Forbidden Fire - COMPLETED (R...

Door JhasStories

10K 292 3

Verlaine promised to do anything for her fiancé and wait for him until he woke up. Yet, everything changed wh... Meer

**✿❀❀✿**
Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
Author's Note
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
Author's Note
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
Author's Note
CHAPTER THIRTY-THREE
Author's Note
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 1)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 2)
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER THIRTY-NINE (Part 2)
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY (Part Two)
Author's Note

CHAPTER TWO

344 13 0
Door JhasStories

Confusion, pain and embarrassment 'yan ang kasalukuyang nararamdaman ni Verlaine habang nakatingin sa binatang na mahigpit niyang niyakap minutes ago.

She silently wished na kainin na siya ng sahig para lang magtago sa mapanuring mga mata ng binatang kasama nila Tita Liza niya sa loob ng silid ng nobyo. Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin matanggap ng kaniyang utak na may kapatid pala ang kaniyang kasintahan at hindi lang basta kapatid... kakambal pa!

Napatingin siya sa wala pa ring malay na kasintahan kapagkuwan ay inilipat ang tingin sa kakambal nito na kasalukuyang katabi ng ina. Halos walang pagkakaiba ang dalawa sa itsura at body built. Iyon nga lang mukhang sa ugali ito lubos na nagkaiba. Ang nobyo niya ay kilala bilang happy go lucky guy at laging masiyahin. Hindi mababaksan ng kahit anong mga problema samantalang ang kakambal nito ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mula ata nang pumasok sila sa silid ni Clayton ay hindi pa niya nakikitang ngumiti. A total poker faces. Total opposite.

Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso nang muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama. Ang buong akala niya ay ang nobyo na niya ang nakita. Pakiramdam niya ay bumagsak siya mula sa pinaka-peak ng isang roller coaster. Bakit ni minsan ay hindi sa akin ikinuwento ni Clayton ang tungkol sa kaniyang kapatid?

Nakaramdam siya ng pagtatampo sa kasintahan dahil ni minsan ay hindi ito nabanggit sa kaniya ang tungkol sa kapatid nito. Pakiramdam tuloy niya ay hindi buong pagkatao ng lalaki ang kaniyang nakilala. Marahas na iniiling ni Verlaine ang kaniyang ulo. Hindi! Parang 'yon lang Verlaine? Huwag mong i-entertain ang isipin na 'yon. For sure Clayton has a reason kung bakit hindi niya nabanggit ang kapatid niya.

Muling ibinalik ni Verlaine ang tingin sa kapatid ng kasintahan ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang matiim 'tong nakatingin sa kaniya. Muli niyang iniiwas ang tingin at itinuon na lamang 'yon sa kasintahan kapagkuwan ay marahas na napabuntong hininga nang pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga ng oras na nagsalubong ang kanilang mga mata.

May kung ano sa mga matang ng lalaki na nakakapag-intimidate sa kaniya. There is an obscure aura coming from her fiancé's brother na nakapag-utos sa kaniyang utak na huwag tumingin ng direkta rito. Hindi lang 'yon kapansin pansin din ang matatalim nitong tingin sa kaniya mula kanina pa. Nakakatakot.

"Mabuti naman at naisipan mong bumalik na ng bansa, anak. Kung hindi pa naaksidente ang kuya mo ay hindi pa kita makikita. Sa t'wing gusto ko naman na makipag-video call sa 'yo ay lagi ka namang busy. It felt like you no longer needed me in your life," may halong pagtatampo ang boses ni Tita Liza habang nakatingin sa lalaking kamukha ng kaniyang nobyo na kasalukuyang nakapamulsa at nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng silid.

"Isa pa bakit ka ba nakasuot ng hospital robe. Ang buong akala ko ay nagising na ang kapatid mo at mukhang napagkamalan ka rin ng kasintahan ng Kuya Clayton mo," dagdag pa ng ginang habang kasalukuyang nag-aayos ng dala nitong mga gamit para sa kasintahan kapagkuwan ay humarap sa kanilang dalawa habang nakaduro sa lalaki ang hawak nitong puting towel. You know, hijo? You owe Verlaine an apology. Tingnan mo nga at pugto ang mata ni hija. Naku! Kapag nalaman ng kuya mo na pinaiyak mo ang kasintahan niya paniguradong sasama ang loob ng kuya mo sa 'yo."

