Rewrite The Stars

Por PlayfulEros

2.7K 1.5K 2

[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the... Más

Prologue
2nd Star
3rd Star
4th Star
5th Star
6th Star
7th Star
8th Star
9th Star
10th Star
11th Star
12th Star
13th Star
14th Star
15th Star

1st Star

257 155 0
Por PlayfulEros

FIRST

Kylo... Caden...” saad ni Reena habang naglalakad pababa ng hagdan. Hindi niya maiwasang isipin na magkatunog talaga ang mga pangalang ‘yon kaya pakiramdam niya ay kapatid talaga ni Caden ‘yong Kylo na pinapa-stalk nito sa kaniya.


Habang bumababa ng hagdan, biglang nahagip ng mga mata ni Reena ang lalaking papasok ng CR kaya agad siyang tumakbo pababa upang sundan ito ngunit may nabangga siya.


“Sor—” Naputol ang sasabihin ni Reena nang mapaangat ang tingin niya sa mukha ng lalaking nabangga.


Shet. Ang gwapo.


“I’m sorry,” wika ng lalaki sa baritonong boses nito at pinulot ang isang pirasong librong nahulog ni Reena nang magkabanggaan sila.


Shet. Ang gwapo rin ng boses.


Sa mga oras na ito ay wala nang pakialam si Reena sa libro na nalaglag, nakatuon ang buo niyang atensyon sa guwapong mukha ng lalaking nasa harap niya. Naisip pa niya na kung totoo ngang naghuhulog ang langit ng mga anghel dito sa lupa ay tiyak siyang isa ang lalaking ito sa mga hinulog na anghel. Medyo matapang at nakakatakot ang mukha ng lalaki ngunit hindi naman iyon alintana ni Reena dahil nangingibabaw ang kakisigan nito.


Inabot ng lalaki ang libro kay Reena kaya nagtama ang kanilang mga tingin dahilan para sandaling matigilan ang dalaga. Hindi niya mawari kung dahil sobrang gwapo talaga ng lalaking ito kaya ganito na lang kalakas ang tibok ng puso niya nang makita ito nang harapan o may iba pang dahilan.


Pagkakuha ni Reena sa libro ay nagpatuloy na ang lalaki sa pag-akyat pero sinundan niya ito ng tingin at nakitang naka-jersey ito ng football varsity. Tila nadikit na ang mga mata niya sa lalaki nang mabasa ang apelyidong nakatatak sa likod ng jersey nito. At ayun na nga, naiwan na siyang nakatitig sa likod ng binata hanggang sa lumiko na ito at tuluyan nang nawala sa paningin niya.


Parang bumalik ang kanina pang nawalang hininga ni Reena nang nasa harap pa niya ang lalaki. Hindi pa rin siya maka-get over dahil ang ganda ng tikas ng katawan ng lalaking iyon, napakagwapo, at mukhang mabait. Sa unibersidad na ito, dahil halos puro mayayamang mga walang modo lahat ng estudyante, himala na kung may hihingi pa ng paumanhin sa’yo kapag nabangga ka nila lalo na kung alam nilang mahirap ka kagaya ni Reena pero iba ang lalaking iyon. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ni Reena kung paanong yumuko pa ang lalaki para kunin at iabot ang libro niya sa kaniya.


Nagpatuloy na rin si Reena sa pagbaba ng hagdan nang mahimasmasan na ngunit hindi niya napigilang bigkasin ang apelyidong nakita sa jersey ng lalaking nakabangga.


“Del Fierro...”


Pagkababa ni Reena ng hagdan, natanaw niya ang CR ng mga lalaki at parang eroplanong nag-crash, tinamaan siya ng inis dahil nakalimutan niya ‘yung inii-stalk niya. Agad siyang tumakbo palapit sa CR at nagtago sa pader ‘di kalayuan dito.



Pagkatapos ng dalawang oras ay nakasalampak na si Reena sa lapag sa sobrang bagot dahil hindi pa rin lumalabas ang inii-stalk niya. Inis siyang tumayo at dire-diretsong pumasok sa CR ng mga lalaki. Mas nainis pa siya dahil pagpasok niya, walang katao-tao sa loob dahil gabi na. Binuksan niya isa-isa ang mga cubicles at ni isa ay walang nilabas na Kylo.


Umuwi si Reena na talunan nang gabing iyon pero hindi roon natapos ang lahat. Simula noon, araw-araw na niyang sinusundan ang Kylo na ‘yon at araw-araw din itong hindi na lumalabas mula sa CR kapag pumapasok ito roon. Napaisip tuloy si Reena kung may secret passage o secret chamber ang CR na iyon, parang sa Chamber of Secrets lang. Nag-isip siya nang mabuti at nakaisip nga siya ng—sa kaniyang sariling mga salita—isang ‘malupit na ideya.’



