Too late." Nakangiting sabi naman ni Yi Jeong sa babae. "I am deeply hooked with this woman." Malagkit pa niyang tinitigan ang tila tulalang si Gail. 

"When are you planning to get married then?" 

"I am not done convincing her. Masyadong pakipot!" Pabiro pang sabi nito. 

Isang pasimpleng paniniko lamang ang ginawa niya sa lalaki. Hindi pa rin naman niya alam kung papaano ba makikihalubilo sa mga ito. 

"If I were you, Gail." Mataman pa itong tumitig kay Gail. "I'll grab his proposal now 'coz I might steal him from you." Pabiro ulit na sabi nito. 

Pabiro man ay tila hindi nagustuhan iyon ni Gail. Malamang malaman kasi ang binitiwan nito. 

"You heard that, love. You should not let me go." Muli ay bulong lang ni Yi Jeong habang manipis itong hinahalikan ito sa noo. 

"Let's eat dinner." Kayag pa nito sa hapag kainan. Kanina pa rin naman niya ito hinihintay. Nauna na kasi maghapunan ang mga magulang ni Yi Jeong dahil may pupuntahan pa itong business meeting sa Rembrandt Hotel. 

Alinlangan man ay naki-join na rin sa dinner si Gail. Panay ang hawak ni Yi Jeong sa kamay niya sa ilalim ng mesa. Para ba siyang palaging mawawala. Hindi naman niya maiwasang kiligin sa ipinapakitang sweetness nito. 

"Yi Jeong, remember when we eat at Gray's Papaya?" Si Claire na ang tinutukoy ay ang pinagkainan nila nang masarap na hotdog sandwich sa New York. "We won to their promo and give us a huge gift?" 

"Yeah, I remember..." Tatango-tango pa itong napaisip. "What about that?" 

"Did I ever mention to you what is that huge gift?" 

"No..." Mabagal pa siyang umiling at sinabayan ulit nang subo. Nakakarami na siya nang kain. 

"It was a free accommodation to a newly built resort in Hawaii. I can hardly remember the name." Panandalian pa itong natigilan sa kakaisip. "When we go in Hawaii, maybe we can use it." Excited pa ito sa idea na makakasama ulit ang lalaki nang matagal. 

"I don't think that's possible." Napangiwi pa si Yi Jeong at napasulyap pa sa tahimik pa ring si Gail. Halos makaubos na rin ito ng pagkain. 

"W-why not?" Taka pa siya. Sa tanda kasi niya'y may nabanggit ito tungkol sa pagbabakasyon sa Hawaii. "I thought you were planning to go there?" 

"Yes, I am." Matipid pa itong ngumiti. "I am planning to have a vacation there with Gail."  

"Oh..." Napahiya naman ito sa sagot ng lalaki. Tila nawawala sa loob niyang may fiancée na ito. May kung ilang taon din kasi siya nasanay na palaging ito ang kasama. At sa panahong iyon, hindi niya magawang ikaila sa sarili na mahal pa din niya ang lalaki kahit na nagawa pa niyang magpakasal sa iba. "Anyway, forget about it." Mapait pa siyang napangiti sa dalawa. 

"My love," Si Yi Jeong na binalingan pa ulit ang tahimik na babae. "Marami akong pasalubong sa'yo." 

"T-talaga?" Noon na lamang niya nagawang magsalita at pinunasan pa ang bibig. Kanina pa kasi siya inis na inis kay Claire. Hindi man nito sabihin ay ramdam na ramdam niya ang malaking pagka-gusto pa rin nito sa lalaki. 

"I have this perfume that I bought Rodeo Drive.  For sure, you'll like it." Noong mga time na nagsho-shopping siya ng pampasalubong ay puro para kay Gail ang nabili niya. 

"Hindi naman ako mahilig sa perfume." Iiling-iling pa siya sa lalaki. 

"Really?" Taka pa siya. Sa tuwina kasing malalapit siya nang husto dito ay palagi niya itong naaamoy na mabango. 

"Hindi nga..."  

"No way!" Walang sabi-sabi pa niyang niyakap ito nang mahigpit at inamoy-amoy. 

Hindi naman maiwasang kilabutan ni Gail sa ginawa ng lalaki. Ang lakas kasi nang kiliti niya lalo na sa may punong tainga. Ramdam kasi niya ang hininga ng lalaki at talaga namang nagdudulot iyon nang kiliti sa kanya. 

"Stop it!" Saway pa niya sa pag-amoy ng lalaki sa kanya. 

"You smell really good." Lumalabas nang husto ang kakulitan niya. 

Nakaramdam naman nang pagkailang si Claire sa lambingan ng dalawa. Hindi siya sanay na may ibang babae na nilalambing nang ganoon ni Yi Jeong. 

"I think I am full..." Sinadya pa niyang lakasan ang boses para maagaw ang atensyon ng dalawa. 

