The Bathroom Love Affair (Pub...

Por xPANICx

423K 15.5K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... Mais

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 5 - Collide
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 13 - The Bathroom Love Affair
Chapter 14 - My Sun & Moon
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 25 - Scared to Death
Chapter 26 - Icecream
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 12 - Beautiful Mistake

13.2K 494 260
Por xPANICx

Ang larawan sa taas ay si Zach ♥️

Eros

'Good morning,' bungad na mensahe ni S. A. 'Sorry nakatulog ako kagabi, akala ko pipikit lang ako.'

Natawa ako.

'Kung sakaling sumagot ka hindi ko na rin naman mababasa. Nakatulog na rin ako,' pagsisinungaling ko.

Ang totoo inabot pa kami ng alas-dose ni Zach. Ang dami naming napag-usapan, lahat walang kwentang bagay; mga kakaibang tawag sa inumin sa club, paramihan ng kilalang Pokémon hanggang sa dumating sa medyo seryoso na.

"Sabi mo nag-iipon ka para sa back-up mo sa back-up plan," pag-alala ni Zach. Nakaharap na kami pareho sa labas. Mula dito tanaw ang mga tulog na mga gusali ng La Trinidad.

"Hm-mm."

"Ano yun?"

"Uhm, business," sagot ko. "Kahit ano. Kung anong patok pagdating ng panahon."

Tinawanan nya ako. "Edi marami kang kakompetisyon nun. Dapat ngayon pa lang alam mo na yung business na gusto mo."

"Business minded, parang stepfather nya." Sinagot ako ni Zach ng masamang tingin. "Any tips, senpai?"

"Dapat ang itatayo mong business ay sa mga bagay na passionate ka," suhestiyon ni Zach.

"Magandang ideya. Tulad ng hotdog at icecream," sabi ko. "Gagawa ako ng hotdog flavored icecream. O kabaligtaran."

"Icecream flavored hotdog? Kadiri!" Natawa kaming dalawa sa ideya ko. "Pero sige susuportahan kita."

"Ikaw taga-taste test ko?"

"Ako na ang model, ako pa ang gagawa ng brand line mo," sabi ni Zach. Umarte si Zach na may hawak ng tinidor, tumuhog ng icecream flavored hotdog ko at bago sumubo, todo ngiti syang humarap sa akin at sinabing, "Eros' Hotdog. Jumbo na, Matsumura pa."

Umalingawngaw sa kalagitnaan ng gabi ang ingay ng tawa naming dalawa.

Gumaan ang pakiramdam ko sa magdamag na iyon kaya payapa rin akong nakatulog. Ang resulta, alas siyete na kami nagising. Kung hindi pa dahil sa kalabog galing sa labas, malamang tulog pa kami hanggang ngayon.

"Ano yan?" tanong ni Zach paglabas ng banyo nung mahuli akong nakangiti. Naka-boxershorts lang sya at hawak ang twalya.

"Wala, chismoso mo," sagot ko. Linapag ko sa lamesa ang phone bago tumayo. "Bilisan mo nang magbihis, baka ma-late tayo."

Pumasok na ako ng banyo para umihi.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero positibo ako na magiging ayos na rin kami ni Chris ngayon. May kakaibang saya ngayong araw sa kabila ng pagod at puyat kahapon. Malamang dahil sa pangakong icecream ni Zach.

* * *

Nadala ko ang saya na iyon hanggang Linggo. Nagkabati nga kami ni Chris, natapos ko ang research paper, nakapag-praktis pa kami ni Zach para kay Simion kaya handa ako sa rehearsal.

Sa ngayon ang nasa entablado ay sila Dan at Yna. Ang eksena nila ay ang pagbalik ni Mario sa Batis upang hanapin ang Dyosa at hindi sya nabigo. Nasa unahan kami ng mga upuan-ako, si Zach, Chris at Mich-tahimik na nakatutok sa dalawa.

"Sandali," pag-awat ni Mario nung tumakbo palayo si Elena nung makita sya.

Tumigil si Elena ngunit nanatiling nakatalikod.

Nanatili na rin si Mario sa kanyang kinatatayuan. "Anong pangalan mo?" tanong ni Mario, ang boses ay malumanay at maamo.

"Anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ni Elena.

"Gusto kong makita ka," sagot ni Mario. "Makilala ka. Ako si Mario, ikaw?"

"Hindi ka tagarito," pag-iwas ni Elena sa tanong. "Umalis ka na." Muling tumakbo ang Dyosa palayo.

"Teka," pagpigil ni Mario. Sinubukan pa nyang humabol ngunit tuluyan nang nawala sa kanyang paningin si Elena.

"Cut!" sigaw ni Direk. Tinignan nya nang mabuti sila Dan at Yna habang papalapit ang mga ito. "Magaling," papuri nito na nagpangiti sa dalawang gumanap. "Pero parang may kulang."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Mich. Napalingon kaming tatlo sa kanya. "Walang chemistry," sagot nya sa tingin namin.

"Para sa akin, ah," panimula ni Direk, ang dalawa ay nasa harapan nya. "Parang naghahanap ka lang ng kaibigan, Dan, na hihingian ng pabor. Ikaw naman, Yna, naipakita mo yung takot. Pero hindi takot na mahulog ulit kundi takot in general."

Blanko ang mukha ni Dan sa sinabi ni Direk habang si Yna naman ay tumango.

"Eros!" pagtawag ni Direk nang hindi ako linilingon.

Para akong tinamaan ng kidlat. "Bakit?" aligaga kong tanong.

"Wag kami," tugon ni Chris. "Si Direk ang tumawag sayo."

"Akyat na dun," utos ni Zach.

Tumayo na ako para umakyat ng stage. Narating ko silang tatlo na ang tingin ng lahat ay nasa akin.

"Bakit po?" tanong ko.

"Nakita mo ba yung eksena kanina?" tanong ni Direk.

Tumango ako kasabay ng pag-iling ni Dan.

"Hindi, hindi, hindi, hindi," pag-alma ni Dan. "Direk, wag mong sabihin na. . ."

Binigyan sya ni Direk ng kalkuladong tingin. "Bakit? Ang layunin ko dito ay mapaganda ang play at may karapatan ako."

"May karapatan din ako," sagot ni Dan. "Kung kay Joseph okay lang, sa akin, hindi."

"Pero ang bottomline, wala kang magagawa," tugon ni Direk. "Kayong dalawa pwesto na."

Napatingin ako kina Chris at Zach. Todo ngiti si Chris na binubuyo na akong gawin ang pinapagawa ni Direk habang si Zach ay sobrang seryoso ng tingin na lalong nagpakaba sa akin.

"Tara na," aya ni Yna.

Napunta ang mata ko kay Dan na kanina pa masama ang tingin at kay Direk na nagtatanong kung bakit hindi pa ako kumikilos.

Lumakad na ako sa kaninang pinanggalingan ni Dan. Si Yna ay nasa di kalayuan, hinihintay ang pagsisimula ko.

Ito na. Dalawang ibon ang pwede kong masapul sa pagkakataong to. Una, ang makuha si Mario at pangalawa, mas maipakain kay Dan ang lahat ng sinabi nya dati. O kung hindi ko aayusin lalo lang nya akong maaalaska.

Kaya dapat gawin ko to. Nandito ang mga kaibigan kong naniniwala sa akin. Nandito si Zach na tinulungan ako bawat araw. At dapat kong gawin kasi ito ang pangarap ko.

Inisip ko ang kakahuyan na nakapaligid sa batis. Ang tunog ng mga dahon sa pagsayaw sa hangin, ang huni ng mga ibon. Ang mga piraso ng batis sa likuran ng mga puno sa aking harapan.

Lumakad ako papunta sa tubig at natagpuan si Elena. Sa pagkakita sa akin, madali syang tumakbo palayo.

Hindi mawala sa isip ko ang kagandahan nya simula nung unang beses ko itong masilayan. Ngayong nakita ko na ito ulit, hindi ko na ito dapat pakawalan.

"Sandali," pag-awat ko sa kanya.

Tumigil sya ngunit nanatiling nakatalikod sa akin. Hindi na ako naglakas-loob na humakbang pa.

Kailangan dahan-dahan. Iba ang mga babaeng probinsyana. "Anong pangalan mo?" Kahit pangalan lang, kahit pangalan lang muna.

