MAGICZARD ACADEMY : THE HEART...

By Zinnriee

1.7M 56.2K 1.8K

There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a we... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
EPILOGUE
Twisted's Note
Must Read!
BOOK 2 Is PUBLISHED
STORY UPDATE

CHAPTER 11

32.4K 970 19
By Zinnriee

(HAYDEE POV) 

Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming dumiretso nina Ace, Zach, Ian at Arriane sa Head Office dahil pinatawag kami. Nagtataka din ako dahil kung bakit hindi ko nakita si Zaynah ngayong araw. Hindi rin siya pumasok at wala siya sa dorm namin. May kinalaman kaya ito sa nangyari kahapon? Galit pa rin ba siya?

"Nasaan ba kasi si Zaynah?" tanong ni Arriane. Kanina niya pa tinatanong iyan. Nag-aalala na kami dahil bago lang siya rito at hindi niya pa alam ang magpasikot-sikot rito. Baka may masalubong siyang Dark Shadows hayssss!

"CALLING ALL THE ELEMENTALISTS, PLEASE PROCEED TO THE HEAD OFFICE." My gosh, ano bang meron at parang atat si Headmistress? Bakit kami pinapatawag? May mission kaya? Sana naman meron para magkaroon ng saysay ang beautiful life ko.

"Nakakaantok. Hindi nalang kaya ako sumama? Kayo lang naman pinapatawag e." Reklamo ni Ian at akmang aalis na pero mabilis siyang hinatak pabalik ni Arriane.

"Hindi pwede! Kailangan mong sumama, wala akong maaasar!" Sabi ni Arriane sa kanya.

" Sus, ang sabihin mo, mamimiss mo ako" panunukso sa kanya ni Ian.

" G*go! Anong kamiss-miss sa iyo?" Asar naman sa kanya ni Arriane. My gosssh! Hindi na naman sila titigil.

Hindi nalang namin sila pinansin na naghaharutan- este nag-aaway pala at dumiretso na kami sa Head Office. Pagkarating namin doon ay muli pang nag-away ang dalawa kung sino ang magbubukas ng pinto.

Napatingin naman ako kay Ace at napailing nang makita ko na naman ang black eye niya tapos may sugat pa ang labi niya. Putok na putok, ang hapdi niyan. Tsk, tsk ,tsk, 'yan kasi.

Muntik na akong matawa pero pinigilan ko talaga dahil malilintikan ako sa kanya. Mukhang nainis yata sa pagkakatitig ko at siniringan ako.

"Dude hindi pa rin ba magaling 'yan? Sabi ko naman kasi sayo, gagamutin ko." sabi ni Zach.

" Shut up." Inis na sabi ni Ace. Matatapakan kasi ang pride niya kapag nagpagamot siya. Eh paano? Ngayon lang naman nangyari sa kanya ito. Never siyang nagpagamot kasi hindi naman napupuruhan, ngayon lang talaga! Kaya ayaw magpagamot kasi pride niya ang nakasalalay. Hay naku!

Natahimik naman kami ng buksan na ni Ace ang pinto at nanguna na sa pagpasok. Hindi pa man kami nakakapasok lahat ay nagsalita na si Headmistress dahilan para mapatigil kami maliban kay Ace na preskong nakaupo.

"You have a mission. Find and tame the Dark Dragon." Walang pakundangang utos ni Headmistress sa amin.

My jaw dropped the moment she said that. Agad agad?! Wala man lang bang 'kumusta kayo? Chuchuchu! Na-stress ako sa kaprangkahan niya. Echos lang pero ano daw ? May mission daw kami ! Hooooo ! At dark dr---

D-Dark dragon? Seriously? What was that?  We have to tame the Dark Dragon? That's insanity! Only the Princess can tame it! Only her and no one else!

"You know that only the Princess can tame the Dark Dragon " sabi ni Ace.

"Who says only the Princess can tame the dragon? Aside from the Princess, the guardian of the Princess can tame the dragon too. " Malamig na sabi ng Headmistress. Masyadong seryoso ang boses niya kaya hindi ko maiwasan ang hindi makabahan.

"You have to try. Baka isa sa inyo ang guardian ng Prinsesa dahil kayo ang may hawak ng mga elemento. Kailangan natin maunahan ang Dark Shadows. Balak nilang lasunin ang utak ng Dragon para mapasakanila ito. The princess is not yet found so we better work for it." Maotoridad na sabi niya.

" But what if we cant tame it ?" I asked. Paano kung wala sa amin ang makagawa no'n?

" Don't you have trust in yourselves? As I said you have to try"

Natahimik kami at walang nakapagsalita sa amin. This is crazy!  Kapag hindi namin napaamo ang mga dragon siguradong mamamatay kami! Makapangyarihan ang dragon na iyon, walang-wala kaming mga elementalist sa legendary dragon na dating nasa pangangalaga ng makapangyarihang diyosa.

