Dare or Consequence

Autorstwa Dieeeena

234K 5.7K 543

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. Let's find out if Deanna... Więcej

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14.5
14.5
15
16
17
18
19
20
21
A/N
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
Not an update
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Book Two

31

4.4K 149 20
Autorstwa Dieeeena

Deanna's POV

Nagsasapatos na ko ng mapalingon ako sa pintuan ko dahil may nakatok. Tinapos ko muna ang pagsasapatos bago pagbuksan ang kumakatok.


"Uy naligaw ka." Tiningnan niya ang kabuuan ko. paa hanggang ulo.



"San lakad mo? Wrong timing ata pagpunta ko." Sabi niya pag upo sa kama ko. Dumaretso naman ako sa salaminan ko at tiningnan ang ayos ko. Shirt, jeans, at white shoes. Okay na to.




"Tutal nandito ka naman tara samahan mo ko." Yaya ko sa nakamasid sa mga kilos ko na humiga pa sa kama ko.



Nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko ay agad ko namang tiningnan ang nagtext.

'Bb punta ko dyan?' Siguro tamad na tamad na to sakanila dahil sabado ngayon. Wala siyang work.


"Sino yan? Boyfie mo? Makangiti ha." Napasulyap naman ako sa nakaupo na sa kama ko. Napailing nalang ako sakanya. Binalik ko ang baling ko sa phone ko.



'B may pupuntahan ako ngayon e. Wag ka ng pumunta dito.' Pagkasend ko ay agad naman siyang nagreply. Bilis ha.



'San ka pupunta? Sama ako.'

'Wag na. Pahinga ka nalang dyan.'

'K. Ingat ka.'

Tinago ko na ang phone ko sa pocket ko at bumaling sa kasama ko dito sa room ko.

"Tara, samahan mo na ko." Tiningnan niya ko ng nakataas ang isang kilay sakin.


"Ayokong maging thirdwheel sainyo ni Samuel. Uuwi nalang ako. o di kaya punta nalang ako kay Dave." Kinuha ko na ang wallet ko at chineck kung wala na kong naiiwan.


"Samahan mo ko kila jema. Tsaka wala na kami ni Samuel. Tara na, maya na ko magpapaliwanag sayo. Tagal mong nawala e." Nakita ko ang pagkabigla sakanya.



"Paano? Ba--"

"Anne tara na. Maya na paliwanag ha." Hila ko sakanya para tumayo na. Nagpaalam na ko ng makita ko sila Mama sa baba at agad na lumabas ng bahay.





"Wag mo nga kong kaladkarin!" Hila ni Anne sa kamay niya sa hawak ko.



"Tsaka ano nga ulit yun? Nabingi ata ako. Break na kayo ni Samuel? Paano? Buti na tauhan ka no? Niloko ka ba? Tsaka ano yung kay Jema? Bakit natin pupuntahan si Jema?" Natatawang tiningnan ko naman siya. Mababakas kasi sa mukha niya yung pagtataka at pagkalito.








- - -

Pagbaba namin sa jeep ay hinigit ko siya sa bilihan ng pizza.

"Kanina ka pa higit ng higit ha. Hindi mo naman sinasagot mga tanong ko e." Tiningnan ko lang siya at nginitian. Nakuha ko naman agad ang order ko. Kaya agad ko niyaya si Anne na lumabas na.




"Atat na atat ha. Hindi naman halatang excited kang pumunta kila jema." Nginitian ko lang ulit siya kaya napakunot na ang noo niya dahil sa pagkainis.





Pagbaba namin ay nagdoorbell na ko sakanila. Hindi naman nagtagal ay agad na nagbukas ang pintuan nila. Gulat ang mababakas sa mukha niya.





"Hi." Nakangiting bungad ko sakanya tsaka taas ng pizza na hawak ko.


"Hi Jema! Manliligaw ata si Wong kaya kami nandito." Napabaling ang tingin niya kay Anne.



"Bawal na kong ligawan e. Taken na ko." Sagot niya kay Anne sabay baling sakin na nakangiti.




"Talaga? Kailan pa? Mahal mo? Hindi ako nainform madam ha." Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang maglokohan.





"Last week lang. Sobrang mahal na mahal ko." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Napayuko naman ako dahil yung ngiti ko di ko mapigilan.





"Ay ang landeeee. Tanghaling tanghali e. Tara na sa loob." Nauna na saming pumasok si Anne. Umangat naman ang tingin ko. Nagkatama ang mga mata namin. Sabay kaming natawa at sumunod na kaming pumasok sa loob.








"Nasan sila tita?" Baling ko kay Jema ng makita kong wala siyang kasama sa kanila.




"Nagdate sila ni Papa. Mamayang gabi pa yun uuwi." Sabi niya paglapag niya ng juice sa table. Magkatabi kami ngayon habang si Anne naman ay nasa harapan namin na nakatingin saming dalawa.







"Bakit wala man lamang nagsabi sakin about dito?" Naniningkit na matang tiningnan ni Anne ang magkahawak na kamay namin ni Jema. Nagkatinginan naman kami ni Jema habang nakangiti sabay baling ulit kay Anne.






"Alam niyo ramdam ko na naman yung love niyo na umaapaw. Yung aura ng pagiging inlove. So I assume kayo na ulit? Hindi naman siguro ako kakaladkarin ni Deanna kung hindi kayo nagkabalikan no? Tsaka yung tinginan niyong malagkit pa sa puto, so confirm na. Kung alam mo lang jema, halos ifast forward niya yung kilos niya para makapunta lang dito. Madaling madali." nahihiyang napayuko naman ako kasi kanina pa ko tinitignan ni jema. Sumandal naman sakin si Jema at sinide hug ako.







"Nakakainis ka." Bulong niya sapat lang para marinig ko.




"Namiss ko to. Yung makita kayong ganyan ulit. Tapos yung pakiramdam na hangin na naman ako dahil may sarili na naman kayong mundo." Sabi ni Anne bago kumuha ng pizza at nagfocus na sa phone niya.



Umayos naman ng upo si jema. Humarap siya sakin na nakaindian sit. Ginaya ko naman siya. Humarap rin ako sa kanya ng nakaindian sit. Nagtititigan lang kami habang nakangiti. Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Yung katahimikan na hindi suffocating. Yung katahimikan na nakakatuwa.





"Gawin niyo lang gusto niyong gawin. Kunwari wala ako dito. Go lang." Sabi ni Anne tsaka tumalikod samin ni Jema. Tumayo naman ako sabay upo sa likuran ni Jema.



Habang nakaindian sit siya ay nasa likuran niya ko bali nasa middle ko na siya dahil nasa magkabilang gilid niya yung paa ko. Gets niyo? Then binackhug ko siya bali nakayakap ako sa bewang niya. Agad naman siyang sumandal sa dibdib ko. Hinawakan naman niya yung mga kamay ko. Right hand to right hand. Left hand to left hand.







"Alam mo ba naramdaman ko kaninang parang di ako importante sayo?" Pinagmamasdan ko lang siya habang nakatingin siya sa kamay namin.






"Akala ko kasi may pupuntahan ka talaga tapos ayaw mo pa kong isama. Akala ko mas importante pa yun sakin. Akala ko hindi mo ko pri--" Hinalikan ko siya sa pisngi na nakapagpatahimik sakanya sabay lingon sakin.





"Overthinking ka na naman. Di ba nga, itatry nating magwork to? Wag ka ng mag isip ng kung ano ano, okay? Mahal kita kaya wag kang paranoid." Natawa ako ng makita kong nateteary eyes siya.





"E kese nemen." Pareho na kaming natawa sa reaksyon niya.





"Mahal na mahal kita kaya pasensya na po kung paranoid ako." Sabi niya sabay halik sa labi ko. Smack lang naman. Agad naman siyang tumalikod at sumandal ulit sakin.






"Magnanakaw ng kiss." Bulong ko sakanya habang nakasandal siya.





"Buti nga kiss lang ninakaw ko e. Ikaw nga puso ko ninakaw mo." Sinubsob ko sa leeg niya yung mukha ko. Narinig ko naman siyang natawa sa sinabi niya.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

43.3K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
81.1K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...