"Anong ginagawa mo rito?" Kita ko ang tensyon sa kanyang balikat. Bakit parang takot sya?

"Gusto kong makita ka. Makilala ka," sabi ko. Unang beses pa lang na makita kita alam kong iba ka. Kaya gagawin ko ang lahat upang maging parte ka ng buhay ko at ako ng buhay mo, kahit na gaano pa ito katagal abutin. "Ako si Mario, ikaw?"

"Hindi ka tagarito," sagot nya. "Umalis ka na," ang huli nyang mga salita bago muling tumakbo at mawala sa aking paningin.

"Teka!" sigaw ko ngunit wala na sya kahit na humabol pa ako. Hindi ko nakuha ang pangalan nya. Ngunit ayos lang, alam na nya ang sa akin.

"Cut!" sigaw ni Direk. "Very good. Very good."

Bumalik si Yna, tinapik ang balikat ko. Naglakad kami palapit kay Direk at Dan.

"Iyun yung hinahanap ko," nakangiting sabi ni Direk. "Tamang timpla. Bagay na bagay."

"Direk, kayang kaya ko naman yun," sabi Dan.

"Pero hindi mo nagawa kanina sa kabila ng ilang linggo mong paghahanda," punto ni Direk. "Samantalang si Eros mula kay Anselmo naging si Simion, paiba-iba pero nagawa nya kaagad nang mahusay si Mario."

"Direk," sambit ko. Kahit na ang lakas mangutya ni Dan, nakakaawa pa rin sya ngayon. "Okay lang naman-"

"Hindi," pagsalungat ni Dan. "Unfair yan."

"Tanggapin mo na kasi Dan na mas magaling sayo si Eros," iritableng sabi ni Yna. "Kahit na nagkamali sya nung audition, mahusay pa rin naman yung ginawa nya nun. At kung hindi sya nagkamali wala kang chance na maging si Mario."

"Tama," pagsang-ayon ni Direk.

"Hindi ako papayag na sya si Mario at ako si Simion," anunsyo ni Dan.

"Edi ikaw na lang kay Anselmo," suhestiyon ni Direk na lalong nagpasimangot kay Dan. "Sorry, Dan. Pero hindi naman ako papayag na mas magaling ang support sa main actor ng play ko."

Usok sa tenga na lang ang kulang kay Dan. Namumula na sya dahil wala syang magawa.

"Take it or leave it," ultimatum ni Direk.

"Argh!" bigong angil ni Dan bago naglakad pababa ng stage, bawat hakbang ay umaalingawngaw sa espasyo ng entablado.

"Take it, then," pahabol pa ni Direk. Pumalakpak sya upang kunin ang atensyon ng lahat mula kay Dan. "Okay, ibang eksena muna tayo. Dahil sa mga pagbabago, wala munang Simion at Mario ngayon. Maghanda na yung iba."

Bumaba na kami ni Yna ng stage. Magkahalong saya at awa kay Dan ang nararamdaman ko, natanaw ko pa syang palabas ng auditorium. Sobrang hirap siguro para sa kanya dahil gustong-gusto nyang maging bida.

"From rags to riches," sambit ni Yna.

"Baliw," natatawa kong sagot. "Okay lang kaya si Dan?"

Napalingon din si Yna sa nakasarado nang pinto ng auditorium. "Syempre hindi. Para syang nasuntok below the belt nang maraming beses. Pero matatanggap din nya yun. Mas gugustuhin nyang mag-Simion kesa matanggal sa Mahiwagang Batis at siguradong gagawin nya ang lahat para mabawi ang spotlight."

"Nice, Eros," bungad ni Chris paglapit namin. "Iba ka talaga."

"Thanks," tugon ko.

"Paangat ka nang paangat," sabi ni Zach. "Baka next week ikaw na ang direktor."

"Loko," sagot ko sa kanya. "Salamat din sayo."

Nginitian nya ako. "Ngayong Mario ka na, balik na naman ako kay Elena," problemadong biro ni Zach.

"Ah," ligayang sambit ni Yna, "si Zach pala ang practice buddy mo."

Tumango ako at inakbayan si Zach. "Oo, mas magaling pa nga itong mag-Mario sa akin."