"Kapag napaamo niyo ito, that dragon will be temporarily yours. " 

Nagkatinginan kaming lima. Not bad. But I can't help it. The book of prophecy says that only the Princess can tame it but according to what Headmistress said, the guardian too? What if we're not the guardians? Oh gosh! I'm being so negative.

I sighed . Sana lang talaga mapaamo namin ito.

"There are two Legendary Dragons and you want us to find the Dark Dragon. How about the Light Dragon?"  Ian asked. Bahagya pa kaming natigilan sa tanong niyang iyon. Oo nga, dalawa sila tapos ang Dark Dragon lang ang pinapahanap niya. Kumpara sa dalawa, mas higit na makapangyarihan ang Light Dragon. Uunahin lang muna ba namin ang Dark tapos ang Light Dragon na ang sunod? Pakiramdam ko maloloka ako ngayon. Ito palang ang malalang misyon namin.

Ngumisi naman si Headmistress dahilan para magtaka kaming lahat. Okay? What was that? Hindi maganda ang kutob ko sa ngisi niyang iyon.

"Someone is taking care of it. You don't have to worry, focus on your mission and that is to tame the Dark Dragon and nothing else. " Sambit niya. Kumunot ang noo ko ng bigla kong mapansin na para bang may hinahangaan siya. Nakatingin lang siya sa kawalan tapos ay ngingisi na akala mo ay may kinaaaliwan siya.

"Who? " tanong ni Ace. "Bukod sa amin ay sino pa ang gagawa ng gano'ng delikadong misyon?" dagdag na tanong niya.

"Focus on your mission." Pag-uulit ng Headmistress pero matalim ang pagkakatitig sa kanya ni Ace na ikinataka namin. Ace looks mad. Sa paraan palang ng pagtitig niya kay Headmistress ay parang gusto niya na itong taluhin.

"Don't tell me it's her?" Malamig na tanong ulit ni Ace. Mas lalo kaming nagtaka sa 'her' na binanggit niya. Pero imbis na sagutin siya ni Headmistress ay ngumisi na naman ito.

"F*ck! What the hell comes into your mind and you let her handle that dangerous mission! You know very well how dangerous the Light Dragon is!" sigaw ni Ace. Lahat kami nagulat sa biglang pagsigaw niya at sinipa niya pa ang upuan sa galit niya.

Sino ba kasi ang tinutukoy niya at galit na galit si Ace?

"Because she can. Zaynah can handle it." Puno ng kumpyansang sabi niya. Biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba ng marinig ko ang sinabi ng Headmistress at mapagtanto kung sino ang tinutukoy nila.

"W-What? Si Zaynah?" gulat na tanong ni Arriane.

It was Zaynah! What the hell? She's just a beginner!

"But she's just new here! Bakit siya ang pinadala niyo?" May halong inis na sabi ni Zach. Napatango din ako bilang pagsang-ayon.

"He's right! Yes she's strong physically but how can she fight the Dragon? She don't have a magic!" Natatarantang sabi ko.

"Natalo niya nga si Vlad at ilang minuto lang din ay napatumba niya lahat ng kalaban niya sa training pero iba pa rin ang sitwasyon ngayon. That's the Legendary's we are talking about.' dagdag ni Ian. Halos lahat kami nagrereklamo na. Bakit naman kasi si Zaynah pa?

"I didn't force her nor asked her to do the mission, she volunteered." Simpleng sabi ni Headmistress na parang hindi malaking problema ang nangyayari ngayon at hindi nanganganib ang buhay ni Zaynah. Maloloka na talaga ako!

Zaynah volunteered! She volunteered for pete's sake!

"Kahit na! You shouldn't have let her! " Galit na sigaw ni Ace.

" Don't you dare shout at me! I know what I'm doing and you don't have any rights to dictate me!" Sigaw din ng Headmistress dahilan para matahimik kami maliban kay Ace na pinagbabasag ang lahat ng babasagin. "Stop that Ace Davids! Wala ka ng magagawa! Ginusto niyang gawin ang misyon na iyon at alam kong kaya niya! Huwag niyong kukuwestiyunin ang desisyon ko at ang tiwala ko."

Doon lang natigil si Ace sa pagwawala at inis na umalis sa opisina. Lahat kami natahimik at hindi alam ang gagawin, kung susunod ba kami kay Ace or mananatili dito.

"Go, find the Dark Dragon and this mission will serve as your training. Goodluck. Nasa inyo ang kaligtasan ng lahat. You may now leave"

Tumango nalang kami at umalis na. How I wish na maging matagumpay ang mission na to. Pero si Zaynah, she doesn't have a magic yet. Siguradong mahihirapan siya especially she's alone. But I wish na sana makayanan niya, after all she's Zaynah, the fearless one.

WE'RE currently here at the mission and swear, I'm already tired. We just finished crossing two mountains. Where's that Dragon ba kasi? Ayan naging conyo na ako.

Napatigil kami ng biglang lumakas ang hangin at napatingin kaming lahat kay Arriane.