"Oh.." Napukaw naman ang atensyon ni Yi Jeong at Gail. "May desert pa." 

"N-no..." Umiling siya at nagmamadaling tumayo. "I need to rest 'coz my headache is killing me." Umarte siya upang hindi na masaksihan pa ang lambingan ng dalawa. 

"Okay." Agad namang nakaintindi si Yi Jeong. "You know your room right?" 

"Yeah. Right beside yours?" Paniniguro pa niya. 

"Yeah." Matamis pa siyang ngumiti.  

"Gail," Tumango pa siya sa ngumiti namang babae. Hindi talaga niya maiwasan ang magselos dito. 

"Sige," Isang payak na ngiti lang ang pinawalan niya. Hindi niya alam kung magiging komportable ba siya sa babae. 

Nang mapag-iwanan na silang nag-iisa ay tsaka nagyaya si Yi Jeong sa kwarto niya upang kuhanin ang mga pinamili niya para sa minamahal na babae. 

"This is all for you!" Binungad pa ng lalaki ang isang pagkalaki-laking kahon na punung-puno ng mga pasalubong. 

"A-ang dami naman..." Nalulula siya sa dami naman talaga noon. 

"Ano ka ba? Tinipid ko pa nga 'yan!" Kumindat pa siya dito at humugot ng isang pasalubong. "This is the perfume I was talking to you about." Inilabas pa niya ito sa kahon at ipinakita kung papaano ito gamitin. "This is quite expensive but the smell is all worth it." Kinuha pa niya ang kamay ng babae at pinisikan ito sa may pulso. 

"Ang bango nga..." Buong paghanga pa niya itong inamoy. Hindi pa siya nagkaroon ng mamahaling pabango sa talang buhay niya. 

"See? I told you." Nakiamoy na rin siya sa kamay nito at ginawaran ng isang banayad na halik.  

Hindi naman maiwasan ni Gail na kiligin pa rin sa ganoong gesture ng lalaki. Mas sweet ito ngayon. 

"I also bought you some clothes. But I guess you can only wear these when you're around me." Humugot pa ito sa isa sa mga paper bags doon at unti-unti pang iniladlad. At nang iladlad nga iyon ng lalaki ay halos mapalunok siya sa gulat. Papaano naman kasi'y napaka-sexy noon at talagang hindi niya kakayaning isuot. 

"Sobrang daring naman n'yan!" Bulalas pa niya sa lalaki. Hindi niya maiwasan ang pamulahan lalo na nga't halos nagkakahawig ang minsa'y ipinasuot sa kanya ng lalaki sa kanyang "revenge night". 

"I know but I like the color of it on you." Isinakat pa niya iyon sa harapan ng babae. "Damn, sexy!" Pumapalatak pa ito sa pag-imagine dito na suot ang pasalubong niya. 

"Sira!" Bahagya pa niyang ginulo ang buhok nito. 

"By the way, Claire invited us to take a vacation on their beach house in Boracay." Pag-iiba pa nito nang usapan. 

"Vacation?" Kunot-noo pa siya. 

"Yes." Marahan pa itong tumango. "A week or two maybe. Para makapag-leave ka na din sa school n'yo." 

"S-sino pang kasama?" Alanganin siya. 

"Everybody" Maikling sagot pa nito. 

"Kailan naman?" 

"This coming Sunday." Inayos-ayos pa nito ang ilang mga pasalubong sa kahon. "It was beautiful there. The scenery was perfect." 

"Nakapunta ka na doon?" Hindi niya maiwasan magselos. Si Claire pa rin ang pinaka-malaking parte ng buhay ni Yi Jeong. Ni wala pa nga siya sa kalahati. 

"Yup!" Tumango ito. "When we were still together, we always go there to unwind." Tila nacarried away pa ito sa pagkukuwento. Ni hindi alintanang nagdudulot iyon nang sakit kay Gail. 

Panandaliang natahimik si Gail. Kahit ano kasing pilit niya, hindi talaga niya maiwasan ang magselos. Pero nagkunwari pa rin siyang okay. 

"B-bakit nga pala nagkahiwalay sila nung asawa n'ya?" Curious pang tanong niya. 

"I don't know the exact details." Panandali pa siyang napaisip. "Differences ata..." 

"Ahhh..." Hindi na niya alam ang susunod pang tanong. 

"I am not really expecting that of all places e dun pa kami sa New York magkikita. At dun pa talaga siya mag-aaral." 

"Magbestfriend ba kayo?" Alanganin man ay itinanong na rin niya. 

"We started bestfriends before we got into a relationship." Direkta naman ang sagot niya. "She's the only person who stayed beside me at all times." Pag-reminisce pa nito. "Alam mo ba na there was these instances na palagi akong napapagalitan ni Papa dahil nga ayaw niya ang masyadong pagiging artistic ko and I am not putting too much attention sa other school subjects.  She was always there to lend a shoulder to cry on. I was six then..." 