"Basa pa kili-kili mo," puna ni Zach pero hindi nya inalis ang kamay ko.

Nagkusa na ako kasabay ng tapik sa dibdib nya. "Arte mo."



"Grabe. Ako na si Mario," sambit ko paghiga sa kama. Parating na ang takipsilim nung makauwi kaming dalawa ni Zach. Kahit wala na akong rehearsal, nanatili ako dahil may mga instructions si Direk na dapat kong makuha; blocking, pasok at labas bawat eksena. Kaya dapat sa susunod na Linggo mabigyan ko ng hustisya si Mario. "Matapos ang lahat doon din pala papunta."

"Di naman nakapagtataka, eh," sabi ni Zach. "Simula pa lang alam kong pang lead role ang galing mo."

Bumalik yung pakiramdam ko nung sinabi ni Zach na proud sya sa akin nung mapunta sa akin si Simion. Gusto ko syang tignan ngunit pinilit kong ituon ang mata sa kisame. Pero hindi ko pinigilan ang aking ngiti.

"Alam ko na," bigla nyang sabi kasabay ng pagtayo. "This calls for a toast."

"Ano?"

"Inom tayo."

Doon na ako napalingon sa kanya. "Sira ka ba? Bawal ang alak dito at may pasok na bukas."

"Ano ka ba?" gigil nyang tanong sa pagkontra ko. "Hindi naman nila malalaman kung hindi nila makikita. Tsaka tigdalawa lang naman tayo, hindi nakakalasing yun." Tumingin si Zach sa kanyang relo, "Alas sais pa lang, tapos tayo ng alas otso."

Dinukot na nya ang wallet sa kanyang bag sa may paa ng kama.

"Umayos ka, Zach," banta ko. "Sanay ka sa inuman, ako hindi."

"Dalawa lang yun. Hindi ka tatamaan. Walang hangover kinabukasan. Pampaantok lang ngayong gabi," paninigurado ni Zach bago tuluyang lumabas.

Wala na akong nagawa dahil nakalabas na si Zach. Wala naman sigurong masama sa kaunting selebrasyon dahil nakuha ko na ang gusto kong maabot dati. Mabuti na lang hindi ako sumuko at hindi ako sinukuan ni Zach. Bumangon na lang ako upang magpalit ng maluwag na t-shirt at boxer shorts.

Makalipas ang ilang minuto nakabalik na si Zach. Nasa may lamesa na ako kaya naabutan ko syang parang hindi naman sinubukang ikubli ang alak sa pag-akyat, dalawang bote sa magkabilang kamay at umbok ang tyan.

Paano nya nabuksan yung pinto?

Dumiretso si Zach sa akin, sinipa pasara ang pinto sa kanyang likuran. Linapag nya ang mga alkohol sa lamesa, dinukot ang nasa tyan na chuchirya bago umupo.

"Anong nangyari sa: hindi naman nila malalaman kung hindi nila makikita?" tanong ko.

Nginitian nya ako, yung natural na ngiti dahil alam nyang nagkamali sya. "Kesa naman yung alak ang nasa tyan ko," sagot ni Zach. "Tsaka wala namang tao na nakakita sa akin."

"Sabi mo, eh," tugon ko. Binuksan ko ang isa sa mga laman tyan. Binuksan naman ni Zach ang dalawang bote gamit ang isa pa. "Talented," puri ko.

"Hindi lang yan," pagmamayabang ni Zach. Kinagat nya ang takip ng boteng pinangbukas nya sa dalawa, hinila nya ito pababa at naiwan ang metal sa kanyang bibig. Linapag nya ang ikatlong bukas na bote sa lamesa na may mapagmalaking tingin sa akin.

"Ang galing," hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Patingin nga ng ipin mo." Nag-ngi si Zach upang ipakita ang perpekto nyang ipin, hinawakan ko ang baba nya upang malayang matignan ang ibang anggulo. "Tibay."

"Dumikit-dikit ka lang sa akin marami kang matututunang tricks." Linapit ni Zach ang isang bote sa akin. "Para kay Mario."

"Para kay Mario," tugon ko. Tinungga ko ang bote kasabay ng paglaklak ni Zach. Ang malamig na alak ay gumuhit ng mainit na daan sa lalamunan ko.