Nang sinusundan ni Reena si Kylo at pumasok na ito sa banyo, agad na tumakbo ang dalaga papunta sa labas ng building kung nasaan ang mga bintana ng banyo na nasa loob at natuklasan na rin niya ang sikreto ni Kylo.


Nakita ni Reena na may naghagis ng bag mula sa isang bintana kaya lumapit siya rito upang i-check kung kay Kylo ba ‘yon. Nagulat siya nang bigla na lang may dumagan sa kaniya at mas nagulat siya nang makitang si Kylo ‘yon.


Nagkatitigan sila. Para bang tinitingnan ni Kylo kung kilala ba niya si Reena. Habang nakikipagtitigan sa lalaki ay napaisip si Reena.


Ito pala ang ginagawa niya kaya hindi na siya lumalabas ng banyo once na pumasok siya.


Natigilan si Reena nang hawakan ni Kylo ang mukha niya. Para siyang nakuryente nang maramdaman ang kamay ng binata sa balat ng pisngi niya ngunit hindi siya makakibo dahil napatitig na lang siya sa mga mata ng lalaking nasa ibabaw niya na tila kinikilatis ang buong pagkatao niya sa pamamagitan ng pagtitig sa kaniya.


Biglang hinawakan ni Kylo nang mahigpit ang braso ni Reena na dahilan ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ng dalaga dahil sa kaba. Anong ginagawa niya?


“Spy ka ba? Pinapasundan na naman ba ako ng mga magulang ko?” halatang kabadong tanong ni Kylo at halata sa tono niyang malilintikan si Reena kapag sumagot ito ng ‘oo’ kaya agad na nag-isip ang dalaga ng palusot. Nagkaroon naman ng ideya si Reena nang mapansing nakasuot si Kylo ng football jersey.


“F-Fan... fan mo ako,” sambit ni Reena at naramdaman naman niyang lumuwag ang pagkakahawak sa kaniya ng binata hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan.


“Fan?” tanong ng lalaki kaya tumangu-tango si Reena.


“Sorry dahil... medyo matagal na rin kitang inii-stalk dahil idol nga kita,” pagsisinungaling ni Reena na iniisip nang mabuti ang mga susunod pa niyang ipapalusot.

“Nakita mo na akong maglaro?” tanong ni Kylo na para bang sinisiguro pa rin talaga kung nagsasabi ng totoo ang dalagang kausap.

“I-Isang beses pa lang...” sagot ni Reena at nagulat siya nang mag-thumbs up sa kaniya si Kylo. Napaka-aliwalas ng mga ngiti nito na sandaling kinatitigan ni Reena. Mukha siyang anghel.


“Ayos lang ‘yun!” nakangiting sabi ng binata kaya biglang naguluhan si Reena. Bipolar ba siya?


“Gusto mo bang sumama? May training ako ngayon,” ani Kylo kaya agad namang tumangu-tango si Reena bilang sagot.


Mukhang natuwa talaga si Kylo nang malamang gusto siyang panoorin mag-training ni Reena kaya hindi namamalayan ay napangiti rin si Reena. Nakakahawa ang ngiti ng binatang kaharap niya.


Nagsimula na silang maglakad papuntang field at nang makarating sa field ay kay Reena ipinatabi ni Kylo ang mga gamit niya kaya naman nagulat ang dalaga. Hindi kalayuan sa training grounds pumwesto si Reena pero hindi pa rin siya makapaniwala na pinagkatiwalaan siya ni Kylo sa mga gamit nito kahit na kakakilala pa lang nito sa kaniya. Iba rin ‘tong lalaking ‘to. Paano pala kung magnanakaw ako eh, ‘no?


Pinanood lang ni Reena si Kylo habang nagti-training ito ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang atensyon niya rito dahil nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na apelyidong ilang araw nang nasa isip niya at nakita nga niya ‘yong Del Fierro na tumulong sa kaniya noon. Nang makitang mukhang nag-break si Del Fierro ay kukuhanan sana niya ito ng tubig para rin makapagpakilala siya pero may lumapit dito na babae at inabutan ito ng bottled water.


Wala nang nagawa si Reena kung hindi pagmasdan si Del Fierro at ang babaeng kasama nito. Nakita niyang ngumiti nang kaunti si Del Fierro nang lumingon sa ibang direksyon iyong babae.


“Grabe, ang ganda talaga ni Venus Frias,” narinig ni Reena na sabi ng lalaki mula sa ‘di kalayuan. Naka-jersey din ang lalaking ito at mukhang nag-break din, nakatingin din ito kanila Del Fierro at sa dalagang kasama nito kaya mukhang iyong babae ngang pinagmamasdan din ni Reena ang tinutukoy nito.