"Magkasama na kayo since childhood?" 

"Yup..." Tumango ulit siya. "Pero we were not this rich yet." Kumindat pa ito. "Their family owned the largest manufacturer of cars in the country and we were just a simple entrepreneur way back then." 

"K-kaya ba sa iba pa rin nila ipinakasal si Claire?" 

"Uhumm..." Mapakla pa itong ngumiti at sinenyasan siyang maupo sa tabi nito sa bed. "The guy she married is a family friend of theirs." 

"A-ang dami n'yo na pala talagang pinagsamahan." Mapait pang sabi niya. 

"Oo nga." Hindi naman niya alintana ang kakaibang reaksyon ng babae. "I thought our love was meant to last forever pero hindi pala." Napatingin pa ito sa malayo habang inaalala ang kanilang nakaraan ni Claire. "I was deeply hurt by her.  I really got miserable and started thinking that love is all but crap." 

"Kaya wala ka nang sineryosong babae gan'un ba?" 

"Yes," May kasama pang tango na sagot niya. "But not until I met you." Hinawakan pa niya ito sa mukha. 

Mataman namang nakipagtitigan lang din si Gail dito. Pilit na binabasa ang sinseridad nito. 

"Alam mo ba na hindi lang ikaw ang nagpropose sa akin ng gan'un?" 

"Ha?" Hiyang hiya naman din siyang alalahanin pa ang ganoong pangyayari. 

"Madami kayo..." Kumindat pa siya dito sabay akbay. "Pero sa'yo ako super affected na para bang hindi ko kayang gawin sa'yo 'yung ginagawa ko sa iba." 

"Kahit ang ikama sila?" Alalang-alala niya ang eksena nila noong dalhin siya nito sa isang hotel. 

"I wont deny, that is not the first time slept with someone." Humugot pa siya ng isang malalim na buntong hininga. "But none of them made me feel so attached but you." Mataman pa niya itong tinitigan sa mukha. "I don't know...pero iba ka e." 

"Ibang ano?" 

Umiling lang siya at hindi rin malaman ang isasagot. "Basta, iba ka. 'Di ko kayang makita kang nasasaktan." 

"Same way you feel about Claire?" 

Tumango lamang siya bilang sagot. 

"Jeez, enough of this drama." Gusto na rin niyang kalimutan na ang nakaraan. "We're starting anew here right?" 

Ngumiti lang siya bilang sagot. Wala naman na din siyang pakialam pa sa kung ano ang nakaraan ni Yi Jeong. Ang importante doon ay siya na lang ang mamahalin nito at wala ng iba pa. 

"Hey, don't I deserve a kiss from all of these?" Hinapyawan pa niya nang tingin ang nakakalat na pasalubong niya para dito. 

"Mister, ikaw naman po ang may gusto n'yan." Umirap pa siya dito. 

"Thank you kiss will do." Maloko pang sabi niya. 

Umiling lamang si Gail sa sinabi nito. 

"Hey..." Sinapo pa nito ng dalawang kamay ang mukha ng babae at matamang tinitigan. "I love you much, Gail." Yumuko siya at banayad na hinalikan ang labi nito.  "I missed everything about you when I was away." Pakudlit kudlit pa talaga siya nang halik dito at hindi maiwasang mapangiti. 

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay agad na may bumulaga sa may pintuan. Si Claire! 

"Oops, I'm sorry..." Biglang-bigla ito sa nakitang eksena ng dalawa. 

"No, it's okay..." Si Yi Jeong na gulilat din sa pagkakita dito. 

Hindi naman maiwasan ni Gail ang mamula. Hindi pa rin kasi siya sanay na may ibang hinahalikan ni Yi Jeong. Sa pakiwari niya'y iyon ang palaging unang beses nila. 

"I think they misplaced my bag on your stuff." Bahagya siyang nayanig sa nakitang eksena. Hindi niya akalaing magdudulot iyon ng kakaibang kurot sa kanyang dibdib. 

"Oh," Agad namang iginala ni Yi Jeong ang tingin at nang makita iyon ay agad din naman niyang iniabot dito ang hinahanap nitong bag. 

"T-thanks.  I'm going..." Matamlay pang paalam niya sabay sarado sa pintuan nito.


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 4.6K 6
Minsan umasa kang maabot siya at makasama kahit saglit lang ngunit binalewala ka.... Minsan darating siya sa panahong hindi mo na kailangan... Par...
1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
9.6K 342 9
Kung tipikal na heroine sa isang romance novel ang hanap n'yo, hindi ako 'yon. I am not a drop-dead gorgeous, feisty heiress or a damsel in distress...
21.2K 518 12
Where do broken hearts go? Nagbabakasyon. Matapos sunugin ang lahat ng litrato, birthday gift, anniversary gift ng Ex ay pupunta sa beach para makali...