"That's not me!" she defended immediately.

Nagtataka akong nagpalingon-lingon at napako ako sa kinatatayuan ko ng may makita akong kakila-kilabot. A woman who has a dark aura. Damn!

Lahat kami napaatras ng maglakad siya papalapit sa amin. Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa tingin niyang nakakapanindig balahibo.

"You dare to come here in my territory." Napasinghap ako sa lamig ng boses niya at nakakatakot din ito.

Naging alerto kami ng biglang sa isang kisap-mata ay nagbago siya ng anyo at mabilis na na nagbuga ng apoy sa direksyon namin. Mabilis kaming umiwas at sunod siyang nagpakawala ng dark balls. That was dangerous. 

I positioned myself and attacked. Same as them. I use water blades and Arriane used air blades, Zach, knives, Ian,Thunder and Ace, Fire Eagle. Sabay-sabay na atake ang ginawa namin. But damn it! HindiDi siya natatablan! Sabay-sabay ulit kaming nagpakawala ng kapangyarihan pero walang kahirap-hirap niya itong binubura sa hangin.

" We don't want to fight. We just want you to come with us !"pakiusap ni Ace. He's trying to persuade the dragon.

And I guess that was a wrong move. Agad kaming gumawa ng kanya-kanyang barrier. She became mad and attacked us and this time we we're wounded because of her attack. Gano'n ba siya kalakas at nasira niya ang mga barrier namin?

Nagkatinginan kaming elementalist. We're complete at malakas na kung tutuusin pero iba pa rin talaga pag- isa lang ang user which is the Princess.

I summoned my dragon same as them. Sabay sabay na gumawa kami ng atake. And it turns out na nagwala ito. Sunod sunod ang pagtira nito ng dark fire kaya gumawa kami ng strong barrier. Isang malakas na pagsabog ang pumailinlang sa ere. Natilapon kami kasabay ng pagsabog. F*ck! Nasira ang barrier kahit pinagsanib namin ang apat na elemento.

Nang makabawi ay nagtipon-tipon kaming apat at isinagawa ang pagsanib ng apat na elemento at gumawa ng elements fusion attack. Samantalang si Ian naman ay patuloy na nilalabanan ang dragon gamit ang kulog para mabigyan kami ng panahon na makumpleto ang elements fusion attack. Nang magawa ay agad namin itong pinakawalan at natamaan ang dragon dahilan para mapaatras ito at natumba.

Hindi pa man kami nakakabawi ay mabilis na tumayo ang dragon kasabay ng pagbiyak ng lupa. Agad naman iyong inaksiyunan ni Zach at pilit na pinigilan ang pagkaguho ng lupang kinatatayuan namin. Pero sunod-sunod na pinakawalan ng dragon ang dark ball, fire ball at isang mahika na hindi ko alam kung ano iyon. Mabilis akong gumawa ng tsunami pero tumagos lang doon ang kapangyarihan niya at dumiretso sa amin. Huli na bago pa kami nakagawa ng aksyon dahil bigla nalang kaming napako at hindi na makahinga kasabay ng pagtama ng mga iyon sa amin.

Pagod na pagod kaming lima at ang mga dragon namin. Marami na rin kaming mga sugat pero halos walang galos pa rin ang Dragon. Damn! Hindi na namin kaya.

Maliban kay Ace. Siya nalang ang nakakatayo sa amin. Kaya niyang labanan ang mga apoy na binubuga ng dragon dahil iyon ang kapangyarihan niya.

And it started, the Darkness. Ito iyong kapangyarihan na pinakawalan niya kanina. Nasa ilalim na kami ng kapangyarihan niya kung saan kinukuha ang magic namin. That will lead us to death. 

Hirap na hirap man ay nagawa pa rin ni Ace ang makalapit sa dragon. I saw how the dragon turn into human at inatake siya ni Ace. Naglaban sila at sa bawat pagsangga ng espada nila ay malaki ang impact. Sabay-sabay din silang nagpapakawala ng kapangyarihan, hindi lahat ay naiiwasan ni Ace pero hindi siya sumuko at patuloy na nilabanan ito.

Napapikit ako ng parehong umatake ang dalawa . Sobrang lakas, mga pagsabog nalang ang naririnig ko. Mas lalo akong napapikit nang maramdaman ko na. I can already feel the pain. Nahihirapan na rin akong huminga. Napatingin ako kay Ace ng siya ang napuruhan sa tira na iyon. Habol niya na rin ang hininga niya.

Mabuti nalang ay nakaalalay si Arriane sa kanya at sa amin. Pilit niya kaming binibigyan ng hangin para makahinga kami. Pero ngayon palang...

I'm already losing hope.

_____________________________

Don't forget to comment and vote

Thank you <3

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
81.2K 3.8K 36
Everyone knows her, everyone worships her but because of one incident, they all forgot about her. From being recognized to being forgotten. Will she...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

250K 12.7K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...