"Ahh," pagnamnam ni Zach sa alak. Mukhang uhaw nga sya sa alkohol sa tagal na hindi pagpunta sa club. Nginitian nya ako, "So, hindi nga totoo yung sinabi mo dati na bawal ka sa alak kasi naggagamot ka."

Tumango ako. "Ayaw ko kasing makipag-inuman sa kanila."

"Uhmm," sambit ni Zach nung may maalala sa kalagitnaan ng pag-inom. "May utang ka pa nga pala sa akin. Ako yung sumalo sayo nun."

Inangat ko ang hawak kong alak. "Eto na, pinagbigyan na kita."

"Pwede na," sagot ni Zach.

Nagulat ako nung nakasabay ako kay Zach sa bilis nyang ubusin ang dalawang bote. Nalibang ako sa pagkain at usapan namin ng mga bagay-bagay katulad nung nakaraang gabi.

"Bitin," sambit ni Zach. Tumayo sya at kinuha ang apat na bote sa lamesa.

Hinawakan ko ang braso nya. "Uy, teka. Wag mong sabihin na bibili ka pa."

"Eto naman," sambit ni Zach. "Wala pa nga tayong tama, oh. Maaga pa naman."

Sabagay, parang magnet na naghahanap pa ng mas maraming alak ang nasa sikmura ko na. Binitawan ko na si Zach kaya tumuloy na sya sa paglabas.

"Dalawa lang, ha!" pahabol ko.

Napatingin ako sa palad ko. Lumiit ba ang kamay ko o mas nagkalaman lang yung braso ni Zach?

Ilang minuto ulit ang lumipas nung mabalik si Zach. Pero ngayon hindi sya sumunod sa napag-usapan, dalawang case ang bitbit nya at mga yelo at kutkutin.

"Sira ka ba?" angal ko.

"Wag kang mag-alala, walang nakakita."

Kinarate-chop ko sya sa noo. "Hindi iyon. Dalawang case talaga?"

"Hindi naman mucho yan," sagot ni Zach habang nagkakamot. "Libre ko pa."

"Dalawang bote na lang ako, Zach," sabi ko. "Bahala kang ubusin yan."

Ngunit hindi ko iyon nasunod. Bawat boteng naiinom ay parang lalong nagpapauhaw sa sistema ko. Wala akong maalala na hayok ako sa alak sa tanang buhay ko.

Hanggang sa kahit humehele na ang paligid ay tuloy pa rin sa pagkain at pag-inom. Alam kong pagsisisihan ko ito kinabukasan pero wala pa rin akong tigil. Ganun din si Zach.

Selebrasyon naman namin to at may sapat na oras pa naman kami para matulog. Inubos ko sa isang tunggaan ang natitirang kalahating laman ng bote ko.

"Ngayong ikaw na si Mario, mas maliwanag na ang una mong plano," diretsong sabi ni Zach ngunit pansin na ang tama sa kanya o dahil iyon sa tama ko? Malamang may kontribusyon din sya dun, bakas ang kalasingan nya sa pamumula ng kanyang pisngi. "Itutuloy mo pa rin ba ang Eros' Hotdog?"

"Pwede naman," sagot ko. Kahit na ako mismo hindi ko maintindihan ang lumabas sa bibig ko, basta alam ko iyon ang gusto kong sabihin. "Hindi naman permanente ang. . . pag-aartista. O maganda rin na artista na, may business pa."

"Tama!" pagsang-ayon ni Zach.

Hinawakan ko ang balikat ni Zach. Umikot ang paligid sa bigla kong paggalaw. Napatuon ako sa kanya at natigil ang pagsubsob ko nung napasandal sya sa upuan. Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil. . . dahil nakakatawa yung nangyari. "Ikaw ang business partner ko. Ikaw bahala sa business kapag may shoot ako."

Napatingin sya sa kamay ko nung pinisil ko ang malaman nyang balikat. Tinapik nya ang tuhod ko at nanatili ang mainit nyang kamay doon. Mainit na ang pakiramdam ko ngunit nangingibabaw ang palad ni Zach. "Partner tayo."