“Oo nga, ang suwerte natin at sumali sa varsity si Levi kaya nakikita natin regularly si Venus,” sagot pa ng katabi ng lalaki na naka-jersey din.


Levi pala ang pangalan ni Del Fierro.


“Saka matalino pa at dagdag pa sa hotness niya ang pagiging cadet officer,” dagdag pa ng naunang lalaki.


Napatingin si Reena sa babaeng kasama ni Levi na ang pangalan daw ay Venus at sumang-ayon naman siya sa sinabi ng mga lalaki.


Naka-cadet uniform, maganda talaga ang dalagang ito kahit para kay Reena, at mukha ring mabait.


Sana lahat kasing gifted niya.


Bumalik na lang si Reena sa bench kung nasaan siya nakaupo kanina at nagscroll-scroll sa Twitter sa isa pa niyang cellphone na touchscreen ngunit puno na rin ng Scotch tape. Naagaw naman ng isang tweet ang atensyon niya.


‘King Industries Chairman Gilbert King will be awarded a presidential award.’


Grabe... sobrang yaman ng mga King na ‘to. Balita ni Reena ay marami ring business ang Gilbert King na ito sa ibang bansa at laman din ito palagi ng balita kaya naman pamilyar talaga si Reena sa pangalan nito.


“Ano ‘yan?”

“Ay, jusko!” nasigaw ni Reena sa gulat nang biglang may ulong sumulpot sa harap niya at nakiusyoso sa tinitingnan niya sa telepono niya.


“Hindi ko mabasa...” sabi ni Kylo dahil nasa harap siya ni Reena nakatayo at nakatapat ang mukha niya sa telepono ng dalaga.


Paano niya mababasa, eh malamang baliktad ang tingin niya sa phone ko. Sira rin ‘to, eh.


“Dito ka nga para mabasa mo,” hila ni Reena kay Kylo paupo sa tabi niya. Umupo naman si Kylo at tiningnan ang nasa telepono ng dalagang katabi. Nang mabasa niya ang tinitingnan nito ay agad niyang ini-scroll ang feed at pinindot ang home saka drinag pababa ang screen upang mag-refresh ang feed. Nagulat naman si Reena sa ginawa ng binata kaya hinarap niya ito.


“Hala! Bakit mo ni-refresh? Hindi ko pa tapos basahin ‘yun!” reklamo ni Reena ngunit tinuro lang ni Kylo ang screen ng telepono niya.

“Ang cute, oh,” saad ng binata at nakita naman ni Reena ang otter sa feed niya.

“Boring ‘yung article. Mas worth it tingnan ang mga cute na bagay katulad nito!” tuwang-tuwa pang sabi ni Kylo at tinuro ulit ang otter.


Napatingin na lang si Reena kay Kylo na tuwang-tuwa sa otter. Sa totoo lang ay hindi lang pagtingin ang ginawa niya kung hindi pagtitig.


Para siyang bata.


Sa nakikita ni Reena ay sobrang babaw ng kaligayahan ni Kylo. Siguro kapag binigyan ko siya ng lollipop ngayon, magtatatalon siya sa tuwa.

Kaya ba pina-stalk sa akin ‘to para bantayan dahil mukhang uto-uto?


“Oo nga pala, may training ulit ako bukas. Gusto mo bang sumama ulit?" nakangiting tanong ni Kylo kay Reena at bakas sa mukha niyang matutuwa talaga siya kapag sinabi ng dalagang pupunta ulit ito.


Well, trabaho ko rin namang i-stalk siya...


“Sige!” nakangiting sagot ni Reena at sobra ngang natuwa si Kylo sa sagot niya.


Para talagang batang tuwang-tuwa si Kylo ngayon. Siguro nga kaya pina-stalk ni Caden sa akin ‘tong kapatid niya ay dahil mukhang madaling maloko at mauto. Pinagkatiwala nga niya kay Reena ang bag niya kahit na hindi naman niya ito kilala.


Napakunot ang noo ni Reena nang may mapagtanto. Teka, dapat dagdag bayad ‘to, ah! Usapan mangsi-stalk lang pero parang magiging bodyguard na ako ng lalaking ‘to, eh.


“It was nice meeting you, Reena. See you tomorrow!” paalam ni Kylo kay Reena kaya nagulat ang dalaga nang banggitin niya ang pangalan nito.


Paano niya nalama—Napahawak si Reena sa ID niya at napagtantong malamang ay kanina pa alam ni Kylo ang pangalan niya kaya hindi ito natakot ipagkatiwala sa kaniya ang mga gamit nito. Akala ko pa naman medyo uto-uto siya.


Umuwi na rin si Reena at nagpahinga. Mukhang mahaba-haba pa ang araw niya bukas.


♤♤

Seguir leyendo

También te gustarán

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