Muling napatingin si Verlaine sa binata nang mapansin niya ang biglang pagdilim ng mukha nito ng ilang saglit kapagkuwan ay walang buhay na nagkibit balikat. "The first thing a parent usually asks is if their child is okay or if they are sick—that's why they are in the hospital and wearing a hospital robe."

Observing her reaction. For her, the man's way of answering was rude, but his Aunt Liza said nothing about it instead she just stay silent as if deep in thought.

"Regardless, my allergy attacked because of some idiot, so I don't really have a choice but to stay here for 24 hours," dagdag ng lalaki.

Muling iniangat ng kaniyang Tita Liza ang tingin nito sa binata kapagkuwan ay nagmamadaling lumapit sa anak na may matinding pag-aalala na nakabalatay sa mukha nito.

"Ayos ka na ba, anak? What happened?" tanong nito habang hinahaplos ang mukha ng anak.

Hindi naman umiiwas ang binata sa haplos ng ginang which make her feel relieved. Ang buong akala niya ay mas lalala pa ang tensyon sa paligid nila but to her surprise ay bigla na lang 'yon nawala na para bang isang bula.

"I'm well recovered, mom. In fact, if I hadn't crossed paths with you, maybe I would have been discharged," bagamat wala pa rin kaemo-emosyon ang tono nito sa pagsagot ay hindi naman nakaligtas sa kaniya ang kaunting paglambot ng mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ng ina.

Verlaine scan him from head to toe. Kung pagmamasdan ang kapatid ng kaniyang nobyo ay tila ba isa itong modelo na pang-internasyunal. Ang suot nitong kulay kulay itim na single breasted suit na tinernuhan pa ng itim na pants at black mock neck na panloob. Saan kaya ito nanggaling? Bakit ngayon lang ito umuwi? Bakit parang napakamisteryoso naman ng kakambal ni Clayton?

Verlaine bit her lower lip then shakes her head. Ano ba ang pakialam niya sa binata? Inalis niya ang binata sa kaniyang isipaan at itinuon na lang sa paglalagay ng palaman sa mga tinapay na dala ng kaniyang Tita Liza para sa meryenda nila. Tamang-tama dahil lagpas alas-tres na ng hapon.

"Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?"

"Ay! Anak ka ng tokwa!" Napatingin siya sa kakambal ni Clayton na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya samantalang ang layo ng puwesto niya. How did he get there from where he stood? Isa pa ay marunong pala itong magtagalog?

"H-hoy t-teka!" Napamaang siya nang bigla nitong agawin mula sa kaniya ang bread knife at ang mga tinapay kapagkuwan ay ito na ang nagpatuloy ng kaniyang ginagawa.

"Ano bang klaseng kamay ang mayro'n ka? Ang panget ng mga gawa mo. Simpleng pagpapahid lang ng palaman sa tinapay ay hindi mo pa magawa. Maupo ka na nga lang sa tabi ni mom. Ako na ang gagawa nito," ani ng baritonong boses nito.

Verlaine was completely taken a back on what he said. "Did he just insult me? At saka ano raw panget ang gawa kong paglalagay ng palaman sa tinapay? Eh ang arte naman pala nito! Kakainin rin naman 'yan lalagyan pa ng mga arte! Kung patikimin ko kaya siya ng isang martial art para malaman niya ang art na hinahanap niya?" inis na turan niya sa kaniyang sarili.

Not that she can say that out loud especially in front of her future mother-in-law baka mamaya ay ma-turn off pa sa kanya ang kaniyang Tita Liza.

"What? Tutunganga ka na lang ba dyan?" masungit na dagdag pa nito saka iminuwestra gamit ang ulo nito ang sofa kung saan nakaupo ang ina para sabihin na parang iniuutos nito na sundin niya ang sinabi nito sa kaniya. Bagamat labag sa kaniyang kalooban ay wala na siyang ibang nagawa kun 'di ang sumunod na lang. Nakasimangot na nagmartsa si Verlaine papunta sa kaniyang tita na nakangiwing nakamasid na pala sa kanilang dalawa. Nang tuluyan siyang makaupo ay agad na hinaplos ng kaniyang Tita Liza ang kaniyang kamay.

"Jaxxon could you please be a little nice. Lalo na kay Verlaine. Siya ang mapapangasawa ng kapatid mo," suway ng kaniyang Tita Liza na nakapagpamula sa kaniyang mga pisngi.

Inalis ng binata ang tingin sa hawak nito at itinuon 'yon sa kanila. Automatikong umiwas ng tingin si Verlaine sa nakakamatay na tingin ng binata. Napapikit ng mariin dahil sa biglang reaksyon. Ano ba Verlaine! Bakit ka nag-iwas ng tingin? Baka isipin ng lalaking 'yan na nasisindak ka sa presensya niya! Umayos ka nga!

"Ngayon ko lang nakompirma na wala talagang taste ang kapatid ko pagdating sa babae."

Mahinang napasinghap si Verlaine sa sinabi ng lalaki patungkol sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang ulo at binigyan ng matalim na tingin ang binata na sa tinapay ulit ang atensyon. Aba't may pagkabastos pala ang bunganga nito!

"Jaxxon Daevid!"

"Why mom? Am I wrong? From what I observe from her ay malayong malayo siya sa tipo ni Clay. She's too plain o baka naman may black magic na naganap? You don't even have delicate hands. I bet you don't know house chores," puno ng sarkasmong saad ng lalaki habang nakatingin sa kaniya ng nakaloloko.

Naiyukom ni Verlaine ang kaniyang mga kamao dahil nagsisimula na siyang mainis sa malinaw na pang-iinsulto sa kaniya ng lalaki sa harapan ng ina nito. "You don't have the rights to judge me gayong kakakilala pa lang na 'ting dalawa," sagot niya. "Atsaka FYI lang ah! Wala akong ginamit na kung ano para lang magustuhan ng kapatid mo."

Akmang sasagot sana ang binata sa kaniya nang magsalita ang ina nito. "That's enough! Jaxxon, say you're sorry to Verlaine. Tama siya, hindi mo dapat hinuhusgahan ang pagkatao ng kakakilala mo pa lang. Why don't you give her a chance, besides whether you like it or not magiging parte na rin siya ng pamilya na 'tin soon enough," sabat ng ina nito.

"Why would I say sorry kung totoo naman ang mga sinasabi ko? You taught us to always tell the truth, mom."

"But still, it isn't nice!"

Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang Tita Liza upang pigilan ito. Hindi niya gusto na siya pa ang maging dahilan ng pag-aaway ng mag-ina. Isa pa mukhang hindi magpapatalo ang lalaki kaya hahaba lang ang usapan. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ng ginang nang tingnan siya nito.

"Okay lang po, Tita Liza. Kung 'yon na po ang tingin niya sa akin ay wala na ho akong magagawa ro'n," aniya sabay ngiti sa ginang.

Ilang segundo siya pinagmasdan nito bago ito nagpakawala ng isang buntong hininga. "Pagpasensiyahan mo na ang anak kong si Jaxxon, hija. Sobrang metikoloso kasi talaga ng batang 'yan mula pa ng maliliit pa lang sila ni Clayton. Ako na rin ang humihingi ng tawad sa mga sinabi niyang masasakit na salita sa 'yo. Huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi niya, okay?" hinging paumanhin ng ginang sa kaniya.

Gustuhin man sabihin ni Verlaine na hindi ito ang kailangan na humingi ng paumanhin mas pinili na lang niya na manahimik na lang. Tanging isang tipid na ngiti na lang ang kaniyang isinagot sa ina ng kaniyang mapapangasawa. Ayaw niya na maging malaking issue pa ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng lalaki.

After all, future bayaw niya ito. She let out a less frustrated sigh. Ito ang una nilang pagkakakilala ng kapatid ng fiancé pero mukhang sablay. Verlaine chewed her lip as she looks at Jaxxon. Pero nakakainis talaga siya! Akala mo kung sino! Bakit perfect ba siya? Hindi ba siya nagkakamali?

Ewan ba niya pero may kung anong hindi siya maipaliwanag na puwersa sa kakambal ng kaniyang kasintahan na nakakapagbigay sa kaniya ng uncomfortable feeling. May kakaiba sa katauhan ng lalaki na hindi niya masabi kung ano. Ang bagay lang na malinaw sa ngayon ay ayaw niya rito. Muli siyang napabuntong hininga. Hindi ko ata makakasundo ang magiging bayaw ko.

Tinapunan siyang muli ng lalaki ng tingin saka siya pinaningkitan ng mata. At mukhang ayaw niya rin sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay inilapag na ni Jaxxon ang plato na puno ng gawa niyang mga tinapay samantalang iniwan nag-iisa ang ilang tinapay na ginawa niya. At aba ang luko! Talagang hindi inihain ang ginawa ko kanina!

Pinigilan ni Verlaine ang sumabog sa inis. Kasama nila ang ina nito at hindi maganda na makita nito ang panggagalaiti niya sa kapatid ng kaniyang mapapangasawa. Tumayo si Verlaine ng dahan dahan at kapagkuwan ay kinuha ang mga gawang tinapay na aaminin nya na kung ikukumpara nga sa gawa ng kakambal ng nobyo ay mas mukhang unedible.

"Eh ano naman kung hindi presentable ang gawa ko? Pagkain pa rin naman ito at dapat hindi sinasayang," pangangatwiran ni Verlaine sa kaniyang sarili. Muli niyang tiningnan ang kaniyang mga ginawa at ginawa ni Jaxxon. Her lips twisted at the comparison of the two. Kayat kayat ang palaman ng tinapay na ginawa niya habang ang kay Jaxxon ay parang inihanda ng isang chef.

Mukhang napansin naman ng dalawa ang ginawa niya kung kaya agad siyang nagpaliwanag. "Ito na lang po ang kakainin ko, Tita."

Tita Liza looked at her again apologetically and as usual she just smiled at her samantalang ang walang hiyang lalaki ay walang pakiaalam na ine-enjoy ang ginawa nitong sandwich. She can clearly see it, being with this man in the same four corner... isang gulo talaga ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

"Hmph. Mabilaukan ka sana," bulong niya sa hangin nang marinig niya ang sunod sunod napag-ubo nito. Nanlalaking mga matang ibinaling niya ang tingin sa kasalukuyang sinasamid na lalaki.

"Dahan dahan lang kasi sa pagkain, hijo." Rinig niyang saad ng kaniyang Tita Liza sabay abot ng tubig sa anak na patuloy pa rin sa pagpalo ng dibdib nito.

N-nagkatotoo ang sinabi ko? Nais niyang matawa sa karma na inabot ng lalaki pero agad din naman 'yon nawala nang tapunan siya nito ng nakamamatay na tingin. Agad siyang nag-iwas ng tingin kapagkuwan ay itinuon na lang ang atensyon sa pagkain ng ginawang sandwich.

Tatlo at kalahating oras.

Halos tatlo at kalahating oras na tahimik lang sa isang sulok si Verlaine habang nakikinig at nagmamasid sa mag-ina. Pakiramdam ni Verlaine sa loob ng kalahating oras ay napanis ang kaniyang laway. She felt like she was out of the room and didn't exist within that range of time. She didn't know why, but she really felt uncomfortable having her fiance's brother around her. For unknown reasons, she can't act like herself around him. It is as if she was afraid to make any mistakes, so she just stayed in one corner. She also felt something hindering her ability to breathe easily. Kung hindi pa siya nakatanggap ng text mula sa kaibigan niyang si Syl ay hindi rin siya magiging abala. Verlaine is still feeling bad about her friend. She felt how tormented her friend was in her text.

"Please son, stay here just for a little more."

Napatingin si Verlaine sa kaniyang Tita Liza nang marinig niya ang sinabi nito. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito habang hawak na mahigpit sa braso ang anak.

"Ngayon na lang kita muling nakasama pagkatapos ay aalis ka na kaagad?" dagdag na saad ng ginang nang dumako sa kaniya ang walang emosyong tingin ng lalaki na siyang dahilan upang mapasinghap siya.

"I'm afraid I must go, mom. Aayusin ko na rin ang discharge bill ko sa clerk. Besides, I noticed that the future wife of the beloved son was not comfortable having me around. We shouldn't let that continue, should we?" madilim na saad ng lalaki kung kaya naman ay napatingin sa kaniya ang kaniyang Tita Liza.

When she was about to say something in defense of what the man had said about her, he spoke again, "Don't try to utter a lie. Your face will just deny that."

Hindi na nakapagsalita pa si Verlaine. Sa isang iglap ay naumid ang kaniyang dila. Lalong bumakas ang kalungkutan sa mukha ng ina ng kaniyang kasintahan at hindi na nagsalita pa upang pigilan ang anak.

"Jaxxon, anak puwede ka naman sa bahay umuwi. Though you have been away for so long, it's still your home. Matanda na kami ng papa mo at gusto rin namin na makasama ka habang may oras pa kami rito sa mundo," ani ng ginang sa malungkot na boses habang hawak hawak pa rin ang kamay ng anak. Nakikiusap na sana ay pakinggan ito ng ana.

Hindi nakatakas sa mga paningin ni Verlaine ang sandaliang emosyong dumaan sa mga mata ng lalaki bago ito tuluyang naging blanko. Napakunot ng noo si Verlaine. Was that anger that I saw?

Verlaine shook her head. Baka nagkamali lang ako. Furthermore, how come it would be anger? Where in fact his mother just wanted him home after a long time?

Lumapit ng kaunti si Jaxxon sa ginang pagkatapos ay dahan dahan na inialis ito mula sa pagkakahawak sa kaniya. "Mom, I'm grateful for your offer, but I'm afraid that I must refuse. May tinutuluyan akong bahay kasama ng mga katrabaho ko at alam mo naman po na napakasikip ng bahay na 'tin. I should go now mom," he answered then kiss her mother on her forehead. Binigyan siya ni Jaxxon ng isang sulyap 'tsaka walang lingon lingon itong nagtungo sa pintuan.

"See you next time, son. Dumalaw ka ulit dito," saad ng ina.

Hindi sumagot ang binata bagkus tumingin lang ito sa ginang saka lumabas ng silid ng wala man lang sinasabi.

Hindi na siya nagtaka nang hindi man lang nagpaalam sa kaniya. As if na parang hangin lang ako sa paningin nito. Napasimangot siya. "Argh! Bastos! Nakakabwiset talaga ang lalaking 'yon. Sana lang talaga ay hindi na magtagpo ang aming mga landas! Kahit na huwag na siyang bumalik dito!" pagmumuto ni Verlaine sa kaniyang sarili habang nakatingin sa pintuan na para bang tumatagos dito ang masamang tingin para sa lalaki. Lumapit siya sa kasintahan kapagkuwan ay hinawakan ang kamay nito na walang suwero. She heaved a sigh. Mahal, bakit gano'n ang ugali ng kakambal mo?

Pilit na iniaalis ni Verlaine ang inis sa kakambal ng nobyo. Alam niyang hindi dapat siya apektado sa inasal nito sa kaniya pero kahit naman siguro sinong tao na nasa normal na pag-iisip kung gano'n ang itrinato ay mao-offend. Laking pasalamat na lamang niya na walang nakuha si Clayton ng pag-uugali ng kakambal. Tama na nga!

Naramdaman ni Verlaine ang paglapat ng isang kamay sa kaniyang likod kung kaya naman napatingin siya rito.

"Hija, ako na ang humihingi ng tawad sa pag-uugali ng anak kong iyon ha? Kahit na hindi mo sabihin alam ko na-offend ka. Pagpasensiyahan mo na. Mabait naman ang anak kong 'yon kaya lang ay marahil ay naimpluwensiyahan na ng ibang lahi ang pag-uugali ni Jaxxon," pagpapaliwanag ng ginang.

Ibinaling ni Verlaine ang tingin dito saka ngumiti. "Okay lang, tita. Nakakagulat lang na may kakambal pala si Clayton. Wala kasi siyang nabanggit sa akin tungkol doon," pag-amin nito.

May dumaan na kalungkutan sa mga mata nito. Akmang magsasalita na sana ang tita niya ng biglang tumunog ang cellphone nito. "Excuse me, sasagutin ko lang ito, hija."

Tumango siya bilang sagot nang makalipas ng ilang minuto ay bumalik ito na may pag-alala sa mga mata.

"Hija, I have to go. Nagkaroon lang ng emergency sa shop at kailangan ako doon. Ikaw na muna ang bahala sa anak kong si Clayton ah. Dadaan na rin ako sa clerk para ayusin ang ilan pang balance sa bill ni Clayton," pagpapaalam ng Tita Liza niya.

"Sige na po, tita. Ako na po ang bahala kay Clayton," ngiting ani niya.

Niyakap siya nito kapagkuwan ay lumabas ng kuwarto. Nang maiwan siyang mag-isa ay 'tsaka lang siya nakahinga ng maluwag bagay na hindi niya magawa kanina. Ilan pang sandali ay naramdaman ang kalungkutan at pangungulila sa nobyo. Muli niyang tiningnan ang mahimbing pa rin na natutulog na si Clayton. Hinimas himas nito ang buhok nito kasabay ang paghilab ng mga mata. "I really miss you, hon. I'll wait for the day you return so, wake up soon. I love you." Natigilan siya nang may kumatok sa pintuan ng silid. Agaran niyang pinahiran ang luhang lumalandas mula sa kaniyang mga mata.

"Excuse me, pinapatawag mo kayo ni Dr. Sanchez para sa lagay ni Mr. Buenavista," ani ng nurse na nakadungaw sa pintuan. Agad siyang tumayo saka inayos ang sarili. Tiningnan niya ang kasintahan kapagkuwan ay hinalikan ito sa noo. "Babalik ako mahal."

Pasado alas-nuebe na nang makabalik si Verlaine sa kuwarto dahil umabot din ng halos lagpas dalawang oras ang pag-uusap ni Verlaine at ng doctor na siyang tumitingin sa nobyo. Ipinaliwanag nito sa kaniya ang naging dahilan ng pagkakaroon ng problema sa machine na nakakabit sa kaniyang kasintahan at 'yung gagawin nilang paraan to prevent it to happen again. Sinabi rin nito sa kaniya ang lagay ni Clayton at ang mga gamot na kakailanganin para sa medication nito at ang mga possible treatment na maaari nilang gawin to help him recover faster.

Isang buntong hininga ang inilibas ni Verlaine. Pabalik na sana ito sa upuan malapit sa kasintahan nang mapansin niya ang isang starbucks at dalawang balot ng tinapay ang nasa tabi ng fruit basket na nakapatong sa table samantalang sa tabi naman no'n ay isang din hindi gaanong makapal na kumot.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Verlaine ng wala naman siyang maalala na may starbucks doon ng umalis siya. Nilapitan niya ito at hinawakan. Mainit pa, ibig sabihin ay bago lang ito. Napansin niya ang isang maliit na papel na nakadikit sa likuran nito.

I know you're going to stay for the night so drink this and make sure to eat too. Also please use the blanket to keep you warm during the night. Take care, my island.

Lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil tanging 'yon lang ang nakalagay sa maliit na papel. Ni walang pangalang nakasaad kung kanino ba ito galing.

"Sino naman kaya ang magbibigay sa akin ng ganito at tawagin pa akong 'My Island'?" tanong niya sa kaniyang sarili kapagkuwan ay wala sa sariling napangiti siya. "My Island... the last time I read it on a note is when I was in highschool."

She shook her head still not losing the smile on her lips. Binuksan niya ang takip ng cup at parang naglaway siya nang malaman hot choco 'yon. Ang paborito niyang inumin. Ito ang palagi niyang ino-order noong high school pa lang siya at ito rin ang iniinom niya bago matulog. Which brought her some memories from that time. She remembered back then while she was studying, she always received something like this. Either juice or food with an attached paper with nice messages or encouraging words with the phrase 'My Island' on it at walang nakalagay kung kanino galing. At first, she was reluctant about eating or drinking it ngunit nang malaman niya na galing ang mga ito kay Clayton ay malugod na niyang tinatanggap ang mga ito. That is where their love story starts.

Now that she thought of it, ngayon na lang siya ulit nakatanggap ng ganitong may stickynote message na kasama. Imposible naman na ang kaniyang nobyo ang may bigay no'n. Bagamat nagtataka ipinagwalang bahala niya na lang ito.

Ininom niya choco cup at saka kinain ang kasama nitong mga tinapay saka umupo sa tabi ng taong mahal dala ang kumot na ipinulupot sa katawan niya saka hinayaan ang sariling agawin na ng antok.

Matagal niyang pinagmadan ang lalaking pinakamamahal habang paulit-ulit na hinahaplos ang buhok nito. Pilit na nilalaro sa kaniyang isipan ang mga magagandang alaala kasama ang lalaki. Sa bawat nakakatuwang alaala ay hindi niya maiwasan na hindi mapangiti o mapatawa. Those memories bring happiness and peace inside her heart. Wala siyang pakialam kung masabihan man siya ng baliw ng sinumang makakakita sa kaniya. She let herself drown in those happy memories with Clayton hanggang sa makaramdam siya ng antok. Ginawaran niya ito ng isang munting halik saka idinantay ang kaniyang ulo sa tabi ng nobyo. She closed her eyes and let the darkness take her back to the time where she was with Clayton.

"Good night mahal ko."

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

41.8K 1.4K 56
Mirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his...
238K 5.3K 34
PAGMAMAHAL Iyan ang gustong makuha ni Marie Lyssa mula sa nag iisang lalaki na naglalaman ng kaniyang puso. Ano kaya ang mangyayari kapag ipinilit ni...
8.2K 78 62
"I don't treat her as my girlfriend Not as my wife But as my property ... I want to shade her Every part of her Ngayon ako naman I don't want to love...
8.8K 351 33
[COMPLETED] Justin Philips is loyal to his girlfriend until one tragedy came. He was kidnapped and the mysterious girl boggled his mind and loyalty...