Tinaas-taasan ko sya ng kilay. Nakatingin si Zach sa akin na parang nakikita nya ang kaluluwa ko. Parang meron iyong sariling dagsin na humihila sa akin. Kulay tsokolateng mata, mahaba at nakatikwas na pilik-mata, manipis at patusok sa dulong kilay. . .

"Ang," sambit ko at sinuyod ng tingin ang mukha nya, "ganda ng mata ng partner ko."

Hindi sya sumagot.

Namalayan ko na lumalapit ang mukha nya sa akin. O ako ang lumalapit sa kanya. Baka pareho kami. Malamang dala lang ng kalasingan ang nakikita ko. Ibang lebel ng pag-ikot ng paligid.

Gumuhit sa ilong ko ang magkahalong amoy ng alak at pabango ni Zach. Kulay rosas na pisngi, matangos na ilong, mapulang labi na tila pana ni Kupido. Cupid, ang Roman counterpart ni Eros.

Hindi na nakatuon ang kamay ko sa balikat ni Zach bagkos nakakapit na, ang damit nya ay lukot na sa ilalim ng palad ko. Ngunit wala doon ang aking atensyon, nasa labi nya.

Minsan nang dumampi ang labi ko doon. Sandali man, nalasap ko pa rin ang lambot nito. Ano pa bang problema kung uulitin namin kung nangyari na dati? Sandali lang naman ulit, isang segundo lang. . .

"Eros," sambit ni Zach sa boses na kasing tigas at lamig ng yelo.

Bakit ayaw ba nya? Kung ayaw ni Zach wala naman syang ginagawa para pigilan ako; mas humigpit pa nga ang hawak nya sa tuhod ko.

Damang-dama ko na ang hanging lumalabas sa kanyang ilong, hindi ko na makita nang mabuti ang mukha nya dahil sa bahagya kong pagpikit.

Hanggang sa magtagpo na ang aming mga labi. Walang nagtangkang manguna sa aming dalawa. Tila nagyelong talon sa kalagitnaan ng taglamig ang aming koneksyon. Parang tumigil ang oras, ang pag-ikot ng mundo.

Hanggang sa parang Marso na sumayaw ang labi ni Zach; biglaan, mapusok at mainit. Para itong enggranaheng nagpakilos din sa labi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob at kakayahan, ngunit nagawa kong tumugon kay Zach.

Namalayan ko na ang kamay kong nasa balikat ni Zach kanina'y nasa likuran na ng ulo nya, ang buhok nya ay nasa pagitan ng mga daliri. Ang isang kamay ni Zach ay nakahawak sa pisngi ko, gumagabay sa kanyang bawat pag-ulos habang ang isang nasa tuhod ko kanina ay marahang umaakyat sa hita ko.

Ngayon sigurado na ako. Malambot nga ang labi ni Zach, at talentado. Wala akong karanasan pagdating sa halikan ngunit masasabi kong walang patay na sandali kay Zach.

Pinutol ko ang aming halik dahil baka mamaya ay hindi ko na ito magawang pigilan. Paglayo ko, naabutan ko pang nakapikit si Zach at ang dahan-dahang pagmulat nya.

Para syang nananaginip.

Oo, malamang, dahil panaginip lang naman talaga ito. Hindi naman nya ako hahalikan kung hindi ito panaginip. Lalo na ako, hindi ko sya hahalikan.

Tinapik ko ang pisngi ni Zach. Nakatingin lang sya sa akin, mabigat ang mata at ang bibig ay bahagyang nakabuka. Panaginip nga lang, kung si Zach talaga to, marami na tong nasabi.

Linapit ko ang upuan sa lamesa. Inalis ko ang lahat ng nakaharang sa harapan ko. Tumungo bago pa tuluyang bumagsak ang pader sa akin at kung ano pa ang mangyari sa amin.


•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Ang tanging dahilan kung bakit Matsumura na ang apelyido ni Eros ay para sa brandline ni Zach. Hahaha. Thus, Japanese na ang lahi nya XD

Ang gwapo ni Zach, ano? Haha

Continuar a ler

Também vai Gostar

215K 8.3K 47
Drop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfri...
1K 150 46
In a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Clicked (BL Series 1) Por CB

Ficção Adolescente

154K 5.8K 30
Dahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalak...